icon__search

Ang Diyos ay Kakampi Natin, Hindi laban sa Atin

Week 3

𝗪𝗔𝗥𝗠 𝗨𝗣

• Naranasan mo na bang mabigyan ng espesyal na pakikitungo? Ano ang naging pakiramdam mo? 

• May mga tao ba sa buhay mo na hindi mo maiwasang gawan ng mabuti? Sa tingin mo bakit ganito ang pakikitungo mo sa kanila?

• Isipin ang panahong naranasan mo ang bunga ng maling kilos o desisyon mo. Ikwento sa grupo kung ano ang nangyari.


𝗪𝗢𝗥𝗗

‘𝘒𝘶𝘯𝘨 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘮𝘰 𝘴𝘪𝘭𝘢 𝘱𝘢𝘢𝘢𝘭𝘪𝘴𝘪𝘯, 𝘱𝘢𝘥𝘢𝘥𝘢𝘭𝘩𝘢𝘯 𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘳𝘢𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘯𝘨𝘢𝘸, 𝘱𝘢𝘵𝘪 𝘯𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘰𝘱𝘪𝘴𝘺𝘢𝘭 𝘢𝘵 𝘮𝘨𝘢 𝘮𝘢𝘮𝘢𝘮𝘢𝘺𝘢𝘯 𝘮𝘰. 𝘔𝘢𝘱𝘶𝘱𝘶𝘯𝘰 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘭𝘢𝘯𝘨𝘢𝘸 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘣𝘢𝘩𝘢𝘺 𝘯𝘪𝘯𝘺𝘰, 𝘢𝘵 𝘮𝘢𝘵𝘢𝘵𝘢𝘣𝘶𝘯𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘪𝘵𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘶𝘱𝘢. 𝘗𝘦𝘳𝘰 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘪𝘵𝘰 𝘮𝘢𝘳𝘢𝘳𝘢𝘯𝘢𝘴𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘭𝘶𝘱𝘢𝘪𝘯 𝘯𝘨 𝘎𝘰𝘴𝘩𝘦𝘯 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘢𝘯 𝘯𝘢𝘯𝘪𝘯𝘪𝘳𝘢𝘩𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘮𝘢𝘮𝘢𝘮𝘢𝘺𝘢𝘯 𝘬𝘰; 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘥𝘢𝘥𝘢𝘱𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘭𝘢𝘯𝘨𝘢𝘸 𝘴𝘢 𝘭𝘶𝘨𝘢𝘳 𝘯𝘢 𝘪𝘺𝘰𝘯, 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘮𝘢𝘭𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘯𝘪𝘭𝘢 𝘯𝘢 𝘢𝘬𝘰𝘯𝘨 𝘗𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯𝘰𝘰𝘯 𝘢𝘺 𝘯𝘢𝘴𝘢 𝘭𝘶𝘱𝘢𝘪𝘯𝘨 𝘪𝘺𝘰𝘯.’ 𝗘𝗫𝗢𝗗𝗨𝗦 𝟴:𝟮𝟭-𝟮𝟮


Ilang siglong inalipin at pinahirapan ng mga Egipcio ang mga Israelita, ang mga piniling mamamayan ng Diyos. Nakaranas sila ng paghihirap at kawalan ng katarungan, ngunit sa kabila ng lahat ng ito, hindi sila kinalimutan o pinabayaan ng Diyos. Inalala Niya ang pangakong ililigtas Niya ang Kanyang mga mamamayan mula sa pagkaalipin para magawa nilang iwan ang Egipto at maipamuhay ang plano Niya para sa kanila (Genesis 15:13–14). Kaya sa pamamagitan ni Moises, sinabi ng Diyos sa Faraon na palayain ang mga mamamayan Niya, at kung hindi ay pagdurusahan ng Egipto ang bangis ng Kanyang katarungan. Ngunit sa pagpapakita Niya ng Kanyang kapangyarihan, nagpakita pa rin ang Diyos ng habag at biyaya. Tingnan natin ito sa aralin natin ngayon.


𝟭. 𝗛𝗶𝗻𝗮𝘁𝘂𝗹𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗗𝗶𝘆𝗼𝘀 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝘁𝗮𝗼𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗴𝗺𝗮𝘁𝗶𝗴𝗮𝘀. 

𝘒𝘶𝘯𝘨 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘮𝘰 𝘴𝘪𝘭𝘢 𝘱𝘢𝘢𝘢𝘭𝘪𝘴𝘪𝘯, 𝘱𝘢𝘥𝘢𝘥𝘢𝘭𝘩𝘢𝘯 𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘳𝘢𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘯𝘨𝘢𝘸, 𝘱𝘢𝘵𝘪 𝘯𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘰𝘱𝘪𝘴𝘺𝘢𝘭 𝘢𝘵 𝘮𝘨𝘢 𝘮𝘢𝘮𝘢𝘮𝘢𝘺𝘢𝘯 𝘮𝘰. 𝘔𝘢𝘱𝘶𝘱𝘶𝘯𝘰 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘭𝘢𝘯𝘨𝘢𝘸 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘣𝘢𝘩𝘢𝘺 𝘯𝘪𝘯𝘺𝘰, 𝘢𝘵 𝘮𝘢𝘵𝘢𝘵𝘢𝘣𝘶𝘯𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘪𝘵𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘶𝘱𝘢. 𝗘𝗫𝗢𝗗𝗨𝗦 𝟴:𝟮𝟭


Sa panahong ito, paulit-ulit na binalaan ng Diyos ang Faraon na magpapadala Siya ng mga salot bilang bunga ng pagmamatigas nito. Kahit ipinakita na ng Diyos ang mahimala Niyang kapangyarihan nang gawin Niyang dugo ang Ilog Nilo at nang gawin Niyang ahas ang baston na nakatalo sa kapangyarihan ng mga salamangkero ng Faraon, nagmatigas pa rin ang Faraon. Dahil sa pagmamataas niya at sa maraming siglo ng pang-aabuso sa mamamayan ng Diyos, pinairal ng Diyos ang Kanyang katarungan at nagpadala Siya ng maraming salot bilang parusa. Hindi lamang ang Faraon ang nagdusa, kundi pati na rin ang mga mamamayan niya, ang mga Egipcio. Sa tingin mo, bakit hindi sinunod ng Faraon ang utos ng Diyos na palayain ang Kanyang mga mamamayan? 


𝟮. 𝗞𝗶𝗻𝗮𝗵𝗮𝗵𝗮𝗯𝗮𝗴𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗯𝗶𝗻𝗶𝗯𝗶𝘆𝗮𝘆𝗮𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗗𝗶𝘆𝗼𝘀 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗺𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗡𝗶𝘆𝗮 𝗮𝘁 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗻𝗮𝗴𝘁𝗶𝘁𝗶𝘄𝗮𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗞𝗮𝗻𝘆𝗮. 

"𝘗𝘦𝘳𝘰 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘪𝘵𝘰 𝘮𝘢𝘳𝘢𝘳𝘢𝘯𝘢𝘴𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘭𝘶𝘱𝘢𝘪𝘯 𝘯𝘨 𝘎𝘰𝘴𝘩𝘦𝘯 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘢𝘯 𝘯𝘢𝘯𝘪𝘯𝘪𝘳𝘢𝘩𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘮𝘢𝘮𝘢𝘮𝘢𝘺𝘢𝘯 𝘬𝘰; 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘥𝘢𝘥𝘢𝘱𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘭𝘢𝘯𝘨𝘢𝘸 𝘴𝘢 𝘭𝘶𝘨𝘢𝘳 𝘯𝘢 𝘪𝘺𝘰𝘯, 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘮𝘢𝘭𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘯𝘪𝘭𝘢 𝘯𝘢 𝘢𝘬𝘰𝘯𝘨 𝘗𝘈𝘕𝘎𝘐𝘕𝘖𝘖𝘕 𝘢𝘺 𝘯𝘢𝘴𝘢 𝘭𝘶𝘱𝘢𝘪𝘯𝘨 𝘪𝘺𝘰𝘯." 𝗘𝗫𝗢𝗗𝗨𝗦 𝟴:𝟮𝟮


𝘕𝘢𝘵𝘢𝘬𝘰𝘵 𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘣𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘰𝘱𝘪𝘴𝘺𝘢𝘭 𝘯𝘨 𝘍𝘢𝘳𝘢𝘰𝘯 𝘴𝘢 𝘴𝘪𝘯𝘢𝘣𝘪 𝘯𝘨 𝘗𝘈𝘕𝘎𝘐𝘕𝘖𝘖𝘕, 𝘬𝘢𝘺𝘢 𝘯𝘢𝘨𝘮𝘢𝘥𝘢𝘭𝘪 𝘴𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘴𝘪𝘭𝘰𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘢𝘭𝘪𝘱𝘪𝘯 𝘢𝘵 𝘮𝘨𝘢 𝘩𝘢𝘺𝘰𝘱 𝘯𝘪𝘭𝘢. 𝘗𝘦𝘳𝘰 𝘮𝘢𝘺 𝘪𝘭𝘢𝘯 𝘯𝘢 𝘣𝘪𝘯𝘢𝘭𝘦𝘸𝘢𝘭𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘣𝘢𝘭𝘢 𝘯𝘨 𝘗𝘈𝘕𝘎𝘐𝘕𝘖𝘖𝘕; 𝘱𝘪𝘯𝘢𝘣𝘢𝘺𝘢𝘢𝘯 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘪𝘭𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘩𝘢𝘺𝘰𝘱 𝘢𝘵 𝘢𝘭𝘪𝘱𝘪𝘯 𝘯𝘪𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘭𝘢𝘣𝘢𝘴. 𝗘𝗫𝗢𝗗𝗨𝗦 𝟵:𝟮𝟭-𝟮𝟮


Sa tuwing nagpapadala ang Panginoon ng salot, inililigtas Niya ang Goshen, ang lupain kung saan nakatira ang mga Israelita. Nagbigay ang Diyos ng proteksyon sa Kanyang mga mamamayan, naglagay Siya ng harang laban sa parusa na para sa Faraon at sa mga Egipcio. Ngunit hindi rito natapos ang Kanyang habag at biyaya. Maliban sa mga mamamayan Niya, may mga Egipcio rin, kasama na ang kanilang mga alipin at ari-arian, ang nailigtas mula sa pagkawasak dahil may takot sila sa Panginoon, nakinig at kumilos sila ayon sa sinabi at ipinahayag Niya sa pamamagitan ni Moises. Paano ka pinapalakas ng katotohanang ito ngayon?


Salungat sa paniniwala ng marami, hindi ipinagkait ng Diyos ang awa at habag Niya sa mga tao. Mabuti ang Diyos na nakikinig sa hinaing ng Kanyang mga mamamayan at hangad Niyang makasama tayo. Dahil dito, ipinadala Niya si Jesus. Sa pamamagitan Niya ay matatanggap natin ang biyaya at awa ng Diyos, kahit na hindi tayo bahagi ng lahi ng Israel. Kay Jesus, hindi lamang tayo naging bahagi ng mamamayan ng Diyos, kundi tayo rin ay inampon sa pamilya ng Diyos. Sa pagtitiwala natin sa Diyos at sa pananampalataya natin kay Jesus, mararanasan natin ang kalayaan at biyaya sa panahon ng pangangailangan, paghihirap, at pagdurusa. 


𝗔𝗣𝗣𝗟𝗜𝗖𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡

• Bahagi ka ba ng mamamayan ng Diyos, ng Kanyang pamilya? Hilingin sa isang kakilala mo na manalangin kasama mo para tanggapin si Jesus bilang iyong Panginoon at Tagapagligtas. Dahil sa Kanya, tayo ay maaaring maging bahagi ng pamilya ng Diyos at makatanggap ng awa at biyaya. 

• May mga bagay bang ipinapagawa sa iyo ang Diyos? Paano magbabago ang tugon mo sa mga ito dahil sa natutunan natin ngayon? 

• Paano lalago ang pagtitiwala at pagsunod mo sa Diyos sa panahon ngayon? Ano ang mga praktikal na hakbang na magagawa mo para rito sa darating na linggo?


𝗣𝗥𝗔𝗬𝗘𝗥

• Pasalamatan ang Diyos na ipinadala Niya si Jesus para maging bahagi tayo ng Kanyang pamilya at maging mga mamamayan Niya. Pasalamatan Siya dahil ngayon, matatanggap na rin natin ang habag at biyaya Niya. 

• Humingi ng biyaya, karunungan, at kakayahan na laging makinig at sumunod sa Kanyang salita.

• Ipanalangin na sa pagtitiwala at pagsunod mo sa Diyos, masasaksihan ng iba ang katapatan at mahimalang kapangyarihan Niya sa buhay mo.