𝗪𝗔𝗥𝗠-𝗨𝗣
• Isipin ang isa sa pinakabaporito mong pagmamay-ari (relo, bag, bolpen, atbp.). Bibili ka ba ng iba’t ibang brand para sa gamit na ito o may pinagkakatiwalaan ka ng brand? Bakit mo pinagkakatiwalaan ang brand na ‘to?
• Kailan ang huling pagkakataon na sabik kang nagkwento ng paborito mong pagkain, kainan, o kapihan sa mga kaibigan mo? Ano ang nangyari pagkatapos mo silang kwentuhan?
• Naranasan mo na bang magtrabaho nang tuloy-tuloy kahit na mahirap dahil sa gantimpalang makukuha mo sa huli? Ano ang nangyari?
𝗪𝗢𝗥𝗗
𝘈𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘭𝘪𝘨𝘵𝘢𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘵𝘰ʼ𝘺 𝘱𝘪𝘯𝘢𝘨𝘴𝘪𝘬𝘢𝘱𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘭𝘪𝘬𝘴𝘪𝘬𝘪𝘯 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘱𝘳𝘰𝘱𝘦𝘵𝘢 𝘯𝘰𝘰𝘯. 𝘚𝘪𝘭𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘨𝘱𝘢𝘩𝘢𝘺𝘢𝘨 𝘵𝘶𝘯𝘨𝘬𝘰𝘭 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘭𝘰𝘰𝘣 𝘯𝘢 𝘪𝘵𝘰 𝘯𝘨 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴 𝘴𝘢 𝘢𝘵𝘪𝘯. 𝘐𝘱𝘪𝘯𝘢𝘩𝘢𝘺𝘢𝘨 𝘯𝘢 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘪𝘭𝘢 𝘯𝘨 𝙀𝙨𝙥𝙞𝙧𝙞𝙩𝙪 𝙣𝙞 𝘾𝙧𝙞𝙨𝙩𝙤 𝙣𝙖 𝙣𝙖𝙨𝙖 𝙠𝙖𝙣𝙞𝙡𝙖, 𝙣𝙖 𝙢𝙖𝙜𝙝𝙞𝙝𝙞𝙧𝙖𝙥 𝙨𝙞𝙮𝙖 𝙗𝙖𝙜𝙤 𝙥𝙖𝙧𝙖𝙣𝙜𝙖𝙡𝙖𝙣. 𝙆𝙖𝙮𝙖 𝙥𝙖𝙩𝙪𝙡𝙤𝙮 𝙨𝙖 𝙥𝙖𝙜𝙨𝙖𝙨𝙖𝙡𝙞𝙠𝙨𝙞𝙠 𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙥𝙧𝙤𝙥𝙚𝙩𝙖 𝙣𝙤𝙤𝙣 𝙠𝙪𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙞𝙡𝙖𝙣 𝙖𝙩 𝙠𝙪𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙥𝙖𝙖𝙣𝙤 𝙞𝙩𝙤 𝙢𝙖𝙣𝙜𝙮𝙖𝙮𝙖𝙧𝙞. 𝙄𝙥𝙞𝙣𝙖𝙝𝙖𝙮𝙖𝙜 𝙙𝙞𝙣 𝙨𝙖 𝙠𝙖𝙣𝙞𝙡𝙖 𝘯𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘣𝘢𝘨𝘢𝘺 𝘯𝘢 𝘪𝘱𝘪𝘯𝘢𝘢𝘭𝘢𝘮 𝘯𝘪𝘭𝘢 𝘢𝘺 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘪𝘬𝘢𝘣𝘶𝘣𝘶𝘵𝘪 𝘯𝘪𝘭𝘢 𝘬𝘶𝘯𝘥𝘪 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘢𝘵𝘪𝘯. 𝘈𝘵 𝘯𝘨𝘢𝘺𝘰𝘯, 𝘯𝘢𝘱𝘢𝘬𝘪𝘯𝘨𝘨𝘢𝘯 𝘯ʼ𝘺𝘰 𝘯𝘢 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘯𝘢𝘯𝘨𝘢𝘯𝘨𝘢𝘳𝘢𝘭 𝘯𝘨 𝘔𝘢𝘨𝘢𝘯𝘥𝘢𝘯𝘨 𝘉𝘢𝘭𝘪𝘵𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘪𝘱𝘪𝘯𝘢𝘩𝘢𝘺𝘢𝘨 𝘯𝘪𝘭𝘢. 𝘕𝘢𝘨𝘴𝘢𝘭𝘪𝘵𝘢 𝘴𝘪𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘪𝘯𝘺𝘰 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘮𝘢𝘮𝘢𝘨𝘪𝘵𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘱𝘢𝘯𝘨𝘺𝘢𝘳𝘪𝘩𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘉𝘢𝘯𝘢𝘭 𝘯𝘢 𝘌𝘴𝘱𝘪𝘳𝘪𝘵𝘶𝘯𝘨 𝘴𝘪𝘯𝘶𝘨𝘰 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘪𝘭𝘢 𝘮𝘶𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘭𝘢𝘯𝘨𝘪𝘵. 𝘒𝘢𝘩𝘪𝘵 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘢𝘯𝘨𝘩𝘦𝘭 𝘯𝘰𝘰𝘯 𝘢𝘺 𝘯𝘢𝘨𝘯𝘢𝘪𝘴 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘶𝘯𝘢𝘸𝘢𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘔𝘢𝘨𝘢𝘯𝘥𝘢𝘯𝘨 𝘉𝘢𝘭𝘪𝘵𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘵𝘰 𝘯𝘢 𝘪𝘱𝘪𝘯𝘢𝘯𝘨𝘢𝘳𝘢𝘭 𝘴𝘢 𝘪𝘯𝘺𝘰. 𝟭 𝗣𝗘𝗗𝗥𝗢 𝟭:𝟭𝟬-𝟭𝟮
Kitang-kita ang biyaya ng Diyos sa buhay ni Pedro mula sa pagtatanggi hanggang sa pagbabalik-loob niya. Kahit na itinanggi ni Pedro si Jesus nang tatlong beses, ginamit pa rin siya ng Diyos para itayo ang Kanyang kaharian sa pamamagitan ng walang-takot na paghahayag ng ebanghelyo nang may kapangyarihan at pananalig (Mga Gawa 2:14–36). Malalim ang pagkaintindi ni Pedro sa gawain ng Banal na Espiritu na nagbibigay kakayahan sa mga mananampalataya na mamuhay nang nakabukod para sa mga layunin ng Diyos. Sa pamamagitan ng gabay at biyaya ng Banal na Espiritu, nabibigyan tayo ng kakayahang mabigyang-karangalan ang Diyos at isalamin ang Kanyang katangian, tulad ng naranasan mismo ni Pedro sa kanyang buhay mula sa pagtanggi, panunumbalik, hanggang sa pagministeryo sa iba. Dahil tayo ay nakabukod para sa Diyos at nanggagaling sa lugar ng biyaya, narito ang tatlong bagay na nagagawa natin dahil sa kalakasang ibinibigay ng Banal na Espiritu.
𝟭. 𝗡𝗮𝗴𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝘁𝗶𝘄𝗮𝗹𝗮 𝗸𝗮𝘆 𝗖𝗿𝗶𝘀𝘁𝗼 𝗱𝗮𝗵𝗶𝗹 𝗦𝗶𝘆𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗶𝗽𝗶𝗻𝗮𝗻𝗴𝗮𝗸𝗼𝗻𝗴 𝗠𝗲𝘀𝗶𝗮𝘀 𝗻𝗮 𝗶𝗽𝗶𝗻𝗮𝗵𝗮𝘆𝗮𝗴 𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗻𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗘𝘀𝗽𝗶𝗿𝗶𝘁𝘂.
𝘈𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘭𝘪𝘨𝘵𝘢𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘵𝘰ʼ𝘺 𝘱𝘪𝘯𝘢𝘨𝘴𝘪𝘬𝘢𝘱𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘭𝘪𝘬𝘴𝘪𝘬𝘪𝘯 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘱𝘳𝘰𝘱𝘦𝘵𝘢 𝘯𝘰𝘰𝘯. 𝘚𝘪𝘭𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘨𝘱𝘢𝘩𝘢𝘺𝘢𝘨 𝘵𝘶𝘯𝘨𝘬𝘰𝘭 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘭𝘰𝘰𝘣 𝘯𝘢 𝘪𝘵𝘰 𝘯𝘨 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴 𝘴𝘢 𝘢𝘵𝘪𝘯. 𝘐𝘱𝘪𝘯𝘢𝘩𝘢𝘺𝘢𝘨 𝘯𝘢 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘪𝘭𝘢 𝘯𝘨 𝘌𝘴𝘱𝘪𝘳𝘪𝘵𝘶 𝘯𝘪 𝘊𝘳𝘪𝘴𝘵𝘰 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘪𝘭𝘢, 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘨𝘩𝘪𝘩𝘪𝘳𝘢𝘱 𝘴𝘪𝘺𝘢 𝘣𝘢𝘨𝘰 𝘱𝘢𝘳𝘢𝘯𝘨𝘢𝘭𝘢𝘯. 𝘒𝘢𝘺𝘢 𝘱𝘢𝘵𝘶𝘭𝘰𝘺 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘴𝘢𝘴𝘢𝘭𝘪𝘬𝘴𝘪𝘬 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘱𝘳𝘰𝘱𝘦𝘵𝘢 𝘯𝘰𝘰𝘯 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘪𝘭𝘢𝘯 𝘢𝘵 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘱𝘢𝘢𝘯𝘰 𝘪𝘵𝘰 𝘮𝘢𝘯𝘨𝘺𝘢𝘺𝘢𝘳𝘪. 𝘐𝘱𝘪𝘯𝘢𝘩𝘢𝘺𝘢𝘨 𝘥𝘪𝘯 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘪𝘭𝘢 𝘯𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘣𝘢𝘨𝘢𝘺 𝘯𝘢 𝘪𝘱𝘪𝘯𝘢𝘢𝘭𝘢𝘮 𝘯𝘪𝘭𝘢 𝘢𝘺 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘪𝘬𝘢𝘣𝘶𝘣𝘶𝘵𝘪 𝘯𝘪𝘭𝘢 𝘬𝘶𝘯𝘥𝘪 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘢𝘵𝘪𝘯. . . . 𝟭 𝗣𝗘𝗗𝗥𝗢 𝟭:𝟭𝟬-𝟭𝟮
Ipinapaliwanag ni Pedro sa naunang simbahan kung paano ginabayan ng Banal na Espiritu ang mga propeta sa Lumang Tipan habang pinag-aaralan nila ang Mesias na ipinangako ng Diyos sa Kanyang mga mamamayan. Sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, naipahayag ang gagawing pagliligtas ni Cristo (2 Pedro 1:21), at nabigyan tayo ng katiyakan na ang mga pangako ng Diyos ay mapagkakatiwalaan at maaasahan. Makakapanalig tayo kay Cristo nang buong-buo dahil alam natin na ang Kanyang pagtitiis at luwalhati ay bahagi ng walang-hanggang plano ng Diyos upang maibalik tayo sa tamang ugnayan sa Kanya. Ang pagdurusa, kamatayan, at kaluwalhatian ni Cristo ay naipahayag matagal na panahon na ang nakaraan at ang lahat ng ito ay natupad. Paano nakatulong ang katotohanang ito sa pagsunod mo kay Cristo?
𝟮. 𝗡𝗮𝗴𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗶𝗽𝗮𝗵𝗮𝘆𝗮𝗴 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝗮𝗻𝗱𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮 𝗱𝗮𝗵𝗶𝗹 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗸𝗮𝘆𝗮𝗵𝗮𝗻𝗴 𝗶𝗯𝗶𝗻𝗶𝗯𝗶𝗴𝗮𝘆 𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗻𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗘𝘀𝗽𝗶𝗿𝗶𝘁𝘂.
𝘐𝘱𝘪𝘯𝘢𝘩𝘢𝘺𝘢𝘨 𝘥𝘪𝘯 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘪𝘭𝘢 𝘯𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘣𝘢𝘨𝘢𝘺 𝘯𝘢 𝘪𝘱𝘪𝘯𝘢𝘢𝘭𝘢𝘮 𝘯𝘪𝘭𝘢 𝘢𝘺 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘪𝘬𝘢𝘣𝘶𝘣𝘶𝘵𝘪 𝘯𝘪𝘭𝘢 𝘬𝘶𝘯𝘥𝘪 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘢𝘵𝘪𝘯. 𝘈𝘵 𝘯𝘨𝘢𝘺𝘰𝘯, 𝘯𝘢𝘱𝘢𝘬𝘪𝘯𝘨𝘨𝘢𝘯 𝘯ʼ𝘺𝘰 𝘯𝘢 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘯𝘢𝘯𝘨𝘢𝘯𝘨𝘢𝘳𝘢𝘭 𝘯𝘨 𝘔𝘢𝘨𝘢𝘯𝘥𝘢𝘯𝘨 𝘉𝘢𝘭𝘪𝘵𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘪𝘱𝘪𝘯𝘢𝘩𝘢𝘺𝘢𝘨 𝘯𝘪𝘭𝘢. 𝘕𝘢𝘨𝘴𝘢𝘭𝘪𝘵𝘢 𝘴𝘪𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘪𝘯𝘺𝘰 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘮𝘢𝘮𝘢𝘨𝘪𝘵𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘱𝘢𝘯𝘨𝘺𝘢𝘳𝘪𝘩𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘉𝘢𝘯𝘢𝘭 𝘯𝘢 𝘌𝘴𝘱𝘪𝘳𝘪𝘵𝘶𝘯𝘨 𝘴𝘪𝘯𝘶𝘨𝘰 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘪𝘭𝘢 𝘮𝘶𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘭𝘢𝘯𝘨𝘪𝘵. 𝘒𝘢𝘩𝘪𝘵 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘢𝘯𝘨𝘩𝘦𝘭 𝘯𝘰𝘰𝘯 𝘢𝘺 𝘯𝘢𝘨𝘯𝘢𝘪𝘴 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘶𝘯𝘢𝘸𝘢𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘔𝘢𝘨𝘢𝘯𝘥𝘢𝘯𝘨 𝘉𝘢𝘭𝘪𝘵𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘵𝘰 𝘯𝘢 𝘪𝘱𝘪𝘯𝘢𝘯𝘨𝘢𝘳𝘢𝘭 𝘴𝘢 𝘪𝘯𝘺𝘰. 𝟭 𝗣𝗘𝗗𝗥𝗢 𝟭:𝟭𝟮
Tulad ng paggabay ng Banal na Espiritu sa mga propeta sa Lumang Tipan habang sila ay nagpropesiya tungkol kay Cristo, binibigyan tayo ng Banal na Espiritu ng kakayahan upang ihayag ang magandang balita na dumating na si Cristo. Hindi lamang tayo binibigyan ng katiyakan ng Banal na Espiritu tungkol sa plano ng Diyos kundi binibigyan din tayo ng kalakasan na ihayag ang ebanghelyo nang walang takot. Sa pamamagitan ng gabay at biyaya ng Banal na Espiritu, nabigyan tayo ng kakayahang tuparin ang ipinapagawa sa atin ng Diyos, at nakikilahok tayo sa ginagawang pagtubos ng Diyos at hinihikayat ang iba tungo sa isang masaganang buhay na matatagpuan kay Cristo. Paano ka nabigyan ng kakayahan ng Banal na Espiritu na ibahagi ang iyong pananampalataya sa iba?
𝟯. 𝗡𝗮𝗴𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝗮𝗹𝗮𝗸 𝘀𝗮 𝗴𝗶𝘁𝗻𝗮 𝗻𝗴 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗱𝘂𝗿𝘂𝘀𝗮 𝗱𝗮𝗵𝗶𝗹 𝗯𝗶𝗻𝗶𝗴𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝘁𝗶𝘆𝗮𝗸𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗻𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗘𝘀𝗽𝗶𝗿𝗶𝘁𝘂 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝘂𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗸𝗮𝗯𝘂𝗵𝗮𝘆 𝗻𝗶 𝗝𝗲𝘀𝘂𝘀.
𝘚𝘢 𝘩𝘢𝘭𝘪𝘱, 𝘮𝘢𝘨𝘢𝘭𝘢𝘬 𝘬𝘢𝘺𝘰 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘯𝘢𝘬𝘪𝘬𝘪𝘣𝘢𝘩𝘢𝘨𝘪 𝘬𝘢𝘺𝘰 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘩𝘪𝘳𝘢𝘱 𝘯𝘪 𝘊𝘳𝘪𝘴𝘵𝘰. 𝘈𝘵 𝘮𝘢𝘨𝘪𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘭𝘶𝘣𝘰𝘴 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘨𝘢𝘭𝘢𝘬𝘢𝘯 𝘯ʼ𝘺𝘰 𝘬𝘢𝘱𝘢𝘨 𝘯𝘢𝘪𝘱𝘢𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘯𝘢 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘱𝘢𝘯𝘨𝘺𝘢𝘳𝘪𝘩𝘢𝘯 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘴𝘢 𝘭𝘢𝘩𝘢𝘵. 𝘒𝘢𝘺𝘢 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘪𝘯𝘪𝘪𝘯𝘴𝘶𝘭𝘵𝘰 𝘬𝘢𝘺𝘰 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘮𝘨𝘢 𝘵𝘢𝘨𝘢𝘴𝘶𝘯𝘰𝘥 𝘬𝘢𝘺𝘰 𝘯𝘪 𝘊𝘳𝘪𝘴𝘵𝘰, 𝘮𝘢𝘱𝘢𝘭𝘢𝘥 𝘬𝘢𝘺𝘰 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘯𝘢𝘴𝘢 𝘪𝘯𝘺𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘬𝘢𝘱𝘢𝘯𝘨𝘺𝘢𝘳𝘪𝘩𝘢𝘯𝘨 𝘌𝘴𝘱𝘪𝘳𝘪𝘵𝘶, 𝘢𝘯𝘨 𝘌𝘴𝘱𝘪𝘳𝘪𝘵𝘶 𝘯𝘨 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴. 𝟭 𝗣𝗘𝗗𝗥𝗢 𝟰:𝟭𝟯-𝟭𝟰
Hinikayat ni Pedro ang mga naunang mananampalataya na magalak habang sila ay nagdurusa gaya ng pagdurusa ni Cristo. Kaya nilang magtiis dahil alam nilang sa pagbabalik ni Cristo, sila na may Banal na Espiritu, ay pinagpala dahil sila rin ay maluwalhating mabubuhay muli. Totoo rin ito para sa atin ngayon. Ang ating pagtitiis ay isang pagsubok na hindi magtatagal at di-maglalaon ay hahantong sa pagpapahayag ng luwalhati ng Diyos sa ating mga buhay. Ang biyaya ng Banal na Espiritu na nagbibigay ng lakas at kaginhawaan sa atin upang magpatuloy at magalak sa gitna ng mga mahihirap na kalagayan dahil alam natin na ang pagtitiis ay hindi ang dulo ng ating kwento. Sa halip ay ito ang daan papunta sa kaligayahan na walang hanggan at luwalhati kay Cristo. Ano ang sinasabi ng 2 Corinto 4:16–17 tungkol sa kung paano natin dapat harapin ang mga pagsubok dito sa mundo at kung saan tayo inihahanda ng mga ito?
𝗔𝗣𝗣𝗟𝗜𝗖𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡
• Pag-isipan ang 1 Pedro 4:14. Dahil nananahan ang Banal na Espiritu sa’yo, paano dapat nito naaapektuhan ang pananaw mo sa paghihirap para sa pangalan ni Cristo? Isulat ang mga naisip mo ngayong linggo.
• Ang Banal na Espiritu ang gumagabay at nagbibigay sa atin ng kakayahan habang nagbabahagi tayo ng magandang balita ni Cristo sa iba. Paano nito naaapektuhan ang paraan mo ng pagpapahayag ng ebanghelyo kahit kinakaharap mo pa ang mga hamon at oposisyon?
• Tumulong sa kaibigan o kamag-anak na kailangang makahanap ng lakas at kaginhawaan galing sa Banal na Espiritu sa panahong ito. Maglaan ng panahon upang palakasin ang kanyang loob at manalangin kasama ng taong ito ngayong linggo.
𝗣𝗥𝗔𝗬𝗘𝗥
• Pasalamatan ang Diyos sa pagpapalalim Niya ng iyong pang-unawa sa papel ng Banal na Espiritu sa buhay ng isang mananampalataya. Habang kinakaharap mo ang mga pagsubok, hilingin sa Diyos na palakasin Niya ang iyong pagkatao at bigyan ka ng pasensiya at tiyaga.
• Humingi ng gabay sa Banal na Espiritu habang tinatahak mo ang mga mahihirap na sitwasyon at ng biyayang magalak dahil alam mong ang pagtitiis ay panandalian lamang at may layunin sa plano ng Diyos.
• Ipanalangin sa Diyos na gamitin ka Niya upang bigyan ng lakas ng loob ang mga humaharap sa pang-aapi at mga pagsubok sa ngalan ni Cristo. Hilingin na maging tiyak ang presensiya at kapangyarihan ng Banal na Espiritu sa kanilang mga buhay.