icon__search

Ang Hindi Maiiwasang Kasaganaan sa Hinaharap ay Nasa Binhi

Week 1

๐—ช๐—”๐—ฅ๐—  ๐—จ๐—ฃ

โ€ข Ikaw ba ang klase ng tao na pupunta sa isang shop o pamilihan na alam na kung ano talaga ang bibilhin, o ang klase na mag-iikot muna para tingnan kung may magugustuhan kang bilhin? Magkwento ng isang pangyayari na magpapaliwanag nito.ย 

โ€ข Ano ang pinakamahal mong hobby o libangan? Bakit ginagawa mo pa rin ito kahit na malaki ang nagagastos mo?ย 

โ€ข Nakaranas ka na ba ng bakasyon kung saan nalihis ka mula sa plano mong gawin dahil sa ibang bagay? Magkwento tungkol sa naranasan mo.


๐—ช๐—ข๐—ฅ๐——

๐˜‰๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ด๐˜ฃ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜บ๐˜ข ๐˜ด๐˜ช๐˜ญ๐˜ข ๐˜ข๐˜ต ๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช, โ€œ๐˜”๐˜ข๐˜จ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ต ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ฐ. ๐˜ˆ๐˜ต ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฑ.โ€ ๐˜—๐˜ข๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ฑ๐˜ฐ๐˜ด, ๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‹๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ๐˜ด, โ€œ๐˜๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฎ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ต๐˜ช๐˜ญ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ต๐˜ช ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ฐ๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ.โ€ ๐—š๐—˜๐—ก๐—˜๐—ฆ๐—œ๐—ฆ ๐Ÿญ:๐Ÿฎ๐Ÿด-๐Ÿฎ๐Ÿต


Nang likhain ng Diyos sina Adan at Eva, ipinagkatiwala Niya sa kanila ang isang napakalaking lupainโ€”ang buong mundo. Dapat nilang punuin ito ng mga tao, pamahalaan at bungkalin, at pagsaluhan ang mga bunga nito. Bago pa man nila malaman ang kanilang mga pangangailangan, sinabihan na sila ng Diyos na nasa tamang lugar na ang Kanyang probisyon. Ngayong linggo, titingnan natin ang katangian ng probisyon ng Diyos at kung ano ang kahulugan nito para sa atin sa kasalukuyan.


๐Ÿญ. ๐—”๐—ป๐—ด ๐——๐—ถ๐˜†๐—ผ๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ถ๐—ฏ๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ด ๐—น๐—ฎ๐˜†๐˜‚๐—ป๐—ถ๐—ป.

๐˜‰๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ด๐˜ฃ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜บ๐˜ข ๐˜ด๐˜ช๐˜ญ๐˜ข ๐˜ข๐˜ต ๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช, โ€œ๐˜”๐˜ข๐˜จ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ต ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ฐ. ๐˜ˆ๐˜ต ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฑ.โ€ ๐—š๐—˜๐—ก๐—˜๐—ฆ๐—œ๐—ฆ ๐Ÿญ:๐Ÿฎ๐Ÿด


Simula pa sa umpisa, inatas na ng Diyos sa tao ang responsibilidad ng pangangalaga sa Kanyang nilikha. Nang ibigay ng Diyos kina Adan at Eva ang utos na ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ ang lahat ng mga hayop, ito ay isang basbas o pagpapalaโ€”hindi isang pabigat o paglalarawan ng trabaho. Ang layunin Niya ay basbasan o pagpalain sila. Ito ay totoo rin para sa atin ngayon. Ang Diyos ay may tiyak na layunin para sa bawat isa sa atin. Hindi tayo pumapasok para lamang gawin ang ating mga trabaho. Nagtatrabaho tayo para tuparin ang layunin Niya para sa atin. Dahil sa kaalamang ang trabaho mo ay isang pagpapala mula sa Diyos at itinakda upang matupad mo ang layunin Niya sa buhay mo, paano nagbago ang pag-uugali mo tungkol dito?


๐Ÿฎ. ๐—”๐—ป๐—ด ๐——๐—ถ๐˜†๐—ผ๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ถ๐—ฏ๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฟ๐—ผ๐—ฏ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ž๐—ฎ๐—ป๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—น๐—ฎ๐˜†๐˜‚๐—ป๐—ถ๐—ป.

๐˜‰๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ด๐˜ฃ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜บ๐˜ข ๐˜ด๐˜ช๐˜ญ๐˜ข ๐˜ข๐˜ต ๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช, โ€œ๐˜”๐˜ข๐˜จ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ต ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ฐ. ๐˜ˆ๐˜ต ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฑ.โ€ ๐˜—๐˜ข๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ฑ๐˜ฐ๐˜ด, ๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‹๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ๐˜ด, โ€œ๐˜๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฎ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ต๐˜ช๐˜ญ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ต๐˜ช ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ฐ๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ.โ€ ๐—š๐—˜๐—ก๐—˜๐—ฆ๐—œ๐—ฆ ๐Ÿญ:๐Ÿฎ๐Ÿด-๐Ÿฎ๐Ÿต


(Basahin din ang ๐—š๐—˜๐—ก๐—˜๐—ฆ๐—œ๐—ฆ ๐Ÿญ:๐Ÿญ๐Ÿญ-๐Ÿญ๐Ÿฎ.)


Bago nilikha ng Diyos sina Adan at Eva, nilikha muna Niya ang lahat ng kakailanganin nila para mabuhay. Ibinigay na Niya ang mga ito bago pa man nila ito hingin. Ang katotohanan ay ibibigay ng Diyos ang lahat ng kakailanganin natin para tuparin ang Kanyang layunin. Bilang mga Kristiyano, ito ay isang bagay na dapat nating ganap na maunawaan. Minsan ay nakakalimutan nating ang Diyos ang nagbibigay sa atin ng probisyon. Nagtitiwala tayo sa ating trabaho, sa isang bagay, o sa isang tao, at kapag ito ay nayanig, maaaring nawawalan tayo ng pag-asa at pinagdududahan natin ang ating pananampalataya. Ngunit gaya ng sinasabi sa atin ng talatang ito, maaari tayong magtiwala sa probisyon ng Diyos. Alam Niya kung ano ang kailangan natin. Ano ang sinasabi sa Mga Taga-Filipos 4:19 tungkol sa probisyon ng Diyos?ย 


๐Ÿฏ. ๐—”๐—ป๐—ด ๐——๐—ถ๐˜†๐—ผ๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—น๐—ผ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ถ๐—ฏ๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฟ๐—ผ๐—ฏ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป.

๐˜—๐˜ข๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ฑ๐˜ฐ๐˜ด, ๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‹๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ๐˜ด, โ€œ๐˜๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฎ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ต๐˜ช๐˜ญ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ต๐˜ช ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ฐ๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ.โ€ ๐—š๐—˜๐—ก๐—˜๐—ฆ๐—œ๐—ฆ ๐Ÿญ:๐Ÿฎ๐Ÿต


Tiniyak ng Diyos kina Adan at Eva na mayroon nang probisyon bago pa man nila ito hilingin. Kung nagbigay na ang Diyos ng Kanyang probisyon sa simula pa lamang, kaya Niyang magbigay ng probisyon sa lahat ng panahon, at hanggang sa dulo ng panahon. Sinasabi sa Genesis 1:12 na pinuno ng Diyos ang mundo ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ, ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฎ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ต๐˜ช๐˜ญ, ๐˜ข๐˜ต ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ฐ๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช-๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ช. Ang probisyon ng Diyos ay hindi lamang para sa kasalukuyan nilang pangangailangan kundi para rin sa pangangailangan nila sa hinaharap, at hindi lamang para sa kanila kundi para sa lahat ng nabubuhay sa mundo. Ang binhi ay nagbibigay katiyakan na patuloy na magbibigay ang Diyos ng probisyon. May katiyakan tayong hindi mauubos ang probisyon ng Diyos. Paano ipinakita ng Diyos ang patuloy Niyang pagbibigay ng probisyon sa iyo at sa iyong pamilya?


๐—”๐—ฃ๐—ฃ๐—Ÿ๐—œ๐—–๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก

โ€ข Kilalanin ang mga โ€œbinhiโ€ na ibinigay sa iyo ng Diyos ngayon. Hingin sa Kanya ang mga paraan kung paano mo maitatanim ang mga binhing ito para matiyak ang patuloy Niyang probisyon sa buhay mo.

โ€ข Ano ang isang layunin o proyekto na sinasabihan ka ng Diyos na paglaanan mo ng oras at mga resource o pinagkukunang-yaman? Ilista ang mga bagay na kailangan mo, at hingin sa Diyos na bigyan ka ng karunungang gagabay sa iyo sa mga susunod mong gagawin.

โ€ข Ano ang mga sinasabi sa iyo ng Diyos tungkol sa Kanyang probisyon sa pamamagitan ng aralin ngayon? Anong mga kaisipan (kung mayroon man) ang binabasag Niya? Isulat ang mga ito at ipanalanging papalitan sila ng Diyos ng mga katotohanang makikita sa Kanyang salita.ย 


๐—ฃ๐—ฅ๐—”๐—ฌ๐—˜๐—ฅ

โ€ข Pasalamatan ang Diyos sa maaasahan at patuloy Niyang probisyon sa iyo at sa iyong pamilya. Ipanalangin na ikaw ay maging mabuting tagapangalaga ng anumang ibibigay Niya sa iyo.

โ€ข Ipanalangin na mamumuhay ka nang may malinaw na kaalaman sa layunin ng Diyos para sa iyo. Hilingin sa Diyos na punuin Niya ang puso mo ng kaligayahan at pananabik na mamuhay para sa Kanya.

โ€ข Hilingin sa Diyos na magkaroon ka ng mga pagkakataong maibahagi ang ginawa Niya para sa iyo. Ipanalangin na tulungan ka Niyang maalala ang mga taong kilala mo na maaaring bumitaw na sa layunin Niya para sa kanila. Hilingin sa Diyos na bigyan ka ng mga salitang masasabi mo para mabigyan sila ng kalakasan at maakay sila palapit sa Kanya.ย