icon__search

Katapangan

Week 8

๐—ช๐—”๐—ฅ๐— -๐—จ๐—ฃ
โ€ข Magkuwento tungkol sa isa sa mga pinakamahirap na desisyong kinailangan mong gawin noong nakaraang taon.
โ€ข Kung hindi ka natatakot sa anumang bagay, ano ang gagawin mo? Bakit?
โ€ข Noong bata ka, ano ang isang salitang ginagamit ng mga magulang o tagapangalaga mo para ilarawan ka? Ano sa palagay mo ang naging epekto nito sa iyo?


๐—ช๐—ข๐—ฅ๐——
๐˜—๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ฐ ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ˆ๐˜•๐˜Ž๐˜๐˜•๐˜–๐˜–๐˜•๐˜Ž ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ฉ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ, ๐˜– ๐˜๐˜ด๐˜ณ๐˜ข๐˜ฆ๐˜ญ: โ€œ๐˜๐˜ถ๐˜ธ๐˜ข๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ฌ๐˜ฐ๐˜ต ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช๐˜ญ ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜จ๐˜ต๐˜ข๐˜ด ๐˜ฌ๐˜ช๐˜ต๐˜ข. ๐˜›๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ช๐˜ต๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฎ๐˜ฐ, ๐˜ข๐˜ต ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ข๐˜ธ ๐˜ข๐˜บ ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ. ๐˜’๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ ๐˜ฅ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฌ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ต๐˜ถ๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ, ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ฐสผ๐˜บ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ฐ. ๐˜’๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ ๐˜ต๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ธ๐˜ช๐˜ฅ ๐˜ฌ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ช๐˜ญ๐˜ฐ๐˜จ, ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ฌ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ญ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜ฅ. ๐˜’๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ ๐˜ฅ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฌ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ฐ๐˜บ, ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ฌ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ด๐˜ถ๐˜ด๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜จ; ๐˜ข๐˜ต ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ช๐˜บ๐˜ข๐˜ฃ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ด๐˜ข๐˜ญ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ. ๐—œ๐—ฆ๐—”๐—œ๐—”๐—ฆ ๐Ÿฐ๐Ÿฏ:๐Ÿญโ€“๐Ÿฎ

(Basahin din ang ๐—œ๐—ฆ๐—”๐—œ๐—”๐—ฆ ๐Ÿฐ๐Ÿฏ:๐Ÿฏโ€“๐Ÿณ.)

Ang mga Israelita ay nabigong magtiwala sa Diyos. Nagtiwala sila sa maraming bagay na walang naging kapakinabangan, at nagrebelde pa sila laban sa Kanya. Dahil dito, hinarap nila ang Kanyang hatol at pagdidisiplina. Ang pakiramdam pa nga nila ay inabandona sila ng Diyos. Subalit ang Diyos ay nanatiling tapatโ€”sa Kanyang mga pangako, sa Kanyang kasunduan sa Kanyang mga mamamayan, at sa Kanyang sariling katangian. Matapos ang lahat ng ginawa at pinagdaanan ng Israel, tinawag sila ng Diyos na ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ (Isaias 43:1), at ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜จ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ (Isaias 43:4). Dahil nananatili Siyang matapat, ang Kanyang mamamayan ay nagkakaroon ng tapang na harapin ang lahat ng pagsubok. Sa araling ito, pagtutuunan natin ng pansin ang dalawang dahilan kung bakit hindi tayo dapat matakot.

๐Ÿญ. ๐—›๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐˜๐—ฎ๐˜†๐—ผ ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ธ๐—ผ๐˜ ๐—ฑ๐—ฎ๐—ต๐—ถ๐—น ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐——๐—ถ๐˜†๐—ผ๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ง๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—น๐—ถ๐—ด๐˜๐—ฎ๐˜€.
๐˜—๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ฐ ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ˆ๐˜•๐˜Ž๐˜๐˜•๐˜–๐˜–๐˜•๐˜Ž ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ฉ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ, ๐˜– ๐˜๐˜ด๐˜ณ๐˜ข๐˜ฆ๐˜ญ: โ€œ๐˜๐˜ถ๐˜ธ๐˜ข๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ฌ๐˜ฐ๐˜ต ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช๐˜ญ ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜จ๐˜ต๐˜ข๐˜ด ๐˜ฌ๐˜ช๐˜ต๐˜ข. ๐˜›๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ช๐˜ต๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฎ๐˜ฐ, ๐˜ข๐˜ต ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ข๐˜ธ ๐˜ข๐˜บ ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ.โ€ ๐—œ๐—ฆ๐—”๐—œ๐—”๐—ฆ ๐Ÿฐ๐Ÿฏ:๐Ÿญ

Hindi lamang nilikha at hinubog ng Diyos ang Kanyang mamamayan. Tinubos din Niya sila at tinawag silang Kanya. Kapag tinawag ng Diyos ang mga tao sa kanilang pangalan, ipinapakita nito na kilala sila ng Diyos. Nagdadala din ito ng kapayapaan at katiyakan. Kung tayo ay maniniwala sa Kanya, tayo ay mapapasakanya. Dahil dito, anuman ang mangyari sa buhay natin, at kahit pa binibigo natin Siya, magagawa nating mamuhay sa pag-asa sa halip na takot. Tinubos Niya tayo kay Cristo at patuloy Niya tayong bibigyan ng katiyakan bilang Kanyang pinahahalagahang yaman. Ano ang ilan sa mga ipinangako ng Diyos sa Kanyang mamamayan sa Isaias 43:2โ€“4 na maaari mong ilaan sa iyong buhay sa pamamagitan ng pananampalataya?

๐Ÿฎ. ๐—›๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐˜๐—ฎ๐˜†๐—ผ ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ธ๐—ผ๐˜ ๐—ฑ๐—ฎ๐—ต๐—ถ๐—น ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—บ๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐——๐—ถ๐˜†๐—ผ๐˜€.
โ€œ๐˜๐˜ถ๐˜ธ๐˜ข๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ฌ๐˜ฐ๐˜ต ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช๐˜ญ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ฐ. ๐˜›๐˜ช๐˜ต๐˜ช๐˜ฑ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ด๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ข๐˜ฏ.โ€ ๐—œ๐—ฆ๐—”๐—œ๐—”๐—ฆ ๐Ÿฐ๐Ÿฏ:๐Ÿฑ

Ipinangako ng Diyos na sasamahan Niya ang Kanyang mamamayan sa lahat ng sitwasyon. Bagama't sila ay naging bihag dahil sa kanilang pagsuway, ipinangako Niya ang Kanyang presensya at pagpapanumbalik mula sa kung saan man sila mapunta. Sa patuloy nating pamumuhay kasama ang Diyos, ang kaalaman ng Kanyang presensya ay nagdadala ng kaligayahan, kapayapaan, at pag-asa sa buhay natin. Sa iyong palagay paano nabigyan ng kapanatagan ng mga salitang "huwag kang matakot" ang mga mamamayan ng Diyos?
Ang pangakong pagtubos at pagpapabilang sa Diyosโ€”sa kabila ng ating kasalanan at pagsuwayโ€”ay natupad kay Jesu-Cristo. Sa krus naganap ang Dakilang Palitan. Ibinigay ng Diyos ang Kanyang sarili para sa ating kaligtasan upang mapatawad tayo, makilala natin Siya, at magkaroon tayo ng buhay na walang hanggan. Siya na kailanman ay hindi nagkasala ay naging kasalanan para sa atin, upang ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ช๐˜ต๐˜ถ๐˜ณ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ต๐˜ถ๐˜ธ๐˜ช๐˜ฅ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‹๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ๐˜ด (2 Corinto 5:21). Siya ang tinatawag na ๐˜Œ๐˜ฎ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ถ๐˜ฆ๐˜ญ . . . ๐˜’๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‹๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ๐˜ด (Mateo 1:23), at ipinangako rin Niya na lagi natin Siyang ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ฑ๐˜ถ๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ฐ (Mateo 28:20).


๐—”๐—ฃ๐—ฃ๐—Ÿ๐—œ๐—–๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก
โ€ข Sa palagay mo, bakit nakakapanatag ng loob ang mga salitang โ€œhuwag kang matakotโ€ mula sa Makapangyarihang Diyos? Sa anong bahagi ng buhay mo natututunang โ€œhuwag matakotโ€?
โ€ข Maglaan ng oras para pag-isipan kung saan ka nagtitiwala. Ano ang handa kang gawin na iba sa karaniwan mong ginagawa upang magtiwala sa Diyos araw-araw?
โ€ข Sinu-sino sa palagay mo ang magkakaroon ng lakas ng loob sa pamamagitan ng kaalaman na kasama nila ng Diyos? Ano ang maaari mong gawin ngayong linggo upang masabi mo ang katotohanang ito sa kanila?


๐—ฃ๐—ฅ๐—”๐—ฌ๐—˜๐—ฅ
โ€ข Pasalamatan ang Diyos sa Kanyang kaligtasan na maaaring matanggap kay Jesu-Cristo. Pasalamatan Siya sa dakilang palitan na ginawa Niya sa krus para sa mga makasalanan.
โ€ข Ipanalangin na hindi ka matatakot dahil naniniwala ka na ang Diyos ang iyong Tagapagligtas at kasama mo Siya. Ipanalangin na maging totoo ito sa buhay mo araw-araw.
โ€ข Hingin sa Diyos ang lakas ng loob na sumunod at maglingkod sa Kanya, at magmahal at paglingkuran ang iba. Ipanalangin na buong tapang mong maipapangaral ang ebanghelyo.