icon__search

Ang Kapangyarihan ng Katotohanan ng Diyos

Week 4

π—ͺ𝗔π—₯𝗠-𝗨𝗣
β€’ Sa palagay mo, ano ang kahalagahan ng pagtatala ng kasaysayan? Ano ang kahalagahan ng pag-aaral nito?
β€’ Sino ang pinakamatapat o prangkang tao na kilala mo? Magbahagi ng isang pagkakataon na nagpapaliwanag nito.
β€’ Masasabi mo bang ikaw ay isang prangkang tao? Sa bilang na 1–10, gaano kahirap para sa iyo ang sabihin sa iyong mahal sa buhay kung ano ang naiisip o nararamdaman mo? Ipaliwanag ang iyong sagot.


π—ͺ𝗒π—₯𝗗
β€œPagkatapos ng pitong taon, ako, si Nebucadnezar ay lumapit sa Diyos at nanumbalik ang matino kong pag-iisip. Kaya pinuri ko at pinarangalan ang Kataas-taasang Diyos na buhay magpakailanman. Sinabi ko, β€˜Ang paghahari niya ay walang katapusan. Balewala ang mga tao sa mundo kung ikukumpara sa kanya. Ginagawa niya ang nais niya sa mga anghel sa langit at sa mga tao sa lupa. Walang makakatutol o makakahadlang sa kanya.’” DANIEL 4:34–35

(Basahin din ang π——π—”π—‘π—œπ—˜π—Ÿ 𝟰:πŸ­β€“πŸ―πŸ―, πŸ―πŸ²β€“πŸ―7.)

Ang pananaw sa Daniel 4 ay isang nakakatawag pansing paglihis mula sa iba pang bahagi ng libro. Ang kabanatang ito ay nagbahagi ng kwento mula sa pananaw ni Haring Nebucadnezarβ€” ang namumuno sa imperyo ng Babilonia at marahil ay ang pinakamakapangyarihang tao na nabubuhay noong panahong iyon. Nanaginip siya, at nakatanggap siya ng nakakapanindig balahibong interpretasyon mula kay Daniel, at ang panaginip na ito ay nagkatotoo hanggang sa maliliit na detalye. Ang panaginip na ito at ang pagpapakumbaba na pinagdaanan ni Nebucadnezar ay bunga ng pagmamalaki niya sa kanyang sarili at sa kanyang kaharian. Ipinaalala sa kanya ng Diyos na sa huli, ang Diyos pa rin ang namamahala at pinakamakapangyarihan, wala nang iba.

Kahit dismayado at naalarma si Daniel dahil sa panaginip na ito (Daniel 4:19), mapagkumbaba niyang idineklara ang interpretasyon at umasa siya na bilang tugon, magsisisi ang hari. Sa araling ito, pupulot tayo ng tatlong aral mula sa kwento ni Nebucadnezar.

1. Ang katotohanan ng Diyos ay kailangang pakinggan.
β€œIto ang hatol na sinabi ng anghel para malaman ng lahat na ang Kataas-taasang Diyos ang siyang may kapangyarihan sa kaharian ng mga tao. At maaari niyang ipasakop ang mga ito kahit kanino niya gustuhin, kahit na sa pinakaabang tao.” DANIEL 4:17

Ang panaginip ni Nebucadnezar ay tungkol sa kanyang sariling pagbagsak. Dulot ito ng kanyang pagmamataas. Pinanagot siya ng Diyos sa pamamagitan ng pagpapakumbaba at pagdidisiplina sa kanya. Ang layunin ng Diyos ay hindi lamang para parusahan siya, kundi para malaman ng mga tao na ang Diyos ang namumuno sa lahat at Siya ang nagtatalaga at naghihirang ng mga namumuno. Hindi hinayaan ng Diyos na magpatuloy si Nebucadnezar sa kanyang pagmamataas, kasamaan, at pang-aapi (Daniel 4:27). Ano sa palagay mo ang mangyayari kung hindi natin kikilalanin ang dakilang kapangyarihan ng Diyos at sa halip ay magtiwala sa iba o sa ating mga sarili? Ano ang sinasabi sa Kawikaan 16:18 tungkol sa pagiging mapagmataas o mayabang?

2. Ang salita ng Diyos ay matutupad.
Nangyari nga agad kay Nebucadnezar ang sinabi ng tinig. Itinaboy siya mula sa mga tao at kumain ng damo na parang baka. Palaging basa ng hamog ang kanyang katawan, at humaba ang kanyang buhok na parang balahibo ng agila at ang kanyang kuko ay parang kuko ng ibon. DANIEL 4:33

Kahit na nakakatakot ang panaginip, sinabi pa rin ni Daniel kay Nebucadnezar ang mangyayari: Ang hari ay mawawalan ng kapangyarihan, ng tamang kaisipan, at ng abilidad na makipag ugnayan sa tao. Umasa si Daniel na magsisisi ang hari at hindi mangyayari ang mga nakita niya sa panaginip. Ngunit nang magsalita ang hari tungkol sa kanyang sariling karangalan at kadakilaan (Daniel 4:28–32), ang panaginip ay agad-agad na nangyari, gaya ng sinabi ni Daniel. Ang katotohanan ng Diyos ay nabibigyan ng patunay habang ito ay nangyayari. Anuman ang sabihin ng Diyos, gagawin Niya. Totoo ito sa buhay nina Nebucadnezar at Daniel, at nananatili itong totoo para sa atin. Paano ka nito nabibigyan ng katiyakan, pagpapakumbaba, at pag-asa?

3. Ang katotohanan ng Diyos ang mananaig.
β€œKaya ngayon, pinupuri koΚΌt pinararangalan ang Hari ng langit, dahil matuwid at tama ang lahat niyang ginagawa at ibinabagsak niya ang mga mapagmataas.” DANIEL 4:37

Matapos maranasan ang paghatol ng Diyos, kinilala ni Nebucadnezar na ang Diyos (at wala nang iba pa) ang nakatataas sa lahat. Maging ang pinakamakapangyarihang tao noong mga panahong ito ay nakinig sa Diyos na pinakamakapangyarihan sa lahat. Pinuri ni Nebucadnezar ang Hari ng langit para sa Kanyang katuwiran, hustisya, at kapangyarihan. Dahil dito, siya ay naibalik sa kanyang kaharian. Tumugon man or hindi ang mga tao sa Kanyang salita nang may pagsisisi sa kanilang puso, ang layunin kung bakit ipinadala ang salita ng Diyos ay laging natutupad (Isaias 55: 10–11). At kapag ang mga tao ay tumugon nang may pagsisisi, ang Diyos ay kumikilos nang naaayon dito at nabibigyan ng karangalan. Sa palagay mo, bakit kinailangang gumamit ng ganitong pamamaraan ang Diyos upang magawa Siyang kilalanin ni Nebucadnezar? Ano ang matututunan natin dito tungkol sa pagpapakumbaba at pananagutan?


π—”π—£π—£π—Ÿπ—œπ—–π—”π—§π—œπ—’π—‘
β€’ Sa tingin mo, bakit inilahad ang kwento na ito sa pananaw ni Nebucadnezar? Paano siya binago ng kanyang naging karanasan?
β€’ Ano kaya ang iniisip o nararamdaman ni Daniel noong mga oras na iyon? Sa palagay mo, ano ang nagbigay sa kanya ng lakas ng loob upang makipag-usap sa hari at sabihin ang kahulugan ng kanyang panaginipβ€”sa kabila ng dala nitong banta sa kanyang buhay? Paano ka magiging katulad ni Daniel sa mga taong makakasalamuha mo?
β€’ Ano ang natutunan mo sa kwentong ito tungkol sa Diyos? Ano ang tugon mo dito, at paano nito maapektuhan ang iyong buhay?


𝗣π—₯π—”π—¬π—˜π—₯
β€’ Pasalamatan ang Diyos para sa dakila Niyang kapangyarihan. Ideklara kung sino Siya at kilalanin ang Kanyang presensya at kabutihan sa buhay mo.
β€’ Humingi sa Diyos ng karunungan at lakas ng loob upang maipahayag mo ang katotohanan, tulad ng ginawa ni Daniel. Manalangin na sa pamamagitan ng iyong mga salita at halimbawa, ang iba ay magkakaroon ng mga pagkakataong makilala ang katotohanan ng Diyos at magbalik loob sa Kanya.
β€’ Ipanalangin ang mga namamahala at namumuno sa iyong bansa. Ipanalangin na magtitiwala sila sa dakilang kapangyarihan ng Diyos, magkakaroon ng pananagutan, at magpapakumbaba sa Kanyang harapan.