icon__search

Pagtanggap kay Cristo bilang Panginoon

Week 2

๐—ช๐—”๐—ฅ๐—  ๐—จ๐—ฃ

โ€ข Ano ang ginawa mo noong bata ka na hindi mo ulit gagawin ngayon?

โ€ข Balikan ang sarili mo sampung taon sa nakaraan. Ang kinalalagyan mo ba ngayon ay kung ano ang naisip mo noong mga panahong ito?

โ€ข Isipin ang isang pagkakataon kung kailan nakansela ang iyong utang o naurong ang isa mong deadline. Ibahagi kung ano ang nangyari at kung ano ang naramdaman mo.


๐—ช๐—ข๐—ฅ๐——

๐˜‹๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช๐˜ญ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ-๐˜ช๐˜ด๐˜ข ๐˜ฏสผ๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ ๐˜Š๐˜ณ๐˜ช๐˜ด๐˜ต๐˜ฐ, ๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ. ๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ต๐˜ถ๐˜ต๐˜ถ๐˜ญ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ฑ๐˜ช๐˜ด๐˜ช๐˜ฌ๐˜ข๐˜ญ ๐˜ฌ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ฆ๐˜ด๐˜ฑ๐˜ช๐˜ณ๐˜ช๐˜ต๐˜ธ๐˜ข๐˜ญโ€‰โ€”๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ-๐˜ข๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ด ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜จ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ. ๐˜๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ต๐˜ถ๐˜ต๐˜ถ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ ๐˜Š๐˜ณ๐˜ช๐˜ด๐˜ต๐˜ฐ. ๐˜๐˜ฏ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ช ๐˜Š๐˜ณ๐˜ช๐˜ด๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ถ๐˜ต๐˜ช๐˜ด๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ. ๐˜ˆ๐˜ต ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช๐˜ญ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ ๐˜Š๐˜ณ๐˜ช๐˜ด๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ, ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ช ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ช๐˜บ๐˜ข, ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช๐˜ญ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜บ๐˜ข๐˜ณ๐˜ช๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‹๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ๐˜ด ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ๐˜บ๐˜ข.ย ๐—–๐—ข๐—Ÿ๐—ข๐—ฆ๐—”๐—ฆ ๐Ÿฎ:๐Ÿญ๐Ÿญ-๐Ÿญ๐Ÿฎ


(Basahin din ang ๐—–๐—ข๐—Ÿ๐—ข๐—ฆ๐—”๐—ฆ ๐Ÿฎ.)


Sumulat si Pablo sa simbahan sa Colosas upang tugunan ang mga maling aral na kanilang naririnig. Nagbabala siya tungkol sa pagiging bihag ng pilosopiya ng tao (Colosas 2:8), at binigyang-diin din ang pagka-Diyos ni Jesu-Cristo, na, kahit na ganap na tao, ay ganap ding Diyos (Colosas 2:9). Dahil tayo ngayon ay kay Cristo, ang ating kalikasan ay nagbago. Pinatawad ni Cristo ang ating kasalanan at kinansela ang ating utang (Colosas 2:14). Ngayon, maaari tayong mamuhay kasama Niya. Ngayon, pag-usapan natin kung ano ang mangyayari kapag tinanggap natin si Cristo bilang Panginoon.


๐Ÿญ. ๐—ž๐—ฎ๐˜† ๐—–๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐˜๐—ผ, ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฑ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐˜† ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ฎ.

๐˜‹๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช๐˜ญ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ-๐˜ช๐˜ด๐˜ข ๐˜ฏสผ๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ ๐˜Š๐˜ณ๐˜ช๐˜ด๐˜ต๐˜ฐ, ๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ. ๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ต๐˜ถ๐˜ต๐˜ถ๐˜ญ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ฑ๐˜ช๐˜ด๐˜ช๐˜ฌ๐˜ข๐˜ญ ๐˜ฌ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ฆ๐˜ด๐˜ฑ๐˜ช๐˜ณ๐˜ช๐˜ต๐˜ธ๐˜ข๐˜ญโ€‰โ€”๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ-๐˜ข๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ด ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜จ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ. ๐˜๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ต๐˜ถ๐˜ต๐˜ถ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ ๐˜Š๐˜ณ๐˜ช๐˜ด๐˜ต๐˜ฐ.ย ๐—–๐—ข๐—Ÿ๐—ข๐—ฆ๐—”๐—ฆ ๐Ÿฎ:๐Ÿญ๐Ÿญ


Sa Lumang Tipan, ginawa ng mga mamamayan ng Diyos ang pagtutuli, kung saan pinuputol mula sa dulo ng bahaging panlalaki ang isang piraso ng laman bilang tanda ng kasunduang ginawa ng Diyos sa kanila. Inihalintulad ni Pablo ang gawaing ito sa nangyayari sa mga mananampalataya kapag tinanggap nila si Cristo bilang Panginoon. Sumasailalim tayo sa pagtutuli na hindi ginagawa ng mga kamayโ€”isang espirituwal na pagtutuli. Kapag tinanggap natin si Cristo bilang Panginoon, ibinubukod Niya tayo sa ating dating makasalanang kalikasan upang hindi na tayo makontrol nito. Tulad ng pagtutuli, ang bautismo ay isang panlabas na tanda na tayo ay itinalaga para sa Diyos bilang Kanyang mga mamamayan. Ano ang ilang makasalanang gawain o ugali na binago ng Diyos sa buhay mo?


๐Ÿฎ. ๐—ž๐—ฎ๐˜† ๐—–๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐˜๐—ผ, ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฑ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐˜† ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฏ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ.

๐˜๐˜ฏ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ช ๐˜Š๐˜ณ๐˜ช๐˜ด๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ถ๐˜ต๐˜ช๐˜ด๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ. ๐˜ˆ๐˜ต ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช๐˜ญ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ ๐˜Š๐˜ณ๐˜ช๐˜ด๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ, ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ช ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ช๐˜บ๐˜ข, ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช๐˜ญ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜บ๐˜ข๐˜ณ๐˜ช๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‹๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ๐˜ด ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ๐˜บ๐˜ข.ย ๐—–๐—ข๐—Ÿ๐—ข๐—ฆ๐—”๐—ฆ ๐Ÿฎ:๐Ÿญ๐Ÿฎ


Sa kaugalian ng mga Kristiyano, ang bautismo ay ang paglulubog sa isang tao sa tubig nang ilang saglit bilang isang panlabas na tanda ng panloob na pagkilos ng pagtanggap kay Cristo bilang Panginoon. Bukod sa pagtutuli, ang bautismo ay inihahalintulad din sa isang libing, kung saan ang ating dating makasalanang kalikasan ay itinuturing na patay na at inililibing. Tayo ay patay na sa kasalanan o ang kasalanan ay patay na sa atin kay Cristo. Kung paanong hindi na tayo nakikipag-usap sa mga taong namatay na, hindi na natin dapat pagbigyan ang ating mga dating makasalanang pagnanasa, dahil ang dating pagkatao natin ay namatay na kasama ni Cristo. Ano ang sinasabi sa Mga Taga-Roma 6:1โ€“3 tungkol sa mga implikasyon ng katotohanang ito?


๐Ÿฏ. ๐—ž๐—ฎ๐˜† ๐—–๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐˜๐—ผ, ๐˜๐—ฎ๐˜†๐—ผ ๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ถ.

๐˜๐˜ฏ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ช ๐˜Š๐˜ณ๐˜ช๐˜ด๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ถ๐˜ต๐˜ช๐˜ด๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ. ๐˜ˆ๐˜ต ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช๐˜ญ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ ๐˜Š๐˜ณ๐˜ช๐˜ด๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ, ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ช ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ช๐˜บ๐˜ข, ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช๐˜ญ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜บ๐˜ข๐˜ณ๐˜ช๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‹๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ๐˜ด ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ๐˜บ๐˜ข.ย ๐—–๐—ข๐—Ÿ๐—ข๐—ฆ๐—”๐—ฆ ๐Ÿฎ:๐Ÿญ๐Ÿฎ


Ang bautismo ay larawan din ng pagkakaisa kay Cristo hindi lamang sa Kanyang kamatayan at paglilibing kundi sa Kanyang muling pagkabuhay. Kung paanong si Cristo ay namatay at nabuhay muli, ang ating dating pagkatao ay namatay nang tanggapin natin si Cristo at tayo ay nagkaroon ng espirituwal na buhay at binigyan ng bagong buhay. Dahil ang lahat ng ating mga kasalanan ay pinatawad at ang listahan ng ating pagkakautang ay nakansela, ipinako na sa krus (Colosas 2:13โ€“14), maaari nating maranasan ang isang matagumpay na buhay kay Cristo dahil Siya ay nagtagumpay (Colosas 2:15). Tayo ay napalaya mula sa mga bahid ng ating nakaraan at ngayon ay malaya nang mamuhay kasama at para sa Diyos. Ano ang ilang positibong pagbabago sa iyong buhay mula nang tanggapin mo si Cristo? Anong pagbabago ang napansin ng iba sa iyong buhay pagkatapos mong tanggapin si Cristo bilang Panginoon?


๐—”๐—ฃ๐—ฃ๐—Ÿ๐—œ๐—–๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก

โ€ข Natanggap mo na ba si Cristo bilang Panginoon at Tagapagligtas? Kung hindi, gusto mo bang tanggapin Siya ngayon?

โ€ข Ibahagi sa grupo ang mga positibong pagbabago sa buhay mo mula nang tanggapin mo si Cristo? May mga bahagi ba sa iyong buhay kung saan kailangan mong mas makita ang buhay ni Cristo sa iyo?

โ€ข Hindi sinasabi sa mga Taga-Roma 6:11 na kailangan nating mamatay sa kasalanan kundi tayo ay namatay na sa kasalanan at buhay sa Diyos kay Cristo. Ano ang mga praktikal na paraan na maaari mong gawin bilang pagsasaalang-alang sa katotohanang ito?


๐—ฃ๐—ฅ๐—”๐—ฌ๐—˜๐—ฅ

โ€ข Pasalamatan ang Diyos sa Kanyang dakilang pag-ibig na gumawa ng paraan upang kanselahin ang ating pagkakautang at patawarin ang ating mga kasalanan, na naging dahilan para mailapit tayo sa Kanya.

โ€ข Pasalamatan Siya na tayo ay namatay na sa kasalanan at nabuhay kay Cristo dahil sa sakripisyo ni Jesus sa krus at sa Kanyang muling pagkabuhay.

โ€ข Ipanalangin na marinig mo ang tinig ng Diyos nang malinaw habang patuloy kang namumuhay, lumalago upang maging mas katulad ni Cristo, lalo na sa panahon ng tukso at paghihirap. Ipagdasal na palagi mong ituring ang iyong sarili na patay na sa kasalanan at buhay sa Diyos upang patuloy mong makita ang bagong buhay na ibinigay Niya sa iyo.