icon__search

Ingatan ang Salita

Week 2

𝗪𝗔𝗥𝗠-𝗨𝗣
• Ano ang pinakamahalagang bagay na mayroon ka? Paano mo ito iniingatan?
• Anong pagkain sa kusina mo ang pinakamagtatagal bago mapanis? Sa tingin mo, bakit ito nagtatagal?
• Mayroon ka bang mga naka-𝘱𝘳𝘪𝘯𝘵 na litrato o mga 𝘱𝘪𝘤𝘵𝘶𝘳𝘦 𝘧𝘳𝘢𝘮𝘦? Bakit karapat-dapat ipa-𝘱𝘳𝘪𝘯𝘵 ang mga alaalang iyon?

𝗪𝗢𝗥𝗗
𝘗𝘢𝘢𝘯𝘰 𝘮𝘢𝘱𝘢𝘱𝘢𝘯𝘢𝘵𝘪𝘭𝘪 𝘯𝘨 𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘣𝘢𝘵𝘢𝘢𝘯 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘭𝘪𝘯𝘪𝘴 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺? 𝘔𝘢𝘮𝘶𝘩𝘢𝘺 𝘴𝘪𝘺𝘢 𝘢𝘺𝘰𝘯 𝘴𝘢 𝘪𝘯𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘴𝘢𝘭𝘪𝘵𝘢. 𝘉𝘶𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘶𝘴𝘰 𝘢𝘬𝘰𝘯𝘨 𝘭𝘶𝘮𝘢𝘭𝘢𝘱𝘪𝘵 𝘴𝘢 𝘪𝘯𝘺𝘰; 𝘬𝘢𝘺𝘢 𝘵𝘶𝘭𝘶𝘯𝘨𝘢𝘯 𝘯ʼ𝘺𝘰 𝘢𝘬𝘰𝘯𝘨 𝘩𝘶𝘸𝘢𝘨 𝘭𝘶𝘮𝘪𝘩𝘪𝘴 𝘴𝘢 𝘪𝘯𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘶𝘵𝘰𝘴. 𝘈𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘭𝘪𝘵𝘢 𝘯ʼ𝘺𝘰 𝘢𝘺 𝘪𝘯𝘪𝘯𝘨𝘢𝘵𝘢𝘯 𝘬𝘰 𝘴𝘢 𝘢𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘱𝘶𝘴𝘰 𝘶𝘱𝘢𝘯𝘨 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘢𝘬𝘰 𝘮𝘢𝘨𝘬𝘢𝘴𝘢𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘪𝘯𝘺𝘰. 𝘗𝘶𝘳𝘪𝘩𝘪𝘯 𝘬𝘢𝘺𝘰 𝘗𝘈𝘕𝘎𝘐𝘕𝘖𝘖𝘕! 𝘐𝘵𝘶𝘳𝘰 𝘯ʼ𝘺𝘰 𝘴𝘢 𝘢𝘬𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘯𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘵𝘶𝘯𝘵𝘶𝘯𝘪𝘯. 𝗦𝗔𝗟𝗠𝗢 𝟭𝟭𝟵:𝟵-𝟭𝟮

(Basahin din ang 𝗦𝗮𝗹𝗺𝗼 𝟭𝟭𝟵:𝟭𝟯-𝟭𝟲.)

Kapag may iniingatan tayong mahalagang bagay, hindi natin ito hinahayaang maalikabukan. Itinatago natin ang isang mahalagang bagay para maingatan ito at para hindi ito masira. Bilang mga mananampalataya, iniingatan natin ang salita ng Diyos dahil ito ay buhay para sa atin. Ang mga pamamaraan natin ay nananatiling malinis at naiwawaksi natin ang kasalanan sa pamamagitan ng pagbabantay at pag-iingat sa Kanyang salita. Sa araw na ito, titingnan natin kung paano natin maiingatan ang salita ng Diyos sa ating puso at maipapakita ang salita sa ating pamumuhay.

𝟭. 𝗜𝗽𝗮𝗵𝗮𝘆𝗮𝗴 𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮 𝗻𝗴 𝗗𝗶𝘆𝗼𝘀.
𝘗𝘢𝘶𝘭𝘪𝘵-𝘶𝘭𝘪𝘵 𝘬𝘰𝘯𝘨 𝘴𝘪𝘯𝘢𝘴𝘢𝘣𝘪 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘬𝘢𝘶𝘵𝘶𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘣𝘪𝘯𝘪𝘨𝘢𝘺 𝘯𝘪𝘯𝘺𝘰. 𝗦𝗮𝗹𝗺𝗼 𝟭𝟭𝟵:𝟭𝟯

Isa sa mga pinakamabuting paraan para maalala ang isang mahalagang bagay ay ang pagsasalita tungkol dito. Mas madaling maalala ang mga naiisip natin tuwing sinasabi natin ito nang malakas sa halip na tahimik lang natin itong iniisip. Ganoon din ang pag-iingat sa salita ng Diyos. Ang paghahayag ng salita ng Diyos gamit ang ating boses at nang buong puso ay nakakatulong para lalo natin itong mapag-ingatan. Tuwing ipinapahayag natin ang salita ng Diyos at ang mga pangako Niya para sa atin, nagbabago tayo at nagkakaroon ng kakayahang gawin ang kalooban Niya. Paano mo natutunang ipahayag ang salita ng Diyos?

𝟮. 𝗜𝗸𝗮𝗴𝗮𝗹𝗮𝗸 𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮 𝗻𝗴 𝗗𝗶𝘆𝗼𝘀.
𝘕𝘢𝘨𝘢𝘨𝘢𝘭𝘢𝘬 𝘢𝘬𝘰𝘯𝘨 𝘴𝘶𝘮𝘶𝘯𝘰𝘥 𝘴𝘢 𝘪𝘯𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘬𝘢𝘵𝘶𝘳𝘶𝘢𝘯, 𝘩𝘪𝘨𝘪𝘵 𝘱𝘢 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘨𝘢𝘭𝘢𝘬𝘢𝘯𝘨 𝘥𝘶𝘭𝘰𝘵 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘬𝘢𝘺𝘢𝘮𝘢𝘯𝘢𝘯. 𝗦𝗮𝗹𝗺𝗼 𝟭𝟭𝟵:𝟭𝟰

Gaya ng pagpapahalaga natin at pagbibigay ng atensyon sa mga mahahalagang bagay at tao,
Maaari rin tayong magalak sa salita ng Diyos at sa Kanyang mga patotoo. Mas mahalaga ang salita ng Diyos kaysa sa anumang bagay na mayroon tayo. Tuwing lumalapit tayo sa salita ng Diyos nang may wastong kalooban at bukas na puso, mauunawaan natin, masusunod, at maaalala ang mga sinasabi nito. Ang salita ng Diyos ay isang daan para tayo ay makausap Niya at nang tayo ay maiayon sa Kanyang kalooban at magtiwala sa Kanya nang higit sa anuman. Paano mo natutunang ikagalak ang salita ng Diyos?

𝟯. 𝗣𝗮𝗴𝗯𝘂𝗹𝗮𝘆-𝗯𝘂𝗹𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗼 𝗽𝗮𝗴-𝗶𝘀𝗶𝗽𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮 𝗻𝗴 𝗗𝗶𝘆𝗼𝘀.
𝘈𝘯𝘨 𝘪𝘯𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘵𝘶𝘯𝘵𝘶𝘯𝘪𝘯 𝘢𝘺 𝘢𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘱𝘪𝘯𝘢𝘨𝘣𝘶𝘣𝘶𝘭𝘢𝘺-𝘣𝘶𝘭𝘢𝘺𝘢𝘯 𝘢𝘵 𝘪𝘯𝘪𝘪𝘴𝘪𝘱 𝘬𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘣𝘶𝘵𝘪 𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘯𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘮𝘢𝘮𝘢𝘳𝘢𝘢𝘯. 𝗦𝗮𝗹𝗺𝗼 𝟭𝟭𝟵:𝟭𝟱

Kapag pinagbubulay-bulayan o pinag-iisipan natin ang salita ng Diyos, ang isipan natin ay napupuno ng Kanyang pamamaraan at pinapalitan nito ang dating laman ng ating isipan. Naiiba ito sa kadalasang naiisip natin tungkol sa 𝘮𝘦𝘥𝘪𝘵𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 o pagbubulay-bulay, na tungkol sa pagtanggal ng kung anumang mga iniisip natin. Dahil sa tunay na pag-𝘮𝘦𝘥𝘪𝘵𝘢𝘵𝘦 sa salita ng Diyos, natatandaan natin ito, nagkakaroon tayo ng mas malalim na pagkaunawa dito, at nasasabi natin ito nang paulit-ulit. Kapag pinag-iisipan natin ang salita ng Diyos, pinahihintulutan natin ang Diyos na baguhin hindi lamang ang ating isipan kundi maging ang ating puso. Ano ang natutunan mo tungkol sa Diyos nang hinanap at pinagbulay-bulayan mo ang Kanyang salita?

Tinapos ng may-akda ng Salmo ang bahaging ito ng awit sa isang tugon: 𝘔𝘢𝘨𝘢𝘨𝘢𝘭𝘢𝘬 𝘢𝘬𝘰 𝘴𝘢 𝘪𝘯𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘵𝘶𝘯𝘵𝘶𝘯𝘪𝘯, 𝘢𝘵 𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘯𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘴𝘢𝘭𝘪𝘵𝘢ʼ𝘺 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘬𝘰 𝘭𝘪𝘭𝘪𝘮𝘶𝘵𝘪𝘯 (Salmo 119:16). Ang pag-iingat sa salita ng Diyos ay tumutulong sa ating maalala ito at maisapamuhay. Ang pagsasagawa nito ay magdudulot ng pagsunod sa Kanya at pagkagalak sa Kanyang mga pamamaraan.

𝗔𝗣𝗣𝗟𝗜𝗖𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡
• Ano ang ilang mga praktikal na hakbang na gagawin mo para pag-ingatan ang salita ng Diyos? Tandaan ang mga ito at simulan ito ngayong linggo.
• Kabisaduhin ang Salmo 119:11: 𝘈𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘭𝘪𝘵𝘢 𝘯ʼ𝘺𝘰 𝘢𝘺 𝘪𝘯𝘪𝘯𝘨𝘢𝘵𝘢𝘯 𝘬𝘰 𝘴𝘢 𝘢𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘱𝘶𝘴𝘰 𝘶𝘱𝘢𝘯𝘨 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘢𝘬𝘰 𝘮𝘢𝘨𝘬𝘢𝘴𝘢𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘪𝘯𝘺𝘰. Bigkasin ito nang paulit-ulit at gawin itong panalangin mo ngayong linggo.
• Isipin ang isa o dalawang talata sa Bibliya na kapansin-pansin para sa iyo. Sino ang mabibigyan mo ng lakas ng loob gamit ang mga talatang ito ngayong linggo?

𝗣𝗥𝗔𝗬𝗘𝗥
• Purihin ang Diyos para sa kakayahang pag-ingatan ang Kanyang salita sa ating isipan at puso. Pasalamatan Siya na natatandaan at naaalala natin ang Kanyang salita para maisapamuhay natin ito.
• Habang araw-araw mong iniingatan ang salita ng Diyos sa iyong puso, hilingin na magagalak ka sa Kanya. Ipanalangin na ang tunay na pagmamahal sa salita ng Diyos ay hindi magiging isang obligasyon o karaniwang gawain na lamang.
• Ipanalangin na gamitin ka ng Diyos para ipahayag ang Kanyang salita sa iyong komunidad. Ipanalangin na magkaroon ka ng mga pagkakataon ngayong linggo upang mapalakas ang loob ng iyong pamilya’t mga kaibigan gamit ang Kanyang salita.