icon__search

Pananatiling Matapat Kahit na Wala sa Ating Pamamahala ang Sitwasyon

Week 1

𝗪𝗔𝗥𝗠-𝗨𝗣
• Magkwento ng isang pagkakataong may sinubukan ka na bago para sa iyo at maganda ang naranasan mo.
• May pagkakataon bang kinailangan mong manindigan sa pinaniniwalaan mong tama? Ano ang nangyari?
• Naranasan mo na bang dumaan sa isang mahirap na sitwasyon na bunga ng kagagawan ng iba? Ano ang nangyari?


𝗪𝗢𝗥𝗗
𝘕𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘬𝘢𝘵𝘭𝘰𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘰𝘯 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘩𝘢𝘩𝘢𝘳𝘪 𝘯𝘪 𝘑𝘦𝘩𝘰𝘺𝘢𝘬𝘪𝘮 𝘴𝘢 𝘑𝘶𝘥𝘢, 𝘴𝘪𝘯𝘢𝘭𝘢𝘬𝘢𝘺 𝘯𝘪 𝘏𝘢𝘳𝘪𝘯𝘨 𝘕𝘦𝘣𝘶𝘤𝘢𝘥𝘯𝘦𝘻𝘢𝘳 𝘯𝘨 𝘉𝘢𝘣𝘪𝘭𝘰𝘯𝘪𝘢 𝘢𝘵 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘬𝘢𝘸𝘢𝘭 𝘢𝘯𝘨 𝘑𝘦𝘳𝘶𝘴𝘢𝘭𝘦𝘮. 𝘉𝘪𝘯𝘪𝘩𝘢𝘨 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘴𝘪 𝘏𝘢𝘳𝘪𝘯𝘨 𝘑𝘦𝘩𝘰𝘺𝘢𝘬𝘪𝘮 𝘢𝘺𝘰𝘯 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘭𝘰𝘰𝘣𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘗𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯𝘰𝘰𝘯. 𝘒𝘪𝘯𝘶𝘩𝘢 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘬𝘢𝘨𝘢𝘮𝘪𝘵𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘵𝘦𝘮𝘱𝘭𝘰 𝘯𝘨 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴 𝘢𝘵 𝘥𝘪𝘯𝘢𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘉𝘢𝘣𝘪𝘭𝘰𝘯𝘪𝘢. 𝘐𝘯𝘪𝘭𝘢𝘨𝘢𝘺 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘪𝘵𝘰 𝘴𝘢 𝘵𝘢𝘨𝘶𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘺𝘢𝘮𝘢𝘯𝘢𝘯 𝘥𝘰𝘰𝘯 𝘴𝘢 𝘵𝘦𝘮𝘱𝘭𝘰 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘥𝘪𝘺𝘰𝘴. 𝗗𝗔𝗡𝗜𝗘𝗟 𝟭:𝟭–𝟮

(Basahin din ang 𝗗𝗔𝗡𝗜𝗘𝗟 𝟭:𝟯–𝟮1.)

Bago pa man nakapasok ang mamamayan ng Israel sa lupang ipinangako sa kanila ng Diyos, binalaan na Niya sila na hindi sila maninirahan nang matagal sa lupaing ito kung hindi sila mananatiling matapat sa kanilang kasunduan sa Kanya. Ngunit, noong panahon ni Daniel, naging malayo sa Diyos ang puso ng mga tao dahil sa mga pinuno ng Judah. Dahil dito, pinahintulutan ng Diyos na matalo ng mga taga-Babilonia ang mga mamamayan ng Juda. Nilusob ng hukbo ni Nebucadnezar ang Jerusalem at dinala ang mga naninirahan dito sa kanilang bayan bilang mga bihag. Sa araw na ito, titingnan natin kung paano nananatiling makapangyarihan ang Diyos sa iba’t ibang sitwasyon at kung paano tumugon sa mga ito si Daniel at ang kanyang mga kaibigan.

𝟭. 𝗦𝗶 𝗗𝗮𝗻𝗶𝗲𝗹 𝗮𝘁 𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗻𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗸𝗮𝗶𝗯𝗶𝗴𝗮𝗻 𝗮𝘆 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗻𝗮𝘄𝗮𝗹𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗮𝗻𝗮𝗺𝗽𝗮𝗹𝗮𝘁𝗮𝘆𝗮 𝘀𝗮 𝗗𝗶𝘆𝗼𝘀 𝗸𝗮𝗵𝗶𝘁 𝘀𝗮 𝗴𝗶𝘁𝗻𝗮 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗵𝗶𝗵𝗶𝗿𝗮𝗽.
𝘕𝘢𝘨-𝘶𝘵𝘰𝘴 𝘴𝘪 𝘏𝘢𝘳𝘪𝘯𝘨 𝘕𝘦𝘣𝘶𝘤𝘢𝘥𝘯𝘦𝘻𝘢𝘳 𝘬𝘢𝘺 𝘈𝘴𝘩𝘱𝘦𝘯𝘢𝘻 𝘯𝘢 𝘱𝘪𝘯𝘶𝘯𝘰 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘵𝘢𝘶𝘩𝘢𝘯 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘯𝘢 𝘱𝘶𝘮𝘪𝘭𝘪 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘣𝘪𝘩𝘢𝘨 𝘯𝘢 𝘐𝘴𝘳𝘢𝘦𝘭𝘪𝘵𝘢 𝘯𝘨 𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘣𝘢𝘵𝘢𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘶𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘢𝘯𝘨𝘬𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘩𝘢𝘳𝘪 𝘢𝘵 𝘢𝘯𝘨𝘬𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘳𝘢𝘳𝘢𝘯𝘨𝘢𝘭 𝘯𝘢 𝘱𝘢𝘮𝘪𝘭𝘺𝘢. 𝘒𝘪𝘯𝘢𝘬𝘢𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨𝘢𝘯 𝘯𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘪𝘵𝘰 𝘢𝘺 𝘨𝘸𝘢𝘱𝘰, 𝘮𝘢𝘭𝘶𝘴𝘰𝘨, 𝘮𝘢𝘵𝘢𝘭𝘪𝘯𝘰, 𝘮𝘢𝘣𝘪𝘭𝘪𝘴 𝘬𝘶𝘮𝘪𝘭𝘰𝘴 𝘢𝘵 𝘮𝘢𝘥𝘢𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘵𝘶𝘳𝘶𝘢𝘯 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘮𝘢𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘳𝘢𝘱𝘢𝘵-𝘥𝘢𝘱𝘢𝘵 𝘮𝘢𝘨𝘭𝘪𝘯𝘨𝘬𝘰𝘥 𝘴𝘢 𝘩𝘢𝘳𝘪. 𝘐𝘯𝘶𝘵𝘶𝘴𝘢𝘯 𝘥𝘪𝘯 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘴𝘪 𝘈𝘴𝘩𝘱𝘦𝘯𝘢𝘻 𝘯𝘢 𝘵𝘶𝘳𝘶𝘢𝘯 𝘴𝘪𝘭𝘢 𝘯𝘨 𝘸𝘪𝘬𝘢 𝘢𝘵 𝘮𝘨𝘢 𝘱𝘢𝘯𝘪𝘵𝘪𝘬𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘵𝘢𝘨𝘢-𝘉𝘢𝘣𝘪𝘭𝘰𝘯𝘪𝘢. . . . 𝘗𝘦𝘳𝘰 𝘪𝘱𝘪𝘯𝘢𝘴𝘺𝘢 𝘯𝘪 𝘋𝘢𝘯𝘪𝘦𝘭 𝘯𝘢 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘴𝘪𝘺𝘢 𝘬𝘢𝘬𝘢𝘪𝘯 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘪𝘯 𝘯𝘨 𝘩𝘢𝘳𝘪 𝘰 𝘪𝘪𝘯𝘰𝘮 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘯𝘶𝘮𝘪𝘯 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘴𝘪𝘺𝘢 𝘮𝘢𝘳𝘶𝘮𝘪𝘩𝘢𝘯. 𝘒𝘢𝘺𝘢 𝘯𝘢𝘬𝘪𝘶𝘴𝘢𝘱 𝘴𝘪𝘺𝘢 𝘬𝘢𝘺 𝘈𝘴𝘩𝘱𝘦𝘯𝘢𝘻 𝘯𝘢 𝘩𝘶𝘸𝘢𝘨 𝘴𝘪𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘪𝘨𝘺𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘪𝘯 𝘢𝘵 𝘪𝘯𝘶𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘪𝘺𝘰𝘯. 𝗗𝗔𝗡𝗜𝗘𝗟 𝟭:𝟯–𝟰, 𝟴

Matapos ang pagkatalo ng Judah sa Babilonia, nagbigay si Haring Nebucadnezar ng mga tagubilin upang matutunan ng mga batang galing sa maharlikang pamilya ang mga pamamaraan ng Babilonia. Ang mga batang ito na may kasanayan ay dapat na makalimot sa kanilang pagkakakilanlan na maagdudulot ng pagkalimot sa kanilang kasunduan sa Diyos. Sa kabila ng kahirapang pinagdaraanan nila, hindi humina ang pananampalataya nila sa Diyos. Nananatili din silang totoo sa Diyos sa pamamagitan ng hindi pagkain ng mga pagkaing idineklara ng Diyos na marumi para sa kanila. Ano ang nais ng hari na gawin nila at paano tumugon dito si Daniel (Daniel 1:5–10)?

𝟮. 𝗦𝗶 𝗗𝗮𝗻𝗶𝗲𝗹 𝗮𝘁 𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗻𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗸𝗮𝗶𝗯𝗶𝗴𝗮𝗻 𝗮𝘆 𝗻𝗮𝗴𝘁𝗶𝘄𝗮𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗽𝗮𝗻𝗴𝘆𝗮𝗿𝗶𝗵𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗗𝗶𝘆𝗼𝘀.
𝘋𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘥𝘪𝘵𝘰, 𝘴𝘪𝘯𝘢𝘣𝘪 𝘯𝘪 𝘋𝘢𝘯𝘪𝘦𝘭 𝘴𝘢 𝘪𝘵𝘪𝘯𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢 𝘯𝘪 𝘈𝘴𝘩𝘱𝘦𝘯𝘢𝘻 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘯𝘨𝘢𝘯𝘨𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘪𝘭𝘢, “𝘚𝘶𝘣𝘶𝘬𝘢𝘯 𝘯ʼ𝘺𝘰 𝘬𝘢𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘬𝘢𝘪𝘯𝘪𝘯 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘨 𝘨𝘶𝘭𝘢𝘺 𝘢𝘵 𝘱𝘢𝘪𝘯𝘶𝘮𝘪𝘯 𝘯𝘨 𝘵𝘶𝘣𝘪𝘨 𝘴𝘢 𝘭𝘰𝘰𝘣 𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘮𝘱𝘶𝘯𝘨 𝘢𝘳𝘢𝘸. 𝘗𝘢𝘨𝘬𝘢𝘵𝘢𝘱𝘰𝘴, 𝘪𝘩𝘢𝘮𝘣𝘪𝘯𝘨 𝘯𝘪𝘯𝘺𝘰 𝘬𝘢𝘮𝘪 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘬𝘢𝘣𝘢𝘵𝘢𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘶𝘮𝘢𝘬𝘢𝘪𝘯 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘪𝘯 𝘯𝘨 𝘩𝘢𝘳𝘪, 𝘢𝘵 𝘵𝘪𝘯𝘨𝘯𝘢𝘯 𝘯𝘪𝘯𝘺𝘰 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨𝘪𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘳𝘦𝘴𝘶𝘭𝘵𝘢. 𝘈𝘵 𝘣𝘢𝘩𝘢𝘭𝘢 𝘯𝘢 𝘬𝘢𝘺𝘰 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘨𝘢𝘨𝘢𝘸𝘪𝘯 𝘯𝘪𝘯𝘺𝘰 𝘴𝘢 𝘢𝘮𝘪𝘯.” 𝗗𝗔𝗡𝗜𝗘𝗟 𝟭:𝟭𝟭–𝟭𝟯

Bilang bahagi ng kanilang pagsasanay, ang mga kabataang lalaki na may kasanayan ay dapat na kumain at uminon ng pagkain ng hari. Tumanggi si Daniel at ang kanyang mga kaibigan. Labag ito sa kanilang mga paniniwala at alam nila ang mga ipinag-uutos at ipinagbabawal ng Diyos. Kahit noong nalagay sa panganib ang kanilang buhay, nanindigan sila at nagtiwala na makakalagpas din sila dito sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos. Sa palagay mo, paano napalakas ng pagsubok na ito ang pananampalataya nila sa Diyos? Sa tingin mo, paano ito nakatulong upang maging mas handa sila para sa iba pang pagsubok na darating?

𝟯. 𝗔𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗯𝘂𝘁𝗶𝗵𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗸𝗮𝗿𝘂𝗻𝘂𝗻𝗴𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗗𝗶𝘆𝗼𝘀 𝗮𝘆 𝗻𝗮𝘁𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗽 𝗻𝗶 𝗗𝗮𝗻𝗶𝗲𝗹 𝗮𝘁 𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗻𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗸𝗮𝗶𝗯𝗶𝗴𝗮𝗻.
𝘉𝘪𝘯𝘪𝘨𝘺𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴 𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘱𝘢𝘵 𝘯𝘢 𝘬𝘢𝘣𝘢𝘵𝘢𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘵𝘰 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘳𝘶𝘯𝘶𝘯𝘨𝘢𝘯 𝘢𝘵 𝘱𝘢𝘯𝘨-𝘶𝘯𝘢𝘸𝘢, 𝘱𝘢𝘵𝘪 𝘯𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘢𝘭𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘪𝘣𝘢ʼ𝘵 𝘪𝘣𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘪𝘵𝘦𝘳𝘢𝘵𝘶𝘳𝘢. 𝘉𝘶𝘬𝘰𝘥 𝘱𝘢 𝘳𝘪𝘵𝘰, 𝘣𝘪𝘯𝘪𝘨𝘺𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴 𝘴𝘪 𝘋𝘢𝘯𝘪𝘦𝘭 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘳𝘶𝘯𝘶𝘯𝘨𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘱𝘢𝘱𝘢𝘭𝘪𝘸𝘢𝘯𝘢𝘨 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘩𝘶𝘭𝘶𝘨𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘱𝘢𝘯𝘨𝘪𝘵𝘢𝘪𝘯 𝘢𝘵 𝘮𝘨𝘢 𝘱𝘢𝘯𝘢𝘨𝘪𝘯𝘪𝘱. . . . 𝘚𝘢 𝘭𝘢𝘩𝘢𝘵 𝘯𝘨 𝘪𝘵𝘪𝘯𝘢𝘯𝘰𝘯𝘨 𝘯𝘨 𝘩𝘢𝘳𝘪 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘪𝘭𝘢, 𝘯𝘢𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘯𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘯𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘢𝘭𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘢𝘺 𝘴𝘢𝘮𝘱𝘶𝘯𝘨 𝘶𝘭𝘪𝘵 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘴 𝘮𝘢𝘩𝘶𝘴𝘢𝘺 𝘬𝘢𝘺𝘴𝘢 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘢𝘭𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘴𝘢𝘭𝘢𝘮𝘢𝘯𝘨𝘬𝘦𝘳𝘰 𝘢𝘵 𝘦𝘯𝘨𝘬𝘢𝘯𝘵𝘢𝘥𝘰𝘳 𝘴𝘢 𝘣𝘶𝘰𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘩𝘢𝘳𝘪𝘢𝘯 𝘯𝘪𝘺𝘢. 𝗗𝗔𝗡𝗜𝗘𝗟 𝟭:𝟭𝟳, 𝟮𝟬

Biniyayaan ng Diyos si Daniel at ang kanyang mga kaibigan ng pabor o kabutihan. Mas maayos ang hitsura nila kahit na kumakain lamang sila ng mga gulay at umiinom ng tubig. Nakatanggap din sila ng karunungan at kakayanan mula sa Diyos. Kinilala ng hari ang kanilang mga abilidad. Sa katunayan, sila ay sampung ulit na mas mahusay kaysa sa iba. Paano mo naranasan ang pabor o kabutihan at karunungan ng Diyos sa gitna na mga mahihirap na sitwasyon?


𝗔𝗣𝗣𝗟𝗜𝗖𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡
• Ano sa palagay mo ang naramdaman at naranasan ni Daniel at ng kanyang mga kaibigan bilang mga bihag sa Babilonia? Sa palagay mo, saan sila humugot ng lakas at paninindigan, at ano ang natutunan mo sa kuwento?
• Naniniwala ka ba na makapangyarihan ang Diyos, at paano tayo dapat kumilos bilang tugon sa katotohanang ito?
• Paano mo maipapakita ang mapagmahal na katapatan ng Diyos sa iyong pamilya at mga kaibigan ngayong linggo?


𝗣𝗥𝗔𝗬𝗘𝗥
• Magpasalamat sa Diyos sa Kanyang kapangyarihan sa iyong buhay at dahil hindi ka Niya iniwan sa mga panahong nahihirapan ka. Hilingin na ipakita Niya sa iyo kung nasaan Siya sa mga panahon ng paghihirap.
• Ipanalangin na tulungan ka ng Diyos na maintindihan ang mga pagsubok na kinakaharap mo, lalo na kung ang mga ito ay bunga ng ginawa ng ibang tao. Humingi ng biyaya upang mapatawad mo ang mga taong may maling ginawa sa iyo at upang maparangalan mo ang Diyos sa iyong buhay.
• Humingi sa Diyos ng mga pagkakataon upang maibahagi mo ang Kanyang kabutihan at kapangyarihan sa iyong pamilya at mga kaibigan ngayong linggo. Ipanalangin na maging bukas ang kanilang puso na tanggapin ang anumang ibabahagi mo.