icon__search

Piliin ang Salita

Week 4

๐—ช๐—”๐—ฅ๐— -๐—จ๐—ฃ
โ€ข Anong libro, pelikula, o palabas tungkol sa batas ang ikinatuwa mo? Ano ang nagustuhan mo dito?
โ€ข Ano ang reaksyon mo kapag sinasabi ng mga tao na, โ€œHindi talaga tinutupad ang mga pangakoโ€? Bakit?
โ€ข Sa panahon ngayon, paano mo napapatunayang totoo ang isang bagay? Saan ka pumupunta para tiyakin ang katotohanan?


๐—ช๐—ข๐—ฅ๐——
๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ต๐˜ถ๐˜ณ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ต๐˜ถ๐˜ธ๐˜ช๐˜ฅ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ธ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ. ๐˜‰๐˜ช๐˜จ๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏสผ๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ-๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข ๐˜ถ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ต๐˜ถ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜บ ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ. ๐—ฆ๐—”๐—Ÿ๐— ๐—ข ๐Ÿญ๐Ÿญ๐Ÿต:๐Ÿญ๐Ÿฐ๐Ÿฐ

(Basahin din ang ๐—ฆ๐—”๐—Ÿ๐— ๐—ข ๐Ÿญ๐Ÿญ๐Ÿต:๐Ÿญ๐Ÿฏ๐Ÿณโ€“๐Ÿญ๐Ÿฐ๐Ÿฏ.)

Alam at ipinapahayag ng Salmista ang tungkol sa katangian at salita ng Diyos. Ang Diyos ay matuwid, hindi nagbabago, at maaasahan; ang Kanyang salita (o ang Kanyang mga paghatol, pangako, at kautusan) ay katiwa-tiwala at kalugod-lugod. Anuman ang pinagdaraanan natin sa bawat sandali ng ating buhay, makakaasa tayo sa kung sino Siya at kung ano ang sinasabi Niya. Tuwing tinitingnan natin ang Diyos at pinipili nating sumunod sa Kanyang salita, hindi tayo matitinag, maguguluhan, o mabibigo. Sa araling ito, titingnan natin ang tatlong katotohanan tungkol sa salita ng Diyos mula sa talatang ito.

๐Ÿญ. ๐—”๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ต๐—ฎ๐˜๐—ผ๐—น ๐—ป๐—ด ๐——๐—ถ๐˜†๐—ผ๐˜€ ๐—ฎ๐˜† ๐—น๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐˜„๐—ถ๐—ฑ.
๐˜”๐˜ข๐˜ต๐˜ถ๐˜ธ๐˜ช๐˜ฅ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ, ๐˜—๐˜ˆ๐˜•๐˜Ž๐˜๐˜•๐˜–๐˜–๐˜•, ๐˜ข๐˜ต ๐˜ต๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ต๐˜ฐ๐˜ญ. ๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ต๐˜ถ๐˜ณ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ต๐˜ถ๐˜ธ๐˜ช๐˜ฅ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ธ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ. ๐˜“๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช๐˜ด ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜จ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ต ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช๐˜ญ ๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ญ๐˜ฆ๐˜ธ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜บ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ต๐˜ข. ๐—ฆ๐—”๐—Ÿ๐— ๐—ข ๐Ÿญ๐Ÿญ๐Ÿต:๐Ÿญ๐Ÿฏ๐Ÿณโ€“๐Ÿญ๐Ÿฏ๐Ÿต

Gaya ng pagbaba ng anunsyo o hatol ng hari sa abot ng kanyang makakaya ayon sa iniisip niyang tama, gumagawa rin ang Diyos ng mga paghatol ayon sa Kanyang katuwiran at katapatan. Bagamaโ€™t hindi tayo maililigtas o mapapamahalaan ng hari nang walang kamalian, kaya ito ng Diyos at ginagawa Niya ito. Sa katunayan, ang katuwiran ng Diyos ang nagbigay ng daan upang maging matuwid ang buhay natin. Hindi lamang tayo inaasahan ng Diyos na sumunod sa Kanyang mga tuntunin; ipinanunumbalik Niya tayo sa Kanyang sarili at ginagawa Niya tayong matuwid sa Kanyang harapan. Paano ka nabibigyan ng katiyakan at kaginhawahan ng katotohanang ito?

๐Ÿฎ. ๐—”๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ธ๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐——๐—ถ๐˜†๐—ผ๐˜€ ๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ฎ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป.
๐˜•๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ต๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ข๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ฐ, ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜จ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฌ๐˜ฐ๐˜ฅ. ๐˜’๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช๐˜ต ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช๐˜ณ๐˜ข๐˜ฑ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜ฏ, ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ต๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ. ๐—ฆ๐—”๐—Ÿ๐— ๐—ข ๐Ÿญ๐Ÿญ๐Ÿต:๐Ÿญ๐Ÿฐ๐Ÿฌโ€“๐Ÿญ๐Ÿฐ๐Ÿญ

Sa gitna ng ibaโ€™t-ibang mga sitwasyon at pagsubok, ang salita ng Diyos (na tinutukoy din bilang isang pangkalahatang pangako) ay sinubukan at napatunayang maaasahan. Noong tayo ay mahirap lang at inaayawan tulad ng Salmista at humaharap sa mga kabiguan at nabigong pangako mula sa iba, ang mga pangako ng Diyos ay nananatili at natutupad. Kapag tayo ay mahina, nababalisa, at nagkukulang, maaari tayong tumingin sa Diyos at sa Kanyang mga pangakong napatunayang maaasahan. Magbahagi ng isang pagkakataon kung kailan ang salita ng Diyos ay nasubukan at napatunayang maaasahan sa buhay mo.

๐Ÿฏ. ๐—”๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐˜‚๐˜๐˜‚๐˜€๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐——๐—ถ๐˜†๐—ผ๐˜€ ๐—ฎ๐˜† ๐—น๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด ๐˜๐—ผ๐˜๐—ผ๐—ผ.
๐˜ž๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ฑ๐˜ถ๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ต๐˜ถ๐˜ธ๐˜ช๐˜ณ๐˜ข๐˜ฏ, ๐˜ข๐˜ต ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ถ๐˜ต๐˜ถ๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜บ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ต๐˜ฐ๐˜ต๐˜ฐ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ. ๐˜‹๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜จ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช๐˜ณ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ, ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ต ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ถ๐˜ต๐˜ฐ๐˜ด ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜บ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ. ๐—ฆ๐—”๐—Ÿ๐— ๐—ข ๐Ÿญ๐Ÿญ๐Ÿต:๐Ÿญ๐Ÿฐ๐Ÿฎโ€“๐Ÿญ๐Ÿฐ๐Ÿฏ

Gusto man natin o hindi, naniniwala man tayo o hindi, ang salita ng Diyos (o kautusan) ay laging tunay, nananatili, at matapat. Maglalaho ang lahatโ€”pati na ang langit at lupaโ€”ngunit hindi maglalaho ang salita ng Diyos (Mateo 24:35). Mananatili ito magpakailanman (1 Pedro 1:24โ€“25). Mapagkakatiwalaan ang Kanyang salita, gaya ng pagtuturo ng isang ama sa kanyang anak. Sa tingin mo, bakit nagiging mahirap para sa ilan ang maniwala na ang kautusan ng Diyos ay laging totoo? Paano ito nagbibigay ng katiyakan at buhay?

Gaya ng ginawa ng Salmista, maihahayag natin ang ating pag-asa at pananampalataya sa Diyos at sa Kanyang salita. Nawaโ€™y lagi nating piliin ang salita, dahil ito ay tama, napatunayang maaasahan, at totoo.


๐—”๐—ฃ๐—ฃ๐—Ÿ๐—œ๐—–๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก
โ€ข Maglaan ng panahon ngayong linggo upang pag-isipan ang katotohanan ng salita ng Diyos. Paano mo makakaugalian ang pagpili sa salita ng katotohanan araw-araw?
โ€ข Kabisaduhin ang Salmo 119:140: Napatunayan na maaasahan ang inyong mga pangako, kaya napakahalaga nito sa akin na inyong lingkod. Bigkasin ito nang paulit-ulit at gawin itong panalangin mo ngayong linggo.
โ€ข Alam mo ba ang sinasabi ng Bibliya mula sa umpisa hanggang sa huli? Paano ka lalago sa iyong pagmamahal sa salita ng Diyos at aasa rito araw-araw? Hilingin sa Diyos na bigyan ka ng mga pagkakataong maibahagi ang iyong pananampalataya sa iba ngayong linggo.


๐—ฃ๐—ฅ๐—”๐—ฌ๐—˜๐—ฅ
โ€ข Magpasalamat sa Diyos para sa Kanyang kabanalan at katapatan. Ipanalangin na lalo mong makilala ang Diyos sa pamamagitan ng Kanyang salita sa bawat araw na dumaraan.
โ€ข Ideklara ang Salmo 119:140: Napatunayan na maaasahan ang inyong mga pangako, kaya napakahalaga nito sa akin na inyong lingkod. Pagnilayan ang talatang ito ngayong linggo at ipanalanging lumago ang pananampalataya mo sa Diyos.
โ€ข Humingi ng lakas ng loob at tapang sa Diyos na ibahagi sa iba ang tungkol sa Kanya. Ipanalangin na kung paanong natutunan ng Salmista na awitin at itala ang kabutihan ng Diyos, maisasapamuhay mo ang iyong pananampalataya sa iyong pamilya at komunidad.