๐ช๐๐ฅ๐ ๐จ๐ฃ
โข Ano ang ginawa mo noong bata ka na hindi mo ulit gagawin ngayon?
โข Balikan ang sarili mo sampung taon sa nakaraan. Ang kinalalagyan mo ba ngayon ay kung ano ang naisip mo noong mga panahong ito?
โข Isipin ang isang pagkakataon kung kailan nakansela ang iyong utang o naurong ang isa mong deadline. Ibahagi kung ano ang nangyari at kung ano ang naramdaman mo.
๐ช๐ข๐ฅ๐
๐๐ข๐ฉ๐ช๐ญ ๐ด๐ข ๐ฑ๐ข๐ฌ๐ช๐ฌ๐ช๐ฑ๐ข๐จ-๐ช๐ด๐ข ๐ฏสผ๐บ๐ฐ ๐ฌ๐ข๐บ ๐๐ณ๐ช๐ด๐ต๐ฐ, ๐ต๐ช๐ฏ๐ถ๐ญ๐ช ๐ฏ๐ข ๐ฌ๐ข๐บ๐ฐ. ๐๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐จ๐ต๐ถ๐ต๐ถ๐ญ๐ช ๐ฏ๐ข ๐ช๐ต๐ฐ ๐ข๐บ ๐ฉ๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ฑ๐ช๐ด๐ช๐ฌ๐ข๐ญ ๐ฌ๐ถ๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ฆ๐ด๐ฑ๐ช๐ณ๐ช๐ต๐ธ๐ข๐ญโโ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐จ-๐ข๐ข๐ญ๐ช๐ด ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ด๐ข๐ด๐ข๐ฎ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฉ๐ช๐ญ๐ช๐จ ๐ฏ๐จ ๐ญ๐ข๐ฎ๐ข๐ฏ. ๐๐ต๐ฐ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐จ๐ต๐ถ๐ต๐ถ๐ญ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ถ๐ญ๐ข ๐ฌ๐ข๐บ ๐๐ณ๐ช๐ด๐ต๐ฐ. ๐๐ฏ๐ช๐ญ๐ช๐ฃ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐บ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ด๐ข๐ฎ๐ข ๐ฏ๐ช ๐๐ณ๐ช๐ด๐ต๐ฐ ๐ฏ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ข๐ถ๐ต๐ช๐ด๐ฎ๐ถ๐ฉ๐ข๐ฏ ๐ฌ๐ข๐บ๐ฐ. ๐๐ต ๐ฅ๐ข๐ฉ๐ช๐ญ ๐ฏ๐ข๐ฌ๐ข๐บ ๐๐ณ๐ช๐ด๐ต๐ฐ ๐ฏ๐ข ๐ฌ๐ข๐บ๐ฐ, ๐ฎ๐ถ๐ญ๐ช ๐ฌ๐ข๐บ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ช๐ฏ๐ถ๐ฉ๐ข๐บ ๐ฏ๐ข ๐ฌ๐ข๐ด๐ข๐ฎ๐ข ๐ฏ๐ช๐บ๐ข, ๐ฅ๐ข๐ฉ๐ช๐ญ ๐ฏ๐ข๐ฏ๐ข๐ฏ๐ข๐ญ๐ช๐จ ๐ฌ๐ข๐บ๐ฐ ๐ด๐ข ๐ฌ๐ข๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ๐บ๐ข๐ณ๐ช๐ฉ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐๐ช๐บ๐ฐ๐ด ๐ฏ๐ข ๐ฃ๐ถ๐ฎ๐ถ๐ฉ๐ข๐บ ๐ด๐ข ๐ฌ๐ข๐ฏ๐บ๐ข.ย ๐๐ข๐๐ข๐ฆ๐๐ฆ ๐ฎ:๐ญ๐ญ-๐ญ๐ฎ
(Basahin din ang ๐๐ข๐๐ข๐ฆ๐๐ฆ ๐ฎ.)
Sumulat si Pablo sa simbahan sa Colosas upang tugunan ang mga maling aral na kanilang naririnig. Nagbabala siya tungkol sa pagiging bihag ng pilosopiya ng tao (Colosas 2:8), at binigyang-diin din ang pagka-Diyos ni Jesu-Cristo, na, kahit na ganap na tao, ay ganap ding Diyos (Colosas 2:9). Dahil tayo ngayon ay kay Cristo, ang ating kalikasan ay nagbago. Pinatawad ni Cristo ang ating kasalanan at kinansela ang ating utang (Colosas 2:14). Ngayon, maaari tayong mamuhay kasama Niya. Ngayon, pag-usapan natin kung ano ang mangyayari kapag tinanggap natin si Cristo bilang Panginoon.
๐ญ. ๐๐ฎ๐ ๐๐ฟ๐ถ๐๐๐ผ, ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐ฑ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐น๐ถ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐ป๐ด๐ด๐ฎ๐น ๐ป๐ฎ.
๐๐ข๐ฉ๐ช๐ญ ๐ด๐ข ๐ฑ๐ข๐ฌ๐ช๐ฌ๐ช๐ฑ๐ข๐จ-๐ช๐ด๐ข ๐ฏสผ๐บ๐ฐ ๐ฌ๐ข๐บ ๐๐ณ๐ช๐ด๐ต๐ฐ, ๐ต๐ช๐ฏ๐ถ๐ญ๐ช ๐ฏ๐ข ๐ฌ๐ข๐บ๐ฐ. ๐๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐จ๐ต๐ถ๐ต๐ถ๐ญ๐ช ๐ฏ๐ข ๐ช๐ต๐ฐ ๐ข๐บ ๐ฉ๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ฑ๐ช๐ด๐ช๐ฌ๐ข๐ญ ๐ฌ๐ถ๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ฆ๐ด๐ฑ๐ช๐ณ๐ช๐ต๐ธ๐ข๐ญโโ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐จ-๐ข๐ข๐ญ๐ช๐ด ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ด๐ข๐ด๐ข๐ฎ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฉ๐ช๐ญ๐ช๐จ ๐ฏ๐จ ๐ญ๐ข๐ฎ๐ข๐ฏ. ๐๐ต๐ฐ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐จ๐ต๐ถ๐ต๐ถ๐ญ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ถ๐ญ๐ข ๐ฌ๐ข๐บ ๐๐ณ๐ช๐ด๐ต๐ฐ.ย ๐๐ข๐๐ข๐ฆ๐๐ฆ ๐ฎ:๐ญ๐ญ
Sa Lumang Tipan, ginawa ng mga mamamayan ng Diyos ang pagtutuli, kung saan pinuputol mula sa dulo ng bahaging panlalaki ang isang piraso ng laman bilang tanda ng kasunduang ginawa ng Diyos sa kanila. Inihalintulad ni Pablo ang gawaing ito sa nangyayari sa mga mananampalataya kapag tinanggap nila si Cristo bilang Panginoon. Sumasailalim tayo sa pagtutuli na hindi ginagawa ng mga kamayโisang espirituwal na pagtutuli. Kapag tinanggap natin si Cristo bilang Panginoon, ibinubukod Niya tayo sa ating dating makasalanang kalikasan upang hindi na tayo makontrol nito. Tulad ng pagtutuli, ang bautismo ay isang panlabas na tanda na tayo ay itinalaga para sa Diyos bilang Kanyang mga mamamayan. Ano ang ilang makasalanang gawain o ugali na binago ng Diyos sa buhay mo?
๐ฎ. ๐๐ฎ๐ ๐๐ฟ๐ถ๐๐๐ผ, ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐ฑ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐น๐ถ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ ๐ถ๐ป๐ถ๐น๐ถ๐ฏ๐ถ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ.
๐๐ฏ๐ช๐ญ๐ช๐ฃ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐บ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ด๐ข๐ฎ๐ข ๐ฏ๐ช ๐๐ณ๐ช๐ด๐ต๐ฐ ๐ฏ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ข๐ถ๐ต๐ช๐ด๐ฎ๐ถ๐ฉ๐ข๐ฏ ๐ฌ๐ข๐บ๐ฐ. ๐๐ต ๐ฅ๐ข๐ฉ๐ช๐ญ ๐ฏ๐ข๐ฌ๐ข๐บ ๐๐ณ๐ช๐ด๐ต๐ฐ ๐ฏ๐ข ๐ฌ๐ข๐บ๐ฐ, ๐ฎ๐ถ๐ญ๐ช ๐ฌ๐ข๐บ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ช๐ฏ๐ถ๐ฉ๐ข๐บ ๐ฏ๐ข ๐ฌ๐ข๐ด๐ข๐ฎ๐ข ๐ฏ๐ช๐บ๐ข, ๐ฅ๐ข๐ฉ๐ช๐ญ ๐ฏ๐ข๐ฏ๐ข๐ฏ๐ข๐ญ๐ช๐จ ๐ฌ๐ข๐บ๐ฐ ๐ด๐ข ๐ฌ๐ข๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ๐บ๐ข๐ณ๐ช๐ฉ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐๐ช๐บ๐ฐ๐ด ๐ฏ๐ข ๐ฃ๐ถ๐ฎ๐ถ๐ฉ๐ข๐บ ๐ด๐ข ๐ฌ๐ข๐ฏ๐บ๐ข.ย ๐๐ข๐๐ข๐ฆ๐๐ฆ ๐ฎ:๐ญ๐ฎ
Sa kaugalian ng mga Kristiyano, ang bautismo ay ang paglulubog sa isang tao sa tubig nang ilang saglit bilang isang panlabas na tanda ng panloob na pagkilos ng pagtanggap kay Cristo bilang Panginoon. Bukod sa pagtutuli, ang bautismo ay inihahalintulad din sa isang libing, kung saan ang ating dating makasalanang kalikasan ay itinuturing na patay na at inililibing. Tayo ay patay na sa kasalanan o ang kasalanan ay patay na sa atin kay Cristo. Kung paanong hindi na tayo nakikipag-usap sa mga taong namatay na, hindi na natin dapat pagbigyan ang ating mga dating makasalanang pagnanasa, dahil ang dating pagkatao natin ay namatay na kasama ni Cristo. Ano ang sinasabi sa Mga Taga-Roma 6:1โ3 tungkol sa mga implikasyon ng katotohanang ito?
๐ฏ. ๐๐ฎ๐ ๐๐ฟ๐ถ๐๐๐ผ, ๐๐ฎ๐๐ผ ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ๐ฏ๐๐ต๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐บ๐๐น๐ถ.
๐๐ฏ๐ช๐ญ๐ช๐ฃ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐บ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ด๐ข๐ฎ๐ข ๐ฏ๐ช ๐๐ณ๐ช๐ด๐ต๐ฐ ๐ฏ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ข๐ถ๐ต๐ช๐ด๐ฎ๐ถ๐ฉ๐ข๐ฏ ๐ฌ๐ข๐บ๐ฐ. ๐๐ต ๐ฅ๐ข๐ฉ๐ช๐ญ ๐ฏ๐ข๐ฌ๐ข๐บ ๐๐ณ๐ช๐ด๐ต๐ฐ ๐ฏ๐ข ๐ฌ๐ข๐บ๐ฐ, ๐ฎ๐ถ๐ญ๐ช ๐ฌ๐ข๐บ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ช๐ฏ๐ถ๐ฉ๐ข๐บ ๐ฏ๐ข ๐ฌ๐ข๐ด๐ข๐ฎ๐ข ๐ฏ๐ช๐บ๐ข, ๐ฅ๐ข๐ฉ๐ช๐ญ ๐ฏ๐ข๐ฏ๐ข๐ฏ๐ข๐ญ๐ช๐จ ๐ฌ๐ข๐บ๐ฐ ๐ด๐ข ๐ฌ๐ข๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ๐บ๐ข๐ณ๐ช๐ฉ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐๐ช๐บ๐ฐ๐ด ๐ฏ๐ข ๐ฃ๐ถ๐ฎ๐ถ๐ฉ๐ข๐บ ๐ด๐ข ๐ฌ๐ข๐ฏ๐บ๐ข.ย ๐๐ข๐๐ข๐ฆ๐๐ฆ ๐ฎ:๐ญ๐ฎ
Ang bautismo ay larawan din ng pagkakaisa kay Cristo hindi lamang sa Kanyang kamatayan at paglilibing kundi sa Kanyang muling pagkabuhay. Kung paanong si Cristo ay namatay at nabuhay muli, ang ating dating pagkatao ay namatay nang tanggapin natin si Cristo at tayo ay nagkaroon ng espirituwal na buhay at binigyan ng bagong buhay. Dahil ang lahat ng ating mga kasalanan ay pinatawad at ang listahan ng ating pagkakautang ay nakansela, ipinako na sa krus (Colosas 2:13โ14), maaari nating maranasan ang isang matagumpay na buhay kay Cristo dahil Siya ay nagtagumpay (Colosas 2:15). Tayo ay napalaya mula sa mga bahid ng ating nakaraan at ngayon ay malaya nang mamuhay kasama at para sa Diyos. Ano ang ilang positibong pagbabago sa iyong buhay mula nang tanggapin mo si Cristo? Anong pagbabago ang napansin ng iba sa iyong buhay pagkatapos mong tanggapin si Cristo bilang Panginoon?
๐๐ฃ๐ฃ๐๐๐๐๐ง๐๐ข๐ก
โข Natanggap mo na ba si Cristo bilang Panginoon at Tagapagligtas? Kung hindi, gusto mo bang tanggapin Siya ngayon?
โข Ibahagi sa grupo ang mga positibong pagbabago sa buhay mo mula nang tanggapin mo si Cristo? May mga bahagi ba sa iyong buhay kung saan kailangan mong mas makita ang buhay ni Cristo sa iyo?
โข Hindi sinasabi sa mga Taga-Roma 6:11 na kailangan nating mamatay sa kasalanan kundi tayo ay namatay na sa kasalanan at buhay sa Diyos kay Cristo. Ano ang mga praktikal na paraan na maaari mong gawin bilang pagsasaalang-alang sa katotohanang ito?
๐ฃ๐ฅ๐๐ฌ๐๐ฅ
โข Pasalamatan ang Diyos sa Kanyang dakilang pag-ibig na gumawa ng paraan upang kanselahin ang ating pagkakautang at patawarin ang ating mga kasalanan, na naging dahilan para mailapit tayo sa Kanya.
โข Pasalamatan Siya na tayo ay namatay na sa kasalanan at nabuhay kay Cristo dahil sa sakripisyo ni Jesus sa krus at sa Kanyang muling pagkabuhay.
โข Ipanalangin na marinig mo ang tinig ng Diyos nang malinaw habang patuloy kang namumuhay, lumalago upang maging mas katulad ni Cristo, lalo na sa panahon ng tukso at paghihirap. Ipagdasal na palagi mong ituring ang iyong sarili na patay na sa kasalanan at buhay sa Diyos upang patuloy mong makita ang bagong buhay na ibinigay Niya sa iyo.