Panimula
๐๐ฑ๐ข๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ฏ๐ข๐ฌ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ช๐ด๐ข๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ข๐ต๐ข๐ฏ๐จ ๐ญ๐ข๐ญ๐ข๐ฌ๐ช ๐ฏ๐ข ๐ฎ๐ข๐จ๐ฉ๐ข๐ฉ๐ข๐ณ๐ช ๐ด๐ข ๐ข๐ฎ๐ช๐ฏ. ๐๐ข๐ต๐ข๐ธ๐ข๐จ๐ช๐ฏ ๐ด๐ช๐บ๐ข๐ฏ๐จ, โ๐๐ข๐ฉ๐ข๐ฏ๐จ๐ข-๐ฉ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ฏ๐จ ๐๐ข๐จ๐ข๐ฑ๐ข๐บ๐ฐ, ๐๐ข๐ฌ๐ข๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ๐บ๐ข๐ณ๐ช๐ฉ๐ข๐ฏ๐จ ๐๐ช๐บ๐ฐ๐ด, ๐๐ข๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ฏ๐จ๐จ๐ข๐ฏ๐จ ๐๐ฎ๐ข, ๐ข๐ต ๐๐ณ๐ช๐ฏ๐ด๐ช๐ฑ๐ฆ ๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ฑ๐ข๐บ๐ข๐ฑ๐ข๐ข๐ฏ.โ ๐๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ฎ๐ข๐จ๐ธ๐ข๐ธ๐ข๐ฌ๐ข๐ด ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐จ-๐ถ๐ฏ๐ญ๐ข๐ฅ ๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฏ๐บ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐ฎ๐ข๐ฎ๐ข๐ฉ๐ข๐ญ๐ข, ๐ข๐ต ๐ฎ๐ข๐จ๐ฉ๐ข๐ฉ๐ข๐ณ๐ช ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฑ๐ข๐บ๐ข๐ฑ๐ข๐ข๐ฏ. ๐๐ช๐บ๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐จ๐ฎ๐ข๐ฎ๐ข๐ฏ๐ข ๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฉ๐ข๐ณ๐ช๐ข๐ฏ ๐ฏ๐ช ๐๐ข๐ท๐ช๐ฅ. ๐๐ข๐ต๐ข๐ต๐ข๐ต๐ข๐จ๐ช๐ฏ ๐ฏ๐ช๐บ๐ข ๐ช๐ต๐ฐ ๐ข๐ต ๐ฑ๐ข๐จ๐ฉ๐ข๐ฉ๐ข๐ณ๐ช๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐บ ๐ฌ๐ข๐ต๐ข๐ณ๐ถ๐ฏ๐จ๐ข๐ฏ ๐ข๐ต ๐ฌ๐ข๐ต๐ถ๐ธ๐ช๐ณ๐ข๐ฏ ๐ฎ๐ข๐จ๐ฑ๐ข๐ฌ๐ข๐ช๐ญ๐ข๐ฏ๐ฎ๐ข๐ฏ. ๐๐ช๐ด๐ช๐จ๐ถ๐ณ๐ข๐ฅ๐ถ๐ฉ๐ช๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ฏ๐จ๐ช๐ฏ๐ฐ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ฌ๐ข๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ๐บ๐ข๐ณ๐ช๐ฉ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐ข ๐ฎ๐ข๐ต๐ถ๐ต๐ถ๐ฑ๐ข๐ฅ ๐ช๐ต๐ฐ. ๐๐ฆ๐๐๐๐ฆ ๐ต:๐ฒโ๐ณ
Ang pamamahala o kaharian ay isang pangunahing tema sa buong Kasulatan. Ang kahulugan na kadalasang ibinibigay dito ay ang kaharian kung saan namamahala ang Diyos bilang Hari. Hindi lamang ito tumutukoy sa kalangitan. Kabilang din dito ang pamamahala ng Diyos sa mundo, kung saan si Jesus, ang itinakda ng Diyos na Hari, ay namamahala. Ang kaharian ng Diyos ay hindi limitado sa isang partikular na lupain o kaya ay grupo ng tao. Sumasaklaw ito sa Kanyang pamamahala sa langit at sa lupa, sa mga bagay na nakikita at hindi nakikita (Mga Taga-Colosas 1:16โ17). Maaari itong maranasan ninuman sa anumang larangan ng lipunan.
Ang kaharian ng Diyos ay lubos na kasiya-siya (Genesis 1:31), at itinalaga Niya na pamahalaan ng sangkatauhan ang mundo bilang Kanyang mga kinatawan. Subalit nagkasala ang tao at ibinigay nila ang pamamahala sa mundo kay Satanas (Lucas 4:5โ6; Juan 12:31โ33; 14:30; 16:11), at isang sumpa ang nakapasok sa mga nilikha. Ang kasalanan ay nagbunga ng kamatayan, karamdaman, paghihirap, hindi pagkakasundo, at kawalan ng hustisya, at ang iba pang kasamaan ay nakapasok sa mundo. Ito ang dahilan kung bakit si Jesus, na ating Diyos, ay nagkatawang tao: upang itatag ang pamamahala ng Diyos sa mundo.
Nang unang dumating si Haring Jesus, pinasinayaan Niya ang kaharian ng Diyos, na kakikitaan ng kapayapaan, katarungan, katuwiran, (Isaias 9:7), at kagalakan (Mga Taga-Roma 14:17). Nagsisimula itong maliit, subalit patuloy itong lumalago hanggang sa lumaganap sa lahat ng larangan ng lipunan magdala ng pagbabago sa lahat ng nilikha. Ibinalik Niya ang orihinal na disenyo ng tao na namamahala sa buong mundo, habang nasa ilalim ng pamamahala ng Diyos. Tinalo ni Jesus ang kaaway sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan at muling pagkabuhay. Nang Siya ay umakyat muli sa langit, tinanggap Niya ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa:
๐๐ถ๐ฎ๐ข๐ฑ๐ช๐ต ๐ด๐ข ๐ฌ๐ข๐ฏ๐ช๐ญ๐ข ๐ด๐ช ๐๐ฆ๐ด๐ถ๐ด ๐ข๐ต ๐ด๐ช๐ฏ๐ข๐ฃ๐ช, โ๐๐ฃ๐ช๐ฏ๐ช๐จ๐ข๐บ ๐ด๐ข ๐ข๐ฌ๐ช๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ญ๐ข๐ฉ๐ข๐ต ๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ๐บ๐ข๐ณ๐ช๐ฉ๐ข๐ฏ ๐ด๐ข ๐ญ๐ข๐ฏ๐จ๐ช๐ต ๐ข๐ต ๐ด๐ข ๐ญ๐ถ๐ฑ๐ข. ๐๐ข๐บ๐ข ๐ฑ๐ถ๐ฏ๐ต๐ข๐ฉ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐ช๐ฏ๐บ๐ฐ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ญ๐ข๐ฉ๐ข๐ต ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ญ๐ข๐ฉ๐ช ๐ข๐ต ๐จ๐ข๐ธ๐ช๐ฏ ๐ด๐ช๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ต๐ข๐จ๐ข๐ด๐ถ๐ฏ๐ฐ๐ฅ ๐ฌ๐ฐ. ๐๐ข๐ถ๐ต๐ช๐ด๐ฎ๐ถ๐ฉ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐ช๐ฏ๐บ๐ฐ ๐ด๐ช๐ญ๐ข ๐ด๐ข ๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ญ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐๐ฎ๐ข ๐ข๐ต ๐ฏ๐จ ๐๐ฏ๐ข๐ฌ ๐ข๐ต ๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ฏ๐ข๐ญ ๐ฏ๐ข ๐๐ด๐ฑ๐ช๐ณ๐ช๐ต๐ถ. ๐๐ถ๐ณ๐ถ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐ช๐ฏ๐บ๐ฐ ๐ด๐ช๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ด๐ถ๐ฎ๐ถ๐ฏ๐ฐ๐ฅ ๐ด๐ข ๐ญ๐ข๐ฉ๐ข๐ต ๐ฏ๐จ ๐ช๐ฏ๐ช๐ถ๐ต๐ฐ๐ด ๐ฌ๐ฐ ๐ด๐ข ๐ช๐ฏ๐บ๐ฐ. ๐๐ต ๐ต๐ข๐ฏ๐ฅ๐ข๐ข๐ฏ ๐ฏ๐ช๐ฏ๐บ๐ฐ: ๐ญ๐ข๐จ๐ช ๐ฏ๐ช๐ฏ๐บ๐ฐ ๐ข๐ฌ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ด๐ข๐ฎ๐ข ๐ฉ๐ข๐ฏ๐จ๐จ๐ข๐ฏ๐จ ๐ด๐ข ๐ฌ๐ข๐ต๐ข๐ฑ๐ถ๐ด๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ถ๐ฏ๐ฅ๐ฐ.โ ๐ ๐๐ง๐๐ข ๐ฎ๐ด:๐ญ๐ดโ๐ฎ๐ฌ
Nang utusan ni Jesus ang Kanyang mga disipulo na pumunta sa lahat ng mga lahi at magdisipulo sa lahat ng mga bayan, hindi lamang Niya tinutukoy ang pagdidisipulo tuwing Linggo ng hapon sa mga kapihan. Ang tinutukoy Niya ay pagdidisipulo ng mga bayan. Hindi lang din mga tao sa paligid natin ang tinutukoy Niya. Ang tinutukoy Niya ay mga bayan at grupo ng mga tao na isang araw ay magtitipon-tipon sa Kanyang trono at sasamba sa Kanya sa ibaโt ibang wika.
Ang pagtawag sa mga mamamayan ng Diyos ay ganito na sa simula pa lamang: pandaigdigan at malawak, sumasaklaw sa lahat ng larangan ng buhay at lipunan. Ang pagtawag ay hindi nagsimula sa Dakilang Komisyon sa Mateo 28. Nagsimula ito matapos likhain ng Diyos sina Adan at Eva sa Genesis. Sa kabuuan ng tala sa Bibliya, malinaw na ang sangkatauhan ay tinawag upang ihayag ang karangalan ng Diyos sa mundo.
Sa muling pagdating ni Jesus, ang Kanyang kaharian ay magiging ganap, at ang lahat ng nilikha ay magbabago at mailalagay sa ilalim ng Kanyang mabuting pamamahala magpakailanman. Bilang Kanyang mga mamamayan, tayo ay may mga tungkuling dapat gampanan pansamantala. Dapat tayong magdisipulo ng mga indibidwal, pamilya, at mga bayan upang sila ay matubos at magbago ayon sa disenyo ng Diyos sa ilalim ng Kanyang kaharian.
Ito ang nasa puso ng Victory group material na nasa iyong mga kamay ngayon. Si Jesus ay binigyan ng kapangyarihan na pamahalaan ang lahat ng nilikha, sa bawat larangan ng lipunan. Walang lugar sa buong nilikha na wala sa ilalim ng Kanyang pagka-Panginoon. Ang Kanyang pamamahala at kaharian ay patuloy na lumalaganap at mananatili magpakailanman. Bilang Kanyang mga mamamayan, tayo ay tinawag upang dalhin ang kahariang ito sa lahat ng larangan ng lipunan.
Ipinapahayag sa Kasulatan ang tatlong awtoridad na hinirang at itinalaga ng Diyos upang pamahalaan ang mga gawain sa mundo: ang pamilya, iglesya, at pamahalaang sibil. Ang pamahalaan ay nagbibigay ng direksyon, regulasyon, kontrol, at pagpigil. Ito ay tulad ng isang manibela, kambyo, at mga pedal ng gas at preno ng isang kotse na nagbibigay sa isang nagmamaneho ng kakayahan na makapunta sa kailangan niyang puntahan. Pamahalaanโang pagbigkas pa lamang ng salitang ito ay maaari nang humantong sa libu-libong reaksyon at pahayag, lalo na sa ating pambansang konteksto. Anuman ang inyong opinyon tungkol dito, ang pamahalaan ay may tungkulin sa buhay ng lahat. Hindi lamang ito tumutukoy sa pamahalaang sibil, kundi sa banal na awtoridad o kaya ay sa taong may awtoridad na gumagamit ng karapatan at kapangyarihan na mamahala. Subalit ang mabuting balita ay kapag nagpasakop tayo sa pamamahala ng Diyos, mararanasan natin ang Kayang mabuti, mapag-alaga, matuwid, at makatarungang pamamahala.
Ang lathalaing ito ay hinati sa apat na pangkat upang masakop ang mga pangunahing larangan ng pamamahala at humantong sa pagsunod sa pamamahala ni Cristo:
๐ฃ๐ฎ๐บ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐น๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฆ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐น๐ถ ๐๐ฎ ๐๐น๐ฎ๐น๐ถ๐บ ๐ป๐ด ๐๐ถ๐๐ผ๐: ๐ฆ๐ถ๐๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ก๐ฎ๐บ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐น๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐๐ถ๐ป๐ด ๐๐๐ต๐ฎ๐
Ang pamamahala sa sarili sa ilalim ng Diyos ay ang pundasyon ng tatlo pang larangan ng pamamahala na itinalaga ng Diyos: pamilya, iglesya, at pamahalaang sibil. Kung wala ang pamamahala sa sarili, ang lahat ng ito ay mabubuwag at mabibigo. Tatalakayin sa bahaging ito kung paano natin magagawang pamahalaan ang mga pangunahing aspeto ng ating buhay: ang ating puso, pananalita, katawan, oras, at pananalapi, sa ilalim ng pamamahala at kapangyarihan ng Diyos.
๐๐ป๐ด ๐๐ถ๐๐ผ๐ ๐ฎ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐บ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐น๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐บ๐ถ๐น๐๐ฎ: ๐ฆ๐ถ๐๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ก๐ฎ๐บ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐น๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐๐ถ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐บ๐ถ๐น๐๐ฎ
Ang pamilya ay kilala bilang pangunahing bahagi ng lipunan. Ibinigay ng Diyos ang Kanyang utos na magpakarami at mamahala sa lahat buong mundo sa unang pamilya na nilikha Niya. Ang lipunan at ang lahat ng bayan ay nagsimula sa pamilya. Maging sa kasalukuyan, ang pamilya ang bumubuo sa isang bansa at mahalagang tungkulin na ginagampanan dito. Ang pagkasira ng pamilya ay nagdadala ng pagkasira ng lipunan. Kung tayo ay magdidisipulo ng bayan, kailangan nating magdisipulo ng pamilya at ituro sa kanila ang layunin ng Diyos. Sa bahaging ito, pag-aaralan natin ang Kanyang layunin para sa pamilya at sa balangkas na Kanyang itinakda upang pamahalaan ang mga ugnayan sa loob nito.
๐๐ป๐ด ๐๐ถ๐๐ผ๐ ๐ฎ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐บ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐น๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ด๐น๐ฒ๐๐๐ฎ: ๐ฆ๐ถ๐๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐จ๐น๐ผ ๐ป๐ด ๐๐ด๐น๐ฒ๐๐๐ฎ
Si Jesu-Cristo ang ulo ng Iglesya, na Kanyang katawan, kung saan naninirahan ang Banal na Espiritu, at ang pangunahing instrumento para sa pagbibigay ng karangalan sa Diyos at sa pagsulong ng Kanyang kaharian sa mga bayan. Kapag ang Iglesya ay pinamamahalaan ayon sa pamamaraan ni Cristo, ito ay magiging malakas at magkakaroon ng kakayahan na isagawa ang Kanyang utos na magdisipulo ng lahat ng mga bayan. Sa bahaging ito, titingnan natin ang layunin ng Diyos sa Iglesya dito sa mundo, ang kaayusan ng pamamahala na itinatag niya sa Iglesya, at ang layunin ng mga pinuno at miyembro ng iglesya, sa loob ng Iglesya at sa mundo.
๐๐ป๐ด ๐๐ถ๐๐ผ๐ ๐ฎ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐น๐ฎ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฆ๐ถ๐ฏ๐ถ๐น: ๐ฆ๐ถ๐๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ด๐ถ๐ป๐ผ๐ผ๐ป ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐ฎ๐ป๐๐ฎ
Buong tapang na inihahayag sa Bibliya na lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa ay ibinigay kay Jesus (Mateo 28:19) at ang lahat ng pamahalaan ay nagmula sa Diyos (Mga Taga-Roma 13:1). Ang pinagmumulan ng awtoridad ng mga namumuno at mga pamahalaan ay ang kapangyarihan ng Diyos na nangingibabaw sa lahat ng mga bansa. Sa bahaging ito, titingnan natin ang intensyon at layunin ng Diyos para sa pamahalaang sibil sa pamamagitan ng pagtingin sa isinalaysay sa Bibliya. Titingnan din natin kung paano tumugon ang mga mananampalataya sa mga panahong nakasaad sa Bibliya at sa buong kasaysayan sa pamahalaang sibil. Kapag tunay nating nauunawaan ang disenyo ng Diyos para sa pamahalaang sibil at sa ating tungkulin bilang isang Iglesya at mga indibidwal na mananampalataya, mas magkakaroon tayo ng kakayahan na isulong ang kaharian ng Diyos at magdisipulo ng mga bayan.
Ang kapangyarihan at awtoridad ni Jesus ay bumabalot sa lahat ng larangan ng lipunan at ng mga nilikha at nagsisilbing basehan at saklaw ng iniutos sa Iglesya na magdisipulo. Kapansin-pansin na hindi pa natin ito narating. Marami pang tao ang hindi nakakakilala kay Jesus. Nawawasak pa rin ang mga pamilya. Tinatanggihan pa rin ng mga lipunan ang pangalan ni Cristo. Ang mga pamahalaan ay nanatiling lumalaban sa pamamahala ng Diyos. Subalit ang kautusan sa Iglesya na pumunta sa lahat ng lahi at ipahayag si Jesus ay kasing linaw pa rin ng dati. Tayo ay tinawag upang magdisipulo ng lahat ng bayan. Ang gawaing ito ay pandaigdigan, subalit kailangan nating magsimula kung saan man tayo naroonโsa ating tahanan, sa ating komunidad, at sa ating bayan.