icon__search

Himala sa Daan Patungong Damascus

Week 3

𝗪𝗔𝗥𝗠 𝗨𝗣

• Isipin ang isang kakilala mo na nag-aalinlangan kang lapitan. Paano mo mapagtatagumpayan ang mga pagsubok na ito?

• Paano mo nagagawang maniwala sa isang bagay? Ano ang mga hakbang na ginagawa mo para magawa mo ito?

• Balikan ang isang taong bumago ng buhay mo. Ano ang ipinagkaiba ng buhay mo noon kung ihahambing sa ngayon?


𝗪𝗢𝗥𝗗

“𝘕𝘨𝘶𝘯𝘪𝘵 𝘱𝘢𝘨𝘥𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘯𝘨 𝘉𝘢𝘯𝘢𝘭 𝘯𝘢 𝘌𝘴𝘱𝘪𝘳𝘪𝘵𝘶 𝘴𝘢 𝘪𝘯𝘺𝘰, 𝘣𝘪𝘣𝘪𝘨𝘺𝘢𝘯 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘬𝘢𝘺𝘰 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘱𝘢𝘯𝘨𝘺𝘢𝘳𝘪𝘩𝘢𝘯. 𝘈𝘵 𝘪𝘱𝘢𝘱𝘢𝘩𝘢𝘺𝘢𝘨 𝘯𝘪𝘯𝘺𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘣𝘢𝘨𝘢𝘺 𝘵𝘶𝘯𝘨𝘬𝘰𝘭 𝘴𝘢 𝘢𝘬𝘪𝘯, 𝘮𝘶𝘭𝘢 𝘳𝘪𝘵𝘰 𝘴𝘢 𝘑𝘦𝘳𝘶𝘴𝘢𝘭𝘦𝘮 𝘩𝘢𝘯𝘨𝘨𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢 𝘣𝘶𝘰𝘯𝘨 𝘑𝘶𝘥𝘦𝘢 𝘢𝘵 𝘚𝘢𝘮𝘢𝘳𝘪𝘢, 𝘢𝘵 𝘩𝘢𝘯𝘨𝘨𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢 𝘣𝘶𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘶𝘯𝘥𝘰.” 𝗠𝗚𝗔 𝗚𝗔𝗪𝗔 𝟭:𝟴


(Basahin din ang 𝗠𝗚𝗔 𝗚𝗔𝗪𝗔 𝟱:𝟭𝟵-𝟯𝟮)


Nang marinig ng mga disipulo ang pangako ni Jesus na bibigyan sila ng Banal na Espiritu ng kakayahang maipangaral ang ebanghelyo, malamang ay hindi nila inasahang marami at iba’t ibang klase ng tao ang makakasalamuha nila. Ang ilan ay may mabubuting reputasyon, samantalang ang iba naman ay hindi inaasahan ang pinanggalingan. Wala silang kamalay-malay na gagamitin ng Diyos ang isa sa pinakamapanganib na tao sa panahon nila upang maging instrumento sa pagpapangaral ng mabuting balita sa mga bansa sa labas ng Israel. Ngayong araw, tingnan natin kung paano ginamit ng Diyos si Saulo upang tuparin ang pangako ni Jesus na magiging saksi ang Kanyang mga disipulo hanggang sa dulo ng mundo.


𝟭. 𝗜𝗻𝘂𝘀𝗶𝗴 𝗻𝗶 𝗦𝗮𝘂𝗹𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗶𝗴𝗹𝗲𝘀𝘆𝗮. 

𝘗𝘢𝘵𝘶𝘭𝘰𝘺 𝘱𝘢 𝘳𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘣𝘢𝘣𝘢𝘯𝘵𝘢 𝘯𝘪 𝘚𝘢𝘶𝘭𝘰 𝘴𝘢 𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘵𝘢𝘨𝘢𝘴𝘶𝘯𝘰𝘥 𝘯𝘨 𝘗𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯𝘰𝘰𝘯. 𝘗𝘪𝘯𝘶𝘯𝘵𝘢𝘩𝘢𝘯 𝘱𝘢 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘶𝘯𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘳𝘪 𝘢𝘵 𝘩𝘶𝘮𝘪𝘯𝘨𝘪 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘴𝘶𝘭𝘢𝘵 𝘯𝘢 𝘪𝘱𝘢𝘱𝘢𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘴𝘢𝘮𝘣𝘢𝘩𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘑𝘶𝘥𝘪𝘰 𝘴𝘢 𝘋𝘢𝘮𝘢𝘴𝘤𝘶𝘴 𝘣𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘵𝘪𝘣𝘢𝘺𝘢𝘯 𝘯𝘢 𝘣𝘪𝘯𝘪𝘣𝘪𝘨𝘺𝘢𝘯 𝘴𝘪𝘺𝘢 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘱𝘢𝘯𝘨𝘺𝘢𝘳𝘪𝘩𝘢𝘯𝘨 𝘩𝘶𝘭𝘪𝘩𝘪𝘯 𝘢𝘵 𝘥𝘢𝘭𝘩𝘪𝘯 𝘴𝘢 𝘑𝘦𝘳𝘶𝘴𝘢𝘭𝘦𝘮 𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘪𝘯𝘶𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘬𝘪𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘳𝘰𝘰𝘯 𝘯𝘢 𝘴𝘶𝘮𝘶𝘴𝘶𝘯𝘰𝘥 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘮𝘢𝘮𝘢𝘳𝘢𝘢𝘯 𝘯𝘪 𝘑𝘦𝘴𝘶𝘴, 𝘭𝘢𝘭𝘢𝘬𝘪 𝘮𝘢𝘯 𝘪𝘵𝘰 𝘰 𝘣𝘢𝘣𝘢𝘦. 𝗠𝗚𝗔 𝗚𝗔𝗪𝗔 𝟵:𝟭-𝟮


Noong mas bata pa siya, nasaksihan at pinahintulutan ni Saulo ang pagpatay sa mga mananampalataya. Naroon siya noong pinagbabato si Esteban dahil sa pagsasalita niya tungkol kay Jesus (Mga Gawa 7:58) at nagbahay-bahay siya para arestuhin ang mga taong sumunod kay Jesus (Mga Gawa 8:1–3). Siguradong malayong maging disipulo ang lalaking ito. Ngunit, hindi niya alam na kalaunan ay babaguhin ng Diyos ang kanyang buhay sa hindi inaasahang paraan. Sa tingin mo, ano ang mararamdaman mo kung mayroong taong tulad ni Saulo na magbabanta sa komunidad mo ng pananampalataya? 


𝟮. 𝗠𝗮𝗵𝗶𝗺𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗸𝗮𝘁𝗮𝗴𝗽𝗼 𝗻𝗶 𝗦𝗮𝘂𝗹𝗼 𝘀𝗶 𝗝𝗲𝘀𝘂𝘀.

𝘕𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘭𝘢𝘱𝘪𝘵 𝘯𝘢 𝘴𝘪 𝘚𝘢𝘶𝘭𝘰 𝘴𝘢 𝘭𝘶𝘯𝘨𝘴𝘰𝘥 𝘯𝘨 𝘋𝘢𝘮𝘢𝘴𝘤𝘶𝘴, 𝘣𝘪𝘨𝘭𝘢 𝘴𝘪𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘱𝘢𝘭𝘪𝘣𝘶𝘵𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘬𝘢𝘬𝘢𝘴𝘪𝘭𝘢𝘸 𝘯𝘢 𝘭𝘪𝘸𝘢𝘯𝘢𝘨 𝘮𝘶𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘭𝘢𝘯𝘨𝘪𝘵. 𝘕𝘢𝘵𝘶𝘮𝘣𝘢 𝘴𝘪𝘺𝘢, 𝘢𝘵 𝘮𝘢𝘺 𝘯𝘢𝘳𝘪𝘯𝘪𝘨 𝘴𝘪𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘪𝘯𝘪𝘨 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘨𝘴𝘢𝘴𝘢𝘣𝘪, “𝘚𝘢𝘶𝘭𝘰, 𝘚𝘢𝘶𝘭𝘰! 𝘉𝘢𝘬𝘪𝘵 𝘮𝘰 𝘢𝘬𝘰 𝘪𝘯𝘶𝘶𝘴𝘪𝘨?” 𝘚𝘶𝘮𝘢𝘨𝘰𝘵 𝘴𝘪 𝘚𝘢𝘶𝘭𝘰, “𝘚𝘪𝘯𝘰 𝘱𝘰 𝘣𝘢 𝘬𝘢𝘺𝘰?” 𝘚𝘪𝘯𝘢𝘨𝘰𝘵 𝘴𝘪𝘺𝘢 𝘯𝘨 𝘵𝘪𝘯𝘪𝘨, “𝘈𝘬𝘰 𝘴𝘪 𝘑𝘦𝘴𝘶𝘴 𝘯𝘢 𝘪𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘪𝘯𝘶𝘶𝘴𝘪𝘨.” 𝗠𝗚𝗔 𝗚𝗔𝗪𝗔 𝟵:𝟯-𝟱


Isang araw, nang malapit na siya sa lungsod ng Damascus, nakatagpo ni Saulo si Jesus sa unang pagkakataon. Tinawag ni Jesus si Saulo sa pangalan at ipinaalam Niya kung sino Siya. Nang matanggap ni Saulo ang utos mula kay Jesus, nabulag siya at nawalan ng lakas ng ilang araw. Ginamit ng Diyos si Ananias upang tulungan si Saulo na makakita muli at mapuspos ng Banal na Espiritu. Habang ipinapanalangin ni Ananias si Saulo, mahimala siyang gumaling, pisikal at espiritwal. Sa tingin mo, ano kaya ang nangyari kung patuloy na nag-alinlangan si Ananias sa pagbisita at pagdarasal na gumaling si Saulo? 


𝟯.  𝗣𝗶𝗻𝗮𝗱𝗮𝗹𝗮 𝘀𝗶 𝗦𝗮𝘂𝗹𝗼 𝗯𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗮𝗽𝗼𝘀𝘁𝗼𝗹 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗝𝘂𝗱𝗶𝗼. 

𝘗𝘦𝘳𝘰 𝘴𝘪𝘯𝘢𝘣𝘪 𝘯𝘨 𝘗𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯𝘰𝘰𝘯 𝘬𝘢𝘺 𝘈𝘯𝘢𝘯𝘪𝘢𝘴, “𝘓𝘶𝘮𝘢𝘬𝘢𝘥 𝘬𝘢, 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘱𝘪𝘯𝘪𝘭𝘪 𝘬𝘰 𝘴𝘪𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨𝘭𝘪𝘯𝘨𝘬𝘰𝘥 𝘴𝘢 𝘢𝘬𝘪𝘯, 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘪𝘱𝘢𝘬𝘪𝘭𝘢𝘭𝘢 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘢𝘬𝘰 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘑𝘶𝘥𝘪𝘰 𝘢𝘵 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘩𝘢𝘳𝘪, 𝘢𝘵 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘐𝘴𝘳𝘢𝘦𝘭𝘪𝘵𝘢. 𝘈𝘵 𝘪𝘱𝘢𝘱𝘢𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘬𝘰 𝘳𝘪𝘯 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘩𝘪𝘩𝘪𝘳𝘢𝘱 𝘯𝘢 𝘥𝘢𝘱𝘢𝘵 𝘯𝘪𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘥𝘢𝘯𝘢𝘴𝘪𝘯 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘢𝘬𝘪𝘯.” 𝗠𝗚𝗔 𝗚𝗔𝗪𝗔 𝟵:𝟭𝟱-𝟭𝟲


Pagkatapos makakita muli ni Saulo, siya ay nagpabinyag, nagpalakas, at nagsimulang ipahayag si Jesus sa iba. Mula sa pagiging tagausig hanggang sa pagiging mangangaral, nakilala si Saulo bilang Pablo, isang disipulo, isang mangangaral ng ebanghelyo ni Cristo, at isang apostol sa mga hindi Judio. Bagama’t sa umpisa ay pinagdudahan siya ng ibang mga mananampalataya, ang patotoo ng kanyang pagtatagpo kay Cristo sa daan patungong Damascus ay isang paalala na kayang baguhin ng Diyos ang pinakamatigas na puso. Kung ikaw si Pablo, ano ang mararamdaman mo habang ipinapangaral mo ang mensaheng nilabanan mo noong una?


Si Pablo ay katuparan ng pangako ng Diyos sa Mga Gawa 1:8 at naging instrumento sa pagpapalaganap ng ebanghelyo sa mga hindi Judio sa mga pangunahing lugar, gaya ng Gresya at Roma. Nagkaroon ng kapayapaan at patuloy na paglago sa iglesya dahil pumasok ang Diyos at gumawa ng himala sa buhay ni Pablo (Mga Gawa 9:31). Ngayon, patuloy na nagsasalita si Pablo tungkol sa pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng isinulat niyang mga aklat at liham sa Bibliya na nagbibigay ng lakas ng loob.


𝗔𝗣𝗣𝗟𝗜𝗖𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡

• Sa tingin mo, bakit isang mang-uusig ang pinili ng Diyos sa halip na isang matuwid na mananampalataya upang dalhin ang ebanghelyo sa mga Judio at mga hindi Judio? Sa tingin mo, bakit ka pinili ng Diyos para makinig at tumugon sa Kanyang ebanghelyo? 

• Mayroon bang pagkakataon na may inusig ka dahil sa kanilang pananampalataya? Paano ka itinuwid ng Diyos sa bahaging ito? Paano tayo dapat tumugon sa mga pag-uusig ngayon?

• Inaakay ka ba ng Diyos na maging biyaya sa isang taong nag-aalinlangan kang lapitan? Hingin sa Diyos na tanggalin Niya ang bawat pagdududa at panghuhusga habang ipinapakita mo ang Kanyang pagmamahal sa kanila ngayong linggo.


𝗣𝗥𝗔𝗬𝗘𝗥

• Pasalamatan ang Diyos na walang imposible sa Kanya at kaya Niyang baguhin at gamitin kahit ang mga mahirap pakisamahang tao upang maipalaganap ang Kanyang pangalan.

• Ipanalangin na gamitin ka ng Diyos upang maging daluyan ng lakas ng loob sa halip na sama ng loob at pagmamataas. Hingin sa Diyos ang biyaya upang maipakita mo ang Kanyang pagmamahal sa mga tao sa paligid mo, kahit sa mga taong mahirap lapitan.

• Ipanalangin ang isang taong nahihirapan kang kausapin ngunit kailangang makarinig ng ebanghelyo. Ipanalangin na gamitin ka ng Diyos bilang daluyan ng Kanyang pagpapala sa taong ito sa mga susunod na araw.