icon__search

Cristo Jesus, ang Anak ni Abraham

Week 1

𝗪𝗔𝗥𝗠 𝗨𝗣

• Ano ang pinakamahal na pamana (hal., alahas, damit, gamit sa bahay) na natanggap mo? Bakit ito mahalaga sa iyo?

• Ano ang alam mo tungkol sa pinanggalingan ng iyong pamilya? Magbahagi ng kakaibang kwento tungkol sa isa sa iyong mga ninuno.

• Ano ang isang bagay na matagal mong hinintay pero nagagamit mo na ngayon?


𝗪𝗢𝗥𝗗

𝘐𝘵𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘭𝘢𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘯𝘪𝘯𝘶𝘯𝘰 𝘯𝘪 𝘑𝘦𝘴𝘶-𝘊𝘳𝘪𝘴𝘵𝘰 𝘯𝘢 𝘮𝘶𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘢𝘯𝘨𝘬𝘢𝘯 𝘯𝘪 𝘋𝘢𝘷𝘪𝘥. 𝘚𝘪 𝘋𝘢𝘷𝘪𝘥 𝘢𝘺 𝘮𝘶𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘭𝘢𝘩𝘪 𝘯𝘪 𝘈𝘣𝘳𝘢𝘩𝘢𝘮. 𝗠𝗔𝗧𝗘𝗢 𝟭:𝟭


𝘋𝘶𝘮𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘯𝘢𝘩𝘰𝘯 𝘯𝘢 𝘴𝘪𝘯𝘶𝘣𝘶𝘬𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴 𝘴𝘪 𝘈𝘣𝘳𝘢𝘩𝘢𝘮. 𝘛𝘪𝘯𝘢𝘸𝘢𝘨 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘴𝘪 𝘈𝘣𝘳𝘢𝘩𝘢𝘮, 𝘢𝘵 𝘴𝘶𝘮𝘢𝘨𝘰𝘵 𝘴𝘪 𝘈𝘣𝘳𝘢𝘩𝘢𝘮 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢. 𝘗𝘢𝘨𝘬𝘢𝘵𝘢𝘱𝘰𝘴, 𝘴𝘪𝘯𝘢𝘣𝘪 𝘯𝘪𝘺𝘢, “𝘋𝘢𝘭𝘩𝘪𝘯 𝘮𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘪𝘴𝘢-𝘪𝘴𝘢 𝘢𝘵 𝘱𝘪𝘯𝘢𝘬𝘢𝘮𝘢𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭 𝘮𝘰𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘢𝘬 𝘯𝘢 𝘴𝘪 𝘐𝘴𝘢𝘢𝘤, 𝘢𝘵 𝘱𝘶𝘮𝘶𝘯𝘵𝘢 𝘬𝘢𝘺𝘰 𝘴𝘢 𝘭𝘶𝘱𝘢𝘪𝘯 𝘯𝘨 𝘔𝘰𝘳𝘪𝘢. 𝘜𝘮𝘢𝘬𝘺𝘢𝘵 𝘬𝘢𝘺𝘰 𝘴𝘢 𝘣𝘶𝘯𝘥𝘰𝘬 𝘯𝘢 𝘪𝘵𝘶𝘵𝘶𝘳𝘰 𝘬𝘰 𝘴𝘢 𝘪𝘺𝘰 𝘢𝘵 𝘪𝘢𝘭𝘢𝘺 𝘮𝘰 𝘴𝘪𝘺𝘢 𝘴𝘢 𝘢𝘬𝘪𝘯 𝘣𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘩𝘢𝘯𝘥𝘰𝘨 𝘯𝘢 𝘴𝘪𝘯𝘶𝘴𝘶𝘯𝘰𝘨.” 𝗚𝗘𝗡𝗘𝗦𝗜𝗦 𝟮𝟮:𝟭–𝟮


(Basahin din ang 𝗚𝗘𝗡𝗘𝗦𝗜𝗦 𝟮𝟮:𝟯–𝟭𝟴)


Kilala ni Mateo si Jesus at alam niya ang mga ginawa Niyang himala. Ngunit nakakamangha na sinimulan niya ang kanyang libro sa lahing pinanggalingan ni Jesus. Si Jesus ay galing sa 𝘭𝘢𝘩𝘪 𝘯𝘪 𝘈𝘣𝘳𝘢𝘩𝘢𝘮 na kinikilala ng mga Israelita bilang unang patriyarka o ama ng Israel. Sinubukan si Abraham ng Diyos nang ipinaalay Niya ang pinakamamahal niyang anak na si Isaac, ngunit dahil sa pagkamasunurin ni Abraham, nailigtas si Isaac. Pinarangalan ng Diyos si Abraham sa pamamagitan ng isang pangako na pagpapalain ang mga bansa dahil sa kanya. Natupad ang pangakong ito nang maging tao si Jesus. Siya ang naging Anak na inalay. Sa araw na ito, titingnan natin ang kahalagahan ni Jesus bilang katuparan ng pangako ng Diyos kay Abraham at ano ang kabuluhan nito sa atin ngayon.


𝟭. 𝗗𝗮𝗵𝗶𝗹 𝘀𝗶 𝗝𝗲𝘀𝘂𝘀 𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝘁𝘂𝗽𝗮𝗿𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗴𝗮𝗸𝗼 𝗻𝗴 𝗗𝗶𝘆𝗼𝘀, 𝗦𝗶𝘆𝗮 𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗮𝗮𝘀𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗸𝗼.

“𝘞𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘪𝘯𝘶𝘮𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘮𝘶𝘯𝘥𝘰𝘯𝘨 𝘪𝘵𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘬𝘢𝘱𝘢𝘨𝘭𝘪𝘭𝘪𝘨𝘵𝘢𝘴 𝘴𝘢 𝘢𝘵𝘪𝘯 𝘬𝘶𝘯𝘥𝘪 𝘴𝘪 𝘑𝘦𝘴𝘶𝘴 𝘭𝘢𝘯𝘨.” 𝗠𝗚𝗔 𝗚𝗔𝗪𝗔 𝟰:𝟭𝟮


Bilang Kanyang Anak, ipinadala ng Diyos si Jesus para pagbayaran ang mga kasalanan natin at Siya lang ang naging karapat-dapat sa banal na pamantayan ng isang Tagapagligtas. Naranasan din ni Jesus 𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘩𝘢𝘵 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘴𝘶𝘣𝘰𝘬 𝘯𝘢 𝘥𝘶𝘮𝘢𝘳𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘴𝘢 𝘢𝘵𝘪𝘯, 𝘱𝘦𝘳𝘰 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘴𝘪𝘺𝘢 𝘯𝘢𝘨𝘬𝘢𝘴𝘢𝘭𝘢 (Mga Hebreo 4:15), at dahil dito, Siya lang ang nag-iisang perpektong alay. Walang ibang tao, pilosopiya, o relihiyon ang makakapagligtas sa sangkatauhan. Si Jesus lamang ang may awtoridad at kapangyarihang iligtas tayo. Bakit kailangan ng Diyos ang isang perpektong alay?


𝟮. 𝗗𝗮𝗵𝗶𝗹 𝘀𝗶 𝗝𝗲𝘀𝘂𝘀 𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝘁𝘂𝗽𝗮𝗿𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗴𝗮𝗸𝗼 𝗻𝗴 𝗗𝗶𝘆𝗼𝘀, 𝗽𝗮𝗻𝗮𝘁𝗮𝗴 𝗮𝗸𝗼.

𝘎𝘢𝘯𝘰𝘰𝘯 𝘥𝘪𝘯 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯, 𝘮𝘪𝘯𝘴𝘢𝘯 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘵𝘢𝘺 𝘴𝘪 𝘊𝘳𝘪𝘴𝘵𝘰 𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘯𝘪𝘩𝘢𝘯𝘥𝘰𝘨 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘳𝘪𝘭𝘪 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘢𝘭𝘪𝘴𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘴𝘢𝘭𝘢𝘯𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘵𝘢𝘰. 𝘈𝘵 𝘮𝘶𝘭𝘪 𝘴𝘪𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘣𝘢𝘭𝘪𝘬 𝘥𝘪𝘵𝘰 𝘴𝘢 𝘮𝘶𝘯𝘥𝘰, 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘯𝘢 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘢𝘬𝘶𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘶𝘭𝘪 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘴𝘢𝘭𝘢𝘯𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘵𝘢𝘰, 𝘬𝘶𝘯𝘥𝘪 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘪𝘭𝘪𝘨𝘵𝘢𝘴 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘵𝘢𝘰𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘨𝘩𝘪𝘩𝘪𝘯𝘵𝘢𝘺 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢. 𝗠𝗚𝗔 𝗛𝗘𝗕𝗥𝗘𝗢 𝟵:𝟮𝟴


Sa Lumang Tipan, paulit-ulit na nag-aalay ang mga tao para mapatawad ang kanilang mga kasalanan. Pero hindi kayang tapatan ng anumang pag-aalay ang katarungan ng Diyos. Nang dumating si Jesus, binayaran Niya nang buo ang ating mga kasalanan. Natupad ang plano ng Diyos na iligtas tayo, na binabanggit sa buong Kasulatan. Ang Kanyang buhay, kamatayan, at muling pagkabuhay ang naging daan para sa ating kaligtasan. Nagbibigay ito ng katiyakan sa lahat ng magtitiwala sa Kanya na kahit ano pa man ang nagawa nila, naibalik sila sa tamang ugnayan sa Diyos. Paano ka nagkaroon ng katiyakan dahil sa kung sino si Jesus?


𝟯. 𝗗𝗮𝗵𝗶𝗹 𝘀𝗶 𝗝𝗲𝘀𝘂𝘀 𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝘁𝘂𝗽𝗮𝗿𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗴𝗮𝗸𝗼 𝗻𝗴 𝗗𝗶𝘆𝗼𝘀, 𝗺𝗮𝘆 𝗽𝗮𝗴-𝗮𝘀𝗮 𝗮𝘁 𝗵𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗯𝘂𝗵𝗮𝘆 𝗸𝗼.

𝘕𝘪𝘭𝘪𝘬𝘩𝘢 𝘵𝘢𝘺𝘰 𝘯𝘨 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴; 𝘢𝘵 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘬𝘪𝘬𝘪𝘱𝘢𝘨-𝘪𝘴𝘢 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯 𝘬𝘢𝘺 𝘊𝘳𝘪𝘴𝘵𝘰 𝘑𝘦𝘴𝘶𝘴, 𝘣𝘪𝘯𝘪𝘨𝘺𝘢𝘯 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘵𝘢𝘺𝘰 𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘨𝘰𝘯𝘨 𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺, 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘨𝘶𝘮𝘢𝘸𝘢 𝘵𝘢𝘺𝘰 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘣𝘶𝘵𝘪𝘩𝘢𝘯 𝘯𝘢 𝘯𝘰𝘰𝘯 𝘱𝘢ʼ𝘺 𝘪𝘵𝘪𝘯𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢 𝘯𝘢 𝘯𝘨 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴 𝘯𝘢 𝘨𝘢𝘸𝘪𝘯 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯. 𝗠𝗚𝗔 𝗧𝗔𝗚𝗔-𝗘𝗙𝗘𝗦𝗢 𝟮:𝟭𝟬


Kay Cristo, nakakasiguro tayong may kabuluhan ang buhay natin. Kumikilos ang Diyos sa mga buhay natin at ginagamit Niya tayo para tuparin ang Kanyang mga layunin at plano. Habang patuloy tayong naglalakbay kasama Siya, binabago Niya ang ating mga buhay at nararanasan natin ang Kanyang katotohanan. Ibinukod tayo ng Diyos at sinasama Niya tayo sa Kanyang gawain sa mundo, at ito ang nagbibigay sa atin ng lakas ng loob at halaga. Alam natin na may kabuluhan ang mga ginagawa natin habang isinasabuhay natin ang ating pananampalataya. Paano mo nalaman ang layunin ng Diyos para sa iyo at paano nito nabago ang pamumuhay mo?


𝗔𝗣𝗣𝗟𝗜𝗖𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡

• Hilingin sa Diyos na ipakita sa iyo kung ipinagkakatiwala mo pa rin ba ang iyong kaligtasan sa mga bagay o sa ibang tao. Ano ang natutunan mo tungkol sa pagtitiwala kay Jesus lamang?

• Gaano katatag ang katiyakan mo na sapat na ang sakripisyo ni Jesus para pagbayaran ang lahat ng iyong kasalanan? Ano ang babaguhin mo sa iyong buhay ngayong nalaman mo na ganap at kumpleto na ang sakripisyo ni Jesus at sapat na ito para maibalik ang ugnayan mo sa Diyos?

• May bahagi tayo sa plano ng Diyos na ibalik ang sangkatauhan sa Kanya. Humingi sa Diyos ng mga pagkakataon ngayong linggo para maibahagi mo ang iyong pananampalataya sa mga kapamilya at kaibigan mo. Maging handang ibahagi ang iyong pag-asa kay Cristo.


𝗣𝗥𝗔𝗬𝗘𝗥

• Purihin ang Diyos dahil sa pagpapadala Niya kay Jesus sa mundo. Pasalamatan Siya dahil maaari tayong magtiwala sa ginawa ni Jesus sa krus.

• Hilingin sa Diyos na palambutin ang puso mo kapag ipinapakita Niya ang mga bahagi ng buhay mo na dapat mong baguhin. Manalangin na habang hinahayaan mo ang Diyos na hubugin ka ay maisabuhay mo ang Kanyang mga plano at layunin sa buhay mo.

• Pasalamatan ang Diyos para sa Kanyang plano na iligtas ang mundo sa pamamagitan ni Jesus at sa paghahanda Niya sa’yo para magawa mo ang iyong bahagi sa Kanyang plano. Manalangin para sa tapang at lakas ng loob habang ginagamit ka Niya bilang tagapaghayag ng ginawa ni Jesus sa krus.