icon__search

Ang Napapanatiling Tagumpay na Kailangan Mo ay Nasa Binhi

Week 2

๐—ช๐—”๐—ฅ๐—  ๐—จ๐—ฃ

โ€ข Maituturing mo ba ang sarili mo bilang isang taong may โ€œgreen thumbโ€ o magaling mag-alaga ng mga halaman? Bakit oo o bakit hindi?

โ€ข Nang hindi lamang tumutukoy sa pera, ano sa tingin mo ang naging pinakamalaki mong investment o pinaglaanan ng puhunan? Paano ka nakinabang sa pamumuhunang ito?ย 

โ€ข Ano ang isang bagay na pinaghahandaan mo ngayon? Ano ang ilang bagay na isinakripisyo mo para dito?ย 


๐—ช๐—ข๐—ฅ๐——

โ€œ๐˜๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ต๐˜ถ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜บ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ฐ, ๐˜ฎ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ต๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฎ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ-๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช. ๐˜”๐˜ข๐˜บ ๐˜ต๐˜ข๐˜จ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช๐˜จ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฎ๐˜ข๐˜บ ๐˜ต๐˜ข๐˜จ-๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜ต, ๐˜ฎ๐˜ข๐˜บ ๐˜ต๐˜ข๐˜จ-๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฎ๐˜ข๐˜บ ๐˜ต๐˜ข๐˜จ-๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ธ, ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฎ๐˜ข๐˜บ ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ธ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฎ๐˜ข๐˜บ ๐˜จ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช.โ€ย ๐—š๐—˜๐—ก๐—˜๐—ฆ๐—œ๐—ฆ ๐Ÿด:๐Ÿฎ๐Ÿฎ


(Basahin din ang ๐—š๐—˜๐—ก๐—˜๐—ฆ๐—œ๐—ฆ ๐Ÿฒ:๐Ÿฎ๐Ÿฌ-๐Ÿฎ๐Ÿฎ.)


Nasaktan ang Diyos dahil sa kasamaan sa mundo. Si Noe at ang kanyang pamilya lamang ang nakatanggap ng pabor mula sa Diyos. Dahil dito, sinabihan Niya si Noe na gumawa ng isang malaking barko kung saan magkakasya ang dalawa sa bawat uri ng lahat ng hayop, dahil sisirain Niya ang mundo sa pamamagitan ng pagbaha. Pero bago bumaha, sinabihan din ng Diyos si Noe na magdala ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ช๐˜ฏ (Genesis 6:21). Kahit sa panahon ng paghuhusga, tiniyak na ng Diyos ang probisyon na gagamitin ni Noe para muling makapagsimula. Ang binanggit na talata ay mula sa pangako ng Diyos na hindi na Niya muling lilipulin ang mga buhay na nilalang sa lupa at hindi hihinto ang Kanyang probisyon. Tiniyak ng Diyos kay Noe na mananatili ang layunin Niya at ang walang hinto Niyang probisyon. Bagamaโ€™t ibinigay ito bilang binhi, sapat ito para mapanatili sila. Sa araw na ito, titingnan natin ang ilan sa mga katangian ng binhi na sinabi ng Diyos na dalhin at itabi ni Noe.


๐Ÿญ. ๐—”๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ถ๐—ป๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—น๐—ผ๐—ผ๐—ฏ ๐—ป๐—ด ๐——๐—ถ๐˜†๐—ผ๐˜€ ๐—ฎ๐˜† ๐—บ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐˜†๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ต๐—ฎ๐—ป.

โ€œ๐˜๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ต๐˜ถ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜บ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ฐ, ๐˜ฎ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ต๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฎ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ-๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช. ๐˜”๐˜ข๐˜บ ๐˜ต๐˜ข๐˜จ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช๐˜จ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฎ๐˜ข๐˜บ ๐˜ต๐˜ข๐˜จ-๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜ต, ๐˜ฎ๐˜ข๐˜บ ๐˜ต๐˜ข๐˜จ-๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฎ๐˜ข๐˜บ ๐˜ต๐˜ข๐˜จ-๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ธ, ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฎ๐˜ข๐˜บ ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ธ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฎ๐˜ข๐˜บ ๐˜จ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช.โ€ย ๐—š๐—˜๐—ก๐—˜๐—ฆ๐—œ๐—ฆ ๐Ÿด:๐Ÿฎ๐Ÿฎ


Ang binhi ay maliit at mukhang hindi mahalaga, pero taglay nito ang kakayahang pagdaanan ang lahat ng panahon. Sa kabila ng malulupit na mga kondisyon sa paligid nito, hindi mawawala ang kakayahan ng binhi na lumago at dumami. Tulad nito, kung tayo ay magiging mga mabuting katiwala ng binhing ibinibigay ng Diyos sa atin ngayon, magpapakita ito ng isang masaganang anihan. Maaaring tulad ni Noe, kakadaan lamang natin sa isang mahirap na sitwasyon. Ngunit may katiyakan tayong patuloy na magbibigay ng probisyon ang Diyos. Ito man ay sa anyo ng isang binhi, alam natin na sa itinakda Niyang panahon, ito ay magbubunga. Paano mo naranasan ang kapangyarihan ng binhi sa buhay mo?


๐Ÿฎ. ๐— ๐—ฎ๐˜† ๐—ฏ๐—ถ๐—ป๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฑ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜ ๐—ถ๐˜๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ.

โ€œ๐˜”๐˜ข๐˜จ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข ๐˜ณ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข ๐˜ณ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฑ.โ€ย ๐—š๐—˜๐—ก๐—˜๐—ฆ๐—œ๐—ฆ ๐Ÿฒ:๐Ÿฎ๐Ÿญ


Sinabihan ng Diyos si Noe na magdala ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ช๐˜ฏ. Ang pagdadala nito sa barko ay nangangahulugang darating ang panahong ilalabas nila itong muli para gamitin. Alam nating tinutustusan ng Diyos ang ating mga pangangailangan sa kasalukuyan, pero nagbigay na din Siya ng probisyon para sa mga pangangailangan natin sa hinaharap. May bahagi ng Kanyang probisyon na dapat nating itabi. Paano mo isinasabuhay ang prinsipyong ito?


๐Ÿฏ. ๐— ๐—ฎ๐˜† ๐—ฏ๐—ถ๐—ป๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฑ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜ ๐—ถ๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—บ.

โ€œ๐˜”๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฑ. ๐˜๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ฃ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ช๐˜ฏ, ๐˜ฌ๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜บ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฎ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ช๐˜ฏ.โ€ย ๐—š๐—˜๐—ก๐—˜๐—ฆ๐—œ๐—ฆ ๐Ÿต:๐Ÿฏ


Ang mga pananim na nilikha ng Diyos ay may kakayahang magbigay ng mga binhi at samakatuwid ay maaaring dumami. Pero hindi sila dadami kung iiwanan lamang sa isang tabi ang binhi. Kailangan nila itong itanim sa tamang lupa at bigyan ng sustansya. Ang pagtatanim ng binhi ay nangangailangan ng pagbungkal sa lupa at pagbibigay ng anumang kailangan ng binhi para tumubo. Nangangahulugan din ito ng pagtitiwala na patutubuin ito ng Diyos at magdudulot ng masaganang ani. Dahil alam ng mga magsasaka ang kahalagahan ng pagtatanim, pinipili nila ang pinakamagagandang binhi para itanim. Naniniwala sila na ang pinakamagagandang binhi ay magbubunga ng pinakamasaganang ani sa hinaharap. Ano ang sinasabi ng Kawikaan 3:9โ€“10 tungkol sa paggamit ng lahat ng ibinigay Niya sa atin sa paraang magbibigay ng karangalan sa Kanya?


Ipinangako ng Diyos na ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ต๐˜ถ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜บ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ฐ, ๐˜ฎ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ต๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฎ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ-๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช (Genesis 8:22). Ito ang paraan ng Diyos para magpatuloy ang Kanyang probisyon hanggang sa dulo ng panahon. Ang binhi ay kumakatawan sa probisyon ng Diyos para sa atin at dapat tayong maging mga tapat na katiwala sa pamamagitan ng pagtatabi at paggamit nito ayon sa prinsipyo ng Diyos at para sa pagbibigay karangalan sa Kanya


๐—”๐—ฃ๐—ฃ๐—Ÿ๐—œ๐—–๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก

โ€ข Ano ang nagiging tugon mo sa panahon ng kahirapan? Naranasan mo na bang hindi makakilos dahil sa pangamba? Hingin sa Diyos na ipakita sa iyo kung paano ka makakatugon nang may pananampalataya sa tuwing makakaranas ka ng ganitong mga sitwasyon.

โ€ข Anong mga talata sa Kasulatan ang alam mo tungkol sa probisyon ng Diyos? Isulat ang mga ito at kung ano ang sinasabi sa iyo ng Diyos sa pamamagitan ng mga talatang ito.

โ€ข Ano ang mga praktikal na bagay na ginagawa mo para makaipon at mamuhunan? Ano ang mga magagawa mo para magamit nang mabuti ang mga ibinigay sa iyo ng Diyos na pinagkukunang-yaman?


๐—ฃ๐—ฅ๐—”๐—ฌ๐—˜๐—ฅ

โ€ข Pasalamatan ang Diyos sa walang tigil Niyang probisyon para sa iyo at sa iyong pamilya. Ipanalanging magkaroon ka ng pananampalatayang umasa lamang sa Kanya sa lahat ng sitwasyon.

โ€ข Hilingin sa Diyos na gawin kang mabuting katiwala ng lahat ng ibinigay Niyang biyaya sa iyo. Hilingin sa Diyos na hubugin Niya ang pagkatao mo para hindi mo panghawakan ang anumang mayroon ka, at sa halip ay maging bukas-palad sa lahat ng sitwasyon para matupad ang Kanyang layunin para sa iyo at sa pamamagitan mo.

โ€ข Ipanalanging magkaroon ka ng pananampalataya upang magawa mong itanim ang probisyon ng Diyos sa iyong buhay, nang umaasang palalaguin Niya ang anumang itatanim mo.ย