icon__search

Logos

Week 1

๐—ช๐—”๐—ฅ๐— -๐—จ๐—ฃ

โ€ข Magbahagi ng isang bagay na nagpapaalala sa iyo ng Pasko (hal., mga pagkain, kanta, kaganapan).ย 

โ€ข Paano ipinagdiriwang ng pamilya ninyo ang Pasko? Ano ang karaniwang ginagawa ninyo sa panahong ito ng taon?

โ€ข Alalahanin ang taon ng paborito mong pagdiriwang ng Pasko. Bakit ito naging espesyal?ย 


๐—ช๐—ข๐—ฅ๐——

๐˜•๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ด๐˜ช๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข, ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜š๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ต๐˜ข. ๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜š๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ต๐˜ข ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‹๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ๐˜ด ๐˜ข๐˜ต ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜š๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ต๐˜ข ๐˜ข๐˜บ ๐˜‹๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ๐˜ด. ๐—๐—จ๐—”๐—ก ๐Ÿญ:๐Ÿญ


(Basahin din ang ๐—๐—จ๐—”๐—ก ๐Ÿญ:๐Ÿฎโ€“๐Ÿญ๐Ÿด.)


Habang ipinagdiriwang ng ilan sa atin ang kapanganakan ni Jesus tuwing kapaskuhan, madaling makaligtaan ang isang bagay na kasinghalaga ng Kanyang pagdatingโ€”ang dahilan ng kapanganakan Niya. Ang Ebanghelyo ni Juan ay nagbigay sa atin ng magandang paliwanag tungkol sa dahilang ito at nagsimula sa pagpapakilala kay Jesus bilang Salita ng Diyos. Sa katunayan, ang literal na kahulugan ng salitang Griyego na logos ay โ€œsalitaโ€ o โ€œdahilan.โ€ Angkop na tinutukoy ng paglalarawang ito kung sino si Jesus habang inaalam natin ang layunin ng Kanyang pagdating. Sa araw na ito, kikilalanin natin si Jesus bilang Salita ng Diyos at aalamin natin ang ibig sabihin nito sa pagtubos sa sangkatauhan.ย ย 


๐Ÿญ. ๐—”๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐˜๐—ฎ ๐—ฎ๐˜† ๐——๐—ถ๐˜†๐—ผ๐˜€.ย 

๐˜•๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ด๐˜ช๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข, ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜š๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ต๐˜ข. ๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜š๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ต๐˜ข ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‹๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ๐˜ด ๐˜ข๐˜ต ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜š๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ต๐˜ข ๐˜ข๐˜บ ๐˜‹๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ๐˜ด. ๐˜š๐˜ข ๐˜ด๐˜ช๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ขสผ๐˜บ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ด๐˜ช๐˜บ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‹๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ๐˜ด. ๐˜•๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ฉ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜บ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ช๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜บ๐˜ข, ๐˜ข๐˜ต ๐˜ธ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ฉ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ช๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜บ๐˜ข. ๐—๐—จ๐—”๐—ก ๐Ÿญ:๐Ÿญโ€“๐Ÿฏ


Si Jesus ay Anak ng Diyos at Salita ng Diyos. Naroon na ang Salita sa umpisa pa lamang, at bilang Anak, si Jesus ay Diyos. Bilang karagdagan, ganap o perpekto Niyang ipinapahayag ang Ama. Kapag may mensaheng ipinararating sa atin, nagkakaroon tayo ng ideya kung sino ang nagpadala at kung ano ang nasa isip Niya. Tulad nito, ipinakita ni Jesus sa atin kung sino ang Ama, ang uri ng ugnayan sa Diyos na maaari tayong magkaroon, at kung paano natin maipapakita ang paniniwala natin tungkol sa Diyos sa ating pamumuhay. Si Jesus ang pangunahing paraan kung paano ipinapahayag ng Diyos ang katotohanan tungkol sa Kanya. Sa tingin mo, bakit mahalaga ang talatang ito sa ating pananampalataya kay Jesus? Paano ka umabot sa paniniwalang si Jesusโ€”ang Anak ng Diyos at ang Salita ng Diyosโ€”ay Diyos?ย 


๐Ÿฎ. ๐—”๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐˜๐—ฎ ๐—ฎ๐˜† ๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜†.

๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜š๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ต๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ, ๐˜ข๐˜ต ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐสผ๐˜บ ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ธ, ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช๐˜ญ ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜บ-๐˜ญ๐˜ช๐˜ธ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ต๐˜ข๐˜ฐ. ๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ธ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐสผ๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ญ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜ธ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฅ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ, ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฅ๐˜ข๐˜ช๐˜จ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฅ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ. ๐—๐—จ๐—”๐—ก ๐Ÿญ:๐Ÿฐโ€“๐Ÿฑ


Sa gitna ng mga pagsubok at mga mapanghamong sitwasyon, tumitingin tayo sa isang bagay na makakapagbigay sa atin ng pag-asa at aalalay sa atin. Ang buhay na nakay Jesus ay ang tinutukoy nating pag-asa at Siya ring liwanag ng lahat ng tao na nagsisilbing gabay natin. Ang buhay na ito ay hindi lamang ang paparating na buhay na walang hanggan, kundi ang matagumpay na buhay dito sa lupa. Hindi ito nangangahulugan ng kawalan ng mga pagsubok at pagdurusa, kundi pagkakaroon ng pagmamahal, kagalakan, at kapayapaan na Siya lamang ang nakakapagbigay maging sa gitna ng mga paghihirap. Kung panghahawakan natin ang Salita ng Diyos, mararanasan natin ang ganap na buhay dito sa lupa.ย 


Sa tingin mo, ano ang nakikita sa buhay na kapiling si Jesus? Paano ito naiiba sa buhay mo dati?


๐Ÿฏ. ๐—”๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐˜๐—ฎ ๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด-๐˜๐—ฎ๐—ผ.

๐˜•๐˜ข๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ-๐˜ต๐˜ข๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜š๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ต๐˜ข ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ. ๐˜•๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ต๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜บ๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ช๐˜ด๐˜ข-๐˜ช๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ˆ๐˜ฎ๐˜ข. ๐˜—๐˜ถ๐˜ด๐˜ฑ๐˜ฐ๐˜ด ๐˜ด๐˜ช๐˜บ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ช๐˜บ๐˜ข๐˜บ๐˜ข ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ต๐˜ฐ๐˜ต๐˜ฐ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜ช๐˜บ๐˜ข. ๐—๐—จ๐—”๐—ก ๐Ÿญ:๐Ÿญ๐Ÿฐ


Sabik na hinintay ng mga Judio ang ipinropesiyang Mesias na darating bilang isang dakilang Hari. Hindi nila alam na Siya ay darating sa anyo ng isang sanggol, na ipapanganak sa isang hindi inaasahang lugar. Ito ay isang magandang paglalarawan ng paraang pinili ni Jesus, ang pangakong tinupad ng Diyos, upang makasama natin Siya bilang isang tao. Bumaba Siya sa ating antas at nagpakita sa mga taong nasa mababang antas sa lipunan. Tunay ngang si Jesus ang Salitang nagkatawang-tao at ang perpektong kapahayagan ng Ama. Paano mo maipapahayag ang katotohanang ito sa mga taong makakasama mo ngayong Pasko?


๐—”๐—ฃ๐—ฃ๐—Ÿ๐—œ๐—–๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก

โ€ข Masasabi mo bang ang mga bagay na ginagawa mo tuwing Pasko ay sumasalamin o bumabalik sa mabuting balita ng Diyos tungkol sa pagtubos sa sangkatauhan sa pamamagitan ni Jesus? Ano ang handa kang baguhin sa pagdiriwang mo ng Pasko?ย ย 

โ€ข Ipinapaalala sa atin ng Juan 1:4โ€“5 na si Jesus ang pag-asa at liwanag ng lahat ng tao. Kanino mo maibabahagi ang katotohanang ito?ย ย 

โ€ข Ang Pasko ay isang pagpapaalala kung bakit dumating si Jesus sa mundoโ€”upang bigyan tayo ng buhay at pag-asa, at upang makasama tayo. Ano ang mga praktikal na paraan para maipamuhay natin ang katotohanang ito kahit tapos na ang kapaskuhan?ย 


๐—ฃ๐—ฅ๐—”๐—ฌ๐—˜๐—ฅ

โ€ข Magpasalamat sa Diyos para sa regalong si Jesus bilang pag-asa at liwanag ng lahat ng tao. Hilingin sa Diyos na iayon Niya ang iyong puso sa dahilan mo ng pagdiriwang ng Pasko.ย 

โ€ข Ipanalangin na si Jesus ang maging sentro ng dahilan mo ng pagdiriwang ng Pasko, sa gitna ng iba pang mga bagay na maaari mong pagtuunan ng pansin sa kapaskuhan (hal., mga regalo, mga Christmas party).ย 

โ€ข Ipanalangin na bigyan ka ng Diyos ng tapang upang maipahayag si Cristo, ang pinakadakilang regalo, sa iyong mga kaibigan at pamilya ngayong kapaskuhan.ย