Ang Layunin ng Pamilya
๐ช๐๐ฅ๐ -๐จ๐ฃ
โข Sino sa pamilya mo ang laging handang tumulong sa iyo noong bata ka? Ano ang mga kuwento na sinasabi iyo ng mga magulang o tagapangalaga mo tungkol sa pagkapanganak mo?
โข Ano ang isang bagay kung saan kilala ang iyong pamilya o angkan? Ano ang masasabi mong katangian o pag-uugali na karaniwan sa inyong pamilya?
โข Ano ang isang bagay kung saan kilala ang pamilya o angkan mo. Ano ang masasabi mong karaniwang pag-uugali ng mga kapamilya mo? Bakit?
๐ช๐ข๐ฅ๐
๐๐ข๐บ๐ข ๐ฏ๐ช๐ญ๐ช๐ฌ๐ฉ๐ข ๐ฏ๐จ ๐๐ช๐บ๐ฐ๐ด ๐ข๐ฏ๐จ ๐ต๐ข๐ฐ, ๐ญ๐ข๐ญ๐ข๐ฌ๐ช ๐ข๐ต ๐ฃ๐ข๐ฃ๐ข๐ฆ ๐ข๐บ๐ฐ๐ฏ ๐ด๐ข ๐ธ๐ข๐ฏ๐จ๐ช๐ด ๐ฏ๐ช๐บ๐ข. ๐๐ช๐ฏ๐ข๐ด๐ฃ๐ข๐ด๐ข๐ฏ ๐ฏ๐ช๐บ๐ข ๐ด๐ช๐ญ๐ข ๐ข๐ต ๐ด๐ช๐ฏ๐ข๐ฃ๐ช, โ๐๐ข๐จ๐ฑ๐ข๐ฌ๐ข๐ณ๐ข๐ฎ๐ช ๐ฌ๐ข๐บ๐ฐ ๐ฑ๐ข๐ณ๐ข ๐ฎ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ญ๐ข๐ต ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ญ๐ข๐ฉ๐ช ๐ฏ๐ช๐ฏ๐บ๐ฐ ๐ข๐ต ๐ฎ๐ข๐ฎ๐ข๐ฉ๐ข๐ญ๐ข ๐ด๐ข ๐ฃ๐ถ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ถ๐ฏ๐ฅ๐ฐ. ๐๐ต ๐ฑ๐ข๐ฎ๐ข๐ฉ๐ข๐ญ๐ข๐ข๐ฏ ๐ฏ๐ช๐ฏ๐บ๐ฐ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ญ๐ข๐ฉ๐ข๐ต ๐ฏ๐จ ๐ฉ๐ข๐บ๐ฐ๐ฑ.โ ๐๐๐ก๐๐ฆ๐๐ฆ ๐ญ:๐ฎ๐ณโ๐ฎ๐ด
Ang pamilya ay kilala bilang ang pinakamaliit na bahagi ng lipunan, at maraming katotohanan at suporta mula sa Bibliya tungkol dito. Sa simula, ibinigay ng Diyos kay Adan at Eva (ang unang mag-asawa) ang Kanyang kautusan na maging mabunga, magpakarami, at pamahalaan ang buong mundo. Ang lipunan at ang lahat ng bayan ay nagsimula sa pamilyang ito. Maging sa kasalukuyan, ang mga pamilya ang bumubuo sa mga bayan at ang may pinakamahalagang tungkulin dito. Ang pagguho ng pamilya ay humahantong sa pagguho ng lipunan. Kung magdidisipulo tayo ng mga bayan, kailangan nating madisipulo ang mga pamilya at ituro sa kanila ang disenyo at layunin ng Diyos para sa pamilya. Ayon sa pahayag na ito, titingnan natin kung bakit itinatag ng Diyos ang pamilya.
๐ญ. ๐๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐บ๐ถ๐น๐๐ฎ ๐ฎ๐ ๐ถ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐ธ๐ฑ๐ฎ ๐๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ถ๐ฝ๐ฎ๐ต๐ฎ๐๐ฎ๐ด ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ถ๐๐ผ๐ ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐๐๐น๐๐ป๐ด๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐ฎ๐ผ ๐ป๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ธ๐ถ๐น๐ฎ๐น๐ฎ ๐ฆ๐ถ๐๐ฎ.
๐๐ข๐บ๐ข ๐ฏ๐ช๐ญ๐ช๐ฌ๐ฉ๐ข ๐ฏ๐จ ๐๐ช๐บ๐ฐ๐ด ๐ข๐ฏ๐จ ๐ต๐ข๐ฐ, ๐ญ๐ข๐ญ๐ข๐ฌ๐ช ๐ข๐ต ๐ฃ๐ข๐ฃ๐ข๐ฆ ๐ข๐บ๐ฐ๐ฏ ๐ด๐ข ๐ธ๐ข๐ฏ๐จ๐ช๐ด ๐ฏ๐ช๐บ๐ข. ๐๐๐ก๐๐ฆ๐๐ฆ ๐ญ:๐ฎ๐ณ
Nilikha ng Diyos ang tao ayon sa wangis Niya. Tinutukoy nito ang Kanyang mga katangian at hindi ang Kanyang nakikitang anyo. Bilang mga tagapagdala ng Kanyang wangis, ang mga tao ay nakatakdang ipahayag ang Kanyang imahe bilang isang indibidwal at bilang isang pangkat. Mas mararanasan ito sa konteksto ng pamilya.
Ang nag-iisang Diyos ay may tatlong persona: Ama, Anak, at Banal na Espiritu. Nais ng Diyos na nakikipag-ugnayan at gumagamit Siya ng mga salitang โAmaโ at โAnakโ upang ipakilala kung sino Siya. Una nating nararanasan, nauunawaan, at naipapahayag ang Diyos sa iba sa pamamagitan ng mabuti, makadiyos, at mapagmahal na mga ugnayan sa isang pamilya. Subalit maraming mga ugnayan maging sa ating pamilya ang naputol o nasira dahil sa kasalanan. Dahil dito, hindi na malinaw ang pagkakakilala natin sa Diyos, at maaaring nahihirapan tayong makipag-ugnayan at magtiwala sa Kanya, at pati na rin ang maipahayag ang Kanyang kabutihan sa lipunan at sa mundo. Ang mabuting balita ay maaaring pagtagumpayan ng biyaya ng Diyos ang ating nakaraan at isaayos ang mga indibidwal at mga pamilya. Habang tayo ay dinidisipulo, mas lalo pa nating nararanasan ang kagalingan at pagbabago. Dahil dito, may naipapahayag ng ating buhay at pamilya kun sino ang Diyos sa mga tao sa paligid natin at sa iba pa sa lipunan. Anong uri ng pamilya ang kinalakihan mo? Anong katotohanan tungkol sa Diyos ang natutunan o naranasan mo dahil sa pagiging miyembro ng pamilya mo?
๐ฎ. ๐๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐บ๐ถ๐น๐๐ฎ ๐ฎ๐ ๐ถ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐ธ๐ฑ๐ฎ ๐๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐น๐ฎ๐ด๐ฎ๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐ฎ๐ผ ๐ฎ๐ ๐๐๐น๐๐ป๐ด๐ฎ๐ป ๐๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐๐บ๐๐ป๐น๐ฎ๐ฑ ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐บ๐ถ.
๐๐ช๐ฏ๐ข๐ด๐ฃ๐ข๐ด๐ข๐ฏ ๐ฏ๐ช๐บ๐ข ๐ด๐ช๐ญ๐ข ๐ข๐ต ๐ด๐ช๐ฏ๐ข๐ฃ๐ช, โ๐๐ข๐จ๐ฑ๐ข๐ฌ๐ข๐ณ๐ข๐ฎ๐ช ๐ฌ๐ข๐บ๐ฐ ๐ฑ๐ข๐ณ ๐ฎ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ญ๐ข๐ต ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ญ๐ข๐ฉ๐ช ๐ฏ๐ช๐ฏ๐บ๐ฐ ๐ข๐ต ๐ฎ๐ข๐ฎ๐ข๐ฉ๐ข๐ญ๐ข ๐ด๐ข ๐ฃ๐ถ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ถ๐ฏ๐ฅ๐ฐ. . . .โ ๐๐๐ก๐๐ฆ๐๐ฆ ๐ญ:๐ฎ๐ด
Itinakda ng Diyos na magpatuloy ang lahi ng mga tao sa pamamagitan ng pamilya. Hindi lamang ito tungkol sa pagpaparami. Kung tungkol dito lamang, magagawa ito ng tao sa pamamagitan ng pakikipagtalik sa labas ng pagaasawa at pamilya. Nais ng Diyos na magpakarami ang mga tao at maging malago, na nangangahulugan ng pagtubo, pag-unlad, at pagkakaroon ng maraming bunga. Upang magawa ito, itinatag ng Diyos ang pamilya upang punan ang ating pangangailangang pisikal, mental, at espirituwal. Dahil dito, ang bawat miyembro ng pamilya ay maaaring umunlad at matupad kung ano ang nais ng Diyos sa kanila, at handang umusad ang buhay at ipalaganap ang kaharian ng Diyos sa aspeto ng lipunan na kinabibilangan nila. Paano natin nabibigyan ng kahulugan na hindi ayon sa Bibliya ang kautusan ng Diyos na magpakarami at mangalat ng lahi? Paano natin ito maiaayon sa sinasabi ng salita ng Diyos?
๐ฏ. ๐๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐บ๐ถ๐น๐๐ฎ ๐ฎ๐ ๐ถ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐ธ๐ฑ๐ฎ ๐๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ด๐ถ๐ป๐ด ๐ถ๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ด๐ฎ๐บ๐ถ๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐๐ถ๐๐ผ๐ ๐ป๐ฎ ๐ฝ๐๐ฝ๐๐ป๐ผ ๐๐ฎ ๐บ๐๐ป๐ฑ๐ผ ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ฏ๐๐๐ถ๐ต๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ป๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ต๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ฎ๐ป.
๐๐ช๐ฏ๐ข๐ด๐ฃ๐ข๐ด๐ข๐ฏ ๐ฏ๐ช๐บ๐ข ๐ด๐ช๐ญ๐ข ๐ข๐ต ๐ด๐ช๐ฏ๐ข๐ฃ๐ช, โ๐๐ข๐จ๐ฑ๐ข๐ฌ๐ข๐ณ๐ข๐ฎ๐ช ๐ฌ๐ข๐บ๐ฐ ๐ฑ๐ข๐ณ๐ข ๐ฎ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ญ๐ข๐ต ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ญ๐ข๐ฉ๐ช ๐ฏ๐ช๐ฏ๐บ๐ฐ ๐ข๐ต ๐ฎ๐ข๐ฎ๐ข๐ฉ๐ข๐ญ๐ข ๐ด๐ข ๐ฃ๐ถ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ถ๐ฏ๐ฅ๐ฐ. ๐๐ต ๐ฑ๐ข๐ฎ๐ข๐ฉ๐ข๐ญ๐ข๐ข๐ฏ ๐ฏ๐ช๐ฏ๐บ๐ฐ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ญ๐ข๐ฉ๐ข๐ต ๐ฏ๐จ ๐ฉ๐ข๐บ๐ฐ๐ฑ.โ ๐๐๐ก๐๐ฆ๐๐ฆ ๐ญ:๐ฎ๐ด
Maliban sa pagiging mabunga at sa pagpaparami, inutusan din ng Diyos ang tao na magpakalat ng lahi, mamahala sa buong mundo, at pamahalaan ang lahat ng hayop. Sa pamamagitan ng mga pamilya, itinakda ng Diyos na maipagpatuloy ng sangkatauhan ang Kanyang pamumuno at paghahari sa lupa, upang ang buhay sa lupa ay maging isang paghahayag ng Kanyang mabuting kaharian. Dito natin unang natutunan ang tungkol sa pamamahala, awtoridad, pagtutulungan, ugnayan, at katarungan. Dito rin natin natututunan ang tungkol sa pag-uugali, pagpapakumbaba, paglilingkod, pagsasakripisyo, at pagmamahal. Bakit labis na mahalaga ang pamilya sa pagdidisipulo ng bayan? Ano ang kahalagahan ng pagtulong sa mga bata na makilala at sumunod sa Diyos sa murang edad?
๐๐ฃ๐ฃ๐๐๐๐๐ง๐๐ข๐ก
โข Sa iyong palagay, bakit ka inilagay ng Diyos sa iyong pamilya? Paano Niya tinutubos ang iyong pamilya at tinutupad ang Kanyang layunin sa pamamagitan mo?
โข Ano ang tungkuling ginagampanan ng pamilya sa pagdidisipulo ng bayan? Bakit labis na mahalaga ang mga pamilya, at paano mo nais na lumago sa pagkakaunawa mo sa pamamahala ng pamilya?
โข Mag-isip ng isa o dalawang kaibigan na may mahirap na sitwasyon sa kanilang pamilya. Paano mo sila maipapanalangin at mabibigyan ng kalakasan ngayong linggo?
๐ฃ๐ฅ๐๐ฌ๐๐ฅ
โข Pasalamatan ang Diyos para sa iyong pamilya. Sa kabila ng kasalanan, pagkasira, at hindi pagkakaunawaan, ipanalangin na matupad ng iyong pamilya ang tungkulin nito at maipakita ang kabutihan ng Diyos sa mundo.
โข Ipanalangin na matupad mo nang maayos ang tungkulin mo sa iyong pamilya (halimbawa, bilang isang ama, ina, o kapatid). Hingin sa Diyos ang karunungan, kakayahan, at pagtitiyaga upang magawa ito?
โข Ipanalangin na tubusin ng Diyos ang mga pamilya sa iyong komunidad. Ipanalangin ang kagalingan, pagbabago, at kapayapaan sa pamilya at lipunan.