𝗪𝗔𝗥𝗠 𝗨𝗣
• Ano ang isang bagay na ginagawa mo araw-araw pero gusto mo sana na huwag nang gawin?
• Nalagay ka na ba sa isang sitwasyon kung saan walang nagsalita para sa iyo? Ano ang nangyari? Ano ang naramdaman mo?
• Nagkaroon na ba ng pagkakataon kung kailan may gumawa para sa iyo ng isang bagay na hindi mo magagawa kung ikaw lang mag-isa? Magkwento tungkol dito.
𝗪𝗢𝗥𝗗
𝘔𝘢𝘳𝘢𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘳𝘪 𝘯𝘰𝘰𝘯, 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘬𝘢𝘱𝘢𝘨 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘵𝘢𝘺 𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘴𝘢, 𝘱𝘪𝘯𝘢𝘱𝘢𝘭𝘪𝘵𝘢𝘯 𝘴𝘪𝘺𝘢 𝘯𝘨 𝘪𝘴𝘢 𝘶𝘱𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘪𝘱𝘢𝘨𝘱𝘢𝘵𝘶𝘭𝘰𝘺 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘨𝘢𝘸𝘢𝘪𝘯 𝘯𝘪𝘭𝘢 𝘣𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘱𝘢𝘳𝘪. 𝘕𝘨𝘶𝘯𝘪𝘵 𝘴𝘪 𝘑𝘦𝘴𝘶𝘴 𝘢𝘺 𝘸𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘮𝘢𝘵𝘢𝘺𝘢𝘯, 𝘬𝘢𝘺𝘢 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘯𝘢𝘪𝘭𝘪𝘭𝘪𝘱𝘢𝘵 𝘴𝘢 𝘪𝘣𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘱𝘢𝘳𝘪 𝘯𝘪𝘺𝘢. 𝗠𝗚𝗔 𝗛𝗘𝗕𝗥𝗘𝗢 𝟳:𝟮𝟯–𝟮𝟰
(Basahin din ang 𝗠𝗚𝗔 𝗛𝗘𝗕𝗥𝗘𝗢 𝟳:𝟮𝟱-𝟮𝟴.)
Sa tradisyon ng mga Hebreo, ang mga pari ay araw-araw na naghahandog ng mga alay para sa kanilang mga kasalanan at kasunod nito ay para naman sa mga kasalanan ng mga tao. Ang mga pari ay tao lamang at ang mga alay o handog nila ay hindi perpekto kaya’t kailangan nila itong gawin araw-araw. Noong araw, ang mga pari lamang ang pwedeng pumasok sa banal na presensya ng Diyos matapos nilang gawin ang napakaraming mga ritwal ng paglilinis. Para maibalik ng Diyos ang kabanalan sa Kanyang mga mamamayan, kailangan ng isang paring walang hanggan at isang perpektong sakripisyo. Ito ang dahilan kung bakit ipinadala ng Diyos Ama ang Anak Niyang si Jesu-Cristo, Sa pamamagitan Niya ay makakabahagi tayo sa kabanalan ng Diyos.
𝟭. 𝗦𝗶 𝗝𝗲𝘀𝘂𝘀 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗲𝗿𝗽𝗲𝗸𝘁𝗼 𝗮𝘁 𝗽𝗲𝗿𝗺𝗮𝗻𝗲𝗻𝘁𝗲𝗻𝗴 𝗣𝗶𝗻𝗮𝗸𝗮𝗽𝘂𝗻𝗼𝗻𝗴-𝗦𝗮𝘀𝗲𝗿𝗱𝗼𝘁𝗲.
𝘕𝘨𝘶𝘯𝘪𝘵 𝘴𝘪 𝘑𝘦𝘴𝘶𝘴 𝘢𝘺 𝘸𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘮𝘢𝘵𝘢𝘺𝘢𝘯, 𝘬𝘢𝘺𝘢 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘯𝘢𝘪𝘭𝘪𝘭𝘪𝘱𝘢𝘵 𝘴𝘢 𝘪𝘣𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘱𝘢𝘳𝘪 𝘯𝘪𝘺𝘢. 𝘒𝘢𝘺𝘢 𝘮𝘢𝘪𝘭𝘪𝘭𝘪𝘨𝘵𝘢𝘴 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘶𝘣𝘰𝘴 𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘪𝘯𝘶𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘶𝘮𝘢𝘭𝘢𝘱𝘪𝘵 𝘴𝘢 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘮𝘢𝘮𝘢𝘨𝘪𝘵𝘢𝘯 𝘯𝘪𝘺𝘢, 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘯𝘢𝘣𝘶𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺 𝘴𝘪𝘺𝘢 𝘮𝘢𝘨𝘱𝘢𝘬𝘢𝘪𝘭𝘢𝘯𝘮𝘢𝘯 𝘶𝘱𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘮𝘢𝘨𝘪𝘵𝘢𝘯 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘪𝘭𝘢. 𝘒𝘢𝘺𝘢 𝘴𝘪 𝘑𝘦𝘴𝘶𝘴 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘶𝘯𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘳𝘪 𝘯𝘢 𝘬𝘢𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨𝘢𝘯 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯. 𝘉𝘢𝘯𝘢𝘭 𝘴𝘪𝘺𝘢, 𝘸𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘱𝘪𝘯𝘵𝘢𝘴𝘢𝘯, 𝘸𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘴𝘢𝘭𝘢𝘯𝘢𝘯, 𝘩𝘪𝘸𝘢𝘭𝘢𝘺 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘮𝘢𝘬𝘢𝘴𝘢𝘭𝘢𝘯𝘢𝘯, 𝘢𝘵 𝘪𝘵𝘪𝘯𝘢𝘢𝘴 𝘯𝘨 𝘩𝘪𝘨𝘪𝘵 𝘱𝘢 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨𝘪𝘵𝘢𝘯. 𝗠𝗚𝗔 𝗛𝗘𝗕𝗥𝗘𝗢 𝟳:𝟮𝟰–𝟮𝟲
Si Jesu-Cristo, ang Anak ng Diyos, ay 𝘣𝘢𝘯𝘢𝘭, 𝘸𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘱𝘪𝘯𝘵𝘢𝘴𝘢𝘯, at 𝘸𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘴𝘢𝘭𝘢𝘯𝘢𝘯. Siya ay nahihiwalay sa mga makasalanan. Dahil si Jesus ay namuhay nang hindi kailanman nagkasala, tinalo ang kamatayan, nabuhay muli, at umakyat sa langit, Siya ay buhay magpakailanman. Ang kawalan Niya ng kasalanan at pagiging permanente ang dahilan kung bakit karapat-dapat Siyang maging Pinakapunong-Saserdote na patuloy na nagsasalita sa Diyos Ama sa ngalan natin. Sa pamamagitan Niya, naibalik ang ugnayan natin sa Diyos. Sa palagay mo, bakit gumagawa ng paraan ang Diyos para mabigyan tayo ng isang perpekto at permanenteng pari?
𝟮. 𝗝𝗲𝘀𝘂𝘀 𝗶𝘀 𝘁𝗵𝗲 𝗽𝗲𝗿𝗳𝗲𝗰𝘁 𝘀𝗮𝗰𝗿𝗶𝗳𝗶𝗰𝗲 𝗳𝗼𝗿 𝗮𝗹𝗹.
𝘏𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘴𝘪𝘺𝘢 𝘬𝘢𝘵𝘶𝘭𝘢𝘥 𝘯𝘨 𝘪𝘣𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘶𝘯𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘳𝘪 𝘯𝘢 𝘬𝘢𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨𝘩𝘢𝘯𝘥𝘰𝘨 𝘢𝘳𝘢𝘸-𝘢𝘳𝘢𝘸 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘴𝘢𝘭𝘢𝘯𝘢𝘯 𝘯𝘪𝘺𝘢, 𝘢𝘵 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘵𝘢𝘱𝘰𝘴, 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘬𝘢𝘴𝘢𝘭𝘢𝘯𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘵𝘢𝘰. 𝘚𝘪 𝘑𝘦𝘴𝘶𝘴 𝘢𝘺 𝘮𝘪𝘯𝘴𝘢𝘯 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘨𝘩𝘢𝘯𝘥𝘰𝘨 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘭𝘢𝘩𝘢𝘵 𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘢𝘭𝘢𝘺 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘳𝘪𝘭𝘪. 𝘈𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘵𝘢𝘰 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘱𝘶𝘯𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘳𝘪 𝘢𝘺𝘰𝘯 𝘴𝘢 𝘒𝘢𝘶𝘵𝘶𝘴𝘢𝘯 𝘢𝘺 𝘮𝘢𝘺 𝘮𝘨𝘢 𝘬𝘢𝘩𝘪𝘯𝘢𝘢𝘯. 𝘕𝘨𝘶𝘯𝘪𝘵 𝘢𝘺𝘰𝘯 𝘴𝘢 𝘴𝘪𝘯𝘶𝘮𝘱𝘢𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴 𝘮𝘢𝘵𝘢𝘱𝘰𝘴 𝘮𝘢𝘪𝘣𝘪𝘨𝘢𝘺 𝘢𝘯𝘨 𝘒𝘢𝘶𝘵𝘶𝘴𝘢𝘯, 𝘪𝘵𝘪𝘯𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘈𝘯𝘢𝘬 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘱𝘶𝘯𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘳𝘪 𝘮𝘢𝘨𝘱𝘢𝘬𝘢𝘪𝘭𝘢𝘯𝘮𝘢𝘯, 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘯𝘢𝘵𝘶𝘱𝘢𝘥 𝘯𝘪𝘵𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘺𝘶𝘯𝘪𝘯 𝘯𝘨 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴. 𝗠𝗚𝗔 𝗛𝗘𝗕𝗥𝗘𝗢 𝟳:𝟮𝟳–𝟮𝟴
Dahil ang mga tao ay bumagsak at likas na makasalanan, imposibleng dumaan ang isang araw nang hindi nagkakasala ang mga ito sa kanilang isipan at kilos. Dahil dito, kailangang magbigay ang mga pari ng handog o alay araw-araw para sa kanilang mga sarili at para sa kasalanan ng mga tao. Gayunpaman, hindi naabot ng bawat alay na ginawa ng tao ang pamantayan ng kabanalan ng Diyos sa ilang paraan. Dahil walang kasalanan si Jesus, Siya ang perpektong alay na nakapagbayad nang buo sa parusang dulot ng kasalanan para sa ating lahat. Dahil dito, lahat tayong nananampalataya kay Jesus ay ganap na napatawad sa lahat ng ating kasalanan at nagkaroon ng tamang ugnayan sa Diyos. Ano ang kahalagahan ng sakripisyo ni Jesus sa paraan kung paano ka nag-iisip, nakakaramdam, at namumuhay araw-araw?
Tanging ang pari na walang hanggan at isang perpektong alay lamang ang makakapagtuwid sa ugnayan natin sa Diyos. Dahil sa pagmamahal ng Diyos para sa bawat tao, hindi Niya hinayaan na patuloy tayong mamuhay sa kasalanan at mamatay nang walang pag-asa. Ipinadala Niya ang kaisa-isa Niyang Anak upang maging perpektong alay. Si Jesus din ang pari na walang hanggang nagsasalita sa Diyos sa ngalan natin sa bawat sandali ng bawat araw. Sa pamamagitan nito, naibabalik ng Diyos ang ating kabanalan at ang tamang ugnayan natin sa Kanya. Ngayon, makakalapit tayo sa Diyos nang buo ang loob dahil alam nating si Jesus ang perpekto at permanenteng Pinunong-Saserdote.
𝗔𝗣𝗣𝗟𝗜𝗖𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡
• Kilala mo na ba si Jesus bilang tagapagtuwid ng ugnayan natin sa Diyos? Gusto mo ba Siyang tanggapin ngayon bilang Panginoon at Tagapagligtas?
• Ganap na binayaran ni Jesus ang sakripisyo para sa ating mga kasalanan at ginawa tayong banal. Paano naapektuhan ng katotohanang ito ang pakikipaglaban mo sa kasalanan?
• Dahil sa perpektong handog ni Cristo, maaari tayong mamuhay nang may kabanalan para sa ating mga sarili at para sa iba. Paano mo maibabahagi sa iba sa mga susunod na araw ang buhay mong binago ni Cristo?
𝗣𝗥𝗔𝗬𝗘𝗥
• Pasalamatan si Jesu-Cristo sa Kanyang pagiging perpektong alay para sa ating mga kasalanan. Pasalamatan Siya dahil ibinalik Niya tayo sa Diyos at sa kabanalan.
• Ipanalangin na magkaroon ka ng mas malalim na pag-unawa sa pagmamahal ng Diyos sa iyo. Hilingin na akayin ka Niya upang patuloy kang manampalataya at sumunod sa Kanya habang namumuhay ka nang may kabanalan.
• Hilingin na ipakilala ng Diyos ang Kanyang Sarili sa iyong kapamilya at mga kaibigan sa pamamagitan ng buhay mo. Ipanalangin na magkaroon ka ng mga pagkakataong maibahagi ang iyong buhay sa iba.