icon__search

Jesus, ang Mesias

Week 3

๐—ช๐—”๐—ฅ๐—  ๐—จ๐—ฃ

โ€ข May nasabihan ka na ba ng โ€œSa wakas, dumating ka naโ€? Gaano kahalaga ang pagdating ng taong iyon?

โ€ข Nangailangan ka na ba ng tulong ng ibang tao para mailigtas ka? Ano ang nangyari?

โ€ข Kapag naghihintay ka, mas gusto mo bang maghintay nang sandali lang kahit pa iba ang matanggap mo o handa kang maghintay nang matagal para makuha ang talagang gusto mo? Bakit?


๐—ช๐—ข๐—ฅ๐——

๐˜๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ช ๐˜‘๐˜ฆ๐˜ด๐˜ถ-๐˜Š๐˜ณ๐˜ช๐˜ด๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ช ๐˜‹๐˜ข๐˜ท๐˜ช๐˜ฅ. ๐˜š๐˜ช ๐˜‹๐˜ข๐˜ท๐˜ช๐˜ฅ ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜ช ๐˜ˆ๐˜ฃ๐˜ณ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฎ. . . . ๐˜ข๐˜ต ๐˜ด๐˜ช ๐˜‘๐˜ข๐˜ค๐˜ฐ๐˜ฃ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ช ๐˜‘๐˜ฐ๐˜ด๐˜ฆ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ธ๐˜ขสผ๐˜บ ๐˜ด๐˜ช ๐˜”๐˜ข๐˜ณ๐˜ช๐˜ข. ๐˜š๐˜ช ๐˜”๐˜ข๐˜ณ๐˜ช๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ช ๐˜‘๐˜ฆ๐˜ด๐˜ถ๐˜ด ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜Š๐˜ณ๐˜ช๐˜ด๐˜ต๐˜ฐ. ๐˜’๐˜ข๐˜บ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜บ 14 ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฉ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ข๐˜ด๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ ๐˜ˆ๐˜ฃ๐˜ณ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฎ ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ ๐˜‹๐˜ข๐˜ท๐˜ช๐˜ฅ, ๐˜ฎ๐˜ข๐˜บ 14 ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฉ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ข๐˜ด๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ ๐˜‹๐˜ข๐˜ท๐˜ช๐˜ฅ ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฉ๐˜ข๐˜จ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜๐˜ด๐˜ณ๐˜ข๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ช๐˜ต๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜‰๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ข, ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฎ๐˜ข๐˜บ 14 ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฉ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ข๐˜ด๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฉ๐˜ข๐˜จ ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ ๐˜Š๐˜ณ๐˜ช๐˜ด๐˜ต๐˜ฐ. ๐— ๐—”๐—ง๐—˜๐—ข ๐Ÿญ:๐Ÿญ, ๐Ÿญ๐Ÿฒโ€“๐Ÿญ๐Ÿณ


Nang ibinahagi ni Mateo ang talaan ng mga ninuno ni Jesus, sinabi niya na si Jesus nga ang pinakahihintay na Mesias at Panginoon. Si Jesus ay hindi lamang katuparan ng ipinangako ng Diyos kay Abrahamโ€”na sa pamamagitan Niya ay pagpapalain ang lahat ng bansaโ€”kundi katuparan din ng pangako ng Diyos kay David na isa sa kanyang mga apo ang magtatatag ng kaharian na walang-hanggan. Maliban pa dito, tinawag din ni Mateo si Jesus na Cristo. Ipinapahiwatig lang nito na si Jesus ang pinili at ipinangakong Tagapagligtas na binabanggit sa buong Lumang Tipan. Sa pagbalik-tanaw ni Mateo sa lahi ni Jesus mula sa Kanya pabalik kay Jose, pinatunayan ni Mateo na dumating na sa wakas ang Tagapagligtas, na tumupad sa inaasahan ng mga Judio sa isang Mesias at sa plano ng Diyos na kaligtasan ng mundo. Sa araw na ito, titingnan natin ang kabuluhan ng pagdating ni Cristo Jesus para sa atin.


๐Ÿญ. ๐—ž๐—ฎ๐˜† ๐—–๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐˜๐—ผ, ๐˜€๐—ถ๐—ด๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ๐—ฑ๐—ผ ๐—ฎ๐—ธ๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐——๐—ถ๐˜†๐—ผ๐˜€.

๐˜๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ช ๐˜‘๐˜ฆ๐˜ด๐˜ถ-๐˜Š๐˜ณ๐˜ช๐˜ด๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ช ๐˜‹๐˜ข๐˜ท๐˜ช๐˜ฅ. ๐˜š๐˜ช ๐˜‹๐˜ข๐˜ท๐˜ช๐˜ฅ ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜ช ๐˜ˆ๐˜ฃ๐˜ณ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฎ. ๐— ๐—”๐—ง๐—˜๐—ข ๐Ÿญ:๐Ÿญ


Ang pagdating ni Jesus sa mundo ay itinakda na bago pa Siya ipinanganak. Pinagtahi-tahi ng Diyos ang mga buhay at kaganapan sa loob ng maraming henerasyon upang masiguro na isisilang sa mundo ang Tagapagligtas. Nagbibigay ito sa atin ng malakas na pananalig sa Kanyang katapatan. Hindi kumikilos ang Diyos nang basta-basta lang. Hindi Niya tayo nilikha nang walang pag-iingat at basta-basta lamang noong ipinanganak tayo. Napapanatag tayo nito dahil ang Diyos ang may hawak ng lahat, kumikilos sa lahat ng panahon, mga tao, at mga pangyayari upang maisakatuparan ang mga plano at layunin Niya sa ating buhay. Paano nabago ang buhay mo nang malaman mo na may plano at layunin ang Diyos para sa lahat?


๐Ÿฎ.๐—ž๐—ฎ๐˜† ๐—–๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐˜๐—ผ, ๐—ฏ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ด๐—ถ ๐—ฎ๐—ธ๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐——๐—ถ๐˜†๐—ผ๐˜€.

๐˜๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ช ๐˜‘๐˜ฆ๐˜ด๐˜ถ-๐˜Š๐˜ณ๐˜ช๐˜ด๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ช ๐˜‹๐˜ข๐˜ท๐˜ช๐˜ฅ. ๐˜š๐˜ช ๐˜‹๐˜ข๐˜ท๐˜ช๐˜ฅ ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜ช ๐˜ˆ๐˜ฃ๐˜ณ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฎ. . . . ๐˜’๐˜ข๐˜บ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜บ 14 ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฉ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ข๐˜ด๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ ๐˜ˆ๐˜ฃ๐˜ณ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฎ ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ ๐˜‹๐˜ข๐˜ท๐˜ช๐˜ฅ, ๐˜ฎ๐˜ข๐˜บ 14 ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฉ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ข๐˜ด๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ ๐˜‹๐˜ข๐˜ท๐˜ช๐˜ฅ ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฉ๐˜ข๐˜จ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜๐˜ด๐˜ณ๐˜ข๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ช๐˜ต๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜‰๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ข, ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฎ๐˜ข๐˜บ 14 ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฉ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ข๐˜ด๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฉ๐˜ข๐˜จ ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ ๐˜Š๐˜ณ๐˜ช๐˜ด๐˜ต๐˜ฐ. ๐— ๐—”๐—ง๐—˜๐—ข ๐Ÿญ:๐Ÿญ,๐Ÿญ๐Ÿณ


Ang talaan ng mga ninuno mula kay Adan hanggang kay Cristo ay nagpapakita lamang na ang Diyos ay kumikilos sa ibaโ€™t ibang klase ng tao. Pinipili Niya ang mga makapangyarihan at tanyag pati na rin ang mga karaniwan at hindi kilala. Ang mga haring tulad nina David, Hezekia, at Zerubabel ay mga tanyag pati na rin ang mga tulad ni Zadok na pinuno ng mga pari. Ngunit kasama ng mga tanyag na pangalang ito ay ang mga hindi Judio na tulad nina Ruth at Rahab at ang mga abang tao na sina Maria at Jose. Ipinapakita ng pagkakaiba-ibang ito na sa plano ng Diyos para sa kaligtasan, maaaring maging bahagi ang kahit na sino at hindi ito ayon sa estado sa buhay o angkan. Nakikita ng Diyos ang bawat isa sa atin at maaari Niya tayong gamitin sa mga plano Niya. Dahil dito, nagkakaroon tayo ng seguridad at halaga. Sabi sa Mateo 28:18โ€“20, ano ang ipinapagawa ni Jesus sa atin? Nagagawa mo ba ito kung nasaan ka ngayon?


Ang listahan ng mga ninuno ni Jesus ay nagpapatunay na walang sinuman ang hindi mahalaga para hindi maging bahagi sa kwento ng Diyos. Kung para sa mundo ay hindi tayo kilala, nakikita pa rin tayo ng Diyos at alam Niya ang bawat detalye ng ating mga buhay. Tinatawag tayo ng Diyos na ihayag ang ginawa ni Jesus hanggang sa dulo ng daigdig upang sa wakas ay malaman ng mga tao na dumating na ang Tagapagligtas at itinatatag na Niya ang Kanyang kaharian dito sa mundo.


๐—”๐—ฃ๐—ฃ๐—Ÿ๐—œ๐—–๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก

โ€ข Minsan ba ay nararamdaman mo na walang halaga ang iyong buhay? Hilingin sa Diyos na tulungan kang makita ang sarili mo tulad ng pagtingin Niya sa iyo.

โ€ข Hilingin sa Diyos na ipakita Niya ang plano at layunin Niya sa buhay mo. Isulat ito at ilagay sa lugar na nakikita mo palagi upang maalala mo na nais ng Diyos na mamuhay ka nang may kahalagahan.

โ€ข Ano ang mga maaari mong gawin upang makibahagi sa gawain ng Diyos sa mundo? Manalangin na magkaroon ka ng mga pagkakataong ibahagi kung sino si Jesus sa mga malalapit sa iyo.


๐—ฃ๐—ฅ๐—”๐—ฌ๐—˜๐—ฅ

โ€ข Pasalamatan ang Diyos para sa katiyakang mahalaga ang buhay mo, kahit ano pa man ang sabihin o isipin ng mga tao sa paligid mo. Humingi sa Diyos ng lakas ng loob para mamuhay ayon sa kagustuhan Niya at maisakatuparan ang mga plano Niya.

โ€ข Manalangin na bigyang-linaw ng Diyos ang mga gusto Niyang ipagawa sa iyo para magampanan mo ang iyong bahagi sa Kanyang plano. Hingin ang isang pusong handang sumunod sa Kanya.

โ€ข Manalangin na ngayong Pasko, gamitin ka ng Diyos upang makapaghatid ng pag-asa at lakas ng loob sa mga nakapaligid sa iyo. Ilista lahat ng mga pagtitipon na dadaluhan mo at humiling ng pagkakataon na makapagbahagi ka ng pag-asa sa mga tao.