Isang Utos na Manatiling Nakatuon sa Misyon
๐ช๐๐ฅ๐ -๐จ๐ฃ
โข Magbahagi ng isang kwento sa pamilya mo na ipinasa-pasa ng mga nagdaang henerasyon.
โข Balikan ang isang pagkakataon na nagkamali ka. Paano ka tumugon at ano ang ginawa mo para ayusin ang sitwasyon?
โข Ano ang napuntahan mong lugar na pinakamalayo sa iyong tahanan? Magkwento tungkol sa naging karanasan mo.
๐ช๐ข๐ฅ๐
โ๐๐ข๐ฑ๐ข๐ฑ๐ข๐ด๐ข๐ช๐ฏ๐บ๐ฐ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฏ๐ช๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ญ๐ถ๐ฑ๐ข๐ช๐ฏ ๐ฉ๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ฅ๐ข๐ฉ๐ช๐ญ ๐ฎ๐ข๐ต๐ถ๐ธ๐ช๐ฅ ๐ฌ๐ข๐บ๐ฐ ๐ฐ ๐ฎ๐ข๐ฃ๐ถ๐ต๐ช ๐ฌ๐ข๐บ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ต๐ข๐ฐ ๐ฌ๐ถ๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ฅ๐ข๐ฉ๐ช๐ญ ๐ฎ๐ข๐ด๐ข๐ฎ๐ข ๐ด๐ช๐ญ๐ข, ๐ข๐ต ๐ฑ๐ข๐ณ๐ข ๐ฎ๐ข๐ต๐ถ๐ฑ๐ข๐ฅ ๐ฏ๐จ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฏ๐บ๐ข๐ฏ๐จ ๐ช๐ฑ๐ช๐ฏ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ฌ๐ฐ ๐ด๐ข ๐ช๐ฏ๐บ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฏ๐ช๐ฏ๐ถ๐ฏ๐ฐ ๐ฏ๐ข ๐ด๐ช๐ฏ๐ข ๐๐ฃ๐ณ๐ข๐ฉ๐ข๐ฎ, ๐๐ด๐ข๐ข๐ค, ๐ข๐ต ๐๐ข๐ค๐ฐ๐ฃ.โ ๐๐๐จ๐ง๐๐ฅ๐ข๐ก๐ข๐ ๐๐ข ๐ต:๐ฑ
Sa pamamagitan ni Moises, tiniyak ng Diyos sa mga Israelita na may layunin Siya sa pagpapadala sa kanila sa magandang lupain na ipinangako Niya sa kanilang mga ninuno. Wawakasan Niya ang kasamaan sa mga bayang nandoon at dadalhin Niya ang Kanyang mamamayan upang tuparin ang Kanyang dakilang plano at misyonโhindi lamang para sa bayan nila kundi para sa buong mundo. Tutuparin Niya ito sa pamamagitan ng Kanyang kasunduan kay Abraham at sa kanyang lahi. Bago nila pasukin ang Lupang Ipinangako, sinabihan sila ni Moises na manatiling nakatuon sa misyong ito. Ibubuhos ng Diyos ang Kanyang dakilang pagpapala, at gagamitin Niya ito upang tuparin ang Kanyang misyon. Ngayon, titingnan natin ang dalawang katotohanan tungkol sa pagpapala ng Diyos.
๐ญ. ๐ฃ๐ถ๐ป๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐น๐ฎ ๐๐ฎ๐๐ผ ๐ป๐ด ๐๐ถ๐๐ผ๐ ๐ธ๐ฎ๐ต๐ถ๐ ๐ป๐ฎ ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐๐ฎ๐๐ผ ๐ธ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐-๐ฑ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐๐๐บ๐ฎ๐ป๐ด๐ด๐ฎ๐ฝ ๐ป๐ถ๐๐ผ.
โ๐๐ข๐ฑ๐ข๐ฑ๐ข๐ด๐ข๐ช๐ฏ๐บ๐ฐ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฏ๐ช๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ญ๐ถ๐ฑ๐ข๐ช๐ฏ ๐ฉ๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ฅ๐ข๐ฉ๐ช๐ญ ๐ฎ๐ข๐ต๐ถ๐ธ๐ช๐ฅ ๐ฌ๐ข๐บ๐ฐ ๐ฐ ๐ฎ๐ข๐ฃ๐ถ๐ต๐ช ๐ฌ๐ข๐บ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ต๐ข๐ฐ ๐ฌ๐ถ๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ฅ๐ข๐ฉ๐ช๐ญ ๐ฎ๐ข๐ด๐ข๐ฎ๐ข ๐ด๐ช๐ญ๐ข, ๐ข๐ต ๐ฑ๐ข๐ณ๐ข ๐ฎ๐ข๐ต๐ถ๐ฑ๐ข๐ฅ ๐ฏ๐จ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฏ๐บ๐ข๐ฏ๐จ ๐ช๐ฑ๐ช๐ฏ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ฌ๐ฐ ๐ด๐ข ๐ช๐ฏ๐บ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฏ๐ช๐ฏ๐ถ๐ฏ๐ฐ ๐ฏ๐ข ๐ด๐ช๐ฏ๐ข ๐๐ฃ๐ณ๐ข๐ฉ๐ข๐ฎ, ๐๐ด๐ข๐ข๐ค, ๐ข๐ต ๐๐ข๐ค๐ฐ๐ฃ. ๐๐ญ๐ข๐ญ๐ข๐ฉ๐ข๐ฏ๐ช๐ฏ ๐ฏ๐ช๐ฏ๐บ๐ฐ ๐ฏ๐ข ๐ฉ๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ฅ๐ข๐ฉ๐ช๐ญ ๐ฎ๐ข๐ต๐ถ๐ธ๐ช๐ฅ ๐ฌ๐ข๐บ๐ฐ ๐ฌ๐ข๐บ๐ข ๐ช๐ฃ๐ช๐ฏ๐ช๐ฃ๐ช๐จ๐ข๐บ ๐ฏ๐จ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ฏ๐ข ๐ช๐ฏ๐บ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐๐ช๐บ๐ฐ๐ด ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐จ๐ข๐ฏ๐ฅ๐ข๐ฏ๐จ ๐ญ๐ถ๐ฑ๐ข๐ช๐ฏ๐จ ๐ช๐ต๐ฐ. ๐๐ฏ๐จ ๐ต๐ฐ๐ต๐ฐ๐ฐ, ๐ฎ๐ข๐ต๐ช๐ต๐ช๐จ๐ข๐ด ๐ข๐ฏ๐จ ๐ช๐ฏ๐บ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ถ๐ญ๐ฐ.โ ๐๐๐จ๐ง๐๐ฅ๐ข๐ก๐ข๐ ๐๐ข ๐ต:๐ฑโ๐ฒ
Ang mga Israelita ay hindi laging sumusunod at nagtitiwala sa Diyos. Kahit pa naranasan nila ang mga kamangha-manghang himala ng Diyos, nagmaktol at nagreklamo pa rin sila laban kay Moises, at sa huli, laban sa Diyos. Ipinaalala sa kanila ni Moises na hindi sila karapat-dapat makatanggap ng pagpapala ng Diyos at ๐ฎ๐ข๐ต๐ช๐ต๐ช๐จ๐ข๐ด ang kanilang mga ulo. Sa kabila nito, tiniyak pa din niya sa kanila na pagpapalain pa rin sila ng Diyos. Tayo rin ay pagpapalain ng Diyos hindi dahil sa anumang nagawa natin, kundi dahil Siya ay matapat. Hindi natin magagawang pagtrabahuhan ang Kanyang mga pagpapala at probisyon. Ito ay pinili Niyang ibigay sa sinumang magtitiwala sa Kanya. Paano ipinakita ng Diyos ang Kanyang dakilang probisyon sa krus? Ano ang sinasabi sa Mga Taga-Roma 8:32 tungkol sa ating kaligtasan at sa biyaya at probisyon ng Diyos?
๐ฎ. ๐ฃ๐ถ๐ป๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐น๐ฎ ๐๐ฎ๐๐ผ ๐ป๐ด ๐๐ถ๐๐ผ๐ ๐๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐ผ ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐ด๐ถ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐น๐ฎ ๐๐ฎ ๐ถ๐ฏ๐ฎ.
โ๐๐ข๐ฑ๐ข๐ฑ๐ข๐ด๐ข๐ช๐ฏ๐บ๐ฐ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฏ๐ช๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ญ๐ถ๐ฑ๐ข๐ช๐ฏ ๐ฉ๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ฅ๐ข๐ฉ๐ช๐ญ ๐ฎ๐ข๐ต๐ถ๐ธ๐ช๐ฅ ๐ฌ๐ข๐บ๐ฐ ๐ฐ ๐ฎ๐ข๐ฃ๐ถ๐ต๐ช ๐ฌ๐ข๐บ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ต๐ข๐ฐ ๐ฌ๐ถ๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ฅ๐ข๐ฉ๐ช๐ญ ๐ฎ๐ข๐ด๐ข๐ฎ๐ข ๐ด๐ช๐ญ๐ข, ๐ข๐ต ๐ฑ๐ข๐ณ๐ข ๐ฎ๐ข๐ต๐ถ๐ฑ๐ข๐ฅ ๐ฏ๐จ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฏ๐บ๐ข๐ฏ๐จ ๐ช๐ฑ๐ช๐ฏ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ฌ๐ฐ ๐ด๐ข ๐ช๐ฏ๐บ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฏ๐ช๐ฏ๐ถ๐ฏ๐ฐ ๐ฏ๐ข ๐ด๐ช๐ฏ๐ข ๐๐ฃ๐ณ๐ข๐ฉ๐ข๐ฎ, ๐๐ด๐ข๐ข๐ค, ๐ข๐ต ๐๐ข๐ค๐ฐ๐ฃ.โ ๐๐๐จ๐ง๐๐ฅ๐ข๐ก๐ข๐ ๐๐ข ๐ต:๐ฑ
Nangako ang Diyos na gagawin Niyang tanyag ang pangalan ni Abraham upang sa pamamagitan niya, ๐ฎ๐ข๐ณ๐ข๐ฎ๐ช ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐จ๐ฑ๐ข๐ฑ๐ข๐ญ๐ข๐ช๐ฏ ๐ข๐ต ๐ฎ๐ข๐ฌ๐ข๐ฌ๐ข๐ต๐ข๐ฏ๐จ๐จ๐ข๐ฑ ๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐จ๐ฑ๐ข๐ฑ๐ข๐ญ๐ข ๐ฏ๐จ ๐๐ช๐บ๐ฐ๐ด ๐ข๐ฏ๐จ ๐ญ๐ข๐ฉ๐ข๐ต ๐ฏ๐จ ๐ต๐ข๐ฐ ๐ด๐ข ๐ฎ๐ถ๐ฏ๐ฅ๐ฐ (Genesis 12:1โ3). May mas mabuting layunin ang Diyos sa pagpapadala Niya sa mga Israelita sa Lupang Ipinangakoโang pagpalain ang lahat ng tao sa lahat ng lahi at bayan. Sa pamamagitan ni Abraham, makikilala ng mga tao kung sino ang Diyos at makikita nila ang kahulugan ng pagkakaroon ng kasunduan sa Kanya. Ito ay ganap na nabigyan ng katuparan sa pamamagitan ng sakripisyo ni Jesus sa krus dahil ang lahat ng mananampalataya kay Jesus ay makakatanggap ng pangako at mga pagpapalang nakapaloob dito (Mga Taga-Galacia 3:13โ14). Tulad nito, ang probisyon ng Diyos sa buhay natin ay hindi lamang para sa ating kasiyahan. Nais Niya tayong maging pagpapala sa mga tao sa ating paligidโsa ating pamilya, komunidad, bansa, at maging sa ibang bansaโsa pamamagitan ng pagpapahayag ng ebanghelyo at sa paggamit ng mga pagpapalang ibinigay sa atin ng Diyos upang sundin ang Dakilang Komisyon. Paano naging pagpapala ang buhay mo sa iba? Ano ang nais mong sabihin o maalala ng ibang tao tungkol sa iyo?
๐๐ฃ๐ฃ๐๐๐๐๐ง๐๐ข๐ก
โข Para saan ang probisyon ng Diyos? Paano mo Siya masasamba at mapagsisilbihan gamit ang mga ibinigay Niya sa iyo?
โข Paano ka tumutugon sa mga pangako ng Diyos sa Kanyang salita? Maglaan ng oras ngayong linggo upang pag-isipan kung ikaw ba ay tumutugon nang may pagdududa o kawalan ng pagtitiwala, pagmamataas o pag-aakala na karapat-dapat kang makatanggap nito, o kung ikaw ay tumutugon nang may kapayapaan at pag-asa. Sa palagay mo, bakit ganito ang nagiging tugon mo?
โข Bakit nag-uumapaw ang probisyon ng Diyos? Ibahagi ang isang paraan kung paano ka magiging isang pagpapala sa iba ngayong linggo.
๐ฃ๐ฅ๐๐ฌ๐๐ฅ
โข Pasalamatan ang Diyos sa Kanyang kakayahan at dedikasyong tuparin ang Kanyang mga ipinangako. Magpasalamat sa Kanyang katapatan sa kasunduan Niya sa Kanyang mamamayan.
โข Ipanalangin na ang probisyon ng Diyos para sa iyo at sa iyong pamilya ay maging isang pagpapala sa iyong komunidad at iglesya. Ipanalangin na makilala ng ibaโt ibang bayan ang Diyos sa pamamagitan ng iyong pagsunod sa Kanya.
โข Hingin sa Diyos na dumaloy sa pamamagitan mo ang nag-uumapaw Niyang probisyon at magkaroon ka ng pusong labis na mapagbigay upang mapaglingkuran mo ang iba at maparangalan Siya.