icon__search

Ipanalangin ang Salita

Week 6

𝗪𝗔𝗥𝗠-𝗨𝗣
• Paano ka nakakatutok sa isang mahalagang bagay? Ano ang ginagawa mo o hindi mo ginagawa para maituon ang buong pansin mo sa isang bagay?
• Ano ang isa sa mga unang kantang natutunan mo noong bata ka? Sa palagay mo, bakit naaalala mo pa rin ito?
• Magbahagi ng isang bagay na ginagawa mo tuwing malungkot o nababalisa ka.

𝗪𝗢𝗥𝗗
𝘗𝘈𝘕𝘎𝘐𝘕𝘖𝘖𝘕, 𝘱𝘢𝘬𝘪𝘯𝘨𝘨𝘢𝘯 𝘯ʼ𝘺𝘰 𝘴𝘢𝘯𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘩𝘪𝘯𝘢𝘪𝘯𝘨. 𝘉𝘪𝘨𝘺𝘢𝘯 𝘯ʼ𝘺𝘰 𝘢𝘬𝘰 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘯𝘨-𝘶𝘯𝘢𝘸𝘢 𝘢𝘺𝘰𝘯 𝘴𝘢 𝘪𝘯𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘯𝘨𝘢𝘬𝘰. 𝘚𝘢𝘯𝘢ʼ𝘺 𝘥𝘪𝘯𝘨𝘨𝘪𝘯 𝘯ʼ𝘺𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘥𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯, 𝘢𝘵 𝘪𝘭𝘪𝘨𝘵𝘢𝘴 𝘢𝘬𝘰 𝘬𝘢𝘵𝘶𝘭𝘢𝘥 𝘯𝘨 𝘪𝘯𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘪𝘱𝘪𝘯𝘢𝘯𝘨𝘢𝘬𝘰. 𝗦𝗔𝗟𝗠𝗢 𝟭𝟭𝟵:𝟭𝟲𝟵-𝟭𝟳𝟬

Ang Salmo 119 ay isang deklarasyon ng kapangyarihan at kagandahan ng salita ng Diyos. Alam ng Salmista na hindi siya mabubuhay nang wala ang salita ng Diyos. Bawat hamon at pagsubok na kinakaharap niya ay mapagtatagumpayan dahil sa pananampalataya niya sa Diyos. Nakatuon siya sa pagmamahal, pagpapahalaga, at pagsunod sa salita ng Diyos. Sa araling ito, titingnan natin kung paano ito ginawa ng Salmista at kung paano tayo makakapanalangin ayon sa salita ng Diyos kapag humaharap tayo sa sarili nating mga pagsubok.

𝟭. 𝗡𝗮𝗸𝗮𝘁𝘂𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗦𝗮𝗹𝗺𝗶𝘀𝘁𝗮 𝘀𝗮 𝘀𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮 𝗻𝗴 𝗗𝗶𝘆𝗼𝘀.
𝘗𝘈𝘕𝘎𝘐𝘕𝘖𝘖𝘕, 𝘱𝘢𝘬𝘪𝘯𝘨𝘨𝘢𝘯 𝘯ʼ𝘺𝘰 𝘴𝘢𝘯𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘩𝘪𝘯𝘢𝘪𝘯𝘨. 𝘉𝘪𝘨𝘺𝘢𝘯 𝘯ʼ𝘺𝘰 𝘢𝘬𝘰 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘯𝘨-𝘶𝘯𝘢𝘸𝘢 𝘢𝘺𝘰𝘯 𝘴𝘢 𝘪𝘯𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘯𝘨𝘢𝘬𝘰. 𝘚𝘢𝘯𝘢ʼ𝘺 𝘥𝘪𝘯𝘨𝘨𝘪𝘯 𝘯ʼ𝘺𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘥𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯, 𝘢𝘵 𝘪𝘭𝘪𝘨𝘵𝘢𝘴 𝘢𝘬𝘰 𝘬𝘢𝘵𝘶𝘭𝘢𝘥 𝘯𝘨 𝘪𝘯𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘪𝘱𝘪𝘯𝘢𝘯𝘨𝘢𝘬𝘰. 𝗦𝗔𝗟𝗠𝗢 𝟭𝟭𝟵:𝟭𝟲𝟵-𝟭𝟳𝟬

Humingi ang Salmista sa Diyos ng pang-unawa habang hinihiling niya ang kaligtasan. Alam niya na maiintindihan lamang niya ang kanyang mga pinagdaraanan sa ilalim ng liwanag na dala ng salita ng Diyos. Nagpakumbaba siya sa Diyos at umiyak pa nga at nagmakaawa sa Kanya para tulungan siya. Hindi siya umasa sa sarili niyang kakayahan o karanasan. Hindi siya umasa sa iba para sa tulong. Umasa siya sa Diyos at sa Kanyang salita. Sa tingin mo, ano ang kahalagahan ng pananalangin sa Diyos ayon sa Kanyang salita? Sa Bagong Tipan, paano tumugon si Maria sa ginagawa ng Diyos sa kanyang buhay at sa pamamagitan ng kanyang buhay (Lucas 1:38)?

𝟮. 𝗕𝗶𝗻𝗶𝗴𝗸𝗮𝘀 𝗮𝘁 𝗶𝗻𝗮𝘄𝗶𝘁 𝗻𝗴 𝗦𝗮𝗹𝗺𝗶𝘀𝘁𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮 𝗻𝗴 𝗗𝗶𝘆𝗼𝘀.
𝘓𝘢𝘨𝘪 𝘢𝘬𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨𝘱𝘶𝘱𝘶𝘳𝘪 𝘴𝘢 𝘪𝘯𝘺𝘰, 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘵𝘪𝘯𝘶𝘵𝘶𝘳𝘶𝘢𝘯 𝘯ʼ𝘺𝘰 𝘢𝘬𝘰 𝘯𝘨 𝘪𝘯𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘵𝘶𝘯𝘵𝘶𝘯𝘪𝘯. 𝘈𝘬𝘰ʼ𝘺 𝘢𝘢𝘸𝘪𝘵 𝘵𝘶𝘯𝘨𝘬𝘰𝘭 𝘴𝘢 𝘪𝘯𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘴𝘢𝘭𝘪𝘵𝘢, 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘮𝘢𝘵𝘶𝘸𝘪𝘥 𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘩𝘢𝘵 𝘯ʼ𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘶𝘵𝘰𝘴. 𝗦𝗔𝗟𝗠𝗢 𝟭𝟭𝟵:𝟭𝟳𝟭-𝟭𝟳𝟮

Bagama’t maaari tayong magpahayag at umawit nang tungkol sa salita ng Diyos, maaari rin nating bigkasin, ipahayag, at awitin ang mismong salita ng Diyos. Maaari tayong gumamit ng mga salita at hayaang lumabas ang Kanyang salita sa ating mga bibig. Maaari nating ipanalangin ang mga awit tungkol sa Diyos at awitin ang ating mga panalangin. Ang mga salitang ito na isinulat ng Salmista ay ang mismong salita ng Diyos, na ginamit ng Kanyang mga mamamayan noong sila’y mga bihag pa, para maalala nila ang Kanyang pangako at tapat na pag-ibig. Ang salita ng Diyos ay itinakda upang pag-isipan, bigkasin, awitin, at ipanalangin. Paano mo nakita ang kahalagahan ng pagbigkas at pag-awit ng salita ng Diyos sa sarili mong buhay?

𝟯. 𝗣𝗶𝗻𝗮𝗻𝗴𝗵𝗮𝘄𝗮𝗸𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗦𝗮𝗹𝗺𝗶𝘀𝘁𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮 𝗻𝗴 𝗗𝗶𝘆𝗼𝘀.
𝘗𝘢𝘭𝘢𝘨𝘪 𝘴𝘢𝘯𝘢 𝘬𝘢𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘩𝘢𝘯𝘥𝘢 𝘯𝘢 𝘢𝘬𝘰ʼ𝘺 𝘵𝘶𝘭𝘶𝘯𝘨𝘢𝘯, 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘱𝘪𝘯𝘪𝘭𝘪 𝘬𝘰𝘯𝘨 𝘴𝘶𝘯𝘥𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘯𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘵𝘶𝘯𝘵𝘶𝘯𝘪𝘯. 𝘗𝘈𝘕𝘎𝘐𝘕𝘖𝘖𝘕, 𝘯𝘢𝘯𝘢𝘯𝘢𝘣𝘪𝘬 𝘢𝘬𝘰 𝘴𝘢 𝘪𝘯𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘭𝘪𝘭𝘪𝘨𝘵𝘢𝘴. 𝘈𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘶𝘵𝘶𝘴𝘢𝘯 𝘯ʼ𝘺𝘰 𝘢𝘺 𝘯𝘢𝘨𝘣𝘪𝘣𝘪𝘨𝘢𝘺 𝘴𝘢 𝘢𝘬𝘪𝘯 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘨𝘢𝘭𝘢𝘬𝘢𝘯. 𝘗𝘢𝘯𝘢𝘵𝘪𝘭𝘪𝘩𝘪𝘯 𝘯ʼ𝘺𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺 𝘶𝘱𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘺𝘰ʼ𝘺 𝘢𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘱𝘢𝘱𝘶𝘳𝘪𝘩𝘢𝘯, 𝘢𝘵 𝘴𝘢𝘯𝘢ʼ𝘺 𝘵𝘶𝘭𝘶𝘯𝘨𝘢𝘯 𝘢𝘬𝘰 𝘯𝘨 𝘪𝘯𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘶𝘵𝘰𝘴 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘴𝘶𝘯𝘰𝘥 𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘯𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘭𝘰𝘰𝘣𝘢𝘯. 𝘗𝘢𝘳𝘢 𝘢𝘬𝘰𝘯𝘨 𝘵𝘶𝘱𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘭𝘪𝘨𝘢𝘸 𝘢𝘵 𝘯𝘢𝘸𝘢𝘭𝘢, 𝘬𝘢𝘺𝘢 𝘩𝘢𝘯𝘢𝘱𝘪𝘯 𝘯ʼ𝘺𝘰 𝘢𝘬𝘰 𝘯𝘢 𝘪𝘯𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘭𝘪𝘯𝘨𝘬𝘰𝘥, 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘬𝘰 𝘬𝘪𝘯𝘢𝘬𝘢𝘭𝘪𝘮𝘶𝘵𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘯𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘶𝘵𝘰𝘴. 𝗦𝗔𝗟𝗠𝗢 𝟭𝟭𝟵:𝟭𝟳𝟯-𝟭𝟳𝟲

Bagama’t hindi natin lubusang mauunawaan ang pinagdaraanan ng Salmista, mauunawaan natin na siya’y naguguluhan at marami siyang kinakaharap na hamon sa buhay. Sa lahat ng ito, pinanghawakan niya ang salita ng Diyos. Pinili niya ang salita ng Diyos, ikinagalak niya ang salita ng Diyos, at umasa siya sa salita ng Diyos. Hindi niya kinalimutan ang salita. Balikan ang isang pagkakataong natutunan mong panghawakan ang salita ng Diyos. Ano ang kinalabasan nito?

𝗔𝗣𝗣𝗟𝗜𝗖𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡
• Nananalangin ka ba ayon sa mga sarili mong kagustuhan o ayon sa salita ng Diyos? Paano mo masisimulang mas ipanalangin, awitin, at ideklara ang salita ng Diyos simula ngayong linggo?
• Kabisaduhin ang Salmo 119:175: 𝘗𝘢𝘯𝘢𝘵𝘪𝘭𝘪𝘩𝘪𝘯 𝘯ʼ𝘺𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺 𝘶𝘱𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘺𝘰ʼ𝘺 𝘢𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘱𝘢𝘱𝘶𝘳𝘪𝘩𝘢𝘯, 𝘢𝘵 𝘴𝘢𝘯𝘢ʼ𝘺 𝘵𝘶𝘭𝘶𝘯𝘨𝘢𝘯 𝘢𝘬𝘰 𝘯𝘨 𝘪𝘯𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘶𝘵𝘰𝘴 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘴𝘶𝘯𝘰𝘥 𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘯𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘭𝘰𝘰𝘣𝘢𝘯. Bigkasin ito nang ilang beses at gawin itong panalangin mo ngayong linggo.
• Sino ang mahihikayat mong tumutok at panghawakan ang salita ng Diyos ngayong linggo? Ano ang gagawin mo para mahikayat mo siya?

𝗣𝗥𝗔𝗬𝗘𝗥
• Pasalamatan ang Diyos sa Kanyang salitang nagbibigay buhay sa atin araw-araw. Ipanalangin na mahalin at ipamuhay mo ang salita ng Diyos sa natitira pang bahagi ng iyong buhay.
• Ipanalangin na anuman ang mangyari sa iyong buhay, ipapanalangin mo ang salita at hindi ang iyong problema. Ipanalangin na lalo mo pang makilala at pagtiwalaan ang Diyos.
• Ipanalangin na gabayan at palakasin ng salita ng Diyos ang iyong pamilya at mga kaibigan. Hilingin sa Diyos na bigyan ka ng mga pagkakataon upang maibahagi ang Kanyang salita sa iba ngayong linggo.