𝗪𝗔𝗥𝗠 𝗨𝗣
• Ikwento ang sorpresang ginawa mo para sa isang taong espesyal sa iyo. Naging matagumpay ba ito? Bakit oo o bakit hindi?
• Ano ang isang halimbawa ng pagpapakita ng kabaitan na naranasan mo at nakaapekto sa iyo?
• May nagawa ka bang pinagsisihan mo dahil naging emosyonal ka? Ano ang nangyari? Ano sana ang mas tamang reaksyon?
𝗪𝗢𝗥𝗗
“𝘒𝘢𝘺𝘢 𝘴𝘢𝘣𝘪𝘩𝘪𝘯 𝘮𝘰 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘐𝘴𝘳𝘢𝘦𝘭𝘪𝘵𝘢: ‘𝘈𝘬𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘗𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯𝘰𝘰𝘯. 𝘗𝘢𝘭𝘢𝘭𝘢𝘺𝘢𝘪𝘯 𝘬𝘰 𝘬𝘢𝘺𝘰 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘢𝘭𝘪𝘱𝘪𝘯 𝘴𝘢 𝘌𝘨𝘪𝘱𝘵𝘰. 𝘚𝘢 𝘱𝘢𝘮𝘢𝘮𝘢𝘨𝘪𝘵𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘢𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘱𝘢𝘯𝘨𝘺𝘢𝘳𝘪𝘩𝘢𝘯, 𝘮𝘢𝘵𝘪𝘯𝘥𝘪𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘳𝘶𝘴𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘣𝘪𝘣𝘪𝘨𝘢𝘺 𝘬𝘰 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘌𝘨𝘪𝘱𝘤𝘪𝘰, 𝘢𝘵 𝘪𝘭𝘪𝘭𝘪𝘨𝘵𝘢𝘴 𝘬𝘰 𝘬𝘢𝘺𝘰 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘢𝘭𝘪𝘱𝘪𝘯. 𝘐𝘵𝘶𝘵𝘶𝘳𝘪𝘯𝘨 𝘬𝘰 𝘬𝘢𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘮𝘢𝘮𝘢𝘮𝘢𝘺𝘢𝘯 𝘢𝘵 𝘢𝘬𝘰ʼ𝘺 𝘮𝘢𝘨𝘪𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴 𝘯𝘪𝘯𝘺𝘰. 𝘈𝘵 𝘮𝘢𝘭𝘢𝘭𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘯𝘪𝘯𝘺𝘰 𝘯𝘢 𝘢𝘬𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘗𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯𝘰𝘰𝘯 𝘯𝘢 𝘪𝘯𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘨𝘭𝘪𝘨𝘵𝘢𝘴 𝘴𝘢 𝘪𝘯𝘺𝘰 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘢𝘭𝘪𝘱𝘪𝘯 𝘴𝘢 𝘌𝘨𝘪𝘱𝘵𝘰.’” 𝗘𝗫𝗢𝗗𝗨𝗦 𝟲:𝟲-𝟳
(Aralin ang 𝗘𝗫𝗢𝗗𝗨𝗦 𝟮-𝟲)
Nakatira ang mga Israelita, ang mga mamamayan ng Diyos, sa Egipto mula pa noong panahon ni Jose (Exodus 1:5–7). Pagkatapos ng henerasyon ni Jose, nakita ng mga Egipcio na masyadong malakas ang mga Israelita at sinubukan nilang makontrol ang lumalagong bayan sa pamamagitan ng labis na pagpapahirap sa kanila sa trabaho. Alam ng Diyos ang lahat ng nangyayari. Nang ipinangako ng Diyos kay Abraham na magiging kasing dami ng mga bituin ang kanyang lahi, sinabi din Niyang dadaan sila sa pang-aapi at pagpapahirap (Genesis 15:13–16). Sa kabila nito,mahimalang inakay ng Diyos ang mga Israelita sa daan tungo sa kalayaan, para matalikuran na nila ang buhay alipin at maipamuhay ang Kanyang pangako. Ngayong araw, pag-uusapan natin ang tatlong paraan ng pakikiugnay ng Diyos sa mga taong nananampalataya sa Kanya, lalo na kapag nakakaranas sila sa pang-aapi.
𝟭. 𝗜𝗻𝗮𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮 𝗻𝗴 𝗗𝗶𝘆𝗼𝘀 𝗮𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗻𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝘆𝗮𝗻.
𝘕𝘢𝘳𝘪𝘯𝘪𝘨 𝘬𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘩𝘪𝘯𝘢𝘪𝘯𝘨 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘐𝘴𝘳𝘢𝘦𝘭𝘪𝘵𝘢 𝘯𝘢 𝘪𝘯𝘢𝘢𝘭𝘪𝘱𝘪𝘯 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘌𝘨𝘪𝘱𝘤𝘪𝘰 𝘢𝘵 𝘪𝘯𝘢𝘭𝘢𝘭𝘢 𝘬𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘴𝘶𝘯𝘥𝘶𝘢𝘯 𝘬𝘰 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘪𝘭𝘢. 𝗘𝗫𝗢𝗗𝗨𝗦 𝟲:𝟱
Hindi kailanman nalimutan ng Diyos ang Kanyang mamamayan at ang Kanyang layunin. Nang sinabi ng Diyos na 𝘪𝘯𝘢𝘭𝘢𝘭𝘢 Niya ang kasunduan, ang ibig sabihin nito ay tutuparin Niya ang Kanyang pangako. Ngunit kahit noong ipinadala Niya si Moises upang kausapin ang Kanyang mamamayan, 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘴𝘪𝘭𝘢 𝘯𝘢𝘯𝘪𝘸𝘢𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘯𝘢𝘸𝘢𝘭𝘢𝘯 𝘯𝘢 𝘴𝘪𝘭𝘢 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨-𝘢𝘴𝘢 𝘴𝘢 𝘴𝘰𝘣𝘳𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘱𝘢𝘱𝘢𝘩𝘪𝘳𝘢𝘱 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘪𝘭𝘢 𝘣𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘢𝘭𝘪𝘱𝘪𝘯 (Exodus 6:9). Minsan, mahirap pakinggan at paniwalaan ang mga pangako ng Diyos kapag nakakaranas tayo ng kabiguan at kahirapan. Ang totoo ay lagi tayong iniisip ng Diyos. Naranasan mo na bang mabigo hanggang sa puntong pinagdududahan mo na ang mga pangako ng Diyos? Ano ang sinasabi sa Isaias 55:8–9 tungkol sa Kanyang dakilang kapangyarihan?
𝟮. 𝗠𝗮𝘁𝗮𝗽𝗮𝘁 𝗮𝗻𝗴 𝗗𝗶𝘆𝗼𝘀 𝘀𝗮 𝗞𝗮𝗻𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝘆𝗮𝗻.
“𝘕𝘢𝘨𝘱𝘢𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘢𝘬𝘰 𝘬𝘪𝘯𝘢 𝘈𝘣𝘳𝘢𝘩𝘢𝘮, 𝘐𝘴𝘢𝘢𝘤, 𝘢𝘵 𝘑𝘢𝘤𝘰𝘣 𝘣𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘔𝘢𝘬𝘢𝘱𝘢𝘯𝘨𝘺𝘢𝘳𝘪𝘩𝘢𝘯𝘨 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴, 𝘱𝘦𝘳𝘰 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘬𝘰 𝘪𝘱𝘪𝘯𝘢𝘬𝘪𝘭𝘢𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘪𝘭𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘯𝘨𝘢𝘭𝘢𝘯 𝘬𝘰𝘯𝘨 𝘗𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯𝘰𝘰𝘯. 𝘎𝘶𝘮𝘢𝘸𝘢 𝘢𝘬𝘰 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘴𝘶𝘯𝘥𝘶𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘪𝘭𝘢, 𝘯𝘢 𝘪𝘣𝘪𝘣𝘪𝘨𝘢𝘺 𝘬𝘰 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘪𝘭𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘶𝘱𝘢𝘪𝘯 𝘯𝘨 𝘊𝘢𝘯𝘢𝘢𝘯 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘢𝘯 𝘴𝘪𝘭𝘢 𝘯𝘢𝘯𝘪𝘳𝘢𝘩𝘢𝘯 𝘣𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘥𝘢𝘺𝘶𝘩𝘢𝘯. 𝘕𝘢𝘳𝘪𝘯𝘪𝘨 𝘬𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘩𝘪𝘯𝘢𝘪𝘯𝘨 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘐𝘴𝘳𝘢𝘦𝘭𝘪𝘵𝘢 𝘯𝘢 𝘪𝘯𝘢𝘢𝘭𝘪𝘱𝘪𝘯 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘌𝘨𝘪𝘱𝘤𝘪𝘰 𝘢𝘵 𝘪𝘯𝘢𝘭𝘢𝘭𝘢 𝘬𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘴𝘶𝘯𝘥𝘶𝘢𝘯 𝘬𝘰 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘪𝘭𝘢.” 𝗘𝗫𝗢𝗗𝗨𝗦 𝟲:𝟯-𝟱
Walang kasingtapat ang Diyos, na umaalala at tumutupad ng bawat pangako Niya. Pinagtibay Niya ang kasunduan sa Kanyang mamamayan, at naging matapat Siya sa kasunduang ito, tapat man o hindi ang Kanyang mga mamamayan. Ito rin ay totoo para sa atin ngayon. May mga pagkakataon bang naramdaman mo na hindi ka matapat sa Diyos? Ano ang sinasabi sa 2 Timoteo 2:13 tungkol sa katapatan ng Diyos sa atin?
𝟯. 𝗠𝗮𝗸𝗮𝗽𝗮𝗻𝗴𝘆𝗮𝗿𝗶𝗵𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗗𝗶𝘆𝗼𝘀 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘁𝘂𝗽𝗮𝗿𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗻𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗽𝗮𝗻𝗴𝗮𝗸𝗼.
“𝘒𝘢𝘺𝘢 𝘴𝘢𝘣𝘪𝘩𝘪𝘯 𝘮𝘰 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘐𝘴𝘳𝘢𝘦𝘭𝘪𝘵𝘢: ‘𝘈𝘬𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘗𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯𝘰𝘰𝘯. 𝘗𝘢𝘭𝘢𝘭𝘢𝘺𝘢𝘪𝘯 𝘬𝘰 𝘬𝘢𝘺𝘰 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘢𝘭𝘪𝘱𝘪𝘯 𝘴𝘢 𝘌𝘨𝘪𝘱𝘵𝘰. 𝘚𝘢 𝘱𝘢𝘮𝘢𝘮𝘢𝘨𝘪𝘵𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘢𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘱𝘢𝘯𝘨𝘺𝘢𝘳𝘪𝘩𝘢𝘯, 𝘮𝘢𝘵𝘪𝘯𝘥𝘪𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘳𝘶𝘴𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘣𝘪𝘣𝘪𝘨𝘢𝘺 𝘬𝘰 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘌𝘨𝘪𝘱𝘤𝘪𝘰, 𝘢𝘵 𝘪𝘭𝘪𝘭𝘪𝘨𝘵𝘢𝘴 𝘬𝘰 𝘬𝘢𝘺𝘰 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘢𝘭𝘪𝘱𝘪𝘯.’” 𝗘𝗫𝗢𝗗𝗨𝗦 𝟲:𝟲
(Basahin din ang 𝗘𝗫𝗢𝗗𝗨𝗦 𝟲:𝟳–𝟴.)
Bago pa man tayo magsalita, alam na ng Diyos ang eksaktong sasabihin natin (Salmo 139:4). Sa katunayan, may kapangyarihan ang Diyos na tuparin ang Kanyang pangako at panatilihin ang Kanyang kasunduan. Mayroon Siyang kapangyarihang tuparin ang pangako Niyang pagpapalaya sa mga Israelita mula sa pagkaalipin, gaya ng ipinahayag Niya (Exodus 3:20). Mayroon din Siyang kapangyarihang gumawa at gumalaw sa mga sitwasyon natin ngayon. Sa paanong paraan mo nasaksihan ang kapangyarihan at kalakasan ng Diyos sa nakaraan? Sa anong sitwasyon ka naniniwalang kikilos ang Diyos ngayon?
𝗔𝗣𝗣𝗟𝗜𝗖𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡
• Ano ang isang pangako ng Diyos na pinanghahawakan mo? Ano ang Kasulatang pag-aaralan mo ngayong linggo para maalala mo ang pag-ibig at katapatan ng Diyos sa iyo?
• May pinagdaraanan ka ba ngayon na nagpapahirap sa iyo? Paano ka kikilos nang may pananampalataya sa halip na takot?
• Pag-isipan kung sino sa tingin mo ang kailangang mapaalalahanan ng dakilang kapangyarihan ng Diyos. Ipanalangin ang taong ito at humanap ng pagkakataon para personal mong mapalakas ang loob nila.
𝗣𝗥𝗔𝗬𝗘𝗥
• Humingi ng pananampalataya sa Diyos upang marinig ang boses Niya kahit sa mahihirap na sitwasyon. Panghawakan ang mga pangako Niya at ang dakila Niyang layunin para sa iyo.
• Pasalamatan ang Diyos para sa dakila Niyang katapatan sa iyo na hindi nagbabago anuman ang gawin mo.
• Ipanalanging makita mo sa pananaw ng Diyos ang mga sitwasyong kinakaharap mo ngayon at hindi sa sarili mong pananaw. Ibahagi sa isang tao ngayong linggo ang patotoo mo tungkol sa pagkilos ng Diyos sa iyong buhay.