icon__search

Ipamuhay ang Salita

Week 1

๐—ช๐—”๐—ฅ๐— -๐—จ๐—ฃ
โ€ข Ano ang paborito mong ๐˜ด๐˜ถ๐˜ฃ๐˜ซ๐˜ฆ๐˜ค๐˜ต sa eskwela? Ano ang nagustuhan mo rito?
โ€ข Alalahanin ang isang panahong may bago kang natutunan. Paano ka lalong humusay dito?
โ€ข Isipin ang isang taong malapit sa iyo. Paano ka naging malapit sa taong ito? Bakit mo siya pinagkakatiwalaan?

๐—ช๐—ข๐—ฅ๐——
๐˜—๐˜ˆ๐˜•๐˜Ž๐˜๐˜•๐˜–๐˜–๐˜•, ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏสผ๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ต๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ถ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐสผ๐˜บ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ฏ. ๐—ฆ๐—”๐—Ÿ๐— ๐—ข ๐Ÿญ๐Ÿญ๐Ÿต:๐Ÿฐ

(Basahin din ang ๐—ฆ๐—ฎ๐—น๐—บ๐—ผ ๐Ÿญ๐Ÿญ๐Ÿต:๐Ÿญโ€“๐Ÿฏ, ๐Ÿฑโ€“๐Ÿด.)

Kamangha-mangha ang katotohanan na ang Bibliya, ang nakasulat na salita ng Diyos, ay nagtagal nang mahabang panahon at angkop pa rin sa panahon ngayon. Ang bawat mananampalataya ay tumitingin sa salita ng Diyos para sa patnubay at karunungan, bilang awtoridad sa pananampalataya at pag-uugali. Gayunpaman, tila marami ang kuntento na sa pagkuha ng iilang talata tuwing Linggo sa halip na maglaan ng panahong pag-aralan at isabuhay ang mayamang salita ng Diyos araw-araw. Nais ng Diyos na ipamuhay natin ang ating paniniwala. Nangangahulugan ito ng pagmamahal at pagsunod sa Kanyang salita araw-arawโ€”alamin at pag-aralan ang salita. Maraming dalang pagpapala ang pag-alam at pagsasapamuhay ng salita ng Diyos. Sa araw na ito, titingnan natin kung ano ang maaari nating gawin habang patuloy tayong lumalago sa kaalaman natin sa Kanyang salita.

๐Ÿญ. ๐— ๐—ฎ๐—บ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜† ๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐˜‚๐˜๐—ผ๐˜€ ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ผ๐—ผ๐—ป.
๐˜”๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฅ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ข๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜ด, ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ข๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ถ๐˜ต๐˜ฐ๐˜ด ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ˆ๐˜•๐˜Ž๐˜๐˜•๐˜–๐˜–๐˜•. ๐—ฆ๐—ฎ๐—น๐—บ๐—ผ ๐Ÿญ๐Ÿญ๐Ÿต:๐Ÿญ

Minsan nakikita lamang natin ang salita ng Diyos bilang isang listahan ng mga dapat gawin o talaan ng kasaysayan. Pero ang salita ng Diyos ay hindi lamang para sa kaalaman natin. Dapat natin itong ipamuhay. Bahagi ng pag-aaral ng salita ng Diyos ang aktibong pagsunod sa sinasabi nito. Habang lalo tayong namumuhay ayon sa salita ng Diyos at sumusunod sa Kanya, mas mararanasan natin ang katotohanan nito sa ating buhay. Sa tingin mo, paano tayo makakapamuhay ayon sa salita ng Diyos araw-araw?

๐Ÿฎ. ๐—ฆ๐˜‚๐—บ๐˜‚๐—ป๐—ผ๐—ฑ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—ฟ๐˜‚๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐——๐—ถ๐˜†๐—ผ๐˜€..
๐˜”๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฅ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ข๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ด๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜ฅ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ต๐˜ถ๐˜ณ๐˜ถ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‹๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ๐˜ด, ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ถ๐˜ด๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฑ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฏ. ๐˜๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ด๐˜ช๐˜ญ๐˜ข ๐˜จ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ด๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ด๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜ฅ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‹๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ๐˜ด. ๐—ฆ๐—ฎ๐—น๐—บ๐—ผ ๐Ÿญ๐Ÿญ๐Ÿต:๐Ÿฎโ€“๐Ÿฏ

Ang salita ng Diyos ay isa sa mga paraan kung paano ipinapaalam ng Diyos ang Kanyang katangian at kalikasan sa Kanyang mga mamamayan. Sa pamamagitan ng mga kwentong nakasulat sa Bibliya, nakikita natin ang pag-ibig at katapatan ng Diyos. Habang patuloy tayong nagbabasa at nakikinig tungkol sa Kanyang mga gawa, nakikita natin kung paano Siya nagiging kalakasan sa ating kahinaan, nagiging ginhawa sa kagipitan, at nananatiling tapat sa Kanyang katangian at mga pangako. Sama-sama nating pinag-iingatan ang mga kwentong natutunan natin mula sa Bibliya, narinig mula sa ibang mga mananampalataya, at naranasan sa sarili nating buhay. Ano ang kwento mo tungkol sa kabutihan ng Diyos sa iyo at sa iyong pamilya? Bakit mahalagang ibahagi ito sa iba?

๐Ÿฏ. ๐—›๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ฝ๐—ถ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—น๐—ผ๐—ผ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ผ๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐˜‚๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐˜‚๐˜€๐—ผ.
๐˜”๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฅ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ข๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ด๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜ฅ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ต๐˜ถ๐˜ณ๐˜ถ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‹๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ๐˜ด, ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ถ๐˜ด๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฑ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฏ. ๐˜๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ด๐˜ช๐˜ญ๐˜ข ๐˜จ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ด๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ด๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜ฅ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‹๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ๐˜ด. ๐—ฆ๐—ฎ๐—น๐—บ๐—ผ ๐Ÿญ๐Ÿญ๐Ÿต:๐Ÿฎ-๐Ÿฏ

Ang pamumuhay ayon sa limitado nating kakayahan ay nag-aanyaya ng kayabangan at pagiging matuwid sa sariling mga mata. Mabuti na lamang at walang sawa tayong pinagpapakumbaba ng Diyos para naisin nating makilala Siya at matutunan ang Kanyang salita. Gumawa rin Siya ng paraan upang makilala at maranasan natin Siyaโ€”sa pamamagitan ng Kanyang Anak, si Jesus, na Siyang buhay na Salita. Ang Diyos at ang Kanyang salita dapat ang lahat-lahat sa ating buhay, at dapat nating hanapin ang Kanyang kalooban nang buong puso. Sa tingin mo, paano makikita sa buhay natin ang paghahanap sa isang bagay nang buong puso? Bakit kaya nais ng Diyos na hanapin ng Kanyang mamamayan ang Kanyang kalooban nang buong puso at hindi lang nang isang bahagi ng kanilang puso? Paano natin ito magagawa bilang isang komunidad?

Sa pag-iisip ng may-akda ng Salmo tungkol sa salita ng Diyos, tinapos niya ang bahaging ito ng awit nang buo ang paninindigan: ๐˜š๐˜ถ๐˜ด๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ต๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ, ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ๐˜ข ๐˜ฉ๐˜ถ๐˜ธ๐˜ข๐˜จ ๐˜ฏสผ๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ (Salmo 119:8). Kapag nakita natin ang kahalagahan ng pag-aaral ng salita ng Diyos at sa pamamagitan ng Kanyang biyaya ay ipangako natin ang paglago ng ating ugnayan sa Kanya, bibigyan Niya tayo ng paninindigan na sundin ang lahat ng Kanyang utos at mamuhay ayon sa Kanyang kaparaanan.

๐—”๐—ฃ๐—ฃ๐—Ÿ๐—œ๐—–๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก
โ€ข Paano binago ng salita ng Diyos ang buhay mo? Gaano ito kahalaga sa iyo at paano mo ito natutunang pahalagahan?
โ€ข Kabisaduhin ang Salmo 119:1: ๐˜”๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฅ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ข๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜ด, ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ข๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ถ๐˜ต๐˜ฐ๐˜ด ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ˆ๐˜•๐˜Ž๐˜๐˜•๐˜–๐˜–๐˜•. Bigkasin ito nang paulit-ulit at gawin itong panalangin mo ngayong linggo.
โ€ข Paano ka lalago sa iyong pagmamahal sa salita ng Diyos? Sino ang makakatulong sa iyo rito at ano sa palagay mo ang magagawa ninyo para sama-samang mag-aral, matuto, at lumago sa salita ng Diyos?


๐—ฃ๐—ฅ๐—”๐—ฌ๐—˜๐—ฅ
โ€ข Pasalamatan ang Diyos sa Kanyang salita na tumutulong sa atin na maunawaan kung sino Siya at paano tayo makakasunod sa Kanya.
โ€ข Humingi sa Diyos ng bagong pananaw at pag-unawa sa Kanyang salita araw-araw. Ipanalangin na hindi maging hadlang ang pagiging pamilyar o anumang abala sa pagmamahal mo sa salita ng Diyos.
โ€ข Ipanalangin na habang natutunan mo ang salita ng Diyos, maibabahagi mo ito sa iba. Humingi sa Diyos ng tapang, habag, at biyaya para maipahayag mo ang ebanghelyo sa mga taong nasa paligid mo.