icon__search

Pagpapagaling sa Anak ng Opisyal

Week 2

𝗪𝗔𝗥𝗠 𝗨𝗣

• Naranasan mo na bang humingi ng malaking pabor sa isang tao, na pinagbigyan? Ano ang naramdaman mo?

• May tao bang pinaniniwalaan mo anuman ang sabihin niya? Sino ang taong iyon? Paano ito nangyari? 

• Magbahagi tungkol sa pinakamalalang sakit na naranasan mo o ng isang miyembro ng pamilya mo. 


𝗪𝗢𝗥𝗗

𝘕𝘢𝘢𝘭𝘢𝘭𝘢 𝘯𝘨 𝘰𝘱𝘪𝘴𝘺𝘢𝘭 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘰𝘳𝘢𝘴 𝘥𝘪𝘯𝘨 𝘪𝘺𝘰𝘯 𝘢𝘺 𝘴𝘪𝘯𝘢𝘣𝘪 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢 𝘯𝘪 𝘑𝘦𝘴𝘶𝘴 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘨𝘢𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘯𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘢𝘬 𝘯𝘪𝘺𝘢. 𝘒𝘢𝘺𝘢 𝘴𝘪𝘺𝘢 𝘢𝘵 𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘶𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘮𝘪𝘭𝘺𝘢 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘢𝘺 𝘴𝘶𝘮𝘢𝘮𝘱𝘢𝘭𝘢𝘵𝘢𝘺𝘢 𝘬𝘢𝘺 𝘑𝘦𝘴𝘶𝘴. 𝘐𝘵𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘬𝘢𝘭𝘢𝘸𝘢𝘯𝘨 𝘩𝘪𝘮𝘢𝘭𝘢 𝘯𝘢 𝘨𝘪𝘯𝘢𝘸𝘢 𝘯𝘪 𝘑𝘦𝘴𝘶𝘴 𝘴𝘢 𝘎𝘢𝘭𝘪𝘭𝘦𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘨𝘢𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘴𝘢 𝘑𝘶𝘥𝘦𝘢. 𝗝𝗨𝗔𝗡 𝟰:𝟱𝟯-𝟱𝟰


(Basahin din ang 𝗝𝗨𝗔𝗡 𝟰:𝟰𝟲-𝟱𝟮.)


Pagkatapos ng unang himala ni Jesus sa kasalan sa Cana, kumalat ang balita na nakakagawa Siya ng mga himala. Nang bumalik si Jesus sa Cana, malamang ay pinanood Siya ng mga tao at tiningnan nila kung kaya ba Niya talagang gumawa ng himala. Ngunit ibinigay lamang ni Jesus ang palatandaan sa unang taong naniwalang mangyayari ito, at kumilos Siya ayon sa paniniwalang ito. Paano ito nangyari? Tingnan natin kung paano nagkaroon ng mahimalang pagpapagaling dahil sa pananampalataya ng taong ito. 


𝟭. 𝗡𝗮𝗸𝗶𝘂𝘀𝗮𝗽 𝗮𝗻𝗴 𝗼𝗽𝗶𝘀𝘆𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗮𝗹𝗶𝗻𝗴𝗶𝗻 𝗻𝗶 𝗝𝗲𝘀𝘂𝘀 𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗻𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗮𝗸.

𝘕𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘣𝘢𝘭𝘪𝘵𝘢𝘢𝘯 𝘯𝘪𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘶𝘮𝘢𝘭𝘪𝘬 𝘴𝘪 𝘑𝘦𝘴𝘶𝘴 𝘴𝘢 𝘎𝘢𝘭𝘪𝘭𝘦𝘢 𝘮𝘶𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘑𝘶𝘥𝘦𝘢, 𝘱𝘪𝘯𝘶𝘯𝘵𝘢𝘩𝘢𝘯 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘪𝘵𝘰. 𝘕𝘢𝘬𝘪𝘶𝘴𝘢𝘱 𝘴𝘪𝘺𝘢 𝘬𝘢𝘺 𝘑𝘦𝘴𝘶𝘴 𝘯𝘢 𝘱𝘶𝘮𝘶𝘯𝘵𝘢 𝘴𝘢 𝘊𝘢𝘱𝘦𝘳𝘯𝘢𝘶𝘮 𝘢𝘵 𝘱𝘢𝘨𝘢𝘭𝘪𝘯𝘨𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘢𝘬 𝘯𝘪𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘨-𝘢𝘢𝘨𝘢𝘸-𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺. . . . 𝘚𝘶𝘮𝘢𝘨𝘰𝘵 𝘢𝘯𝘨 𝘰𝘱𝘪𝘴𝘺𝘢𝘭, “𝘚𝘶𝘮𝘢𝘮𝘢 𝘯𝘢 𝘱𝘰 𝘬𝘢𝘺𝘰 𝘴𝘢 𝘢𝘬𝘪𝘯 𝘣𝘢𝘨𝘰 𝘮𝘢𝘮𝘢𝘵𝘢𝘺 𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘢𝘬 𝘬𝘰.” 𝗝𝗨𝗔𝗡 𝟰:𝟰𝟳,𝟰𝟵


Hindi binanggit sa kwento kung ang opisyal lamang ang nag-iisang nakiusap kay Jesus para sa anumang kahilingan. Ang alam natin ay noong mga panahong ito, ang balita tungkol sa paghihimala ni Jesus ay usap-usapan lamang. Kaunti pa lamang ang nakakita sa mga ito. Sa kanyang kagipitan, nagbakasakali ang opisyal at nakiusap kay Jesus para sa isang himala. Kinausap ni Jesus ang mga nanonood, hinamon Niya ang kagustuhan nilang maniwala lamang 𝗽𝗮𝗴𝗸𝗮𝘁𝗮𝗽𝗼𝘀 makakita ng mga palatandaan at kamangha-manghang bagay, sa halip na kumilos ayon sa kanilang pananampalataya. Paano naiiba ang paglalarawan ni Jesus sa mga manonood kung ihahambing sa mga ikinilos ng opisyal? 


𝟮. 𝗣𝗶𝗻𝗮𝗻𝗴𝗵𝗮𝘄𝗮𝗸𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗼𝗽𝗶𝘀𝘆𝗮𝗹 𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮 𝗻𝗶 𝗝𝗲𝘀𝘂𝘀. 

𝘚𝘪𝘯𝘢𝘣𝘪 𝘯𝘪 𝘑𝘦𝘴𝘶𝘴 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢, “𝘗𝘸𝘦𝘥𝘦 𝘬𝘢 𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘶𝘮𝘶𝘸𝘪. 𝘔𝘢𝘨𝘢𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘯𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘢𝘬 𝘮𝘰.” 𝘕𝘢𝘯𝘪𝘸𝘢𝘭𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘰𝘱𝘪𝘴𝘺𝘢𝘭 𝘴𝘢 𝘴𝘪𝘯𝘢𝘣𝘪 𝘯𝘪 𝘑𝘦𝘴𝘶𝘴 𝘢𝘵 𝘶𝘮𝘶𝘸𝘪 𝘴𝘪𝘺𝘢. 𝘏𝘢𝘣𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘴𝘢 𝘥𝘢𝘢𝘯 𝘱𝘢 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘺 𝘴𝘪𝘯𝘢𝘭𝘶𝘣𝘰𝘯𝘨 𝘯𝘢 𝘴𝘪𝘺𝘢 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘢𝘭𝘪𝘱𝘪𝘯 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘢𝘵 𝘴𝘪𝘯𝘢𝘣𝘪 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘨𝘢𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘯𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘢𝘬 𝘯𝘪𝘺𝘢. 𝗝𝗨𝗔𝗡 𝟰:𝟱𝟬-𝟱𝟭


Wala sa mga nanonood ang nakakita ng palatandaan o himalang ginawa ni Jesus. Ang nakakita lamang nito ay ang taong kumilos ayon sa kanyang paniniwala at humingi ng himala. Nang marinig ng opisyal ang mga salita ni Jesus, naniwala siyang naganap na ang pagpapagaling at umuwi na siya. Dahil kumilos siya ayon sa kanyang paniniwala, personal na naihayag sa kanya ang kaluwalhatian ng Diyos. Ano, para sa atin, ang ibig sabihin ng panghawakan ang salita ni Jesus o ng Diyos?


𝟯. 𝗦𝘂𝗺𝗮𝗺𝗽𝗮𝗹𝗮𝘁𝗮𝘆𝗮 𝗸𝗮𝘆 𝗝𝗲𝘀𝘂𝘀 𝗮𝗻𝗴 𝗯𝘂𝗼𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗺𝗶𝗹𝘆𝗮 𝗻𝗴 𝗼𝗽𝗶𝘀𝘆𝗮𝗹. 

𝘒𝘢𝘺𝘢 𝘵𝘪𝘯𝘢𝘯𝘰𝘯𝘨 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘰𝘯𝘨 𝘰𝘳𝘢𝘴 𝘪𝘵𝘰 𝘨𝘶𝘮𝘢𝘭𝘪𝘯𝘨. 𝘚𝘶𝘮𝘢𝘨𝘰𝘵 𝘴𝘪𝘭𝘢, “𝘒𝘢𝘩𝘢𝘱𝘰𝘯 𝘱𝘰 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘢𝘭𝘢-𝘶𝘯𝘢 𝘯𝘨 𝘩𝘢𝘱𝘰𝘯 𝘢𝘺 𝘯𝘢𝘸𝘢𝘭𝘢 𝘯𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘨𝘯𝘢𝘵 𝘯𝘪𝘺𝘢.” 𝘕𝘢𝘢𝘭𝘢𝘭𝘢 𝘯𝘨 𝘰𝘱𝘪𝘴𝘺𝘢𝘭 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘰𝘳𝘢𝘴 𝘥𝘪𝘯𝘨 𝘪𝘺𝘰𝘯 𝘢𝘺 𝘴𝘪𝘯𝘢𝘣𝘪 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢 𝘯𝘪 𝘑𝘦𝘴𝘶𝘴 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘨𝘢𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘯𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘢𝘬 𝘯𝘪𝘺𝘢. 𝘒𝘢𝘺𝘢 𝘴𝘪𝘺𝘢 𝘢𝘵 𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘶𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘮𝘪𝘭𝘺𝘢 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘢𝘺 𝘴𝘶𝘮𝘢𝘮𝘱𝘢𝘭𝘢𝘵𝘢𝘺𝘢 𝘬𝘢𝘺 𝘑𝘦𝘴𝘶𝘴. 𝗝𝗨𝗔𝗡 𝟰:𝟱𝟮-𝟱𝟯


Dahil sa himala, naihayag ang kaluwalhatian ng Diyos sa isang sambahayan, at lahat ng miyembro ng sambahayang ito ay sumampalataya sa Kanya. Personal ang himala sa opisyal na nakatanggap nito, at tinugunan nito ang isang gipit sa oras at personal na pangangailangan. Sa huli, ang pinakamahalaga ay naihayag ang kaluwalhatian ng Diyos at nanampalataya ang mga tao kay Jesus dahil dito. Paano pinagtibay ng Diyos ang pananampalataya mo sa gitna ng mga mapanghamong sitwasyon? 


Ipinakita ng pangalawang himalang ginawa ni Jesus ang awtoridad Niya sa buhay at kamatayan. May posibilidad na ang opisyal ay isang kapitang Romano, isang taong hindi Judio at hindi inaabangan ang pagdating ng Tagapagligtas dahil sa mga propesiya. Sa Kanyang pangalawang himala, inihayag ni Jesus ang Kanyang kapangyarihan at biyaya hindi lamang sa mga Judio. 


𝗔𝗣𝗣𝗟𝗜𝗖𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡

• Narinig mo lang ba kung paano gumawa ng himala si Jesus sa iyong buhay? Nais mo bang mas makilala Siya ngayon? 

• Kapag nararamdaman mong kinakausap ka ng Diyos, paano ka karaniwang tumutugon? Para sa iyo, paano makikita ang pagtugon nang may pananampalataya? 

• Lahat ba sa iyong sambahayan ay nakaranas na ng biyaya at kaluwalhatian ni Cristo? Paano mo ito ibabahagi sa ibang miyembro ng iyong pamilya ngayong linggo? 


𝗣𝗥𝗔𝗬𝗘𝗥

• Pasalamatan si Jesus para sa personal at mapagmahal Niyang paraan ng paghihimala para tugunan ang mga pangangailangan ng Kanyang mamamayan. 

• Ipanalangin na magkaroon ka ng lakas ng loob na panghawakan ang salita ni Jesus at ng kalakasang sumunod nang may pananampalataya. 

• Humingi kay Jesus ng mga pagkakataon upang maibahagi sa iyong pamilya ang tungkol sa biyaya at kaluwalhatian ng Diyos ngayong linggo. Ipanalangin na masabi mo ang mga tamang salita tuwing magbabahagi ka tungkol sa Kanya.