๐ช๐๐ฅ๐ ๐จ๐ฃ
โข Sabihin ang pangalan ng taong hindi maaaring hindi mo makita sa loob ng isang linggo. Bakit espesyal ang taong ito para sa iyo?ย
โข Mas gusto mo ba ang nananatili sa bahay o mas gusto mo ang lumalabas kasama ang mga kaibigan mo? Ano ang mga bagay na isinasaalang-alang mo kapag pumipili ka kung ano sa dalawang ito ang gagawin mo?ย
โข Kanino ka humihingi ng payo? Bakit mo pinagkakatiwalaan ang taong ito?ย
๐ช๐ข๐ฅ๐
๐๐ต ๐ด๐ช๐ฌ๐ข๐ฑ๐ช๐ฏ ๐ฏ๐ข๐ต๐ช๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ฉ๐ช๐ฌ๐ข๐บ๐ข๐ต ๐ข๐ฏ๐จ ๐ช๐ด๐ขสผ๐ต ๐ช๐ด๐ข ๐ด๐ข ๐ฑ๐ข๐จ๐ฎ๐ข๐ฎ๐ข๐ฉ๐ข๐ญ๐ข๐ฏ ๐ข๐ต ๐ด๐ข ๐ฑ๐ข๐จ๐จ๐ข๐ธ๐ข ๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฃ๐ถ๐ต๐ช๐ฉ๐ข๐ฏ. ๐๐ถ๐ธ๐ข๐จ ๐ฏ๐ข๐ต๐ช๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐ฃ๐ข๐ฃ๐ข๐บ๐ข๐ข๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฑ๐ข๐จ๐ต๐ช๐ต๐ช๐ฑ๐ฐ๐ฏ ๐ฏ๐ข๐ต๐ช๐ฏ ๐จ๐ข๐บ๐ข ๐ฏ๐จ ๐ฏ๐ข๐ฌ๐ข๐ถ๐จ๐ข๐ญ๐ช๐ข๐ฏ ๐ฏ๐ข ๐ฏ๐จ ๐ช๐ญ๐ข๐ฏ. ๐๐ข ๐ฉ๐ข๐ญ๐ช๐ฑ, ๐ฑ๐ข๐ญ๐ข๐ฌ๐ข๐ด๐ช๐ฏ ๐ฏ๐ข๐ต๐ช๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ญ๐ฐ๐ฐ๐ฃ ๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ข๐ธ๐ข๐ต ๐ช๐ด๐ข, ๐ญ๐ข๐ญ๐ฐ ๐ฏ๐ข ๐ฏ๐จ๐ข๐บ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฏ๐ข๐ญ๐ข๐ญ๐ข๐ฑ๐ช๐ต ๐ฏ๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฉ๐ถ๐ญ๐ช๐ฏ๐จ ๐ข๐ณ๐ข๐ธ. ๐ ๐๐ ๐๐๐๐ฅ๐๐ข๐ญ๐ฌ:๐ฎ๐ฐ-๐ฎ๐ฑย
(Basahin din ang ๐ ๐๐ ๐๐๐๐ฅ๐๐ข ๐ญ๐ฌ:๐ญ๐ต-๐ฎ๐ฏ)
Bagamaโt nagpatuloy sa paglago ang sinaunang iglesya, hindi ito nangyari nang walang mga pagsubok. Naging mahirap ang pagtitipon-tipon dahil sa mga banta ng pag-uusig, kabilang na din ang kanilang mga personal na pagkakaiba-iba. Ngunit ayon sa disenyo ng Diyos sa iglesya, hinimok nila ang mga disipulo na laging magkita-kita nang personal, at sama-samang ipamuhay ang ebanghelyo. Maging sa kasalukuyan, sa lahat ng mga kawalang katiyakan at sa mga pagsubok na kinakaharap natin, hindi itinakda ng Diyos na mamuhay tayo nang mag-isa o kaya ay gawin ang Kanyang misyon nang mag-isa. Kasama ang mga kapwa natin mananampalataya, maaari tayong maging ang Iglesya dahil sama-sama tayong binubuo ni Jesus. Sa araling ito, tingnan natin kung paano tayo makakapagpatuloy sa pagiging Iglesya ng Diyos nang sama-sama.ย
๐ญ. ๐ฆ๐ถ๐ธ๐ฎ๐ฝ๐ถ๐ป ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ต๐ถ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ถ๐๐ฎสผ๐ ๐ถ๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐บ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐น๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ด๐ฎ๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ฏ๐๐๐ถ๐ต๐ฎ๐ป.
๐๐ต ๐จ๐๐ ๐๐ฅ๐๐ฃ ๐ฃ๐๐ฉ๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐๐๐ ๐๐ฎ๐๐ฉ ๐๐ฃ๐ ๐๐จ๐สผ๐ฉ ๐๐จ๐ ๐ด๐ข ๐ฑ๐ข๐จ๐ฎ๐ข๐ฎ๐ข๐ฉ๐ข๐ญ๐ข๐ฏ ๐ข๐ต ๐ด๐ข ๐ฑ๐ข๐จ๐จ๐ข๐ธ๐ข ๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฃ๐ถ๐ต๐ช๐ฉ๐ข๐ฏย ๐ ๐๐ ๐๐๐๐ฅ๐๐ข ๐ญ๐ฌ:๐ฎ๐ฐ
Kapag nagmamalasakit tayo sa isang tao, ang pagbibigay ng mga pagpuna na makakatulong sa kanya ay kasinghalaga ng positibong reaksyon. Kung minsan, tulad ng mga espuwela, o ang kasangkapang may tulis na ikinakabit sa sakong ng bota at ginagamit para patakbuhin ang sinasakyang kabayo, ang mga pagpuna ay maaaring hindi komportable o masakit. Ang mga disipulo ay hinikayat na pasiglahin ang isa't isa, tungo sa pagmamahal at mabubuting gawa. Kabilang dito ang paghamon at pagwawasto sa isa't isa upang matiyak na ang lahat ng kanilang sinasabi at ginagawa ay nagpapakita ng pagmamahal ng Diyos. Ang pagmamahal sa iba ay maaaring mangahulugan ng pagsasabi sa kanila ng kailangan nilang marinig at pag-akay sa kanila tungo kay Cristo. Ang paraan ng paghikayat natin sa iba ay mahalaga. Habang nagpapatuloy tayo sa pagiging asin at liwanag, ang layunin natin ay hindi ang manakit kundi ang hikayatin ang iba sa kanilang paglalakbay sa pananampalataya. Paano ka hinamon o itinuwid ng isang tao sa paraang nagpapakita ng liwanag ng pag-ibig ng Diyos?
๐ฎ. ๐๐๐๐ฎ๐ด ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐๐ถ๐๐ถ๐ฝ๐ผ๐ป ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐ป.
๐๐ช๐ฌ๐๐ ๐ฃ๐๐ฉ๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐๐๐๐๐ฎ๐๐๐ฃ ๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐ฅ๐๐๐ฉ๐๐ฉ๐๐ฅ๐ค๐ฃ ๐ฃ๐๐ฉ๐๐ฃ ๐จ๐ข๐บ๐ข ๐ฏ๐จ ๐ฏ๐ข๐ฌ๐ข๐ถ๐จ๐ข๐ญ๐ช๐ข๐ฏ ๐ฏ๐ข ๐ฏ๐จ ๐ช๐ญ๐ข๐ฏ. ๐๐ข ๐ฉ๐ข๐ญ๐ช๐ฑ, ๐ฑ๐ข๐ญ๐ข๐ฌ๐ข๐ด๐ช๐ฏ ๐ฏ๐ข๐ต๐ช๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ญ๐ฐ๐ฐ๐ฃ ๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ข๐ธ๐ข๐ต ๐ช๐ด๐ข, ๐ญ๐ข๐ญ๐ฐ ๐ฏ๐ข ๐ฏ๐จ๐ข๐บ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฏ๐ข๐ญ๐ข๐ญ๐ข๐ฑ๐ช๐ต ๐ฏ๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฉ๐ถ๐ญ๐ช๐ฏ๐จ ๐ข๐ณ๐ข๐ธ.ย ย ๐ ๐๐ ๐๐๐๐ฅ๐๐ข ๐ญ๐ฌ:๐ฎ๐ฑ
Salamat sa teknolohiya at nagkaroon tayo ng maraming paraan para makipag-ugnayan sa isaโt isa. Gayunpaman, ang pisikal na pagkikita-kita ay may isang pakinabang na mahalaga para sa interaksyon ng taoโang pagiging ganap na naroroon. Kapag nagkikita-kita tayo online, madaling mawala ang atensyon natin sa sinumang kausap natin. Isipin mo na lamang kung kailangan mong magbigay ng payo sa isang tao habang may iba kang ginagawa. Mahahati ang atensyon mo at maaaring hindi mo mapansin kung ano ang ginagawa ng Diyos. Dahil dito, mahalaga na tayo, bilang isang iglesya, ay pisikal na nagtitipon-tipon. Kapag nagkikita tayo nang harapan, magkakasama nating ikinasisiya ang presensya ng Diyos. Ano ang ilang bagay na pinahahalagahan mo sa mga pisikal na pagtitipon-tipon na hindi mo nagagawa online?
๐ฏ. ๐ฃ๐ฎ๐น๐ฎ๐ธ๐ฎ๐๐ถ๐ป ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐น๐ผ๐ผ๐ฏ ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ ๐ถ๐๐ฎ.
๐๐ถ๐ธ๐ข๐จ ๐ฏ๐ข๐ต๐ช๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐ฃ๐ข๐ฃ๐ข๐บ๐ข๐ข๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฑ๐ข๐จ๐ต๐ช๐ต๐ช๐ฑ๐ฐ๐ฏ ๐ฏ๐ข๐ต๐ช๐ฏ ๐จ๐ข๐บ๐ข ๐ฏ๐จ ๐ฏ๐ข๐ฌ๐ข๐ถ๐จ๐ข๐ญ๐ช๐ข๐ฏ ๐ฏ๐ข ๐ฏ๐จ ๐ช๐ญ๐ข๐ฏ. ๐๐ข ๐ฉ๐ข๐ญ๐ช๐ฑ, ๐ฅ๐๐ก๐๐ ๐๐จ๐๐ฃ ๐ฃ๐๐ฉ๐๐ฃ ๐๐ฃ๐ ๐ก๐ค๐ค๐ ๐ฃ๐ ๐๐๐ฌ๐๐ฉ ๐๐จ๐, ๐ญ๐ข๐ญ๐ฐ ๐ฏ๐ข ๐ฏ๐จ๐ข๐บ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฏ๐ข๐ญ๐ข๐ญ๐ข๐ฑ๐ช๐ต ๐ฏ๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฉ๐ถ๐ญ๐ช๐ฏ๐จ ๐ข๐ณ๐ข๐ธ.ย ๐ ๐๐ ๐๐๐๐ฅ๐๐ข ๐ญ๐ฌ:๐ฎ๐ฑ
Ang pisikal na pagtitipon ay nakakatulong sa atin na palakasin ang loob ng isa't isa habang matiyaga nating hinihintay ang pagbabalik ni Cristo. Bagamaโt maaari tayong humarap sa mga pagsubok, malalagpasan natin ang mga ito nang sama-sama habang patuloy nating ipinamumuhay ang pagiging tulad ni Cristo gaya ng dinisenyo ng Diyos para sa atin. Bahagi ng buhay na ito ang pagtitipon-tipon kasama ang iba pang mga mananampalataya at ang pagpapatatag sa isaโt isa. Isipin ang isang pagkakataon na nakatanggap o nagbigay ka ng lakas ng loob sa isang tao. Paano ito nakatulong sa iyong paglago?
๐๐ฃ๐ฃ๐๐๐๐๐ง๐๐ข๐ก
โข Nahihirapan ka bang sabihin sa iba ang kailangan nilang marinig? Sa anong mga paraan mo ito malalampasan at matitiyak na ginagawa mo ito nang may pagmamahal?
โข Paano ka natulungan ng isang tao sa iyong iglesya o espiritwal na pamilya na mapagtagumpayan ang mga pagsubok o kaisipan na maaaring maging hadlang sa pagpapatuloy mo sa pagtatatag ng kaharian ng Diyos kasama nila? Paano mo ito patuloy na haharapin ayon sa natutunan mo sa salita ng Diyos ngayong araw?ย
โข Isipin ang isa o dalawang tao na nangangailangan ng lakas ng loob. Paano ka magiging isang mapagmahal na halimbawa ni Cristo sa kanila ngayong linggo?ย
๐ฃ๐ฅ๐๐ฌ๐๐ฅ
โข Pasalamatan ang Diyos sa pagpapadala Niya kay Jesus, ang tagapagtayo at pundasyong bato ng Iglesya, at sa mga taong nagmamahal sa iyo at tumutulong sa iyong paglago. Hilingin sa Diyos na panatilihing bukas ang iyong puso at isipan upang makatanggap ka ng pagwawasto mula sa mga taong ito.
โข Ipanalangin na akayin ka ng Diyos upang mas higit mong pahalagahan ang pakikipag-ugnayan sa mga kapwa mo mananampalataya, lalo na ang mga pisikal na pagtitipon-tipon.ย
โข Ipanalangin ang isang taong kailangang makarinig tungkol sa pag-ibig ng Diyos ngayon. Hilingin sa Diyos na palakasin at samahan sila sa oras ng kahirapan.