icon__search

Kasama Natin ang Diyos

Week 1

๐—ช๐—”๐—ฅ๐— -๐—จ๐—ฃ
โ€ข Magkuwento tungkol sa isang tao o bagay na nakatulong sa iyo sa isang panahon ng kalungkutan.
โ€ข Pangalanan ang dalawang tao na maaari mong tawaging tunay na mga kaibigan. Ano ang dahilan kung bakit kayo nagkaroon ng ganitong pagkakaibigan?
โ€ข Balikan ang isang mahirap na sitwasyon na kinailangan mong harapin. Sino ang tumulong sa iyo na pagdaanan ito?


๐—ช๐—ข๐—ฅ๐——
โ€œ๐˜”๐˜ข๐˜จ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ช๐˜ด ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ช๐˜ณ๐˜ฉ๐˜ฆ๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช. ๐˜›๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ด๐˜ช๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜Œ๐˜ฎ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ถ๐˜ฆ๐˜ญโ€ (๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ ๐˜ด๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ, โ€œ๐˜’๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‹๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ๐˜ดโ€). ๐— ๐—”๐—ง๐—˜๐—ข ๐Ÿญ:๐Ÿฎ๐Ÿฏ

(Basahin din ang ๐— ๐—”๐—ง๐—˜๐—ข ๐Ÿญ:๐Ÿญ๐Ÿดโ€“๐Ÿฎ๐Ÿฎ.)

Maraming nakakaalam ng kuwento ng ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ท๐˜ช๐˜ต๐˜บ o kapanganakan ni Jesus. Isipin mo na lang kung nandoon ka habang nangyayari ito. Si Jose, na nasa gitna ng kuwento, ay natakot at malamang ay nalito at nagambala nang malaman niya na si Maria, ang babaeng pakakasalan niya, ay buntis na. Isang anghel ang nagpakita sa kanya sa panaginip at nagsabing ang ipinagbubuntis ni Maria ay sa Banal na Espiritu. Sa katunayan, si Maria ay nagdalang tao upang tuparin ang sinabi ni Isaias sa isang propesiya: ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ช๐˜ด ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ช๐˜ณ๐˜ฉ๐˜ฆ๐˜ฏ, ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ ๐˜ด๐˜ช๐˜บ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜จ๐˜ฐ๐˜ญ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ญ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช. ๐˜ˆ๐˜ต ๐˜ต๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜บ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ต๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜Œ๐˜ฎ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ถ๐˜ฆ๐˜ญ. (Isaias 7:14). Ang Emmanuel ay nangangahulugang โ€œkasama natin ang Diyosโ€โ€”ang Diyos ay bumaba upang makapiling ang sangkatauhan. Ipinapakita sa atin ng kuwento ni Jose ang tatlong paraan kung paano natin mararanasan ang katotohanan ni Emmanuel sa kasalukuyan.

๐Ÿญ. ๐—ž๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—บ๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐——๐—ถ๐˜†๐—ผ๐˜€ ๐˜€๐—ฎ ๐—ด๐—ถ๐˜๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐˜๐—ฎ๐—ธ๐—ผ๐˜.
๐˜๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ-๐˜ช๐˜ช๐˜ด๐˜ช๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ช ๐˜‘๐˜ฐ๐˜ด๐˜ฆ, ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ต๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ๐˜บ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฑ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฉ๐˜ฆ๐˜ญ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ด๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช, โ€œ๐˜‘๐˜ฐ๐˜ด๐˜ฆ, ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ช ๐˜‹๐˜ข๐˜ท๐˜ช๐˜ฅ, ๐˜ฉ๐˜ถ๐˜ธ๐˜ข๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ฌ๐˜ฐ๐˜ต ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ด๐˜ช ๐˜”๐˜ข๐˜ณ๐˜ช๐˜ข ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช๐˜ญ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ช๐˜ด ๐˜ฏ๐˜ช๐˜บ๐˜ขสผ๐˜บ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ช๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‰๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ญ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜Œ๐˜ด๐˜ฑ๐˜ช๐˜ณ๐˜ช๐˜ต๐˜ถ.โ€ ๐— ๐—”๐—ง๐—˜๐—ข ๐Ÿญ:๐Ÿฎ๐Ÿฌ

Noong panahon nina Jose at Maria, ang kasunduang pagpapakasal ay may legal na bisa. Sa kaalaman ni Jose, si Maria ay nakiapid sa hindi niya asawa at maaaring batuhin hanggang sa kanyang kamatayan bilang parusa sa ๐˜ข๐˜ฅ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ต๐˜ฆ๐˜ณ๐˜บ o pangangalunya. Sa halip na ipahiya siya sa publiko at iparanas sa kanya ang pisikal na kapahamakan, inisip ni Jose na makipagdiborsyo na lamang sa kanya nang palihim. Subalit lumapit ang Diyos kay Jose sa kanyang panahon ng pagkabahala, tinanggal Niya ang kanyang takot, at tiniyak sa kanya na ito ay bahagi ng plano Niya para sa kanya at kay Maria. Sa gitna ng takot at kawalan ng katiyakan, kapiling ni Jose ang Diyos. Ilarawan ang isang panahong inalis ng Diyos ang iyong takot at tiniyak sa iyo ang Kanyang kataas-taasang kapangyarihan.

๐Ÿฎ. ๐—ž๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—บ๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐——๐—ถ๐˜†๐—ผ๐˜€ ๐˜‚๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ด๐˜๐—ฎ๐˜€ ๐˜๐—ฎ๐˜†๐—ผ ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ป.
โ€œ๐˜”๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ ๐˜ด๐˜ช๐˜บ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฎ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ช๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‘๐˜ฆ๐˜ด๐˜ถ๐˜ด, ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช๐˜ญ ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜จ๐˜ต๐˜ข๐˜ด ๐˜ฏ๐˜ช๐˜บ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ.โ€ ๐— ๐—”๐—ง๐—˜๐—ข ๐Ÿญ:๐Ÿฎ๐Ÿญ

Sa panaginip, sinabi ng anghel kay Jose na ang ipinagbubuntis ni Maria ay papangalanang Jesus ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช๐˜ญ ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜จ๐˜ต๐˜ข๐˜ด ๐˜ฏ๐˜ช๐˜บ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ. Ito ay si Emmanuelโ€”ang pagpapadala ng Diyos ng Kanyang anak na si Jesus upang mamatay sa krus para sa atin at nang hindi tayo maihiwalay ng ating kasalanan mula sa Kanya at nang makapamuhay tayo sa Kanyang katuwiran. Hanggang sa kasalukuyan, ito ang dahilan kung paano natin nalalaman nang walang pag-aalinlangan na kasama natin ang Diyos. Paano mo nasimulang makita ang kapatawaran ng Diyos at ang ginagawa Niyang pagpapabanal sa buhay mo? Paano nagbago ang buhay mo simula nang manampalataya ka kay Cristo para sa iyong kaligtasan?

๐Ÿฏ. ๐—•๐˜‚๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—บ๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐——๐—ถ๐˜†๐—ผ๐˜€.
๐˜•๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ช๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ช ๐˜‘๐˜ฐ๐˜ด๐˜ฆ, ๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜ฅ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜บ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฉ๐˜ฆ๐˜ญ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜บ๐˜ข ๐˜ด๐˜ช ๐˜”๐˜ข๐˜ณ๐˜ช๐˜ข. ๐— ๐—”๐—ง๐—˜๐—ข ๐Ÿญ:๐Ÿฎ๐Ÿฐ

Si Jose ay sumunod sa Diyos, at inalagaan nila ni Maria si Jesus mula pagkabata hanggang sa paglaki Niya. Ito ay isang munting paglalarawan ng ibig sabihin ng kasama natin ang Diyos sa bawat araw. Sa katunayan, ๐˜š๐˜ช๐˜บ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ข๐˜ต ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฉ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ช, ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ช๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข ๐˜ข๐˜ต ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ฑ๐˜ถ๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ต (Pahayag 22:13). Sa kasalukuyan, araw-araw nating kasama ang Diyos sa pamamagitan ng Banal na Espirituโ€”nakikinig, nagbibigay ng kaginhawaan, at nagtuturo sa atin na mamuhay sa Kanyang biyaya at habag. Sa paanong paraan mo nararanasan ang presensya ng Diyos araw-araw?


๐—”๐—ฃ๐—ฃ๐—Ÿ๐—œ๐—–๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก
โ€ข Ang patuloy na presensya ng Diyos ang nagdadala ng kaginhawaan sa buhay natin. Paano mo magagawang huminto araw-araw upang makinig sa tinig ng Diyos?
โ€ข Mayroon bang sitwasyon kung saan naramdaman mong hindi mo kasama ang Diyos? Hilingin sa Kanya na ipakita ang mga nangyari sa iyo at ipaalala sa iyo na kasama mo Siya noong mga panahong iyon, kahit pa hindi mo ito naramdaman.
โ€ข Paano nabago ng presensya ng Diyos sa buhay mo ang paraan mo nang pamumuhay araw-araw? Paano ito nakita ng mga tao sa paligid mo?


๐—ฃ๐—ฅ๐—”๐—ฌ๐—˜๐—ฅ
โ€ข Pasalamatan ang Diyos dahil hanggang sa kasalukuyan ay nararanasan natin ang presensya Niya. Ipanalangin na malinaw mo Siyang marinig habang hinahangad mong malaman ang kagustuhan Niya araw-araw.
โ€ข Ipanalangin na tulad nina Jose at Maria, susunod ka kapag narinig mo ang tinig ng Diyos. Ipanalangin na bigyan ka Niya ng kakayahang sumunod sa Kanya nang agad-agad.
โ€ข Hingin sa Diyos na ipakita sa iyo ang isang kaibigan o kapamilya na maaari mong mabigyan ng lakas ng loob ngayong linggo dahil sa katotohanan tungkol sa presensya ng Diyos.