PAGHAHANDA SA PAGSISIMULA

Sinabi ni Jesus sa kanila, "Sumunod kayo sa akin at gagawin ko kayong mangingisda ng mga tao."
Marcos 1:17

Ang anim na hakbang na ito ang magsisilbing gabay mo sa tamang SIMULA sa pagsunod kay Jesu-Cristo.

Simulang magtiwala kay Jesus lamang para sa iyong kaligtasan at hindi sa iyong sarili at mabubuting gawa.
Dahil sa biyaya ng Diyos, naligtas kayo nang sumampalataya kayo kay Cristo. Kaloob ito ng Diyos, at hindi galing sa inyo. 9Hindi ito nakasalalay sa mabubuti ninyong gawa, para walang maipagmalaki ang sinuman.
Mga Taga Efeso 2:8,9

Iwaksi ang lahat ng sinasabi sa Bibliya na kasalanan.

Ganoon pa man, mananatiling matibay ang saligang itinatag ng Diyos at may nakasulat na "Alam ng Panginoon kung sino ang sa kanya," at "Dapat lumayo sa kasamaan ang bawat taong nagsasabi na siya’y sa Panginoon."
2 Timoteo 2:19

Makibahagi sa lingguhang pagsamba.

Huwag nating pababayaan ang mga pagtitipon natin gaya ng nakaugalian na ng ilan. Sa halip, palakasin natin ang loob ng bawat isa, lalo na ngayong nalalapit na ang huling araw.
Hebreo 10:25

Ugaliin ang pagdalo sa isang maliit na grupo na linggu-linggong nagtitipon para sa pag-aaral ng Bibliya at pagdidisipulo.

Ituro mo rin sa mga mapagkakatiwalaang tao, na makakapagturo rin sa iba, ang mga aral na narinig mo sa akin sa harapan ng maraming saksi.
2 Timoteo 2:2

Laging maging handang ibahagi sa iba ang nagawa ni Cristo para sa iyo.

Alalahanin n’yo na si Cristo ang dapat ninyong parangalan at sundin. Dapat lagi kayong handang magpaliwanag sa kanino mang magtatanong sa inyo tungkol sa pag-asa n’yo.
1 Pedro 3:15

Araw-arawin ang pagbabasa ng Bibliya at sundin ang mga nakasulat dito.

Huwag mong kalimutang basahin ang Aklat ng Kautusan. Pagbulay-bulayan mo ito araw at gabi para malaman mo kung paano mo matutupad ang lahat ng nakasulat dito. Kung gagawin mo ito, uunlad ka at magtatagumpay.
Josue 1:8

More from Filipino