icon__search

Iglesya

Week 6

๐—ช๐—”๐—ฅ๐—  ๐—จ๐—ฃ

โ€ข Nagkaroon ka na ba ng isang exclusive membership o pagiging bahagi ng isang grupo na para lang sa mga piling tao? Paano ka sumali o nag-apply dito? Ano ang mga benepisyo?ย 

โ€ข Mayroon bang partikular na grupo o komunidad (halimbawa: banda, sports team, book club) kung saan ka nabibilang? Sabihin kung ano ang dahilan kung bakit kayo nagsasama-sama.ย 

โ€ข Paano ka karaniwang nakikipag-ugnayan sa isang taong hindi mo gaanong gusto o hindi mo sinasang-ayunan?ย 


๐—ช๐—ข๐—ฅ๐——

๐˜’๐˜ข๐˜บ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜‘๐˜ถ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ฐ ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฅ๐˜ข๐˜บ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฐ ๐˜ต๐˜ข๐˜จ๐˜ข-๐˜ช๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ด๐˜ข, ๐˜ฌ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐™ ๐™–๐™ž๐™จ๐™– ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ญ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช๐˜ญ๐˜บ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‹๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ๐˜ด. ๐˜›๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜บ๐˜ข ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ต๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฅ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜จ๐˜ถ๐˜ด๐˜ข๐˜ญ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜ข ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™œ๐™– ๐™๐™–๐™ก๐™ž๐™œ๐™ž ๐™–๐™ฎ ๐™ข๐™œ๐™– ๐™–๐™ฅ๐™ค๐™จ๐™ฉ๐™ค๐™ก ๐™–๐™ฉ ๐™ข๐™œ๐™– ๐™ฅ๐™ง๐™ค๐™ฅ๐™š๐™ฉ๐™–, ๐˜ข๐˜ต ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ด๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ข๐˜บ ๐˜ด๐˜ช ๐˜Š๐˜ณ๐˜ช๐˜ด๐˜ต๐˜ฐ ๐˜‘๐˜ฆ๐˜ด๐˜ถ๐˜ด. ๐˜š๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ช๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ช ๐˜Š๐˜ณ๐˜ช๐˜ด๐˜ต๐˜ฐ, ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜จ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜จ๐˜ถ๐˜ด๐˜ข๐˜ญ๐˜ช ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ถ๐˜จ๐˜ฏ๐˜ข๐˜บ-๐˜ถ๐˜จ๐˜ฏ๐˜ข๐˜บ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ช๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐™—๐™–๐™ฃ๐™–๐™ก ๐™ฃ๐™– ๐™ฉ๐™š๐™ข๐™ฅ๐™ก๐™ค ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ฏ. ๐˜ˆ๐˜ต ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช๐˜ญ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ ๐˜Š๐˜ณ๐˜ช๐˜ด๐˜ต๐˜ฐ, ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜จ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ณ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜จ๐˜ถ๐˜ด๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ, ๐˜ฌ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‹๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ๐˜ด ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ช๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜Œ๐˜ด๐˜ฑ๐˜ช๐˜ณ๐˜ช๐˜ต๐˜ถ. ๐— ๐—š๐—” ๐—ง๐—”๐—š๐—”-๐—˜๐—™๐—˜๐—ฆ๐—ข ๐Ÿฎ:๐Ÿญ๐Ÿตโ€“๐Ÿฎ๐Ÿฎ


(Basahin din ang ๐— ๐—š๐—” ๐—ง๐—”๐—š๐—”-๐—˜๐—™๐—˜๐—ฆ๐—ข ๐Ÿฎ:๐Ÿญ๐Ÿญ-๐Ÿญ๐Ÿด.)


Tuwing naririnig natin ang salitang โ€œiglesya,โ€ karaniwan nating naiisip ang mga templo, gusali, o lugar kung saan pumupunta ang mga tao upang manalangin at sumamba. Ngunit sa Bibliya, hindi ganito ang paggamit sa salitang ito. Ang salitang โ€œiglesyaโ€ ay galing sa salitang Griyego na ang ibig sabihin ay โ€œang mga tinawag.โ€ Noong panahon ni Jesus, ang pangunahing paggamit sa salitang ito ay hindi panrelihiyon kundi politikal. Ang tinutukoy ng salitang ito ay isang grupo ng taong tinawag at pinalabas ng kanilang mga tahanan o lugar ng pinagtatrabahuhan upang pag-usapan ang mga bagay na mahalaga sa publiko. Mula sa ganitong pakahulugan, pinili ni Jesus na gamitin ang salitang ito para ilarawan ang Kanyang mamamayan. Bilang bahagi ng ating lokal na iglesya, lahat ng mananampalataya ay nabibilang sa katawan ni Cristo. Ito ang Iglesya. Sa araling ito, pag-aaralan natin ang tatlong katangian ng Iglesya at kung paano hinuhubog ng Diyos ang Kanyang espiritwal na pamilya.ย 


๐Ÿญ. ๐—”๐—ป๐—ด ๐—œ๐—ด๐—น๐—ฒ๐˜€๐˜†๐—ฎ ๐—ฎ๐˜† ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—น.

๐˜š๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ช๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ช ๐˜Š๐˜ณ๐˜ช๐˜ด๐˜ต๐˜ฐ, ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜จ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜จ๐˜ถ๐˜ด๐˜ข๐˜ญ๐˜ช ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ถ๐˜จ๐˜ฏ๐˜ข๐˜บ-๐˜ถ๐˜จ๐˜ฏ๐˜ข๐˜บ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ช๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐™—๐™–๐™ฃ๐™–๐™ก ๐™ฃ๐™– ๐™ฉ๐™š๐™ข๐™ฅ๐™ก๐™ค ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ฏ. ๐˜ˆ๐˜ต ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช๐˜ญ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ ๐˜Š๐˜ณ๐˜ช๐˜ด๐˜ต๐˜ฐ, ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜จ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ณ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜จ๐˜ถ๐˜ด๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ, ๐˜ฌ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‹๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ๐˜ด ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ช๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜Œ๐˜ด๐˜ฑ๐˜ช๐˜ณ๐˜ช๐˜ต๐˜ถ. ๐— ๐—š๐—” ๐—ง๐—”๐—š๐—”-๐—˜๐—™๐—˜๐—ฆ๐—ข ๐Ÿฎ:๐Ÿฎ๐Ÿญโ€“๐Ÿฎ๐Ÿฎ


(Basahin din ang ๐Ÿญ ๐—ฃ๐—˜๐——๐—ฅ๐—ข ๐Ÿฎ:๐Ÿต.)


Ang ibig sabihin ng โ€œbanalโ€ ay โ€œpagiging ibinukod.โ€ Nangangahulugan ito na ang Iglesya ay isang grupo ng mga taong tinawag ng Diyos mula sa mundo upang maging Kanya at maibukod para sa Kanyang layunin. Bilang mga banal na mamamayan, tinawag ang Iglesya para sa isang banal na buhay upang ipakita sa mundo kung sino ang Diyos sa pamamagitan ng kanilang pamumuhay. Ipinapakita rin sa atin ng Bibliya na hindi na nananahan ang Diyos sa mga pisikal na gusali kundi kapiling at sa loob ng Kanyang temploโ€”ang Kanyang mga banal na mamamayan. Paano nito naaapektuhan ang pananaw mo sa iyong sarili at ang paraan mo ng pamumuhay?


๐Ÿฎ. ๐—”๐—ป๐—ด ๐—œ๐—ด๐—น๐—ฒ๐˜€๐˜†๐—ฎ ๐—ฎ๐˜† ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—น๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ป.

๐˜’๐˜ข๐˜บ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜‘๐˜ถ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ฐ ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฅ๐˜ข๐˜บ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฐ ๐˜ต๐˜ข๐˜จ๐˜ข-๐˜ช๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ด๐˜ข, ๐˜ฌ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐™ ๐™–๐™ž๐™จ๐™– ๐™ฃ๐™– ๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™œ๐™– ๐™ฅ๐™ž๐™ฃ๐™–๐™—๐™–๐™ฃ๐™–๐™ก ๐™–๐™ฉ ๐™ ๐™–๐™—๐™ž๐™ก๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™จ๐™– ๐™ฅ๐™–๐™ข๐™ž๐™ก๐™ฎ๐™– ๐™ฃ๐™œ ๐˜ฟ๐™ž๐™ฎ๐™ค๐™จ. ๐— ๐—š๐—” ๐—ง๐—”๐—š๐—”-๐—˜๐—™๐—˜๐—ฆ๐—ข ๐Ÿฎ:๐Ÿญ๐Ÿต


(Basahin din ang ๐— ๐—š๐—” ๐—ง๐—”๐—š๐—”-๐—˜๐—™๐—˜๐—ฆ๐—ข ๐Ÿฎ:๐Ÿญ๐Ÿณโ€“๐Ÿญ๐Ÿด at ๐— ๐—š๐—” ๐—ง๐—”๐—š๐—”-๐—š๐—”๐—Ÿ๐—”๐—–๐—œ๐—” ๐Ÿฏ:๐Ÿฎ๐Ÿด)


Sa Bibliya, ang salitang โ€œiglesyaโ€ ay maaaring tumutukoy sa isang grupo ng tao sa isang partikular na panahon at lugar. Gayunpaman, maaari ring tinutukoy nito ang isang buong komunidad ng mga mananampalataya sa lahat ng lugar at sa lahat ng panahon. Ang Iglesya ay iisa o panglahatan, dahil hindi ito nalilimitahan ng lahi, kasarian, edad, katayuan sa lipunan, denominasyon, lugar, at panahon. Ang lahat ng mga tunay na mananampalataya, ang mga nabubuhay sa lupa at ang mga naroon sa langit, ay espiritwal na nagsasama-sama at pinag-isa, at naging bahagi ng isang katawan, ang Iglesya. Ano ang ibig sabihin ng katotohanang ito sa paraan ng pakikitungo mo sa iyong kapwa Kristiyano sa iyong lokal na iglesya at sa ibang iglesyang naniniwala sa ebanghelyo?


๐Ÿฏ. ๐—”๐—ป๐—ด ๐—œ๐—ด๐—น๐—ฒ๐˜€๐˜†๐—ฎ ๐—ฎ๐˜† ๐—ฎ๐—ฝ๐—ผ๐˜€๐˜๐—ผ๐—น๐—ถ๐—ธ๐—ผ.

๐˜’๐˜ข๐˜บ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜‘๐˜ถ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ฐ ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฅ๐˜ข๐˜บ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฐ ๐˜ต๐˜ข๐˜จ๐˜ข-๐˜ช๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ด๐˜ข, ๐˜ฌ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ช๐˜ด๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ญ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช๐˜ญ๐˜บ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‹๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ๐˜ด. ๐˜›๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜บ๐˜ข ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ต๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฅ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜จ๐˜ถ๐˜ด๐˜ข๐˜ญ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜ข ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™œ๐™– ๐™๐™–๐™ก๐™ž๐™œ๐™ž ๐™–๐™ฎ ๐™ข๐™œ๐™– ๐™–๐™ฅ๐™ค๐™จ๐™ฉ๐™ค๐™ก ๐™–๐™ฉ ๐™ข๐™œ๐™– ๐™ฅ๐™ง๐™ค๐™ฅ๐™š๐™ฉ๐™–, ๐˜ข๐˜ต ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ด๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ข๐˜บ ๐˜ด๐˜ช ๐˜Š๐˜ณ๐˜ช๐˜ด๐˜ต๐˜ฐ ๐˜‘๐˜ฆ๐˜ด๐˜ถ๐˜ด. ๐— ๐—š๐—” ๐—ง๐—”๐—š๐—”-๐—˜๐—™๐—˜๐—ฆ๐—ข ๐Ÿฎ:๐Ÿญ๐Ÿต-๐Ÿฎ๐Ÿฌ


(Basahin din ang ๐— ๐—š๐—” ๐—š๐—”๐—ช๐—” ๐Ÿฎ:๐Ÿฐ๐Ÿฎโ€“๐Ÿฐ๐Ÿฏ.)


Ang mga apostol ang mga unang taong pinadala ni Jesus upang maging kinatawan at patotoo kung sino Siya. Bukod sa kanila, mayroon pang iba tulad ni Matias, na pumalit kay Judas Iscariote, at Pablo, ang apostol sa mga hindi Judio. Ibig sabihin ng pagiging apostoliko ng Iglesya ay ang mga katuruan at gawi nito ay itinatag mula sa patotoo at aral ng mga apostol, na nakatala at pinapanatili sa Bagong Tipan. Mababasa din sa Bibliya ang mga isinulat ng mga propeta sa Lumang Tipan, na pundasyon ng pananampalatayang natanggap natin. Bakit mahalaga na tama ang mga katuruang galing sa Bibliya na natatanggap ng bawat mananampalataya? Ano ang mangyayari kung hindi tama ang matatanggap nila?


Sa huli, si Jesus ang Ulo ng Iglesya at ang pangunahing bato ng pundasyon nito. Siya ang humahawak at nagpapanatili sa pagsasama-sama ng Iglesya at patuloy itong lalago. Ibinigay Niya ang Kanyang buhay para sa Iglesya at patuloy Niyang lilinisin at ihahanda ang Kanyang Iglesya para sa Kanyang sarili. Si Jesus ang nagtatayo ng Kanyang Iglesya at sa huli ay magtatagumpay ito laban sa mga puwersa ng kamatayan at kadiliman (Mateo 16:18).ย 


๐—”๐—ฃ๐—ฃ๐—Ÿ๐—œ๐—–๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก

โ€ข Bahagi ka ba ng isang komunidad ng mga mananampalataya? Sa anong mga paraan ka aktibong makikipag-ugnayan at makikilahok sa panglahatang Iglesya ng Diyos?ย 

โ€ข Paano makikita ang pagiging banal at ibinukod ng Iglesya? Paano ka makikibahagi sa pagiging banal na mamamayan at templo ng Diyos?

โ€ข Paano ka mas lalago sa iyong kaalaman at pagkaunawa sa mga katuruan mula sa Bibliya? Sino ang matutulungan mo sa kanyang pamumuhay sa piling ng Diyos at ng iba pang mananampalataya?


๐—ฃ๐—ฅ๐—”๐—ฌ๐—˜๐—ฅ

โ€ข Pasalamatan ang Diyos dahil ginawa ka Niyang bahagi ng Kanyang Iglesya, ibinukod para sa Kanyang sarili at para sa Kanyang layunin.ย 

โ€ข Hilingin sa Diyos na bigyan ka ng biyaya habang pinakikitunguhan mo ang iyong kapwa mananampalataya, para mapanatili ang pagkakaisa sa Espiritu sa pamamagitan ng mapayapa ninyong pagsasamahan.ย 

โ€ข Ipanalangin na palakasin ng Diyos ang Iglesya at ang sarili mong espiritwal na pamilya habang sama-sama kayong namumuhay at nagpapatuloy ng Kanyang misyon.ย