icon__search

Ang Salita na Nagkatawang-Tao

Week 1

๐—ช๐—”๐—ฅ๐— -๐—จ๐—ฃ
โ€ข Anong kasanayan o libangan (๐˜ฉ๐˜ฐ๐˜ฃ๐˜ฃ๐˜บ) ang gusto mong matutunan o gawin? Bakit?
โ€ข Magkuwento tungkol sa isa o dalawang tao na hinahangaan mo at gusto mong mas makilala.
โ€ข Ano ang pakiramdam mo kapag may nakikilala kang tao sa unang pagkakataon? Paano ito naiiba sa susunod na pagkakataong magkita ulit kayo?


๐—ช๐—ข๐—ฅ๐——
๐˜•๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ด๐˜ช๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข, ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜š๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ต๐˜ข. ๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜š๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ต๐˜ข ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‹๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ๐˜ด ๐˜ข๐˜ต ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜š๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ต๐˜ข ๐˜ข๐˜บ ๐˜‹๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ๐˜ด. ๐˜š๐˜ข ๐˜ด๐˜ช๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ขสผ๐˜บ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ด๐˜ช๐˜บ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‹๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ๐˜ด. ๐—๐—จ๐—”๐—ก ๐Ÿญ:๐Ÿญโ€“๐Ÿฎ

(Basahin din ang ๐—๐—จ๐—”๐—ก ๐Ÿญ:๐Ÿฏโ€“๐Ÿฑ, ๐Ÿตโ€“๐Ÿญ๐Ÿฐ, ๐Ÿญ๐Ÿฒโ€“๐Ÿญ๐Ÿด.)

Sa pamumuhay natin nang may pananampalataya, maraming beses na nagkakaroon tayo ng maling hinala sa kung sino ang Diyos. Minsan, nararamdaman natin na malayo sa atin ang Diyos dahil sa maling pagkakaunawa natin sa Kanya. Sa dami ng maaari nating gawin upang makalapit sa Diyos, iniisip natin kung ano ang pinakamabuting gawin. Sa kabila ng lahat ng ito, ang Diyos ay kasama natin at madali lang tayong makakalapit sa Kanya sa pamamagitan ni Jesusโ€”ang Kanyang Salita na nagkatawang-tao. Sa araw na ito, titingnan natin kung paano ninanais ni Jesusโ€”ang buhay na Salita ng Diyosโ€”na makipag-ugnayan sa atin sa pamamagitan ng pagtubos na ginawa Niya.


๐Ÿญ. ๐—ฆ๐—ถ ๐—๐—ฒ๐˜€๐˜‚๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐˜๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐——๐—ถ๐˜†๐—ผ๐˜€ ๐—ป๐—ฎ ๐—น๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—ฝ๐—ถ๐˜ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป.
๐˜•๐˜ข๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ-๐˜ต๐˜ข๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜š๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ต๐˜ข ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ. ๐˜•๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ต๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜บ๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ช๐˜ด๐˜ข-๐˜ช๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ˆ๐˜ฎ๐˜ข. ๐˜—๐˜ถ๐˜ด๐˜ฑ๐˜ฐ๐˜ด ๐˜ด๐˜ช๐˜บ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ช๐˜บ๐˜ข๐˜บ๐˜ข ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ต๐˜ฐ๐˜ต๐˜ฐ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜ช๐˜บ๐˜ข. ๐—๐—จ๐—”๐—ก ๐Ÿญ:๐Ÿญ๐Ÿฐ

Si Jesus, ang Salita ng Diyos na nagkatawang-tao, ay isang patunay ng pagnanais ng Diyos na magkaroon ng malalim na ugnayan sa atin. Sa loob ng maraming taon, kinailangan ng mga Israelita na sumunod sa mahigpit na mga kaugalian bago sila makalapit sa presensya ng Diyos. Tanging ang Punong Pari lamang ang nakakapasok sa Banal na Lugar sa Tabernakulo ng Templo. Nang dumating na ang takdang panahon, si Jesus ay naging isang ganap na tao na maaaring makilala ng kahit na sino. Sinasalubong Niya tayo kung nasaan man tayo, kahit ano pa ang kalagayan natin sa buhay. Mas malapit pa Siya sa atin kaysa sa inaakala natin. Nakaranas ka na ba ng panahong ang pakiramdam mo ay malayo ka sa Diyos, ngunit natuklasan mong malapit lang pala Siya sa iyo? Ano ang nangyari?

๐Ÿฎ. ๐—ฆ๐—ถ ๐—๐—ฒ๐˜€๐˜‚๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐˜๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐——๐—ถ๐˜†๐—ผ๐˜€ ๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—”๐—บ๐—ฎ.
๐˜ž๐˜ข๐˜ญ๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ต๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜‹๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ๐˜ด ๐˜ˆ๐˜ฎ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช๐˜ต ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ, ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ต ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข ๐˜ด๐˜ช๐˜บ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‰๐˜ถ๐˜จ๐˜ต๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ, ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜‹๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ๐˜ด ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ˆ๐˜ฎ๐˜ข. ๐—๐—จ๐—”๐—ก ๐Ÿญ:๐Ÿญ๐Ÿด

Nang pumarito si Jesus sa mundo, marami ang hindi nakakilala sa Kanya. Inisip ng iba na Siya ay isang tagapagturo na may karunungan, samantalang ang iba ay nakita Siya bilang isang banta sa pulitika. Naunawaan lamang ng mga tao kung sino Siya nang makatanggap sila ng personal na kapahayagan tungkol dito. Ang isa sa mga dahilan kung bakit pumarito si Jesus sa mundo ay ang ipakilala ang Diyos sa mga tao. Bilang pangalawang persona sa ๐˜›๐˜ณ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜ต๐˜บ, Siya ang perpektong kapahayagan ng Diyos. Sa pamamagitan ng paniniwala at pagtanggap dito, nagagawa nating sumunod sa Kanya at mas nakikilala natin Siya. Nagagawa natin ito sa pamamagitan ng pagbabasa, pangangaral, at pagsasapamuhay ng Salita ng Diyos. Sa katunayan, ang buong Bibliya ay isang tala ng buhay at mga katuruan ni Jesus. Bilang isang mananampalataya, paano mo nakilala ang Diyos at ano ang natutunan mo tungkol sa Kanya?

๐Ÿฏ. ๐—ฆ๐—ถ ๐—๐—ฒ๐˜€๐˜‚๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐˜๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐——๐—ถ๐˜†๐—ผ๐˜€ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐˜€๐˜๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐˜† ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ฎ๐—ฝ.
๐˜•๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ช๐˜บ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ฐ. ๐˜ˆ๐˜ต ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช๐˜ต ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ฉ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ช๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜บ๐˜ข, ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ด๐˜ช๐˜บ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ฐ. ๐˜—๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ข ๐˜ด๐˜ช๐˜บ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ด๐˜ข๐˜ณ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜ช๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ, ๐˜ฑ๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ฐ ๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜จ๐˜ช๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ด๐˜ช๐˜บ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ. ๐˜•๐˜จ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ต ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜จ๐˜ข๐˜ฑ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ด๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜บ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ๐˜บ๐˜ข ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜จ๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜บ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‹๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ๐˜ด. ๐—๐—จ๐—”๐—ก ๐Ÿญ:๐Ÿญ๐Ÿฌโ€“๐Ÿญ๐Ÿฎ

Sa Kanyang pagmiministeryo, tinawag ni Jesus ang ilang tao upang sumunod sa Kanya at maging mga disipulo Niya. Tinalikuran ng ilan sa kanila ang dati nilang pamumuhay dahil personal nilang nakilala ang Diyos. Sa pamumuhay ng mga disipulo kasama ni Jesus, mas nakilala nila Siya sa sarili nilang pamamaraan. Tulad nito, tayo ay inaanyayahan ni Jesus na magkaroon ng ugnayan sa Kanya, hindi lamang bilang Kanyang mga disipulo kundi bilang Kanyang mga kapatidโ€”bilang mga anak ng Diyos. Nang tanggapin natin si Jesus, sa pamamagitan ng paniniwala sa Kanya, nabigyan tayo ng karapatan na maging mga anak ng Diyos. Lumalago tayo sa ating ugnayan sa Kanya habang patuloy nating tinatanggap ang Kanyang salita. Ayon sa Mga Taga-Roma 8:16โ€“17, sino tayo para sa Diyos?


๐—”๐—ฃ๐—ฃ๐—Ÿ๐—œ๐—–๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก
โ€ข Ang bawat araw ay isang pagkakataon upang magkaroon ng mas malalim na ugnayan kay Jesus. Ano ang isang bagay na maaari mong ibahin simula sa araw na ito upang mas makilala mo Siya?
โ€ข May mga pagkakataon ba sa buhay mo na hindi mo naintindihan ang Diyos o kaya ay naramdaman mo na malayo Siya sa iyo? Hilingin sa Diyos na mas ipakita sa iyo kung sino Siya at ipaalala sa iyo na lagi mo Siyang kasama.
โ€ข Isipin ang isang tao na malapit sa iyo na wala pang personal na ugnayan kay Jesus. Paano ka magiging isang buhay na patotoo ng salita sa taong ito at paano mo siya maaakay palapit kay Jesus?


๐—ฃ๐—ฅ๐—”๐—ฌ๐—˜๐—ฅ
โ€ข Pasalamatan ang Diyos sa pagpapadala kay Jesus bilang tao upang maging katuparan ng Kanyang salita. Pasalamatan Siya dahil maaari natin Siyang makilala at maaari tayong mapalapit sa Kanya.
โ€ข Ipanalangin na magkaroon ka ng mas malalim na pagkaunawa sa kung sino ang Diyos at kung sino ka sa paningin Niya. Ipanalangin na magbalik ang pagnanais mo na basahin at isapamuhay ang Kanyang salita.
โ€ข Hingin sa Diyos ang karunungan at katapangan upang maibahagi ang Kanyang salita sa mga taong makikilala mo. Hingin sa Kanya ang kalakasan upang maipahayag sa iyong komunidad ang Kanyang kabutihan at pagmamahal.