icon__search

Inapi at Pinalaya

Week 6

𝗪𝗔𝗥𝗠-𝗨𝗣

• Mayroon bang bagay na gusto ng marami, pero hindi naman maganda para sa iyo? Ano ito at bakit ayaw mo sa bagay na ito?

• Sinu-sino ang mga taong lagi mong binabahaginan ng mga magagandang balita tungkol sa iyo?

• Nagkaroon ka na ba ng bisyo? Paano mo ito naiwasan at naalis sa iyong buhay?


𝗪𝗢𝗥𝗗

𝘕𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘴𝘪 𝘑𝘦𝘴𝘶𝘴, 𝘴𝘶𝘮𝘪𝘨𝘢𝘸 𝘴𝘪𝘺𝘢 𝘢𝘵 𝘭𝘶𝘮𝘶𝘩𝘰𝘥 𝘴𝘢 𝘩𝘢𝘳𝘢𝘱𝘢𝘯 𝘯𝘪 𝘑𝘦𝘴𝘶𝘴. 𝘈𝘵 𝘴𝘪𝘯𝘢𝘣𝘪 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘭𝘢𝘬𝘢𝘴, “𝘈𝘯𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘬𝘪𝘢𝘭𝘢𝘮 𝘮𝘰 𝘴𝘢 𝘢𝘬𝘪𝘯, 𝘑𝘦𝘴𝘶𝘴 𝘯𝘢 𝘈𝘯𝘢𝘬 𝘯𝘨 𝘒𝘢𝘵𝘢𝘢𝘴-𝘵𝘢𝘢𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴? 𝘕𝘢𝘬𝘪𝘬𝘪𝘶𝘴𝘢𝘱 𝘢𝘬𝘰 𝘴𝘢 𝘪𝘺𝘰, 𝘩𝘶𝘸𝘢𝘨 𝘮𝘰 𝘢𝘬𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘩𝘪𝘳𝘢𝘱𝘢𝘯!” 𝘚𝘪𝘯𝘢𝘣𝘪 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘪𝘵𝘰 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘪𝘯𝘶𝘵𝘶𝘴𝘢𝘯 𝘯𝘪 𝘑𝘦𝘴𝘶𝘴 𝘯𝘢 𝘭𝘶𝘮𝘢𝘣𝘢𝘴 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘴𝘢𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘦𝘴𝘱𝘪𝘳𝘪𝘵𝘶 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢. 𝘔𝘢𝘵𝘢𝘨𝘢𝘭 𝘯𝘢 𝘴𝘪𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘪𝘯𝘢𝘴𝘢𝘯𝘪𝘣𝘢𝘯 𝘯𝘪𝘵𝘰. 𝘈𝘵 𝘬𝘢𝘩𝘪𝘵 𝘵𝘪𝘯𝘢𝘵𝘢𝘭𝘪𝘢𝘯 𝘴𝘪𝘺𝘢 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘥𝘦𝘯𝘢 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘮𝘢𝘺 𝘢𝘵 𝘱𝘢𝘢 𝘢𝘵 𝘣𝘪𝘯𝘢𝘣𝘢𝘯𝘵𝘢𝘺𝘢𝘯, 𝘯𝘪𝘭𝘢𝘭𝘢𝘨𝘰𝘵 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘥𝘦𝘯𝘢, 𝘢𝘵 𝘱𝘪𝘯𝘢𝘱𝘢𝘱𝘶𝘯𝘵𝘢 𝘴𝘪𝘺𝘢 𝘯𝘨 𝘥𝘦𝘮𝘰𝘯𝘺𝘰 𝘴𝘢 𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨. 𝗟𝗨𝗖𝗔𝗦 𝟴:𝟮𝟴-𝟮𝟵


(Basahin din ang 𝗟𝗨𝗖𝗔𝗦 𝟴:𝟮𝟳, 𝟯𝟬–𝟯𝟵.)


Ang pang-aapi ay maaaring makita sa iba’t ibang paraan; hindi lamang ito basta gawa ng demonyo. Maaaring ang iba sa atin ay hindi nakaranas ng labis na pang-aapi, ngunit ang ating espiritwal na kaaway ay maaaring mang-api sa iba’t-ibang paraan. Sa kwento na ating binasa, may isang lalaki na labis na inapi ng demonyo at nangangailangan ng paglaya, at tanging si Jesus lamang ang may kakayahang palayain siya mula sa pagkaalipin. Ngayon, sa pagtingin natin nang malapitan sa kwentong ito, nawa’y magkaroon tayo ng pananampalataya. Kung kaya ni Jesus na iligtas ang mga tao na nakakaranas ng labis na pang-aapi, kaya Niya na palayain tayo at ang mga tao sa ating paligid sa kung anumang bumibihag at umaalipin sa ating buhay.


𝟭. 𝗠𝗮𝘆 𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗹𝗮𝗹𝗮𝗸𝗶𝗻𝗴 𝗶𝗻𝗮𝗮𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻 𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘀𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗲𝘀𝗽𝗶𝗿𝗶𝘁𝘂 𝗻𝗮 𝗻𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻𝗴𝗮𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗹𝗶𝗴𝘁𝗮𝘀𝗮𝗻.

𝘗𝘢𝘨𝘬𝘢𝘣𝘢𝘣𝘢 𝘯𝘪 𝘑𝘦𝘴𝘶𝘴 𝘴𝘢 𝘣𝘢𝘯𝘨𝘬𝘢, 𝘴𝘪𝘯𝘢𝘭𝘶𝘣𝘰𝘯𝘨 𝘴𝘪𝘺𝘢 𝘯𝘨 𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘭𝘢𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘨𝘢-𝘳𝘰𝘰𝘯 𝘯𝘢 𝘴𝘪𝘯𝘢𝘴𝘢𝘯𝘪𝘣𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘴𝘢𝘴𝘢𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘦𝘴𝘱𝘪𝘳𝘪𝘵𝘶. 𝘔𝘢𝘵𝘢𝘨𝘢𝘭 𝘯𝘢 𝘪𝘵𝘰𝘯𝘨 𝘸𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘶𝘰𝘵 𝘯𝘢 𝘥𝘢𝘮𝘪𝘵 𝘢𝘵 𝘢𝘺𝘢𝘸 𝘵𝘶𝘮𝘪𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘣𝘢𝘩𝘢𝘺 𝘬𝘶𝘯𝘥𝘪 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘬𝘸𝘦𝘣𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘪𝘣𝘪𝘯𝘨𝘢𝘯. 𝗟𝗨𝗖𝗔𝗦 𝟴:𝟮𝟳


Kararating lang ni Jesus sa bayan ng Gerasenes nang makita Niya ang lalaking inaalipin ng hukbo (o libo-libo) na mga demonyo. Siya ay nababaliw, naglalakad nang hubo’t hubad, nag-iisa, tumitira sa mga libingan at sa disyerto. Walang ibang kaya o gustong tumulong sa kanya. Maaaring umiiwas sila dala ng takot. Kung ito ay nangyari sa panahon natin, may ilang maaaring maging maingat sa ganitong mga klase ng tao at magdalawang isip na tumulong. Sa tingin mo, bakit maituturing na walang pag-asa ang sitwasyon ng lalaking inaapi ng demonyo?


𝟮. 𝗡𝗮𝗴𝗱𝗮𝗹𝗮 𝘀𝗶 𝗝𝗲𝘀𝘂𝘀 𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗹𝗶𝗴𝘁𝗮𝘀𝗮𝗻.

𝘕𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘴𝘪 𝘑𝘦𝘴𝘶𝘴, 𝘴𝘶𝘮𝘪𝘨𝘢𝘸 𝘴𝘪𝘺𝘢 𝘢𝘵 𝘭𝘶𝘮𝘶𝘩𝘰𝘥 𝘴𝘢 𝘩𝘢𝘳𝘢𝘱𝘢𝘯 𝘯𝘪 𝘑𝘦𝘴𝘶𝘴. 𝘈𝘵 𝘴𝘪𝘯𝘢𝘣𝘪 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘭𝘢𝘬𝘢𝘴, “𝘈𝘯𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘬𝘪𝘢𝘭𝘢𝘮 𝘮𝘰 𝘴𝘢 𝘢𝘬𝘪𝘯, 𝘑𝘦𝘴𝘶𝘴 𝘯𝘢 𝘈𝘯𝘢𝘬 𝘯𝘨 𝘒𝘢𝘵𝘢𝘢𝘴-𝘵𝘢𝘢𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴? 𝘕𝘢𝘬𝘪𝘬𝘪𝘶𝘴𝘢𝘱 𝘢𝘬𝘰 𝘴𝘢 𝘪𝘺𝘰, 𝘩𝘶𝘸𝘢𝘨 𝘮𝘰 𝘢𝘬𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘩𝘪𝘳𝘢𝘱𝘢𝘯!” 𝘚𝘪𝘯𝘢𝘣𝘪 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘪𝘵𝘰 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘪𝘯𝘶𝘵𝘶𝘴𝘢𝘯 𝘯𝘪 𝘑𝘦𝘴𝘶𝘴 𝘯𝘢 𝘭𝘶𝘮𝘢𝘣𝘢𝘴 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘴𝘢𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘦𝘴𝘱𝘪𝘳𝘪𝘵𝘶 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢. 𝘔𝘢𝘵𝘢𝘨𝘢𝘭 𝘯𝘢 𝘴𝘪𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘪𝘯𝘢𝘴𝘢𝘯𝘪𝘣𝘢𝘯 𝘯𝘪𝘵𝘰. 𝘈𝘵 𝘬𝘢𝘩𝘪𝘵 𝘵𝘪𝘯𝘢𝘵𝘢𝘭𝘪𝘢𝘯 𝘴𝘪𝘺𝘢 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘥𝘦𝘯𝘢 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘮𝘢𝘺 𝘢𝘵 𝘱𝘢𝘢 𝘢𝘵 𝘣𝘪𝘯𝘢𝘣𝘢𝘯𝘵𝘢𝘺𝘢𝘯, 𝘯𝘪𝘭𝘢𝘭𝘢𝘨𝘰𝘵 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘥𝘦𝘯𝘢, 𝘢𝘵 𝘱𝘪𝘯𝘢𝘱𝘢𝘱𝘶𝘯𝘵𝘢 𝘴𝘪𝘺𝘢 𝘯𝘨 𝘥𝘦𝘮𝘰𝘯𝘺𝘰 𝘴𝘢 𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨. . . . 𝘚𝘢 𝘥𝘪-𝘬𝘢𝘭𝘢𝘺𝘶𝘢𝘯 𝘢𝘺 𝘮𝘢𝘺 𝘮𝘢𝘭𝘢𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘸𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘣𝘢𝘣𝘰𝘺 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯𝘨𝘪𝘯𝘢𝘪𝘯 𝘴𝘢 𝘨𝘪𝘭𝘪𝘥 𝘯𝘨 𝘣𝘶𝘳𝘰𝘭. 𝘕𝘢𝘨𝘮𝘢𝘬𝘢𝘢𝘸𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘴𝘢𝘴𝘢𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘦𝘴𝘱𝘪𝘳𝘪𝘵𝘶 𝘬𝘢𝘺 𝘑𝘦𝘴𝘶𝘴 𝘯𝘢 𝘱𝘢𝘺𝘢𝘨𝘢𝘯 𝘴𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘶𝘮𝘢𝘴𝘰𝘬 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘣𝘢𝘣𝘰𝘺, 𝘢𝘵 𝘱𝘪𝘯𝘢𝘺𝘢𝘨𝘢𝘯 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘴𝘪𝘭𝘢 𝘯𝘪 𝘑𝘦𝘴𝘶𝘴. 𝗟𝗨𝗖𝗔𝗦 𝟴:𝟮𝟴-𝟮𝟵, 𝟯𝟮


Si Jesus ay may awtoridad sa lahat ng bagay, kasama na ang mga demonyo. Inutos ni Jesus na lumabas ang masamang espiritu sa lalaki, at nakilala ng mga ito si Jesus bilang Anak ng Kataas-taasang Diyos. Dala ng pagkatakot, ang hukbo ng demonyo ay nagmakaawa kay Jesus na huwag silang papuntahin sa kailaliman at parusahan doon, bagkus sila ay payagan na pumasok sa mga baboy sa gilid ng burol. At ito nga ang ginawa ni Jesus. Dahil sa Kanyang presensya at awtoridad, ang lalaki ngayon ay malaya na. Pinatunayan nito na si Jesus nga ang Anak ng Diyos. Kapag tinatawag natin ang ngalan ni Jesus, tayo rin ay nakakaranas ng kaligtasan mula sa pang-aalipin. Ayon sa Lucas 4:18, ano ang dahilan ng pagpunta ni Jesus dito sa mundo?


𝟯. 𝗜𝗽𝗶𝗻𝗮𝗽𝗮𝗻𝘂𝗺𝗯𝗮𝗹𝗶𝗸 𝘁𝗮𝘆𝗼 𝗻𝗶 𝗝𝗲𝘀𝘂𝘀.

𝘒𝘢𝘺𝘢 𝘱𝘶𝘮𝘶𝘯𝘵𝘢 𝘳𝘰𝘰𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘵𝘢𝘰 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘵𝘪𝘯𝘨𝘯𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘯𝘨𝘺𝘢𝘳𝘪. 𝘗𝘢𝘨𝘥𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘯𝘪𝘭𝘢 𝘬𝘢𝘺 𝘑𝘦𝘴𝘶𝘴, 𝘯𝘢𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘯𝘪𝘭𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘰𝘯𝘨 𝘴𝘪𝘯𝘢𝘯𝘪𝘣𝘢𝘯 𝘥𝘢𝘵𝘪 𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘴𝘢𝘴𝘢𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘦𝘴𝘱𝘪𝘳𝘪𝘵𝘶 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘬𝘢𝘶𝘱𝘰 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘢𝘯𝘢𝘯 𝘯𝘪 𝘑𝘦𝘴𝘶𝘴, 𝘯𝘢𝘬𝘢𝘥𝘢𝘮𝘪𝘵 𝘢𝘵 𝘮𝘢𝘵𝘪𝘯𝘰 𝘯𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨-𝘪𝘪𝘴𝘪𝘱. 𝘈𝘵 𝘯𝘢𝘵𝘢𝘬𝘰𝘵 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘵𝘢𝘰. 𝗟𝗨𝗖𝗔𝗦 𝟴:𝟯𝟱


Hindi lamang pinalaya ni Jesus ang lalaki. Pagkaalis ng mga demonyo sa kanya, ang lalaki ay bumalik sa kanyang tamang pag-iisip. Dahil kay Jesus, nanumbalik ang pagkakakilanlan, dignidad, katinuan, at lugar sa lipunan ng lalaki. Bukod pa dito, naitala sa Lucas 8:38–39 na binigyan ni Jesus ang lalaki ng bagong layunin sa buhay. Ginamit ng Diyos ang lalaki upang ipaalam sa kanyang komunidad at sa buong bayan ang tungkol kay Jesus, at kung ano ang ginawa Niya. Bilang mga tagasunod ni Cristo, tayo ay binigyan ng kapangyarihan na ipahayag ang ginagawa Niyang pagbibigay ng kabuuan sa mga tao sa pamamagitan ng Espiritu Santo, sa mga lugar sa ating komunidad na winasak ng kasalanan. Ano ang sinasabi sa Juan 10:10 tungkol sa demonyo? Tungkol kay Jesus?


Iba-iba ang tugon ng mga tao sa himala. Ang lalaking pinalaya ni Jesus mula sa hukbo ng demonyo ang nakatanggap ng himala at nagkaroon ng bagong buhay, kagalakan, at dahilan para mamuhay kay Jesus. Nakakalungkot lamang na ang mga tao sa Kanyang paligid, kahit pa nakita nila ang biglaang pagbabago ng lalaki, ay nakaramdam ng labis na pagkatakot (Lucas 8:37). Tulad nito, hindi lahat nang nasa paligid natin ay magagalak para sa atin, kikilala sa kung sino ang Diyos, o mapapalapit sa Kanya. Pero hindi ito ang magiging dahilan upang tayo ay huminto sa pagdarasal para sa himala o sa pagpapahayag ng ebanghelyo. Sa patuloy na pagpapakita at paggawa ng Diyos ng mga himala sa buhay natin, ipapakilala Niya ang Kanyang sarili sa mundo.


𝗔𝗣𝗣𝗟𝗜𝗖𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡

• Paano ka tutugon sa pang-aapi na dinaranas mo sa iyong buhay? Paano mababago ng mensahe ngayong araw ang pagtingin at kilos mo tungkol dito?

• Anong larangan ng buhay mo ang nangangailangan ng pagpapalaya ng Diyos? Humingi ng panalangin mula sa iba at pag-isipan kung ano ang mga hakbang na maaari mong gawin ngayong linggo, na naaayon dito.

• Basahin at pag-isipan ang Lucas 4:18–19 ngayong linggo. Paano ka magiging aktibo sa pagiging bahagi ng pagsulong ng kaharian ng Diyos at paghahayag ng kaligtasan ng Panginoon?


𝗣𝗥𝗔𝗬𝗘𝗥

• Magpasalamat sa Diyos na kay Jesus, makararanas tayo ng himalang kalayaan sa kahit anong uri ng pang-aapi. Ipanalangin na magpatuloy ka na sa pamumuhay nang may kalayaan at kabuuang ibinigay sa iyo ng Diyos.

• Ipanalangin ang Lucas 4:18–19 para sa iyong pamilya. Ipanalangin na makilala ng iyong komunidad ang Diyos bilang isang gumagawa ng himala at mapalapit sila sa Kanya.

• Habang nagdarasal ka para sa mga himala, hilingin mo sa Diyos na buksan Niya ang puso ng mga tao upang makita nila Siya, at tanggapin Siya bilang kanilang Panginoon at Tagapagligtas.