icon__search

Ibang Espiritu

Week 1

𝗪𝗔𝗥𝗠 𝗨𝗣

• Magbahagi ng isang bagay na itinuturing mong kakaiba tungkol sa iyong sarili.

• Naranasan mo na bang sumalungat sa agos? Ano ang kinalabasan nito?

• Paano ka tumutugon sa mga taong gustong gumawa ng mga bagay na naiiba kaysa sa gusto mo?


𝗪𝗢𝗥𝗗

“𝘕𝘨𝘶𝘯𝘪𝘵 𝘱𝘢𝘱𝘢𝘱𝘢𝘴𝘶𝘬𝘪𝘯 𝘬𝘰 𝘴𝘢 𝘭𝘶𝘱𝘢𝘪𝘯 𝘯𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘪𝘯𝘪𝘯𝘨𝘯𝘢𝘯 𝘴𝘪 𝘊𝘢𝘭𝘦𝘣 𝘯𝘢 𝘢𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘭𝘪𝘯𝘨𝘬𝘰𝘥, 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘪𝘣𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨-𝘶𝘶𝘨𝘢𝘭𝘪 𝘴𝘢 𝘪𝘣𝘢 𝘢𝘵 𝘴𝘶𝘮𝘶𝘴𝘶𝘯𝘰𝘥 𝘴𝘪𝘺𝘢 𝘴𝘢 𝘢𝘬𝘪𝘯 𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘶𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘶𝘴𝘰 𝘯𝘪𝘺𝘢. 𝘔𝘢𝘯𝘪𝘯𝘪𝘳𝘢𝘩𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘢𝘯𝘨𝘬𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘭𝘶𝘱𝘢𝘪𝘯𝘨 𝘪𝘺𝘰𝘯.” 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝟭𝟰:𝟮𝟰


(Basahin din ang 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝟭𝟯:𝟯𝟬.)


Nangako ang Diyos na ililigtas Niya ang Kanyang mga mamamayan na naging alipin sa Egipto sa loob ng daan-daang taon at nakaranas ng pang-aapi. Maiisip natin na ang bawat henerasyon ay nagnanais na makita ang katuparan ng pangako ng Diyos sa kanilang buhay. Inilabas ng Diyos ang Kanyang mga mamamayan mula sa Egipto at pinangakuang aakayin Niya sila sa isang lupaing may umaagos na gatas at pulot (honey). Gayunpaman, sa kabila ng kanilang mahimalang pagkaligtas, nakita ng mga Israelita ang mga higanteng kailangan nilang talunin upang maangkin ang kanilang mana at nawalan sila ng pananampalataya sa Diyos. Sa araw na ito, tingnan natin kung paanong mas nag-alab at nagliwanag sa kanilang henerasyon ang tiwala at kagustuhan nina Caleb at Josue na sumunod sa Diyos at kung paano ipinakita ng Diyos ang Kanyang katapatan sa kanila.


𝟭. 𝗦𝗮 𝗴𝗶𝘁𝗻𝗮 𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘀𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴 𝘂𝗹𝗮𝘁, 𝘁𝘂𝗺𝘂𝗴𝗼𝗻 𝘀𝗶𝗻𝗮 𝗖𝗮𝗹𝗲𝗯 𝗮𝘁 𝗝𝗼𝘀𝘂𝗲 𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘆 𝗽𝗮𝗻𝗮𝗻𝗮𝗺𝗽𝗮𝗹𝗮𝘁𝗮𝘆𝗮.

“𝘗𝘦𝘳𝘰 𝘮𝘢𝘬𝘢𝘱𝘢𝘯𝘨𝘺𝘢𝘳𝘪𝘩𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘵𝘢𝘰𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘬𝘢𝘵𝘪𝘳𝘢 𝘳𝘰𝘰𝘯, 𝘢𝘵 𝘮𝘢𝘭𝘢𝘭𝘢𝘬𝘪 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘯𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘭𝘶𝘯𝘨𝘴𝘰𝘥 𝘢𝘵 𝘯𝘢𝘱𝘢𝘱𝘢𝘭𝘪𝘣𝘶𝘵𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘱𝘢𝘥𝘦𝘳. 𝘕𝘢𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘱𝘢 𝘯𝘢𝘮𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘢𝘯𝘨𝘬𝘢𝘯 𝘯𝘪 𝘈𝘯𝘢𝘬.” . . . 𝘗𝘪𝘯𝘢𝘬𝘢𝘭𝘮𝘢 𝘯𝘪 𝘊𝘢𝘭𝘦𝘣 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘵𝘢𝘰 𝘴𝘢 𝘩𝘢𝘳𝘢𝘱𝘢𝘯 𝘯𝘪 𝘔𝘰𝘪𝘴𝘦𝘴, 𝘢𝘵 𝘴𝘪𝘯𝘢𝘣𝘪 𝘯𝘪𝘺𝘢, “𝘓𝘢𝘭𝘢𝘬𝘢𝘥 𝘵𝘢𝘺𝘰 𝘢𝘵 𝘴𝘢𝘴𝘢𝘬𝘶𝘱𝘪𝘯 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘶𝘱𝘢𝘪𝘯, 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘯𝘢𝘴𝘪𝘴𝘪𝘨𝘶𝘳𝘰 𝘬𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘢𝘢𝘨𝘢𝘸 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯 𝘪𝘵𝘰.” 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝟭𝟯:𝟮𝟴,𝟯𝟬


Habang pinagpaplanuhan ng mga Israelita ang pagpasok sa Lupang Pangako, nagpadala sila ng labindalawang espiya upang obserbahan ito. Sampu sa kanila ang nagbigay ng masamang ulat dahil nakita nila ang mga higanteng kailangan nilang talunin, at dahil dito pinanghinaan ng loob ang iba na tuparin ang pangako ng Diyos. Pero sina Caleb at Josue ay tumugon nang may pananampalataya. Sa kanilang batang edad, itinuon nila ang kanilang mga mata sa Diyos na nagbigay ng pangako, at hindi sa mga hamong kinakaharap nila. Buong tapang nilang ipinahayag ang kanilang pagtitiwala sa Diyos at kung ano ang magagawa nila sa pamamagitan Niya. Tulad nito, maaari tayong manampalataya na bibigyan tayo ng Diyos ng kakayahang ipaglaban ang Kanyang mga pangako, anuman ang sabihin ng iba. May pangako bang mula sa Diyos na ipinaglaban mo? Paano ka tinulungan ng Diyos na matanggap ang pangakong ito?


𝟮. 𝗦𝗮 𝗴𝗶𝘁𝗻𝗮 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗵𝗶𝗵𝗶𝗺𝗮𝗴𝘀𝗶𝗸, 𝗻𝗮𝗺𝗮𝗴𝗶𝘁𝗮𝗻 𝘀𝗶𝗻𝗮 𝗠𝗼𝗶𝘀𝗲𝘀 𝗮𝘁 𝗔𝗮𝗿𝗼𝗻 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗺𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗗𝗶𝘆𝗼𝘀

“𝘈𝘺𝘰𝘯 𝘴𝘢 𝘪𝘯𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘥𝘢𝘬𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘮𝘢𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭, 𝘱𝘢𝘵𝘢𝘸𝘢𝘳𝘪𝘯 𝘱𝘰 𝘯𝘪𝘯𝘺𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘬𝘢𝘴𝘢𝘭𝘢𝘯𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘵𝘢𝘰𝘯𝘨 𝘪𝘵𝘰, 𝘨𝘢𝘺𝘢 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘱𝘢𝘱𝘢𝘵𝘢𝘸𝘢𝘥 𝘯𝘪𝘯𝘺𝘰 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘪𝘭𝘢 𝘮𝘶𝘭𝘢 𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘶𝘮𝘢𝘣𝘢𝘴 𝘴𝘪𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘌𝘨𝘪𝘱𝘵𝘰.”  𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝟭𝟰:𝟭𝟵


Dahil sa masamang ulat, marami sa mga Israelita ang nagreklamo at nagrebelde laban sa Diyos. Bilang mga pinuno mula sa nakatatandang henerasyon, maaaring hayaan na lamang nina Moises at Aaron na pagdusahan nila ang poot ng Diyos bilang resulta ng kanilang pagrerebelde. Ngunit bilang paggalang sa Diyos, namagitan sila para sa kapakanan ng mga tao. Gayundin, ang mga hindi na bahagi ng nakababatang henerasyon ay maaari pa ring makibahagi sa gawain ng Diyos, upang makipaglaban para sa kanila at kasama nila sa iba't ibang paraan. Bakit mahalagang mamagitan at manindigan ang mga nakatatandang henerasyon kasama ng mga nakababata? Ano ang ilang paraan kung paano maipaglalaban at matutulungan ng nakatatandang henerasyon ang susunod na henerasyon?


𝟯. 𝗦𝗮 𝗴𝗶𝘁𝗻𝗮 𝗻𝗴 𝗸𝗮𝘄𝗮𝗹𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗸𝗮𝘁𝗮𝗽𝗮𝘁𝗮𝗻, 𝗻𝗮𝗻𝗮𝘁𝗶𝗹𝗶𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗽𝗮𝘁 𝗮𝗻𝗴 𝗗𝗶𝘆𝗼𝘀 𝘂𝗽𝗮𝗻𝗴 𝘁𝘂𝗽𝗮𝗿𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗻𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗴𝗮𝗸𝗼.

𝘚𝘶𝘮𝘢𝘨𝘰𝘵 𝘢𝘯𝘨 𝘗𝘈𝘕𝘎𝘐𝘕𝘖𝘖𝘕, “𝘗𝘢𝘵𝘢𝘵𝘢𝘸𝘢𝘳𝘪𝘯 𝘬𝘰 𝘴𝘪𝘭𝘢 𝘢𝘺𝘰𝘯 𝘴𝘢 𝘪𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘩𝘪𝘯𝘪𝘭𝘪𝘯𝘨. . . . 𝘕𝘨𝘶𝘯𝘪𝘵 𝘱𝘢𝘱𝘢𝘱𝘢𝘴𝘶𝘬𝘪𝘯 𝘬𝘰 𝘴𝘢 𝘭𝘶𝘱𝘢𝘪𝘯 𝘯𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘪𝘯𝘪𝘯𝘨𝘯𝘢𝘯 𝘴𝘪 𝘊𝘢𝘭𝘦𝘣 𝘯𝘢 𝘢𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘭𝘪𝘯𝘨𝘬𝘰𝘥, 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘪𝘣𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨-𝘶𝘶𝘨𝘢𝘭𝘪 𝘴𝘢 𝘪𝘣𝘢 𝘢𝘵 𝘴𝘶𝘮𝘶𝘴𝘶𝘯𝘰𝘥 𝘴𝘪𝘺𝘢 𝘴𝘢 𝘢𝘬𝘪𝘯 𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘶𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘶𝘴𝘰 𝘯𝘪𝘺𝘢. 𝘔𝘢𝘯𝘪𝘯𝘪𝘳𝘢𝘩𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘢𝘯𝘨𝘬𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘭𝘶𝘱𝘢𝘪𝘯𝘨 𝘪𝘺𝘰𝘯.” 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝟭𝟰:𝟮𝟬,𝟮𝟰


Sa kabila ng kawalan ng pananampalataya at pagrerebelde ng mga Israelita, nakatanggap sila ng awa ng Diyos at nailigtas mula sa pagkaubos ng kanilang lahi. Namana pa rin nila ang Lupang Pangako, pero ang susunod na henerasyon lamang ang makakapasok dito. Nakita rin natin kung paano pinarangalan ng Diyos ang pananampalataya ni Caleb. Nakatanggap siya at ang kanyang mga inapo ng gantimpala. Sa kanilang henerasyon, siya at si Josue lamang ang pinahintulutang makapasok sa lupain. Sa kanyang katandaan, ikinuwento ni Caleb ang katapatan na ipinakita sa kanya ng Diyos (Josue 14:10–12). Ano ang sinasabi ng Deuteronomio 7:9 tungkol sa katapatan ng Diyos?


Nakita natin kung paano nagtulungan ang dalawang henerasyon para matupad ang mga pangako at plano ng Diyos. Nawa’y magkaroon din tayo ng ganitong pagtutulungan upang isulong ang kaharian ng Diyos dito sa lupa.


𝗔𝗣𝗣𝗟𝗜𝗖𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡

• Tinatawag ng Diyos ang bawat henerasyon na aktibong kumilos sa pagbabahagi ng Kanyang mga pangako, plano, at layunin sa susunod na henerasyon. Magsulat ng tatlong paraan kung paano mo ito magagawa.

• Maglaan ng oras upang parangalan at pasalamatan ang mga bahagi ng nakatatandang henerasyon na nagturo at tumulong sa iyo sa iyong pamumuhay kasama ang Diyos. Pagpalain sila sa pamamagitan ng pananalangin.

• Hilingin sa Diyos na gamitin ka upang tulungan ang isang taong mula sa nakababatang henerasyon. Ipanalanging akayin ka ng Diyos patungo sa Kanya ngayong linggo at gamitin ka upang magbigay ng pag-asa at lakas ng loob.


𝗣𝗥𝗔𝗬𝗘𝗥

• Pasalamatan ang Diyos sa paggamit sa atin upang tuparin ang Kanyang mga plano at layunin. Hilingin sa Diyos na bigyan ka ng mas marami pang pagkakataon upang makapagbigay ng lakas ng loob sa mga tao at magtiwala sa katapatan ng Diyos sa lahat ng henerasyon.

• Hilingin sa Diyos na ipakita sa iyo kung paano Siya naging tapat sa iyo. Ipanalangin na bigyan ka Niya ng pagkakataong tumugon nang may pananampalataya, anuman ang mga pangyayari sa iyong paligid.

• Ipanalangin na magkaroon ka ng pananampalatayang mamagitan para sa iba. Hilingin sa Diyos kung sino ang mga maaari mong ipagdasal ngayong linggo at kung paano mo mapapalakas ang kanilang loob sa pamamagitan ng Kanyang salita.