icon__search

Ang Salita ang Nagpapalaya sa Atin

Week 4

𝗪𝗔𝗥𝗠-𝗨𝗣
• Kapag gusto mong magpagaan ng pakiramdam o kaya ay magtanggal ng 𝘴𝘵𝘳𝘦𝘴𝘴, ano ang ginagawa mo?
• Pangalanan ang isang taong pinagkakatiwalaan mo. Kailan mo nalamang mapagkakatiwalaan mo siya? Ano ang naramdaman mo dahil dito?
• Naramdaman mo na ba na tila naipit ka sa isang sitwasyon at hindi ka na makalabas dito? Paano ito nangyari?


𝗪𝗢𝗥𝗗
𝘚𝘪𝘯𝘢𝘣𝘪 𝘯𝘪 𝘑𝘦𝘴𝘶𝘴 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘑𝘶𝘥𝘪𝘰𝘯𝘨 𝘴𝘶𝘮𝘢𝘮𝘱𝘢𝘭𝘢𝘵𝘢𝘺𝘢 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢, “𝘒𝘶𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘵𝘶𝘭𝘰𝘺 𝘬𝘢𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘴𝘶𝘴𝘶𝘯𝘰𝘥 𝘴𝘢 𝘢𝘳𝘢𝘭 𝘬𝘰, 𝘵𝘰𝘵𝘰𝘰 𝘯𝘨𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘵𝘢𝘨𝘢𝘴𝘶𝘯𝘰𝘥 𝘬𝘰 𝘬𝘢𝘺𝘰. 𝘔𝘢𝘭𝘢𝘭𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘯𝘪𝘯𝘺𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘵𝘰𝘵𝘰𝘩𝘢𝘯𝘢𝘯, 𝘢𝘵 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘵𝘰𝘵𝘰𝘩𝘢𝘯𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨𝘱𝘢𝘱𝘢𝘭𝘢𝘺𝘢 𝘴𝘢 𝘪𝘯𝘺𝘰.” 𝗝𝗨𝗔𝗡 𝟴:𝟯𝟭–𝟯𝟮

Tinawag ni Jesus ang mga Judio upang magtiwala sa Kanya, dahil kung hindi nila ito gagawin, sila ay mamamatay sa kanilang kasalanan. Marami ang naniwala sa Kanya noong araw na iyon. Subalit kahit napalaya na sila mula sa pagkaalipin sa kasalanan sa pamamagitan ng paniniwala sa Kanya, alam ni Jesus na ang pamumuhay bilang mga malayang tao, at hindi mga alipin, ay magiging isang paglalakbay para sa kanila. Mangangailangan ito ng pananatili, paglago, at pagtitiwala sa Diyos. Sa araling ito, titingnan natin kung paano maisasapamuhay at mararanasan ng mga Kristiyano ang kalayaan bilang mga disipulo ni Jesus.


𝟭. 𝗔𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗱𝗶𝘀𝗶𝗽𝘂𝗹𝗼 𝗻𝗶 𝗝𝗲𝘀𝘂𝘀 𝗮𝘆 𝗻𝗮𝗻𝗮𝗻𝗮𝘁𝗶𝗹𝗶 𝘀𝗮 𝗞𝗮𝗻𝘆𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮.
𝘚𝘪𝘯𝘢𝘣𝘪 𝘯𝘪 𝘑𝘦𝘴𝘶𝘴 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘑𝘶𝘥𝘪𝘰𝘯𝘨 𝘴𝘶𝘮𝘢𝘮𝘱𝘢𝘭𝘢𝘵𝘢𝘺𝘢 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢, “𝘒𝘶𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘵𝘶𝘭𝘰𝘺 𝘬𝘢𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘴𝘶𝘴𝘶𝘯𝘰𝘥 𝘴𝘢 𝘢𝘳𝘢𝘭 𝘬𝘰, 𝘵𝘰𝘵𝘰𝘰 𝘯𝘨𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘵𝘢𝘨𝘢𝘴𝘶𝘯𝘰𝘥 𝘬𝘰 𝘬𝘢𝘺𝘰.” 𝗝𝗨𝗔𝗡 𝟴:𝟯𝟭

Upang manatili sa salita ng Diyos, dapat muna nating malaman kung ano ang sinasabi nito, pagkatapos ay maniwala dito, at sa huli ay kumilos nang naaayon dito. Ang pananatili at pagsunod sa Kanyang Salita ay hindi mangyayari kung hindi muna tayo maniniwala at magtitiwala kay Jesus. Magbahagi ng isang panahon kung kailan kumilos ka nang may pananampalataya ayon sa salita ng Diyos, kahit pa hindi malinaw kung bakit mo ito dapat gawin. Ano ang nangyari?

𝟮. 𝗔𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗻𝗮𝗻𝗮𝗻𝗮𝘁𝗶𝗹𝗶 𝘀𝗮 𝘀𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮 𝗮𝘆 𝗺𝗮𝗸𝗮𝗸𝗮𝗮𝗹𝗮𝗺 𝗻𝗴 𝗸𝗮𝘁𝗼𝘁𝗼𝗵𝗮𝗻𝗮𝗻.
𝘚𝘪𝘯𝘢𝘣𝘪 𝘯𝘪 𝘑𝘦𝘴𝘶𝘴 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘑𝘶𝘥𝘪𝘰𝘯𝘨 𝘴𝘶𝘮𝘢𝘮𝘱𝘢𝘭𝘢𝘵𝘢𝘺𝘢 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢, “𝘒𝘶𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘵𝘶𝘭𝘰𝘺 𝘬𝘢𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘴𝘶𝘴𝘶𝘯𝘰𝘥 𝘴𝘢 𝘢𝘳𝘢𝘭 𝘬𝘰, 𝘵𝘰𝘵𝘰𝘰 𝘯𝘨𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘵𝘢𝘨𝘢𝘴𝘶𝘯𝘰𝘥 𝘬𝘰 𝘬𝘢𝘺𝘰. 𝘔𝘢𝘭𝘢𝘭𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘯𝘪𝘯𝘺𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘵𝘰𝘵𝘰𝘩𝘢𝘯𝘢𝘯 . . .” 𝗝𝗨𝗔𝗡 𝟴:𝟯𝟭–𝟯𝟮

Kapag naniwala at nagtiwala tayo kay Jesus, magagawa nating manatili sa Kanyang salita sa pamamagitan ng pananampalataya. May katiyakan tayo mula kay Jesus na kapag kumilos tayo nang may pananampalataya, malalaman natin ang katotohanan. Hindi tayo lilipad nang bulag o kaya ay kikilos nang walang pagkaunawa. May panahon bang kumilos ka ayon sa salita ng Diyos at dahil dito ay nabuksan ang iyong mga mata upang makita ang katotohanan ng iyong sitwasyon? Ibahagi ang naranasan mo.

𝟯. 𝗔𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗻𝗮𝗸𝗮𝗸𝗮𝗮𝗹𝗮𝗺 𝗻𝗴 𝗸𝗮𝘁𝗼𝘁𝗼𝗵𝗮𝗻𝗮𝗻 𝗮𝘆 𝗺𝗮𝗸𝗮𝗸𝗮𝗿𝗮𝗻𝗮𝘀 𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗹𝗮𝘆𝗮𝗮𝗻.
“ . . . 𝘢𝘵 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘵𝘰𝘵𝘰𝘩𝘢𝘯𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨𝘱𝘢𝘱𝘢𝘭𝘢𝘺𝘢 𝘴𝘢 𝘪𝘯𝘺𝘰.” 𝗝𝗨𝗔𝗡 𝟴:𝟯𝟮

Bilang mga disipulo ni Jesus, paano natin mararanasan ang kalayaan? Kapag naniwala tayo sa Kanya at nanatili tayo sa Kanyang salita, tinitiyak sa atin ni Jesus na malalaman natin ang katotohanan. Sa pamamagitan ng katotohanang ito, mararanasan natin ang kalayaan. Bakit hindi posibleng magkaroon ng kalayaan nang hindi nalalaman ang katotohanan? Paano ka napalaya ng kaalaman mo sa katotohanan?


𝗔𝗣𝗣𝗟𝗜𝗖𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡
• Humantong ka na ba sa puntong naniniwala at nagtitiwala ka kay Jesus bilang iyong Panginoon at Tagapagligtas? Gusto mo bang magtiwala sa Kanya ngayon?
• Ano ang ibig sabihin para sa iyo ng pananatili sa salita ng Diyos? May bahagi ba sa buhay mo kung saan hindi ka pa namumuhay nang naaayon sa sinasabi ng Kanyang salita? Ano ang maaari mong baguhin ngayong linggo?
• May mga kapamilya o kaibigan ka bang kailangang kausapin upang maibahagi mo sa kanila ang katotohanan at kalayaang mula sa Diyos? Paano mo masisimulan ang pag-uusap na ito ngayong linggo?
 

𝗣𝗥𝗔𝗬𝗘𝗥
• Pasalamatan ang Diyos para sa Kanyang Anak at salita. Pasalamatan Siya sa pagpapalaya sa atin mula sa pagiging alipin ng kasalanan.
• Ipanalangin na patuloy kang mananatili sa Kanyang salita araw-araw. Ipanalangin na patuloy Niyang pananatilihin sa puso mo at ipapaalala sa iyo ang Kanyang salita.
• Hingin sa Diyos ang mga pagkakataon upang maibahagi mo ang Kanyang katotohanan at kalayaan sa iyong mga kapamilya at kaibigan ngayong linggo. Ipanalangin na bigyan ka ng Diyos ng mga nararapat na salita upang masimulan ang pakikipag-usap sa kanila.