PAGKA-PANGINOON

ISANG BAGONG PANGINOON

"Kaya dapat talagang malaman ng lahat ng Israelita na itong si Jesus na ipinapako ninyo sa krus ang siyang pinili ng Diyos na maging Panginoon at Cristo."
Mga Gawa 2:36

Ang Pagkapanginoon ay isa sa mga pangunahing mensahe sa Bibliya. Si Jesus ay tinawag na Panginoon ng 100 beses sa aklat ng Mga Gawa at 622 na beses sa buong Bagong Tipan.

Samantala, dalawang beses lang Siyang tinawag na Tagapagligtas sa Mga Gawa at 24 na beses sa Bagong Tipan. Kitang-kita na mas binigyan ng diin sa Bibliya ang Pagkapanginoon ni Jesus.

Ang Panginoon ay nangangahulugang Puno, na siyang gumagawa ng mga utos, na siyang gumagawa ng mga desisyon.

PAGKAPANGINOON AT KALIGTASAN
Ang kaligtasan ay nagsisimula sa pagkilala sa Pagkapanginoon ni Cristo. Ang paghahayag na si Jesus ang Panginoon ay nangangahulugan ng pagpapasakop sa Kanya sa lahat ng bahagi ng ating buhay.

Kung si Jesus ay hindi nasusunod sa lahat ng aspeto ng ating Isang Bagong Panginoon buhay, hindi Siya tunay na Panginoon sa ating buhay. Hindi tayo binigyan ng karapatang piliin lamang Siya bilang Tagapagligtas at hindi Panginoon.

. . . na kung ipapahayag mo na si Jesus ay Panginoon at sasampalataya ka nang buong puso mo na muli siyang binuhay ng Diyos, maliligtas ka.
Mga Taga-Roma 10:9

ANG PAGKAPANGINOON AY HUMIHINGI NG PAGSUNOD
Ang lahat ng nagsasabi na kanilang tinanggap si Cristo bilang kanilang Panginoon ay inaasahan ding susunod sa lahat ng Kanyang ipinag-uutos.

Ang pananampalataya na hanggang sa isip at salita lamang ay hindi sapat. Kung sinasabi natin na si Jesus ay ating Panginoon, ito ay dapat makita sa paraan ng ating pamumuhay.

"Bakit n’yo ako tinatawag na Panginoon, gayong hindi n’yo naman sinusunod ang mga sinasabi ko?"
Lucas 6:46

"Marami ang tumatawag sa akin ng ‘Panginoon,’ pero hindi ito nangangahulugan na masasakop sila sa paghahari ng Diyos. Ang mga tao lang na sumusunod sa kalooban ng aking Amang nasa langit ang mapapabilang sa kanyang kaharian"
Mateo 7:21

ANG PAGKAPANGINOON AY NAGSISIMULA SA PUSO
Ang pagpapasakop kay Cristo bilang Panginoon ay hindi tungkol sa pagsunod sa mga alituntunin ng relihiyon at tradisyon. Bagkus, ito ay tungkol sa nilalaman ng ating mga puso.

Ang Pagkapanginoon ni Jesus ay nagsisimula sa pagpapasakop ng ating mga puso sa Kanya. Kung ito ay totoo, magbubunga ito ng pagsunod sa Kanya.

Alalahanin n’yo na si Cristo ang dapat ninyong parangalan at sundin. . . .
1 Pedro 3:15

ANG PAGKAPANGINOON AY ISANG TULOY-TULOY NA PARAAN NG PAMUMUHAY
Nagsisimula ang ating buhay Kristiyano sa pagkilala na si Jesus ay Panginoon. Dapat tayong patuloy na mamuhay sa ilalim ng Kanyang Pagkapanginoon habang tayo ay nabubuhay.

Hindi ito isang beses lamang na pagkilala sa Diyos kundi habang buhay na paglago ng ating pagkakakilala at pagsunod sa Kanya. Habang lalo natin Siyang nakikilala, lalo tayong nagpapasakop sa Kanya.

Dahil tinanggap ninyo na si Cristo Jesus bilang Panginoon, mamuhay kayo nang karapat-dapat sa kanya.
Mga Taga-Colosas 2:6

PERSONAL NA PAGSASAPAMUHAY
May mga bahagi pa ba ng buhay mo na hindi mo pa ipinapasailalim sa Pagkapanginoon ni Jesu-Cristo?
Ang iyong mga relasyon ba ay nasa ilalim ng Kanyang Pagkapanginoon?
Ang iyong pananalapi ba ay nasa ilalim ng Kanyang Pagkapanginoon?
Ang iyong oras ba ay nasa ilalim ng Kanyang Pagkapanginoon?

More from Filipino