icon__search

Ebanghelyo

Week 4

๐—ช๐—”๐—ฅ๐—  ๐—จ๐—ฃ

โ€ข Ano ang pinakamagandang kwentong nakita o narinig mo? Bakit hindi mo ito malimutan?ย 

โ€ข Balikan ang isang pagkakataon kung kailan may tumulong sa iyo para hindi ka masaktan o malagay sa kapahamakan. Ano ang naramdaman mo dahil dito?ย 

โ€ข Isipin ang isang pagkakataon kung kailan nagpatawad ka ng isang tao o ikaw mismo ang nakatanggap ng kapatawaran. Paano naayos ang ugnayan ninyo?


๐—ช๐—ข๐—ฅ๐——

๐˜’๐˜ข๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฎ๐˜ขสผ๐˜บ ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ญ๐˜ข ๐˜ด๐˜ช ๐˜Š๐˜ณ๐˜ช๐˜ด๐˜ต๐˜ฐ, ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ต ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ-๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ, ๐˜ช๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ช๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ช๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜บ๐˜ขสผ๐˜บ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ช๐˜ต๐˜ถ๐˜ณ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ต๐˜ถ๐˜ธ๐˜ช๐˜ฅ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‹๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ๐˜ด. ๐Ÿฎ ๐—–๐—ข๐—ฅ๐—œ๐—ก๐—ง๐—ข ๐Ÿฑ:๐Ÿฎ๐Ÿญย 


Ang ibig sabihin ng salitang โ€œebanghelyoโ€ ay โ€œmabuting balita.โ€ Mabuti ito dahil ito ang mensahe tungkol sa paggawa ng Diyos ng daan para tubusin ang sangkatauhan mula sa kasalanan sa pamamagitan ni Jesus. Simula noong Pagkakasala ng Tao, nasira na ang ugnayan natin sa Diyos. Ang mga puso nating minsang nagmahal sa Diyos ay napalitan ng mga pusong sumusuway sa Kanya. Anuman ang gawin natin, hindi kailanman magiging sapat ang ating mabubuting gawa para maabot ang katuwiran ng Diyos, at dahil dito ay haharapin ng bawat tao ang walang hanggang kamatayan at pagkawalay sa Diyos. Ito ang dahilan kung bakit kailangan natin si Jesus, ang ating Tagapagligtas. Ipinamuhay Niya ang buhay na dapat ay isinabuhay natin at ikinamatay Niya ang kamatayang para sana sa atinโ€”kapalit natinโ€”upang maging tama ang ugnayan natin sa Diyos. Sa araw na ito, tingnan natin ang mabuting balitang pinaniniwalaan natin at kung paano ito nakakaapekto sa ating buhay.


๐Ÿญ. ๐—›๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ถ ๐—๐—ฒ๐˜€๐˜‚-๐—–๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐˜๐—ผ.

๐˜’๐˜ข๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฎ๐˜ขสผ๐˜บ ๐™๐™ž๐™ฃ๐™™๐™ž ๐™ฃ๐™–๐™œ๐™ ๐™–๐™จ๐™–๐™ก๐™– ๐™จ๐™ž ๐˜พ๐™ง๐™ž๐™จ๐™ฉ๐™ค, ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ต ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ-๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ, ๐˜ช๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ช๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ช๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜บ๐˜ขสผ๐˜บ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ช๐˜ต๐˜ถ๐˜ณ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ต๐˜ถ๐˜ธ๐˜ช๐˜ฅ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‹๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ๐˜ด. ๐Ÿฎ ๐—–๐—ข๐—ฅ๐—œ๐—ก๐—ง๐—ข ๐Ÿฑ:๐Ÿฎ๐Ÿญย 


Hindi natin maaabot ang pamantayan ng kabanalan ng Diyos. Naapektuhan ng kasalanan ang bawat aspeto ng ating pagkatao. Gayunpaman, namuhay si Jesus nang perpekto at walang kasalanan, at namuhay siya nang matuwid kahit na pinagdaanan Niya ang lahat ng tuksong pinagdadaanan din nating lahat (Mga Hebreo 4:15). Hindi Siya nagkasala sa Kanyang isip, motibo, salita, at kilos. Sa tingin mo, bakit mahalagang namuhay si Jesus nang hindi kailanman nagkasala?


๐Ÿฎ. ๐—œ๐˜๐—ถ๐—ป๐˜‚๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ถ ๐—๐—ฒ๐˜€๐˜‚-๐—–๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐˜๐—ผ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป.

๐˜’๐˜ข๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฎ๐˜ขสผ๐˜บ ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ญ๐˜ข ๐˜ด๐˜ช ๐˜Š๐˜ณ๐˜ช๐˜ด๐˜ต๐˜ฐ, ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ต ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ-๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ, ๐™ž๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™ช๐™ง๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™จ๐™ž๐™ฎ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™–๐™ ๐™–๐™จ๐™–๐™ก๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฃ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ช๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜บ๐˜ขสผ๐˜บ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ช๐˜ต๐˜ถ๐˜ณ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ต๐˜ถ๐˜ธ๐˜ช๐˜ฅ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‹๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ๐˜ด. ๐Ÿฎ ๐—–๐—ข๐—ฅ๐—œ๐—ก๐—ง๐—ข ๐Ÿฑ:๐Ÿฎ๐Ÿญย 


Kailangang panagutan ang kasalanan, at ang parusa para dito ay kamatayan. Kinasusuklaman ng Diyos ang kasalanan. Lahat ng tao ay nagkasala at nasaktan ang Kanyang puso dahil dito. Pero dahil mapagmahal at mapagbigay ang Diyos, ipinadala Niya ang Kanyang Anak na si Jesus, upang maging perpektong handog kapalit ng tao. Noong tayoโ€™y walang buhay dahil sa ating kasalanan, inako ni Jesus ang lahat ng ating mga kasalanan at namatay Siya para sa atin (Mga Taga-Roma 5:8). Sa halip na tayo, si Jesus ang tumanggap ng buong galit ng Diyos, upang ang lahat ng maniniwala sa Kanya ay maligtas mula sa nararapat na parusa para sa kanilang mga kasalanan. Kung inako ni Jesus ang lahat ng galit ng Diyos sa atin, ano pa ang galit na natitira para sa mga taong nananalig sa Kanya?ย 


๐Ÿฏ. ๐—š๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ถ ๐—๐—ฒ๐˜€๐˜‚-๐—–๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐˜๐—ผ ๐˜‚๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ถ๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐˜๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐˜„๐—ถ๐—ฑ ๐—ป๐—ด ๐——๐—ถ๐˜†๐—ผ๐˜€.ย 

๐˜’๐˜ข๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฎ๐˜ขสผ๐˜บ ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ญ๐˜ข ๐˜ด๐˜ช ๐˜Š๐˜ณ๐˜ช๐˜ด๐˜ต๐˜ฐ, ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ต ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ-๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ, ๐˜ช๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ช๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ช๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜บ๐˜ขสผ๐˜บ ๐™ข๐™–๐™ž๐™ฉ๐™ช๐™ง๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™ฉ๐™–๐™ฎ๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™–๐™ฉ๐™ช๐™ฌ๐™ž๐™™ ๐™ฃ๐™œ ๐˜ฟ๐™ž๐™ฎ๐™ค๐™จ. ๐Ÿฎ ๐—–๐—ข๐—ฅ๐—œ๐—ก๐—ง๐—ข ๐Ÿฑ:๐Ÿฎ๐Ÿญย 


Dahil sa perpektong buhay, kamatayan, at muling pagkabuhay ni Jesus, nagkaroon ng daan para maabot natin ang pamantayan ng katuwiran ng Diyos. Ang sinumang mananalig kay Jesus at sa tinapos Niyang gawain ay naibabalik sa tamang ugnayan sa Diyos at inihahayag na matuwidโ€”dahil si Jesus ay matuwid. Ang perpekto Niyang buhay at katuwiran ay napapasaatin kung tayo ay maniniwala sa Kanya. Nangangahulugan ito ng kapatawaran ng ating kasalanan sa nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap. Tayo ngayon ay naging mga bagong nilalang sa Kanya. Mararanasan ng lahat ng tumanggap kay Jesus bilang Tagapagligtas ang lahat ng benepisyong itinakda ng Diyos para sa atin. Ano ang sinasabi sa Juan 1:12 at 1 Juan 3:1 tungkol sa mga naniniwala sa natapos na gawain ni Jesus?


Kapag nagtiwala tayo kay Jesus para sa ating kaligtasan, mararanasan natin ang tunay na ugnayan sa Diyos. Nabigyan tayo ng bagong puso, nagiging buo tayo kay Cristo, at pinangakuan tayo ng pag-asa para sa isang kinabukasang kasama ang Diyos nang walang hanggan. Ito ang mabuting balitang masaya nating maibabahagi sa mundong naghahangad na maranasan ang tunay na kaligayahang matatagpuan lamang kay Cristo.ย 


๐—”๐—ฃ๐—ฃ๐—Ÿ๐—œ๐—–๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก

โ€ข Naranasan mo na ba ang kapangyarihan ni Jesus na nakapagliligtas at nakapagdadala ng pagbabago sa iyong buhay? Aling mga bahagi ng buhay mo ang kailangan pang magbago?ย 

โ€ข Ano ang mga bagay na pumipigil sa iyong magsalita tungkol sa ebanghelyo? Paano mo mapagtatagumpayan ang mga hamong ito?ย 

โ€ข Kanino mo maibabahagi ang buhay, kamatayan, at muling pagkabuhay ni Jesus ngayong linggo? Paano mo matutulungan ang iba na matagpuan ang nagliligtas na kaalamang dala Niya?ย 


๐—ฃ๐—ฅ๐—”๐—ฌ๐—˜๐—ฅ

โ€ข Pasalamatan ang Diyos para sa natapos na gawain ni Jesus sa krus na nagbibigay ng daan para maibalik tayo sa tamang ugnayan sa Kanya at makasunod tayo sa Kanyang pamamaraan.ย 

โ€ข Ipanalangin na patuloy kang hubugin ng Diyos sa imahe ni Cristo at gawin Niyang buhay sa iyo ang katotohanan ng ebanghelyo araw-araw.ย 

โ€ข Ipanalangin na magbukas ang Diyos ng mga oportunidad sa iyong komunidad, eskwelahan, o pinagtatrabahuhan upang maibahagi mo ang ebanghelyo nang may katapangan at pusong naghahangad na makilala Siya ng iba.