icon__search

Kabanalang Isinasabuhay

Week 5

𝗪𝗔𝗥𝗠 𝗨𝗣

• Naranasan mo na bang manalo o matalo sa isang kompetisyon kung saan sobrang liit lang ng naging agwat sa pagitan mo at ng nakalaban mo? Ano ang nangyari? Ano ang naramdaman mo?

• Magbahagi tungkol sa isang bagay na natutunan mong gawin pagkatapos ng mahabang panahon ng pag-eensayo. Ano ang naidulot nito sa iyo?

• Nasubukan mo na bang pilitin ang sarili mo na huwag gawin ang isang bagay na hindi mo dapat gawin, pero hindi ka nagtagumpay? Ano ang mga ginawa mo para subukan itong gawin? Ano ang nangyari pagkatapos mong mabigo?


𝗪𝗢𝗥𝗗

𝘕𝘰𝘰𝘯𝘨 𝘶𝘯𝘢 𝘢𝘺 𝘮𝘢𝘭𝘢𝘺𝘰 𝘬𝘢𝘺𝘰 𝘴𝘢 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴, 𝘢𝘵 𝘯𝘢𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘢𝘸𝘢𝘺 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘴𝘢𝘮𝘢𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘪𝘯𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨-𝘪𝘪𝘴𝘪𝘱 𝘢𝘵 𝘮𝘨𝘢 𝘨𝘢𝘸𝘢. 𝘗𝘦𝘳𝘰 𝘯𝘨𝘢𝘺𝘰𝘯, 𝘪𝘣𝘪𝘯𝘢𝘭𝘪𝘬 𝘯𝘢 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘬𝘢𝘺𝘰 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘳𝘪𝘭𝘪 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘮𝘢𝘮𝘢𝘨𝘪𝘵𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘮𝘢𝘵𝘢𝘺𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘵𝘢𝘸𝘢𝘯𝘨-𝘵𝘢𝘰 𝘯𝘪 𝘊𝘳𝘪𝘴𝘵𝘰. 𝘒𝘢𝘺𝘢 𝘮𝘢𝘪𝘩𝘢𝘩𝘢𝘳𝘢𝘱 𝘯𝘢 𝘬𝘢𝘺𝘰 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢 𝘯𝘢 𝘣𝘢𝘯𝘢𝘭, 𝘮𝘢𝘭𝘪𝘯𝘪𝘴 𝘢𝘵 𝘸𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘱𝘪𝘯𝘵𝘢𝘴𝘢𝘯. 𝘗𝘦𝘳𝘰 𝘬𝘢𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨𝘢𝘯 𝘯𝘪𝘯𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘯𝘢𝘵𝘪𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘱𝘢𝘵 𝘢𝘵 𝘮𝘢𝘵𝘢𝘵𝘢𝘨 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘯𝘢𝘯𝘢𝘮𝘱𝘢𝘭𝘢𝘵𝘢𝘺𝘢, 𝘢𝘵 𝘩𝘶𝘸𝘢𝘨 𝘩𝘢𝘺𝘢𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘸𝘢𝘭𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨-𝘢𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘥𝘶𝘭𝘰𝘵 𝘯𝘨 𝘔𝘢𝘨𝘢𝘯𝘥𝘢𝘯𝘨 𝘉𝘢𝘭𝘪𝘵𝘢 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘳𝘪𝘯𝘪𝘨 𝘯𝘪𝘯𝘺𝘰. 𝘈𝘯𝘨 𝘔𝘢𝘨𝘢𝘯𝘥𝘢𝘯𝘨 𝘉𝘢𝘭𝘪𝘵𝘢 𝘯𝘢 𝘪𝘵𝘰 𝘢𝘺 𝘪𝘱𝘪𝘯𝘢𝘩𝘢𝘺𝘢𝘨 𝘯𝘢 𝘴𝘢 𝘣𝘶𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘶𝘯𝘥𝘰, 𝘢𝘵 𝘢𝘬𝘰𝘯𝘨 𝘴𝘪 𝘗𝘢𝘣𝘭𝘰 𝘢𝘺 𝘯𝘢𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘭𝘪𝘯𝘨𝘬𝘰𝘥 𝘯𝘪𝘵𝘰.  𝗠𝗚𝗔 𝗧𝗔𝗚𝗔-𝗖𝗢𝗟𝗢𝗦𝗔𝗦 𝟭:𝟮𝟭-𝟮𝟯


Sa kanyang sulat para sa mga taga-Colosas, inilarawan ni Pablo ang malinaw na kaibahan ng buhay natin bago tayo naniwala kay Cristo, at ngayong tayo ay nasa Kanya na. Noong hindi pa natin tinatanggap si Cristo, tayo ay 𝘮𝘢𝘭𝘢𝘺𝘰 sa Diyos, 𝘯𝘢𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘢𝘸𝘢𝘺 𝘕𝘪𝘺𝘢 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘴𝘢𝘮𝘢𝘢𝘯 ng ating pag-iisip at mga gawa. Wala tayong magagawa para baguhin ito. Kay Cristo, maaari na tayong maging 𝘣𝘢𝘯𝘢𝘭, 𝘮𝘢𝘭𝘪𝘯𝘪𝘴 𝘢𝘵 𝘸𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘱𝘪𝘯𝘵𝘢𝘴𝘢𝘯. Pero hinihiling ng buhay na nakay Cristo na tayo ay 𝘮𝘢𝘯𝘢𝘵𝘪𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘱𝘢𝘵 𝘢𝘵 𝘮𝘢𝘵𝘢𝘵𝘢𝘨 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘯𝘢𝘯𝘢𝘮𝘱𝘢𝘭𝘢𝘵𝘢𝘺𝘢. Ngayong araw, tingnan natin ang dalawang katotohanan na kung mauunawaan at pag-iisipan natin ay makakapagbigay sa atin ng kakayahang maipamuhay ang buhay na nagpapahayag ng kabanalan ng Diyos.


𝟭. 𝗞𝗮𝘆 𝗝𝗲𝘀𝘂-𝗖𝗿𝗶𝘀𝘁𝗼, 𝘁𝗮𝘆𝗼 𝗮𝘆 𝗻𝗮𝗶𝗯𝗮𝗹𝗶𝗸 𝘀𝗮 𝗗𝗶𝘆𝗼𝘀 𝗮𝘁 𝗴𝗶𝗻𝗮𝘄𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗻𝗮𝗹.

𝘕𝘰𝘰𝘯𝘨 𝘶𝘯𝘢 𝘢𝘺 𝘮𝘢𝘭𝘢𝘺𝘰 𝘬𝘢𝘺𝘰 𝘴𝘢 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴, 𝘢𝘵 𝘯𝘢𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘢𝘸𝘢𝘺 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘴𝘢𝘮𝘢𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘪𝘯𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨-𝘪𝘪𝘴𝘪𝘱 𝘢𝘵 𝘮𝘨𝘢 𝘨𝘢𝘸𝘢. 𝘗𝘦𝘳𝘰 𝘯𝘨𝘢𝘺𝘰𝘯, 𝘪𝘣𝘪𝘯𝘢𝘭𝘪𝘬 𝘯𝘢 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘬𝘢𝘺𝘰 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘳𝘪𝘭𝘪 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘮𝘢𝘮𝘢𝘨𝘪𝘵𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘮𝘢𝘵𝘢𝘺𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘵𝘢𝘸𝘢𝘯𝘨-𝘵𝘢𝘰 𝘯𝘪 𝘊𝘳𝘪𝘴𝘵𝘰. . . 𝗠𝗚𝗔 𝗧𝗔𝗚𝗔-𝗖𝗢𝗟𝗢𝗦𝗔𝗦 𝟭:𝟮𝟭-𝟮𝟮


Totoo ngang nahiwalay tayo sa Diyos at naging mga kaaway Niya dahil sa kasalanan. Pero gumawa si Jesus ng daan para maibalik tayo sa Diyos sa pamamagitan ng paghahandog ng Kanyang sarili upang mamatay para sa ating mga kasalanan. Sa pamamagitan ng pananampalataya sa Kanya at sa ginawa Niya, hindi lamang tayo naibabalik sa tamang ugnayan sa Diyos, kundi tayo rin ay ginawang banal, na ang ibig sabihin ay ibinukod tayo para sa Diyos. Ito ang katayuan natin sa Diyos. Paano mo nakita ang epekto ng katotohanang ito sa buhay mo?


𝟮. 𝗔𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗮𝗻𝗮𝗺𝗽𝗮𝗹𝗮𝘁𝗮𝘆𝗮 𝗸𝗮𝘆 𝗝𝗲𝘀𝘂𝘀 𝗮𝘆 𝗻𝗮𝗴𝗯𝗶𝗯𝗶𝗴𝗮𝘆 𝘀𝗮 𝗮𝘁𝗶𝗻 𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗸𝗮𝘆𝗮𝗵𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝗽𝗮𝘁𝘂𝗹𝗼𝘆 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗺𝘂𝗺𝘂𝗵𝗮𝘆 𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘆 𝗸𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝗹𝗮𝗻.

𝘗𝘦𝘳𝘰 𝘯𝘨𝘢𝘺𝘰𝘯, 𝘪𝘣𝘪𝘯𝘢𝘭𝘪𝘬 𝘯𝘢 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘬𝘢𝘺𝘰 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘳𝘪𝘭𝘪 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘮𝘢𝘮𝘢𝘨𝘪𝘵𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘮𝘢𝘵𝘢𝘺𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘵𝘢𝘸𝘢𝘯𝘨-𝘵𝘢𝘰 𝘯𝘪 𝘊𝘳𝘪𝘴𝘵𝘰. 𝘒𝘢𝘺𝘢 𝘮𝘢𝘪𝘩𝘢𝘩𝘢𝘳𝘢𝘱 𝘯𝘢 𝘬𝘢𝘺𝘰 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢 𝘯𝘢 𝘣𝘢𝘯𝘢𝘭, 𝘮𝘢𝘭𝘪𝘯𝘪𝘴 𝘢𝘵 𝘸𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘱𝘪𝘯𝘵𝘢𝘴𝘢𝘯. 𝘗𝘦𝘳𝘰 𝘬𝘢𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨𝘢𝘯 𝘯𝘪𝘯𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘯𝘢𝘵𝘪𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘱𝘢𝘵 𝘢𝘵 𝘮𝘢𝘵𝘢𝘵𝘢𝘨 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘯𝘢𝘯𝘢𝘮𝘱𝘢𝘭𝘢𝘵𝘢𝘺𝘢, 𝘢𝘵 𝘩𝘶𝘸𝘢𝘨 𝘩𝘢𝘺𝘢𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘸𝘢𝘭𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨-𝘢𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘥𝘶𝘭𝘰𝘵 𝘯𝘨 𝘔𝘢𝘨𝘢𝘯𝘥𝘢𝘯𝘨 𝘉𝘢𝘭𝘪𝘵𝘢 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘳𝘪𝘯𝘪𝘨 𝘯𝘪𝘯𝘺𝘰. 𝘈𝘯𝘨 𝘔𝘢𝘨𝘢𝘯𝘥𝘢𝘯𝘨 𝘉𝘢𝘭𝘪𝘵𝘢 𝘯𝘢 𝘪𝘵𝘰 𝘢𝘺 𝘪𝘱𝘪𝘯𝘢𝘩𝘢𝘺𝘢𝘨 𝘯𝘢 𝘴𝘢 𝘣𝘶𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘶𝘯𝘥𝘰, 𝘢𝘵 𝘢𝘬𝘰𝘯𝘨 𝘴𝘪 𝘗𝘢𝘣𝘭𝘰 𝘢𝘺 𝘯𝘢𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘭𝘪𝘯𝘨𝘬𝘰𝘥 𝘯𝘪𝘵𝘰.  𝗠𝗚𝗔 𝗧𝗔𝗚𝗔-𝗖𝗢𝗟𝗢𝗦𝗔𝗦 𝟭:𝟮𝟮–𝟮𝟯


Bagama’t ang mga nananampalataya kay Jesus ay ginawang banal, ibinukod para sa Diyos, marami pa ring mga aspeto at bagay sa buhay natin na hindi natutulad kay Cristo at kailangang maibukod para sa Diyos. Nahihirapan pa rin tayong labanan ang kasalanan. Marami pa rin tayong mga kapintasan at kahinaan sa ating mga iniisip, salita, at kilos. Ang magandang balita ay habang patuloy tayong nananampalataya kay Cristo, patuloy na kumikilos sa atin ang Diyos para gawin tayong tulad ni Cristo upang isang araw ay makaharap tayo sa Kanya bilang banal at walang kapintasan. Hindi lamang magiging banal ang katayuan natin sa Diyos kundi maisasalamin din ng buhay natin ang Kanyang kabanalan. Ano para sa iyo ang ibig sabihin ng 𝘮𝘢𝘯𝘢𝘵𝘪𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘱𝘢𝘵 𝘢𝘵 𝘮𝘢𝘵𝘢𝘵𝘢𝘨 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘯𝘢𝘯𝘢𝘮𝘱𝘢𝘭𝘢𝘵𝘢𝘺𝘢?


𝗔𝗣𝗣𝗟𝗜𝗖𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡

• Naituwid na ba ang ugnayan mo sa Diyos sa pamamagitan ng kamatayan at muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo? Gusto mo bang tanggapin si Jesus bilang iyong Panginoon at Tagapagligtas sa pamamagitan ng pananampalataya sa Kanya?

• Sa palagay mo, gaano kahirap sundin ang Diyos at mamuhay nang banal? Gaano kadalas mong nakikita ang iyong sarili na sinusubukang sumunod o magpakabanal ayon sa sarili mong kakayahan? Paano makakatulong sa iyo ang napag-aralan natin ngayong araw?

• Nagbigay daan ang ginawa ni Cristo para maging banal ang mga mananampalataya sa Kanya at makapamuhay nang may kabanalan sa pamamagitan Niya. Kanino mo maibabahagi ang katotohanang ito? Ibahagi ang patotoo mo at ang ebanghelyo sa taong ito ngayong linggo.


𝗣𝗥𝗔𝗬𝗘𝗥

• Pasalamatan ang Diyos dahil ginawa Niya tayong banal sa pamamagitan ng sakripisyo ni Jesu-Cristo. Pasalamatan Siya sa pagbibigay ng daan para mapalapit ulit tayo sa Kanya.

• Ipanalangin na baguhin ka ni Cristo habang sumusunod ka sa Kanya at namumuhay nang may kabanalan sa pamamagitan ng Kanyang kapangyarihan. Hingin sa Kanya na mas maunawaan mo kung sino Siya at ang pagmamahal Niya sa mundo,

• Humingi sa Diyos ng mga pagkakataon para maibahagi mo si Jesus sa iyong mga kapamilya at kaibigan. Hilingin sa Kanya na bigyan ka ng mga salitang magagamit mo para maipangaral ang ebanghelyo at maibahagi ang ginagawa ni Jesus upang maging banal ang mga nananampalataya sa Kanya.