icon__search

Dobleng Bahagi

Week 2

𝗪𝗔𝗥𝗠 𝗨𝗣

• Kung sakaling may isang taong gagaya sa paraan kung paano mo ginagawa ang mga bagay-bagay, ano sa palagay mo ang magiging reaksyon mo dito?

• Kailan ang huling pagkakataon na pinamunuan mo ang isang grupo o aktibidad? Ano ang natuklasan mo tungkol sa iyong sarili mula sa karanasang ito?

• Naranasan mo na ba ang matiyagang pagsunod sa isang tao? Ano ang dahilan kung bakit mo sinusundan ang taong ito at ano ang naging epekto niya sa buhay mo?


𝗪𝗢𝗥𝗗

𝘕𝘢𝘯𝘨 𝘰𝘳𝘢𝘴 𝘯𝘢 𝘬𝘶𝘬𝘶𝘯𝘪𝘯 𝘯𝘢 𝘯𝘨 𝘗𝘈𝘕𝘎𝘐𝘕𝘖𝘖𝘕 𝘴𝘪 𝘌𝘭𝘪𝘢𝘴 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘥𝘢𝘭𝘩𝘪𝘯 𝘴𝘢 𝘭𝘢𝘯𝘨𝘪𝘵 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘮𝘢𝘮𝘢𝘨𝘪𝘵𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘱𝘶-𝘪𝘱𝘰, 𝘯𝘢𝘨𝘭𝘢𝘭𝘢𝘬𝘢𝘥 𝘴𝘪𝘯𝘢 𝘌𝘭𝘪𝘢𝘴 𝘢𝘵 𝘌𝘭𝘪𝘴𝘦𝘰 𝘨𝘢𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘴𝘢 𝘎𝘪𝘭𝘨𝘢𝘭. 𝘚𝘪𝘯𝘢𝘣𝘪 𝘯𝘪 𝘌𝘭𝘪𝘢𝘴 𝘬𝘢𝘺 𝘌𝘭𝘪𝘴𝘦𝘰, “𝘔𝘢𝘪𝘸𝘢𝘯 𝘬𝘢 𝘯𝘢 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘥𝘪𝘵𝘰, 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘱𝘪𝘯𝘢𝘱𝘢𝘱𝘶𝘯𝘵𝘢 𝘢𝘬𝘰 𝘯𝘨 𝘗𝘈𝘕𝘎𝘐𝘕𝘖𝘖𝘕 𝘴𝘢 𝘉𝘦𝘵𝘦𝘭.” 𝘗𝘦𝘳𝘰 𝘴𝘪𝘯𝘢𝘣𝘪 𝘯𝘪 𝘌𝘭𝘪𝘴𝘦𝘰, “𝘚𝘶𝘮𝘶𝘴𝘶𝘮𝘱𝘢 𝘢𝘬𝘰 𝘴𝘢 𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺 𝘯𝘢 𝘗𝘈𝘕𝘎𝘐𝘕𝘖𝘖𝘕 𝘢𝘵 𝘴𝘢 𝘪𝘺𝘰, 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘪𝘪𝘸𝘢𝘯.” 𝘒𝘢𝘺𝘢 𝘱𝘶𝘮𝘶𝘯𝘵𝘢 𝘴𝘪𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘉𝘦𝘵𝘦𝘭. 𝟮 𝗛𝗔𝗥𝗜 𝟮:𝟭-𝟮


(Basahin din ang 𝟮 𝗛𝗔𝗥𝗜 𝟮:𝟯-𝟭𝟱.)


Sa mga huling araw ng propetang si Elias, nagkaroon ng pagbabago sa pamunuan ng mga propeta sa Israel dahil siya’y mapapasalangit na. Ipinapakita sa atin ng talatang ito kung paano tumanggi si Eliseo, isang tagasunod ni Elias at isa ring propeta, na iwan si Elias. Sa araw na ito, tatalakayin natin kung paano naganap ang pagpasa ng pamumuno at kung paano ipinagpatuloy ng Diyos ang Kanyang gawain sa pamamagitan ng buhay ng isang taong natutulad ang alab ng puso at pagnanais sa taong nauna sa kanya.


𝟭. 𝗦𝗶 𝗘𝗹𝗶𝘀𝗲𝗼 𝗮𝘆 𝗺𝗮𝘁𝗶𝘆𝗮𝗴𝗮𝗻𝗴 𝘀𝘂𝗺𝘂𝗻𝗼𝗱 𝗸𝗮𝘆 𝗘𝗹𝗶𝗮𝘀.

𝘚𝘪𝘯𝘢𝘣𝘪 𝘯𝘪 𝘌𝘭𝘪𝘢𝘴 𝘬𝘢𝘺 𝘌𝘭𝘪𝘴𝘦𝘰, “𝘔𝘢𝘪𝘸𝘢𝘯 𝘬𝘢 𝘯𝘢 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘥𝘪𝘵𝘰, 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘱𝘪𝘯𝘢𝘱𝘢𝘱𝘶𝘯𝘵𝘢 𝘢𝘬𝘰 𝘯𝘨 𝘗𝘈𝘕𝘎𝘐𝘕𝘖𝘖𝘕 𝘴𝘢 𝘉𝘦𝘵𝘦𝘭.” 𝘗𝘦𝘳𝘰 𝘴𝘪𝘯𝘢𝘣𝘪 𝘯𝘪 𝘌𝘭𝘪𝘴𝘦𝘰, “𝘚𝘶𝘮𝘶𝘴𝘶𝘮𝘱𝘢 𝘢𝘬𝘰 𝘴𝘢 𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺 𝘯𝘢 𝘗𝘈𝘕𝘎𝘐𝘕𝘖𝘖𝘕 𝘢𝘵 𝘴𝘢 𝘪𝘺𝘰, 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘪𝘪𝘸𝘢𝘯.” 𝘒𝘢𝘺𝘢 𝘱𝘶𝘮𝘶𝘯𝘵𝘢 𝘴𝘪𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘉𝘦𝘵𝘦𝘭.  𝟮 𝗛𝗔𝗥𝗜 𝟮:𝟮


Determinado si Eliseo na ibigay ang lahat ng oras na maaari niyang ibigay para makasama ang propetang si Elias. Alam niyang patapos na ang buhay ni Elias sa mundo, kaya matiyaga niyang sinundan si Elias habang tinatapos nito ang mga natitirang ipinapagawa ng Diyos sa kanya. Nakikita natin ang kababaang-loob ni Eliseo na nagnanais matutunan ang lahat ng maaari niyang matutunan mula sa kanyang guro, at ang kanyang katapatan sa tawag ng Diyos. Ang pag-uugali ni Eliseo ay isang mabuting halimbawa para sa atin upang tayo rin ay maghangad na matuto mula sa mga taong nauna sa atin. May nakakasama ka bang taong kabilang sa naunang henerasyon? Ano ang natutunan mo mula sa kanya?


𝟮. 𝗦𝗶 𝗘𝗹𝗶𝘀𝗲𝗼 𝗮𝘆 𝗵𝗮𝗻𝗱𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗺𝘂𝗻𝗼 𝘁𝘂𝗹𝗮𝗱 𝗻𝗶 𝗘𝗹𝗶𝗮𝘀.

𝘗𝘢𝘨𝘬𝘢𝘵𝘢𝘸𝘪𝘥 𝘯𝘪𝘭𝘢, 𝘴𝘪𝘯𝘢𝘣𝘪 𝘯𝘪 𝘌𝘭𝘪𝘢𝘴 𝘬𝘢𝘺 𝘌𝘭𝘪𝘴𝘦𝘰, “𝘉𝘢𝘨𝘰 𝘢𝘬𝘰 𝘬𝘶𝘯𝘪𝘯 𝘴𝘢 𝘪𝘺𝘰, 𝘴𝘢𝘣𝘪𝘩𝘪𝘯 𝘮𝘰 𝘴𝘢 𝘢𝘬𝘪𝘯 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘨𝘶𝘴𝘵𝘰 𝘮𝘰𝘯𝘨 𝘨𝘢𝘸𝘪𝘯 𝘬𝘰 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘪𝘺𝘰.” 𝘚𝘶𝘮𝘢𝘨𝘰𝘵 𝘴𝘪 𝘌𝘭𝘪𝘴𝘦𝘰, “𝘎𝘶𝘴𝘵𝘰 𝘬𝘰𝘯𝘨 𝘪𝘱𝘢𝘮𝘢𝘯𝘢 𝘮𝘰 𝘴𝘢 𝘢𝘬𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘥𝘰𝘣𝘭𝘦𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘩𝘢𝘨𝘪 𝘯𝘨 𝘪𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘱𝘢𝘯𝘨𝘺𝘢𝘳𝘪𝘩𝘢𝘯.”  𝟮 𝗛𝗔𝗥𝗜 𝟮:𝟵


Para sa mga tao noong panahong iyon, malinaw na noong hilingin ni Eliseo ang double portion o dobleng bahagi ng espiritu ni Elias, ang ibig niyang sabihin ay dalawang bahagi ng mana na ibinibigay sa panganay o ng papel niya sa pamumuno sa pamilya. Sinasabi ni Eliseo na handa niyang akuin ang responsibilidad ni Elias. Ito ay paalala na maaari rin nating tanggapin ang anumang papel sa pamumuno na ibinibigay sa atin ng Diyos. Tayo ay dapat na maging handang ipagpatuloy ang gawain ng mga kalalakihan at kababaihang nauna sa ating sumunod sa Diyos at mas magliwanag sa atin ang pakikilahok sa misyon ng Diyos. Sa anong mga larangan ka pinagkatiwalaan ng Diyos na mamuno? Paano mo naranasan ang Kanyang presensya habang ikaw ay namumuno?


𝟯. 𝗣𝗮𝘁𝘂𝗹𝗼𝘆 𝗻𝗮 𝗸𝘂𝗺𝗶𝗸𝗶𝗹𝗼𝘀 𝗮𝗻𝗴 𝗗𝗶𝘆𝗼𝘀 𝘀𝗮 𝗶𝗯𝗮’𝘁 𝗶𝗯𝗮𝗻𝗴 𝗵𝗲𝗻𝗲𝗿𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻.

𝘏𝘪𝘯𝘢𝘮𝘱𝘢𝘴 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘶𝘣𝘪𝘨 𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘭𝘢𝘣𝘢𝘭 𝘯𝘪 𝘌𝘭𝘪𝘢𝘴 𝘢𝘵 𝘴𝘪𝘯𝘢𝘣𝘪, “𝘕𝘢𝘴𝘢𝘢𝘯 𝘯𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘗𝘈𝘕𝘎𝘐𝘕𝘖𝘖𝘕, 𝘢𝘯𝘨 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴 𝘯𝘪 𝘌𝘭𝘪𝘢𝘴?” 𝘕𝘢𝘯𝘨 𝘨𝘪𝘯𝘢𝘸𝘢 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘪𝘺𝘰𝘯, 𝘯𝘢𝘩𝘢𝘸𝘪 𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘶𝘣𝘪𝘨 𝘢𝘵 𝘵𝘶𝘮𝘢𝘸𝘪𝘥 𝘴𝘪𝘺𝘢. 𝘕𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘪𝘵𝘰 𝘯𝘨 𝘨𝘳𝘶𝘱𝘰 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘱𝘳𝘰𝘱𝘦𝘵𝘢 𝘯𝘢 𝘨𝘢𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘴𝘢 𝘑𝘦𝘳𝘪𝘤𝘰, 𝘴𝘪𝘯𝘢𝘣𝘪 𝘯𝘪𝘭𝘢, “𝘈𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘱𝘢𝘯𝘨𝘺𝘢𝘳𝘪𝘩𝘢𝘯 𝘯𝘪 𝘌𝘭𝘪𝘢𝘴 𝘢𝘺 𝘴𝘶𝘮𝘢𝘴𝘢𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢.” 𝘒𝘢𝘺𝘢 𝘴𝘪𝘯𝘢𝘭𝘶𝘣𝘰𝘯𝘨 𝘯𝘪𝘭𝘢 𝘴𝘪 𝘌𝘭𝘪𝘴𝘦𝘰 𝘢𝘵 𝘺𝘶𝘮𝘶𝘬𝘰𝘥 𝘴𝘪𝘭𝘢 𝘣𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘨𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢. 𝟮 𝗛𝗔𝗥𝗜 𝟮:𝟭𝟰-𝟭𝟱


Kinilala ng iba pang mga propeta na ang pamumuno ay nailipat na kay Eliseo mula kay Elias. Pinarangalan ng Diyos ang sigasig at pagnanais ni Eliseo sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng Kanyang Espiritu. Nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan ang katapatan ng Diyos sa pagbuo at paghahanda sa susunod na henerasyon upang matupad ang Kanyang layunin. Ito rin ay isang paanyaya sa atin upang tanggapin ang tawag ng Diyos sa ating buhay at mamuhay nang tapat sa Kanya, habang tinatawag at binibigyan tayo ng Diyos ng kakayahan. Balikan kung paano mo nakita ang pagkilos ng Diyos sa iba't ibang henerasyon.


𝗔𝗣𝗣𝗟𝗜𝗖𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡

• Mayroon bang bahagi sa buhay mo kung saan kailangan mong maging matiyaga? Isulat ang tatlong bagay na maaari mong gawin upang lumago sa bahaging ito at magtiwala na huhubugin ng Diyos ang iyong pagkatao at bibigyan ka Niya ng kakayahan upang tuparin ang ipinapagawa Niya sa iyo.

• Paano ka mas lalago bilang isang lider? Isipin ang dalawang bagay na maaari mong gawin ngayong linggo upang mas mapamunuan ang iyong sarili at ang iba. 

• Sino ang matiyaga mong sinusundan sa larangan ng Kristiyanong pamumuhay at pamumuno? Paano ka aktibong makikibahagi upang maipagpatuloy ang gawain ng Diyos sa pamamagitan ng mga taong nauna sa iyo?


𝗣𝗥𝗔𝗬𝗘𝗥

• Hilingin sa Diyos na akayin ka palapit sa isang tao na magiging halimbawa para sa iyo ng Kristiyanong pamumuhay at pamumuno. Ipanalangin na magkaroon ka ng mga pagkakataong makilahok at ipagpatuloy ang gawain ng Diyos sa pamamagitan ng mga naunang henerasyon. 

• Ipanalangin na tulad ni Eliseo, hindi ka matatakot na kumilos kapag may pangangailangan. Hilingin sa Diyos na hubugin ka bilang isang pinunong naglilingkod at hilingin ang dobleng bahagi ng Kanyang Espiritu.

• Humiling sa Diyos ng mga pagkakataon upang maibahagi ang Kanyang salita sa iba't ibang henerasyon. Ipanalangin na ihanda ka ng Diyos at panatilihin kang handang magbahagi ng Kanyang katapatan sa iyo at sa iyong pamilya.