icon__search

David at Natan

Week 3

๐—ช๐—”๐—ฅ๐—  ๐—จ๐—ฃ

โ€ข Kapag nagbibigay ka ng payo, nagpipigil ka ba o sinasabi mo na lahat sa pagkakataong iyon? Bakit?

โ€ข Nakatanggap ka na ba ng pangaral dahil sa isang pagkakamaling nagawa mo? Paano ka tumugon dito?

โ€ข Paano ka humihingi ng tawad sa isang taong nasaktan mo? Ano ang mga bagay na ginawa mo para makuha ulit ang tiwala niya?


๐—ช๐—ข๐—ฅ๐——

๐˜—๐˜ข๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ฑ๐˜ฐ๐˜ด, ๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜ช ๐˜•๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ ๐˜‹๐˜ข๐˜ท๐˜ช๐˜ฅ, โ€œ๐˜๐˜ฌ๐˜ข๐˜ธ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ข๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ! ๐˜๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ˆ๐˜•๐˜Ž๐˜๐˜•๐˜–๐˜–๐˜•, ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‹๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ๐˜ด ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜๐˜ด๐˜ณ๐˜ข๐˜ฆ๐˜ญ: โ€˜๐˜—๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช ๐˜ฌ๐˜ช๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ณ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜๐˜ด๐˜ณ๐˜ข๐˜ฆ๐˜ญ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜จ๐˜ต๐˜ข๐˜ด ๐˜ฌ๐˜ช๐˜ต๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ ๐˜š๐˜ข๐˜ถ๐˜ญ. ๐˜๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ณ๐˜ช๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ธ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ช๐˜บ๐˜ข. ๐˜Ž๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ช๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ณ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜๐˜ด๐˜ณ๐˜ข๐˜ฆ๐˜ญ ๐˜ข๐˜ต ๐˜‘๐˜ถ๐˜ฅ๐˜ข. ๐˜ˆ๐˜ต ๐˜ฌ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ, ๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฑ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ช๐˜ต๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ด ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช ๐˜ฑ๐˜ข ๐˜ณ๐˜ช๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ. ๐˜—๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ฐ ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ต ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ฎ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜ฅ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ถ๐˜ต๐˜ฐ๐˜ด ๐˜ฌ๐˜ฐ, ๐˜ข๐˜ต ๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฌ๐˜ฐ? ๐˜๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜บ ๐˜ฎ๐˜ฐ ๐˜ฑ๐˜ข ๐˜ด๐˜ช ๐˜œ๐˜ณ๐˜ช๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜๐˜ฆ๐˜ต๐˜ฆ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ; ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜บ ๐˜ฎ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ช๐˜บ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ˆ๐˜ฎ๐˜ฎ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ต๐˜ข, ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ธ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ช๐˜บ๐˜ข.โ€™โ€ ๐Ÿฎ ๐—ฆ๐—”๐— ๐—จ๐—˜๐—Ÿ ๐Ÿญ๐Ÿฎ:๐Ÿณโ€“๐Ÿต


(Basahin din ang ๐Ÿฎ ๐—ฆ๐—”๐— ๐—จ๐—˜๐—Ÿ ๐Ÿญ๐Ÿฎ:๐Ÿญโ€“๐Ÿฒ; ๐Ÿญ๐Ÿฌโ€“๐Ÿญ๐Ÿฐ.)


Ang pagiging bahagi ng isang komunidad ay hindi lang nangangahulugan na napapalakas ng ibang tao ang loob mo kundi tumatanggap ka din ng pagwawasto. Sa katunayan, ang maka-Diyos na pagwawasto ay mahalaga upang maibalik tayo sa Diyos at makapagpatuloy sa pamumuhay sa Kanyang kaparaanan. Maging si David na itinuturing na isa sa mga pinakadakilang hari ng Israel ay kinailangang pagsabihan tungkol sa isang kasalanang nagawa niya para maibalik siya sa tamang ugnayan sa Diyos at makapamuhay ulit para sa Kanya. Ngayong araw ay tingnan natin ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa pagbibigay at pagtanggap ng pagwawasto.


๐Ÿญ. ๐— ๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐˜„๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐˜€๐˜๐—ผ ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐˜‚๐—ผ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—น๐—ผ๐—ผ๐—ฏ.

๐˜•๐˜จ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ, ๐˜ช๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜ถ๐˜จ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ˆ๐˜•๐˜Ž๐˜๐˜•๐˜–๐˜–๐˜• ๐˜ด๐˜ช ๐˜—๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ฑ๐˜ฆ๐˜ต๐˜ข ๐˜•๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ ๐˜‹๐˜ข๐˜ท๐˜ช๐˜ฅ. ๐˜—๐˜ข๐˜จ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜บ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ ๐˜‹๐˜ข๐˜ท๐˜ช๐˜ฅ, ๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜ช๐˜บ๐˜ข . . . โ€œ๐˜๐˜ฌ๐˜ข๐˜ธ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ข๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ! ๐˜๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ˆ๐˜•๐˜Ž๐˜๐˜•๐˜–๐˜–๐˜•, ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‹๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ๐˜ด ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜๐˜ด๐˜ณ๐˜ข๐˜ฆ๐˜ญ: โ€˜๐˜—๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช ๐˜ฌ๐˜ช๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ณ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜๐˜ด๐˜ณ๐˜ข๐˜ฆ๐˜ญ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜จ๐˜ต๐˜ข๐˜ด ๐˜ฌ๐˜ช๐˜ต๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ ๐˜š๐˜ข๐˜ถ๐˜ญ.โ€™โ€ย ย ๐Ÿฎ ๐—ฆ๐—”๐— ๐—จ๐—˜๐—Ÿ ๐Ÿญ๐Ÿฎ:๐Ÿญ, ๐Ÿณ


Maaaring umurong sa takot ang propetang si Natan sa kaisipang pagsabihan o itatama niya ang kamalian ng hari ng Israel, ngunit nagsalita siya bilang pagsunod sa Diyos. Gamit ang isang kwento ay tinulungan ni Natan si David na pagdesisyunan ang tungkol sa tama at mali at buong-tapang niyang ibinigay ang pagwawasto sa kasalanan ni David (2 Samuel 12:9). Kapag dinadala tayo ng Diyos sa sitwasyon kung saan kailangan nating pagsabihan ang iba, maaari tayong humingi ng tapang sa Kanya na gawin ito nang may pagmamahal. Magagamit ng Diyos ang mga sandaling ito upang magabayan ang iba papalapit sa Kanya. Balikan ang isang panahong nakatanggap ka ng maka-Diyos na pagwawasto. Paano ito naiiba sa iba pang uri ng pagwawasto?


๐Ÿฎ. ๐—ง๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ฎ๐—ฝ ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐˜„๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐˜€๐˜๐—ผ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฑ๐—ถ๐—ฑ๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—ฝ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐˜† ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ธ๐˜‚๐—บ๐—ฏ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ.ย 

๐˜š๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜ช ๐˜‹๐˜ข๐˜ท๐˜ช๐˜ฅ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ ๐˜•๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ, โ€œ๐˜•๐˜ข๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ญ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜—๐˜ˆ๐˜•๐˜Ž๐˜๐˜•๐˜–๐˜–๐˜•.โ€ ๐˜š๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ฐ๐˜ต ๐˜ด๐˜ช ๐˜•๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ, โ€œ๐˜—๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜ฅ ๐˜ฌ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ˆ๐˜•๐˜Ž๐˜๐˜•๐˜–๐˜–๐˜• ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ฌ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜บ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ฐ.โ€ย ๐Ÿฎ ๐—ฆ๐—”๐— ๐—จ๐—˜๐—Ÿ ๐Ÿญ๐Ÿฎ:๐Ÿญ๐Ÿฏ


(Basahin din ang ๐—ฆ๐—”๐—Ÿ๐— ๐—ข ๐Ÿฑ๐Ÿญ.)


Kahit na hari pa siya, pinili ni David na magpakumbaba dahil nakita niya ang kanyang pagkakamali. Sa halip na magalit tulad ng sinundan niyang si Saul, naintindihan niya ang bigat ng kanyang nagawa at tinanggap ang epekto nito. Dahil dito ay hindi agad siya agad-agad na binawian ng buhay, na nagbigay sa kanya ng pagkakataong makabawi sa kanyang kasalanan. Tulad ni David, maaari rin tayong tumanggap ng pagwawasto nang nagpapakumbaba. Kahit na hindi tayo perpekto, makakagalaw ang Diyos sa ating mga puso kapag hinayaan natin ang iba na iwasto at disiplinahin tayo. Isipin ang panahon na nahirapan kang tanggapin ang pagwawasto sa umpisa. Paano ka nakausad mula dito?


๐Ÿฏ. ๐—•๐˜‚๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐˜‚๐˜€๐—ผ๐—ป๐—ด ๐˜€๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—บ๐—ฏ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐——๐—ถ๐˜†๐—ผ๐˜€.

๐˜›๐˜—๐˜ข๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ณ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ, ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ด๐˜ช ๐˜‹๐˜ข๐˜ท๐˜ช๐˜ฅ, ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜จ๐˜ฐ, ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฅ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ช๐˜ด ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ต ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช๐˜ต. ๐˜—๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ข ๐˜ด๐˜ช๐˜บ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ˆ๐˜•๐˜Ž๐˜๐˜•๐˜–๐˜–๐˜• ๐˜ข๐˜ต ๐˜ด๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ฃ๐˜ข. ๐˜—๐˜ข๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ฑ๐˜ฐ๐˜ด, ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ธ๐˜ช ๐˜ด๐˜ช๐˜บ๐˜ข, ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ช๐˜ฏ, ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฌ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ช๐˜ฏ. ๐Ÿฎ ๐—ฆ๐—”๐— ๐—จ๐—˜๐—Ÿ ๐Ÿญ๐Ÿฎ:๐Ÿฎ๐Ÿฌ


(Basahin din ang ๐Ÿฎ ๐—ฆ๐—”๐— ๐—จ๐—˜๐—Ÿ ๐Ÿญ๐Ÿฎ:๐Ÿฎ๐Ÿญโ€“๐Ÿฎ๐Ÿฏ.)


Sa halip na manatili sa kanyang kasalanan, binalikan ni David ang kabutihan ng Diyos. Sa gitna ng kadilimang kinalalagyan niya at sa pagwawastong natanggap niya ay nanalig siya sa pagdidisiplina ng Diyos at nagbigay-luwalhati siya sa Diyos. Ito ay paraan ng pagbuo ng Diyos kay David ng isang ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ด๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ฌ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ถ๐˜ด๐˜ฐ at bigyan siya ng isang ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ด๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฆ๐˜ด๐˜ฑ๐˜ช๐˜ณ๐˜ช๐˜ต๐˜ถ (Salmo 51:10, 12). Sa mga panahong tila natatabunan tayo ng hiya at pagkakasala, maaari tayong tumingin sa Diyos dahil alam nating ibinabalik Niya ang ating mga puso sa Kanya at binabago Niya ang ating mga pag-iisip upang sundin ang Kanyang kaparaanan. Paano lumago ang ugnayan mo sa isang taong nagpakita sa iyo ng pagkakamali mo? Paano lumakas ang tiwala ninyo sa isaโ€™t isa?


Ang puso ng Diyos ay hindi humihinto sa pagpapanumbalik ng mga nagkasala at nahiwalay sa Kanyang kaparaanan. Sa huli ay ibinalik Niya si David sa tamang ugnayan sa Kanya (2 Samuel 12:24โ€“25). Ang pagpapanumbalik na ito ay pwede rin nating matanggap ngayon sa pamamagitan ng inapo ni David na si Jesus, na nag-alay ng Kanyang sarili upang linisin tayo sa ating mga kasalanan at maibalik sa tamang ugnayan sa Diyos.


๐—”๐—ฃ๐—ฃ๐—Ÿ๐—œ๐—–๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก

โ€ข May tao ba sa buhay mo na handa kang pagsabihan at iwasto nang may pagmamahal? Paano ka tumutugon kapag nakakatanggap ka ng pagwawasto?

โ€ข Tinatawag ka ba ng Diyos upang buong-tapang at mapagpakumbabang pagsabihan ang isang tao? Ano ang mga praktikal na hakbang na magagawa mo tulad ng ginawa ni Natan kay David?

โ€ข Paano mo matutulungan ang susunod na henerasyon na mahalin ang Diyos at talikuran ang kasalanan? Ano ang mga bagay na magagawa mo ngayong linggo upang maisagawa ito?


๐—ฃ๐—ฅ๐—”๐—ฌ๐—˜๐—ฅ

โ€ข Pasalamatan ang Diyos sa pagpapadala Niya ng mga taong magbibigay sa iyo nang maka-Diyos na pagwawasto bilang paraan ng paghubog sa iyo para sa Kanyang mga layunin.

โ€ข Hilingin sa Diyos na gabayan ka kapag dumadaan ka sa pagdidisiplina at pagwawasto. Ipanalangin na maituon mo ang iyong sarili sa Kanyang kabutihan at hindi sa iyong mga pagkukulang.

โ€ข Hilingin sa Diyos na bigyan ka ng tapang upang magsalita at magwasto nang may pagmamahal kung kinakailangan.