icon__search

Ilaan ang Ating Pananalapi para sa Layunin ng Diyos

Week 3

𝗪𝗔𝗥𝗠 𝗨𝗣

• Anu-ano ang mga gusto mong gawing libangan kapag wala kang ginagawa? Bakit mo gustong gawin ang mga ito?

• Natulungan ka na ba ng isang kaibigan na harapin ang isang pagsubok? Ano ang naramdaman mo ng tinulungan ka niya?

• Ano ang pinakamatinding pagpapasalamat ang pinakita sa iyo ng isang tao? Bakit hindi mo ito makakalimutan?


𝗪𝗢𝗥𝗗

𝘛𝘢𝘯𝘥𝘢𝘢𝘯 𝘯𝘪𝘯𝘺𝘰 𝘪𝘵𝘰: 𝘈𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘨𝘩𝘢𝘩𝘢𝘴𝘪𝘬 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘶𝘯𝘵𝘪 𝘢𝘺 𝘶𝘮𝘢𝘢𝘯𝘪 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘶𝘯𝘵𝘪, 𝘢𝘵 𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘨𝘩𝘢𝘩𝘢𝘴𝘪𝘬 𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘳𝘢𝘮𝘪 𝘢𝘺 𝘶𝘮𝘢𝘢𝘯𝘪 𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘳𝘢𝘮𝘪. 𝘈𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘸𝘢𝘵 𝘪𝘴𝘢 𝘴𝘢 𝘪𝘯𝘺𝘰 𝘢𝘺 𝘮𝘢𝘨𝘣𝘪𝘨𝘢𝘺 𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘺𝘰𝘯 𝘴𝘢 𝘴𝘢𝘳𝘪𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘱𝘢𝘴𝘺𝘢𝘩𝘢𝘯, 𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘸𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨-𝘢𝘢𝘵𝘶𝘣𝘪𝘭𝘪, 𝘢𝘵 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘴𝘢𝘱𝘪𝘭𝘪𝘵𝘢𝘯, 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭 𝘯𝘨 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘯𝘢𝘨𝘣𝘪𝘣𝘪𝘨𝘢𝘺 𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘺 𝘬𝘢𝘨𝘢𝘭𝘢𝘬𝘢𝘯. 𝟮 𝗖𝗢𝗥𝗜𝗡𝗧𝗢 𝟵:𝟲–𝟳


(Basahin din ang 𝟮 𝗖𝗢𝗥𝗜𝗡𝗧𝗢 𝟵:𝟭–𝟱, 𝟴–𝟭𝟱.)


Upang tulungan ang iglesya sa Jerusalem na labis na nangailangan pagkatapos masira ng gutom at pang-aapi ay pinakiusapan ni Pablo ang mga taga-Corinto na maglaan ng isang pag-aalay para sa kawanggawa. Hinikayat niya sila na ihanda ito ng maaga at ibukod upang magkaroon sila ng pusong mapagbigay kapag panahon na ng pagbibigay. Ngunit ano ba ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng isang mapagbigay na puso at bakit ito mahalaga? Ngayon ay titingnan natin kung ano ang kagustuhan ng Diyos para sa ating pagbibigay at ano ang ibig sabihin para sa atin ng pagsasantabi ng ating pananalapi para sa pagiging mapagbigay.


𝟭. 𝗞𝗮𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻 𝗮𝘆 𝗺𝗮𝗹𝘂𝘄𝗮𝗴 𝘀𝗮 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗹𝗼𝗼𝗯𝗮𝗻, 𝗺𝗮𝘀𝗮𝘆𝗮, 𝗮𝘁 𝗺𝗮𝘀𝗮𝗴𝗮𝗻𝗮 𝘁𝗮𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗴𝘁𝗮𝘁𝗮𝗯𝗶 𝗻𝗴 𝗽𝘄𝗲𝗱𝗲𝗻𝗴 𝗶𝗯𝗶𝗴𝗮𝘆 𝘂𝗽𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗸𝗮𝘁𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗻𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻𝗴𝗮𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻. 

𝘒𝘢𝘺𝘢 𝘯𝘨𝘢 𝘯𝘢𝘪𝘴𝘪𝘱 𝘬𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘶𝘯𝘢𝘩𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘬𝘢𝘱𝘢𝘵𝘪𝘥 𝘯𝘢 𝘪𝘵𝘰 𝘴𝘢 𝘢𝘬𝘪𝘯 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘩𝘢𝘣𝘢𝘯𝘨 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘱𝘢 𝘢𝘬𝘰 𝘯𝘢𝘬𝘢𝘬𝘢𝘳𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘢𝘺 𝘮𝘢𝘭𝘪𝘬𝘰𝘮 𝘯𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘯𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘪𝘱𝘪𝘯𝘢𝘯𝘨𝘢𝘬𝘰𝘯𝘨 𝘵𝘶𝘭𝘰𝘯𝘨. 𝘈𝘵 𝘴𝘢 𝘨𝘢𝘯𝘪𝘵𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘳𝘢𝘢𝘯, 𝘮𝘢𝘬𝘪𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘵𝘢𝘰 𝘯𝘢 𝘬𝘶𝘴𝘢𝘯𝘨-𝘭𝘰𝘰𝘣 𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘯𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘣𝘪𝘣𝘪𝘨𝘢𝘺, 𝘢𝘵 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘯𝘢𝘱𝘪𝘭𝘪𝘵𝘢𝘯 𝘭𝘢𝘮𝘢𝘯𝘨. 𝘛𝘢𝘯𝘥𝘢𝘢𝘯 𝘯𝘪𝘯𝘺𝘰 𝘪𝘵𝘰: 𝘈𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘨𝘩𝘢𝘩𝘢𝘴𝘪𝘬 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘶𝘯𝘵𝘪 𝘢𝘺 𝘶𝘮𝘢𝘢𝘯𝘪 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘶𝘯𝘵𝘪, 𝘢𝘵 𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘨𝘩𝘢𝘩𝘢𝘴𝘪𝘬 𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘳𝘢𝘮𝘪 𝘢𝘺 𝘶𝘮𝘢𝘢𝘯𝘪 𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘳𝘢𝘮𝘪. 𝘈𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘸𝘢𝘵 𝘪𝘴𝘢 𝘴𝘢 𝘪𝘯𝘺𝘰 𝘢𝘺 𝘮𝘢𝘨𝘣𝘪𝘨𝘢𝘺 𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘺𝘰𝘯 𝘴𝘢 𝘴𝘢𝘳𝘪𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘱𝘢𝘴𝘺𝘢𝘩𝘢𝘯, 𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘸𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨-𝘢𝘢𝘵𝘶𝘣𝘪𝘭𝘪, 𝘢𝘵 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘴𝘢𝘱𝘪𝘭𝘪𝘵𝘢𝘯, 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭 𝘯𝘨 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘯𝘢𝘨𝘣𝘪𝘣𝘪𝘨𝘢𝘺 𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘺 𝘬𝘢𝘨𝘢𝘭𝘢𝘬𝘢𝘯.  𝟮 𝗖𝗢𝗥𝗜𝗡𝗧𝗢 𝟵:𝟱–𝟳


Ang Diyos ay mapagbigay. Ang Kanyang puso ay nag-uumapaw sa kasaganahan at sa kagustuhan na biyayaan ang Kanyang bayan. Ang Kanyang kabutihan ay nagbibigay-lakas sa atin upang maging mapagbigay din sa kapwa nang masaya at makatotohanan, hindi lang dahil obligasyon natin ito o napipilitan lang tayo. Kahit na wala pa tayong pagkakataon ay maaari na tayong maghanda at maging sadya sa ating pagbibigay. Tulad ng mga taga-Corinto na hinikayat na ihanda ang kanilang iaalay nang mas maaga para sa mga naghihirap sa Jerusalem, maaari rin nating ihanda ang ating mga puso at gawing nakasanayan ang pagtatabi ng bahagi ng ating mga pinagkukunan para sa iba. Ano ang sinasabi ng Kawikaan 11:24 tungkol sa pagiging mapagbigay? Naranasan mo na ba ang pagiging mapagbigay ng Diyos?


𝟮. 𝗔𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘀𝗮𝘆𝗮 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗯𝗶𝗯𝗶𝗴𝗮𝘆 𝗮𝘆 𝗻𝗮𝗴𝗱𝘂𝗱𝘂𝗹𝗼𝘁 𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘀𝗮𝗴𝗮𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗶 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗶𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘁𝘂𝘄𝗶𝗱 𝗸𝘂𝗻𝗴 𝘀𝗮𝗮𝗻 𝗺𝗮𝗿𝗮𝗺𝗶𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝘀𝗮𝗹𝗮𝗺𝗮𝘁 𝗮𝘁 𝗺𝗮𝗴𝗯𝗶𝗯𝗶𝗴𝗮𝘆-𝗸𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝗹𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗗𝗶𝘆𝗼𝘀.

𝘈𝘯𝘨 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘨𝘣𝘪𝘣𝘪𝘨𝘢𝘺 𝘯𝘨 𝘣𝘪𝘯𝘩𝘪 𝘴𝘢 𝘮𝘢𝘨𝘴𝘢𝘴𝘢𝘬𝘢 𝘢𝘵 𝘵𝘪𝘯𝘢𝘱𝘢𝘺 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘬𝘢𝘬𝘢𝘪𝘯, 𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘪𝘺𝘢 𝘳𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨𝘣𝘪𝘣𝘪𝘨𝘢𝘺 𝘯𝘨 𝘪𝘯𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘱𝘢𝘯𝘨𝘢𝘯𝘨𝘢𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨𝘢𝘯 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘭𝘢𝘭𝘰 𝘱𝘢 𝘬𝘢𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘬𝘢𝘵𝘶𝘭𝘰𝘯𝘨 𝘴𝘢 𝘪𝘣𝘢. 𝘗𝘢𝘴𝘢𝘴𝘢𝘨𝘢𝘯𝘢𝘪𝘯 𝘬𝘢𝘺𝘰 𝘯𝘨 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴 𝘴𝘢 𝘭𝘢𝘩𝘢𝘵 𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘨𝘢𝘺 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘭𝘢𝘨𝘪 𝘬𝘢𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘬𝘢𝘵𝘶𝘭𝘰𝘯𝘨 𝘴𝘢 𝘪𝘣𝘢. 𝘈𝘵 𝘮𝘢𝘳𝘢𝘮𝘪 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨𝘱𝘢𝘱𝘢𝘴𝘢𝘭𝘢𝘮𝘢𝘵 𝘴𝘢 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘴𝘢 𝘵𝘶𝘭𝘰𝘯𝘨 𝘯𝘢 𝘪𝘱𝘪𝘯𝘢𝘱𝘢𝘥𝘢𝘭𝘢 𝘯𝘪𝘯𝘺𝘰 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘪𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘮𝘢𝘮𝘢𝘨𝘪𝘵𝘢𝘯 𝘯𝘢𝘮𝘪𝘯. 𝟮 𝗖𝗢𝗥𝗜𝗡𝗧𝗢 𝟵:𝟭𝟬–𝟭𝟭


(Basahin din ang 𝟮 𝗖𝗢𝗥𝗜𝗡𝗧𝗢 𝟵:𝟭𝟮–𝟭𝟱.)


Kahit na hindi natin malalampasan ang pagiging bukas-palad ng Diyos, kapag ginamit natin ang mayroon tayo upang tulungan ang kapwa ay hindi lamang nito napupunuan ang kanilang mga pangangailangan. Binubuksan nito ang pintuan upang kilalanin nila ang Diyos at makita ang Kanyang kamay na gumagalaw sa pamamagitan ng Kanyang mga tagasunod na maluwag na nagbibigay sa kanila. Napapalapit sila nito sa Diyos at hinihikayat sila na pasalamatan Siya, parangalan, at bigyang-luwalhati. Ito ay nagbubunga ng isang masaganang ani ng katuwiran na hindi makasarili. Paano ka ginamit ng Diyos na magbigay-pagpala sa kapwa ngayong taon? Ano ang sinasabi ng Salmo 112:9 tungkol sa taong nagbabahagi ng masagana?



Nais ng Diyos na biyayaan tayo at gamitin para sa Kanyang kaharian. Siya ang nagbibigay ng binhi para itanim natin at umani ng masagana. Nagiging kaligayahan ang pagbibigay dahil sa Kanyang biyaya na nagpapahintulot sa atin na maging daluyan ng biyaya sa mas marami pang tao. Hindi ito kailanman maging dahil sa ating mga ginawa. Ang lahat ng ito ay dahil sa Diyos at sa biyaya Niya na nag-uumapaw sa atin.



𝗔𝗣𝗣𝗟𝗜𝗖𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡

• Ano ang dapat nating maging ugali sa pagbibigay? Bakit mahalaga na ibukod natin ang bahagi ng ating pananalapi upang malaya tayong makapagbigay sa iba?

• Paano ka makakapamuhay na lubos na mapagbigay? Ano ang mga praktikal na paraan na iyong magagawa upang mabiyayaan ang mga nakapaligid sa iyo?

• Mayroon ka bang matutulungan sa iyong komunidad? Manalangin para sa mga pagkakataon na makakatulong sa iyo na maglingkod at makipag-ugnayan sa kanila.


𝗣𝗥𝗔𝗬𝗘𝗥

• Purihin ang Diyos dahil sa Kanyang nag-uumapaw na pagmamahal at biyaya. Pasalamatan Siya sa paghintulot sa iyo na maging kasangkapan ng Kanyang pagkabukas-palad.

• Magdasal sa Diyos at hilingin sa Kanya na ihanda ang iyong puso upang makapagbigay ka ng maluwag sa kalooban, ng may saya, at ng masagana kapag mayroong pangangailangan.

• Manalangin na lagi kang tatanaw sa Diyos at kilalanin ang Kanyang kamay sa lahat ng iyong ginagawa. Pasalamatan Siya sa paggamit sa iyo bilang daluyan ng Kanyang pagpapala at biyaya.