icon__search

Ang Diyos laban sa Anumang Sitwasyon

Week 5

𝗪𝗔𝗥𝗠 𝗨𝗣

• Ibahagi ang pelikula o kwento na may tauhang nagtagumpay laban sa mga malalaking pagsubok. Bakit mo ito nagustuhan? 

• Ano ang madalas mong ginagawa pagkatapos ng mahaba, mapanghamon, at mahirap na araw? 

• Ano ang pamana na gusto mong iwan sa susunod na henerasyon? Kanino mo ito gusto ibigay?


𝗪𝗢𝗥𝗗

𝘚𝘶𝘮𝘢𝘨𝘰𝘵 𝘴𝘪 𝘔𝘰𝘪𝘴𝘦𝘴 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘵𝘢𝘰, “𝘏𝘶𝘸𝘢𝘨 𝘬𝘢𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘵𝘢𝘬𝘰𝘵. 𝘔𝘢𝘨𝘱𝘢𝘬𝘢𝘵𝘢𝘵𝘢𝘨 𝘬𝘢𝘺𝘰 𝘢𝘵 𝘮𝘢𝘬𝘪𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘯𝘪𝘯𝘺𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘭𝘪𝘭𝘪𝘨𝘵𝘢𝘴 𝘯𝘨 𝘗𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯𝘰𝘰𝘯 𝘴𝘢 𝘪𝘯𝘺𝘰 𝘴𝘢 𝘢𝘳𝘢𝘸 𝘯𝘢 𝘪𝘵𝘰. 𝘈𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘌𝘨𝘪𝘱𝘤𝘪𝘰𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘬𝘪𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘯𝘪𝘯𝘺𝘰 𝘯𝘨𝘢𝘺𝘰𝘯 𝘢𝘺 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘯𝘢 𝘯𝘪𝘯𝘺𝘰 𝘮𝘢𝘬𝘪𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘱𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘶𝘭𝘪. 𝘈𝘯𝘨 𝘗𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯𝘰𝘰𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘬𝘪𝘬𝘪𝘱𝘢𝘨𝘭𝘢𝘣𝘢𝘯 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘪𝘯𝘺𝘰. 𝘏𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘯ʼ𝘺𝘰 𝘯𝘢 𝘬𝘢𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘬𝘪𝘱𝘢𝘨𝘭𝘢𝘣𝘢𝘯 𝘱𝘢.” 𝗘𝗫𝗢𝗗𝗨𝗦 𝟭𝟰:𝟭𝟯-𝟭𝟰


(Aralin ang 𝗘𝗫𝗢𝗗𝗨𝗦 𝟭𝟰.)


Maaaring ang pagtawid ng mga Israelita sa Dagat na Pula ang isa sa pinakakilalang himala mula sa Bibliya. Marami ang nabibighani rito dahil ipinakita nila kung paano nagtagumpay ang mga inaping mamamayan laban sa mga hamong kinaharap nila. Matapos nilang iwan ang Egipto at sumunod sa Diyos, nagkaroon ng panibagong harang sa kanilang daan . Ngayong linggo, titingnan natin kung ano ang ibig sabihin ng pagtawid sa Dagat na Pula para sa mga Israelita sa panahong iyon. 


𝟭. 𝗜𝗽𝗶𝗻𝗮𝗸𝗶𝘁𝗮 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝘁𝗮𝘄𝗶𝗱 𝘀𝗮 𝗗𝗮𝗴𝗮𝘁 𝗻𝗮 𝗣𝘂𝗹𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗽𝗮𝗻𝗴𝘆𝗮𝗿𝗶𝗵𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗗𝗶𝘆𝗼𝘀 𝗻𝗮 𝗺𝗮𝗴𝗹𝗶𝗴𝘁𝗮𝘀 𝗸𝗮𝗵𝗶𝘁 𝘀𝗮 𝗶𝗺𝗽𝗼𝘀𝗶𝗯𝗹𝗲𝗻𝗴 𝘀𝗶𝘁𝘄𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻.

𝘚𝘶𝘮𝘢𝘨𝘰𝘵 𝘴𝘪 𝘔𝘰𝘪𝘴𝘦𝘴 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘵𝘢𝘰, “𝘏𝘶𝘸𝘢𝘨 𝘬𝘢𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘵𝘢𝘬𝘰𝘵. 𝘔𝘢𝘨𝘱𝘢𝘬𝘢𝘵𝘢𝘵𝘢𝘨 𝘬𝘢𝘺𝘰 𝘢𝘵 𝘮𝘢𝘬𝘪𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘯𝘪𝘯𝘺𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘭𝘪𝘭𝘪𝘨𝘵𝘢𝘴 𝘯𝘨 𝘗𝘈𝘕𝘎𝘐𝘕𝘖𝘖𝘕 𝘴𝘢 𝘪𝘯𝘺𝘰 𝘴𝘢 𝘢𝘳𝘢𝘸 𝘯𝘢 𝘪𝘵𝘰. 𝘈𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘌𝘨𝘪𝘱𝘤𝘪𝘰𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘬𝘪𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘯𝘪𝘯𝘺𝘰 𝘯𝘨𝘢𝘺𝘰𝘯 𝘢𝘺 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘯𝘢 𝘯𝘪𝘯𝘺𝘰 𝘮𝘢𝘬𝘪𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘱𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘶𝘭𝘪. 𝘈𝘯𝘨 𝘗𝘈𝘕𝘎𝘐𝘕𝘖𝘖𝘕 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘬𝘪𝘬𝘪𝘱𝘢𝘨𝘭𝘢𝘣𝘢𝘯 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘪𝘯𝘺𝘰. 𝘏𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘯ʼ𝘺𝘰 𝘯𝘢 𝘬𝘢𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘬𝘪𝘱𝘢𝘨𝘭𝘢𝘣𝘢𝘯 𝘱𝘢.” 𝗘𝗫𝗢𝗗𝗨𝗦 𝟭𝟰:𝟭𝟯-𝟭𝟰


Pagkatapos ng ilang siglo ng pang-aapi, sa wakas ay pinayagan nang makaalis ang mga Israelita sa Egipto. Gayunpaman, kakaalis pa lamang nila nang biglang nagbago ang isip ng Faraon at ipinahabol niya sila sa kanyang mga kawal. Sa paghabol ng mga Egipcio, naipit ang mga Israelita sa pagitan ng dagat sa harap nila, at mga bundok sa kanilang paligid. Tila wala nang daan para makaalis pa sila. Pinalakas ni Moises ang loob ng mga mamamayan ng Diyos, at sinabing, “𝘈𝘯𝘨 𝘗𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯𝘰𝘰𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘬𝘪𝘬𝘪𝘱𝘢𝘨𝘭𝘢𝘣𝘢𝘯 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘪𝘯𝘺𝘰,” at tunay ngang ipinaglaban sila ng Panginoon. Hinati ng Diyos ang dagat at gumawa Siya ng daan para ligtas silang makatawid sa tuyong lupa. At nang malapit na silang maabutan ng mga Egipcio, ibinalik Niya ang dagat sa normal at nalunod ang mga ito. Ano ang naging bunga ng dakilang pagpapakita ng kapangyarihan ng Diyos (Exodus 14:18, 31)?


𝟮.  𝗜𝗽𝗶𝗻𝗮𝗸𝗶𝘁𝗮 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝘁𝗮𝘄𝗶𝗱 𝘀𝗮 𝗗𝗮𝗴𝗮𝘁 𝗻𝗮 𝗣𝘂𝗹𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝘁𝗮𝘁𝗮𝗽𝗼𝘀 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗹𝗶𝗹𝗶𝗴𝘁𝗮𝘀 𝘀𝗮 𝗜𝘀𝗿𝗮𝗲𝗹 𝗺𝘂𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗘𝗴𝗶𝗽𝘁𝗼. 

𝘚𝘶𝘮𝘢𝘨𝘰𝘵 𝘴𝘪 𝘔𝘰𝘪𝘴𝘦𝘴 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘵𝘢𝘰, “𝘏𝘶𝘸𝘢𝘨 𝘬𝘢𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘵𝘢𝘬𝘰𝘵. 𝘔𝘢𝘨𝘱𝘢𝘬𝘢𝘵𝘢𝘵𝘢𝘨 𝘬𝘢𝘺𝘰 𝘢𝘵 𝘮𝘢𝘬𝘪𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘯𝘪𝘯𝘺𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘭𝘪𝘭𝘪𝘨𝘵𝘢𝘴 𝘯𝘨 𝘗𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯𝘰𝘰𝘯 𝘴𝘢 𝘪𝘯𝘺𝘰 𝘴𝘢 𝘢𝘳𝘢𝘸 𝘯𝘢 𝘪𝘵𝘰. 𝘈𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘌𝘨𝘪𝘱𝘤𝘪𝘰𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘬𝘪𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘯𝘪𝘯𝘺𝘰 𝘯𝘨𝘢𝘺𝘰𝘯 𝘢𝘺 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘯𝘢 𝘯𝘪𝘯𝘺𝘰 𝘮𝘢𝘬𝘪𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘱𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘶𝘭𝘪. 𝘈𝘯𝘨 𝘗𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯𝘰𝘰𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘬𝘪𝘬𝘪𝘱𝘢𝘨𝘭𝘢𝘣𝘢𝘯 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘪𝘯𝘺𝘰. 𝘏𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘯ʼ𝘺𝘰 𝘯𝘢 𝘬𝘢𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘬𝘪𝘱𝘢𝘨𝘭𝘢𝘣𝘢𝘯 𝘱𝘢.” ... 𝘚𝘢 𝘢𝘳𝘢𝘸 𝘯𝘢 𝘪𝘺𝘰𝘯, 𝘪𝘯𝘪𝘭𝘪𝘨𝘵𝘢𝘴 𝘯𝘨 𝘗𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯𝘰𝘰𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘐𝘴𝘳𝘢𝘦𝘭𝘪𝘵𝘢 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘮𝘢𝘺 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘌𝘨𝘪𝘱𝘤𝘪𝘰. 𝘈𝘵 𝘯𝘢𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘐𝘴𝘳𝘢𝘦𝘭𝘪𝘵𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘣𝘢𝘯𝘨𝘬𝘢𝘺 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘌𝘨𝘪𝘱𝘤𝘪𝘰 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘬𝘢𝘩𝘢𝘯𝘥𝘶𝘴𝘢𝘺 𝘴𝘢 𝘥𝘢𝘭𝘢𝘮𝘱𝘢𝘴𝘪𝘨𝘢𝘯. 𝗘𝗫𝗢𝗗𝗨𝗦 𝟭𝟰:𝟭𝟯-𝟭𝟰, 𝟯𝟬


Hindi madali ang pag-alis nila sa Egipto. Iyon lamang ang alam nila, dahil ilang siglo silang tumira roon. Noong araw na iyon, sa pagsunod nila sa plano ng Diyos, may ilan pa ring nagdalawang-isip nang makita nila ang imposible nilang sitwasyon. Ang mahimala nilang pagtawid sa Dagat na Pula ang naging hudyat mula sa Diyos na tinapos na Niya ang kanilang paghihirap sa Egipto. Sa pagsara ng Dagat na Pula, wala nang balikan. Nailigtas na sila mula sa pang-aalipin, at mula sa araw na iyon, makakapagsaya na sila sa kanilang pagkilala sa Diyos at sa pamumuhay ayon sa mga plano at pangako Niya. Kung ikaw ay isang Israelita noong panahong ito, ano ang magiging reaksyon mo? 


𝟯. 𝗗𝗮𝗵𝗶𝗹 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝘁𝗮𝘄𝗶𝗱 𝘀𝗮 𝗗𝗮𝗴𝗮𝘁 𝗻𝗮 𝗣𝘂𝗹𝗮, 𝗻𝗮𝗸𝗶𝗹𝗮𝗹𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗗𝗶𝘆𝗼𝘀 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗵𝗲𝗻𝗲𝗿𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗮𝘁 𝗯𝗮𝗻𝘀𝗮.

𝘕𝘢𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘐𝘴𝘳𝘢𝘦𝘭𝘪𝘵𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘥𝘢𝘬𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘱𝘢𝘯𝘨𝘺𝘢𝘳𝘪𝘩𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘗𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯𝘰𝘰𝘯 𝘯𝘢 𝘨𝘪𝘯𝘢𝘮𝘪𝘵 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘭𝘢𝘣𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘌𝘨𝘪𝘱𝘤𝘪𝘰. 𝘈𝘵 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘥𝘪𝘵𝘰, 𝘪𝘨𝘪𝘯𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘪𝘭𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘗𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯𝘰𝘰𝘯 𝘢𝘵 𝘴𝘪𝘺𝘢ʼ𝘺 𝘱𝘪𝘯𝘢𝘨𝘵𝘪𝘸𝘢𝘭𝘢𝘢𝘯 𝘯𝘪𝘭𝘢 𝘢𝘵 𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘪𝘯𝘨𝘬𝘰𝘥 𝘯𝘪𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘪 𝘔𝘰𝘪𝘴𝘦𝘴. 𝗘𝗫𝗢𝗗𝗨𝗦 𝟭𝟰:𝟯𝟭


Ang Diyos ay kinilala ng mga tao mula sa ibang bayan na nakarinig ng himalang ito bilang 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴 𝘴𝘢 𝘭𝘢𝘯𝘨𝘪𝘵 𝘢𝘵 𝘴𝘢 𝘭𝘶𝘱𝘢 (Josue 2:10–11). Kahit ang mga Egipciong nakakita at nakarinig tungkol sa mahimalang gawa ng Diyos ay sumama sa mga Israelita sa pag-alis nila (Exodus 12:38). Ang pagligtas at pangako ng Diyos ay hindi lamang para sa mga Israelita noon, kundi pati na rin sa lahat ng maniniwala, galing man sila sa ibang bansa o kaya ay sa mga darating na henerasyon. Paano nito mapapalakas ang loob ng mga nananampalataya sa Diyos ngayon?


Gaya ng mga Israelita, inaanyayahan din tayo ng Diyos sa pamamagitan ni Jesus na maranasan ang ganap na kaligtasan mula sa ating kasalanan na umalipin at bumihag sa atin. Tinalo na ni Jesus ang kalaban, ang kasalanan, at kamatayan. Para sa mga taong nananalig sa Kanya, wala nang balikan. Hindi na tayo alipin at maaari na tayong mamuhay sa kalayaan, pangako, at layunin na inihanda ng Diyos para sa atin kay Cristo.


𝗔𝗣𝗣𝗟𝗜𝗖𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡

• Ano ang imposibleng sitwasyong kinalalagyan mo ngayon? Paano ka kikilos nang may pananampalataya at pagtitiwala sa halip na takot at pagdududa?

• May mga bagay bang sinasabi ng Diyos na iwasan mo para tuluyan kang makasunod sa Kanya? Ano ang mga hakbang na magagawa mo upang mamuhay kay Jesus nang walang balikan? 

• Sino sa pamilya at kaibigan mo ang kailangang kumilala na kaya at gusto ng Diyos na iligtas sila mula sa paghihirap at kasalanan? Magpasyang ibabahagi mo ang patotoo mo sa kanila ngayong linggo.


𝗣𝗥𝗔𝗬𝗘𝗥

• Pasalamatan ang Diyos na mayroon Siyang plano para ganap tayong palayain at iligtas, gaya ng ginawa Niya para sa mga Israelita. 

• Hilingin sa Diyos na baguhin ka araw-araw para hindi mo na balikan ang anumang nang-alipin sa iyo noon o anumang humadlang sa pagsunod mo sa Kanya. 

• Humingi ng katapangan at pagkakataong ibahagi sa iba kung paano ka binago ng Diyos at kung paano Siya gumawa ng mga himala sa buhay mo.