icon__search

Kalungkutan at Pag-asa

Week 4

๐—ช๐—”๐—ฅ๐— -๐—จ๐—ฃ

โ€ข Magbigay ng kahit isang bagay na ginagawa mo para pasayahin ang sarili mo sa tuwing nalulungkot ka

โ€ข Paano ipinaparamdam sa iyo ng ibang tao na mahal ka nila? Maaari ka bang magbahagi ng mga pagkakataong nangyari ito?

โ€ข Paano mo naipapakita sa iba na pinahahalagahan mo sila? Maaari ka bang magbigay ng halimbawa?


๐—ช๐—ข๐—ฅ๐——

๐˜—๐˜ข๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ฑ๐˜ฐ๐˜ด, ๐˜ฑ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ข ๐˜ด๐˜ช ๐˜‘๐˜ฆ๐˜ด๐˜ถ๐˜ด ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜•๐˜ข๐˜ช๐˜ฏ. ๐˜š๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ๐˜บ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ต๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ด๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜ฅ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜บ๐˜ข ๐˜ข๐˜ต ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ข๐˜ฐ. ๐˜•๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ช๐˜ต ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ด๐˜ช๐˜ญ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ต๐˜ถ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜•๐˜ข๐˜ช๐˜ฏ, ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฃ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ช๐˜ด๐˜ข-๐˜ช๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ช๐˜บ๐˜ถ๐˜ฅ๐˜ข. ๐˜”๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ. ๐˜•๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜จ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ช๐˜บ๐˜ถ๐˜ฅ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ต๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ช๐˜บ๐˜ข ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ. ๐˜š๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜ช๐˜บ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ช๐˜บ๐˜ถ๐˜ฅ๐˜ข, โ€œ๐˜๐˜ถ๐˜ธ๐˜ข๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ช๐˜บ๐˜ข๐˜ฌ.โ€ย ย ๐—Ÿ๐—จ๐—–๐—”๐—ฆ ๐Ÿณ:๐Ÿญ๐Ÿญ-๐Ÿญ๐Ÿฏ


(Basahin din ang ๐—Ÿ๐—จ๐—–๐—”๐—ฆ ๐Ÿณ:๐Ÿญ๐Ÿฐโ€“๐Ÿญ๐Ÿณ.)


Ang kalungkutan ay bahagi ng buhay. Maraming paraan kung paano natin ito nararanasan. Sa palagay mo, paano mo haharapin ang kawalan, pagkasira ng mga ugnayan, at kamatayan? Ang epekto ng mga ito ay mahirap ilarawan at maaaring imposibleng pagtagumpayan. Bilang isang biyuda, nakaranas na ang babae ng kalungkutan dahil sa kamatayan ng kanyang asawa, at sa pagkakataong ito naman, pinangungunahan niya ang libing ng kanyang kaisa-isang anak. Mahirap isipin ang epekto ng kawalang ito sa emosyonal at pinansyal na kalagayan ng biyuda. Noong panahong iyon, wala masyadong trabahong mapagpipilian ang mga kababaihan, at umaasa lamang sila sa kanilang mga asawa at anak upang mabuhay. Ang biyuda ay nahihirapan hindi lamang sa pagkawala ng kanyang anak, kundi maaari ring dahil sa kanyang kinabukasan. Mabuti na lamang at hindi dito nagtapos ang kanyang kwento.


๐Ÿญ. ๐—ก๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐˜๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ผ๐—ผ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ถ๐˜†๐˜‚๐—ฑ๐—ฎ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—น๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ๐˜€ ๐—ป๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—น๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ธ๐˜‚๐˜๐—ฎ๐—ป.

๐˜•๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜จ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ช๐˜บ๐˜ถ๐˜ฅ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ต๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ช๐˜บ๐˜ข ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ . . . ๐—Ÿ๐—จ๐—–๐—”๐—ฆ ๐Ÿณ:๐Ÿญ๐Ÿฏ


Ipinapakita ng ebanghelyo ni Lucas na sadyang pinangangalagaan ni Jesus ang mga biyuda, ulila, at itinakwil ng lipunan. Binigyang-diin ni Lucas na matapos niyang pagbigyan ang kahilingan ng Senturyon (isang taong nakakataas sa lipunan) na pagalingin ang kanyang anak, nakita ng Diyos ang biyuda (isang taong mababa ang antas sa lipunan) sa kabila ng dami ng tao. Ang salitang โ€œnakitaโ€ na ginamit sa teksto ay nangangahulugan ng malalim na pagtinginโ€”ang ibig sabihin nito ay mapansin at maramdaman. Mahalaga kay Jesus hindi lamang ang tao na nakakataas sa lipunan, mahalaga kay Jesus ang bawat isa sa atin. Siya ang Diyos na nakakakita (Genesis 16:13). Alalahanin ang isa sa mga malinaw na pagkakataon na naramdaman mong nakita ka ng Diyos. Anong nangyari?


๐Ÿฎ. ๐—œ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐˜๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ผ๐—ผ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ป๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ต๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ด ๐˜€๐—ฎ ๐—ฏ๐—ถ๐˜†๐˜‚๐—ฑ๐—ฎ.

๐˜•๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜จ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ช๐˜บ๐˜ถ๐˜ฅ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ต๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ช๐˜บ๐˜ข ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ. ๐˜š๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜ช๐˜บ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ช๐˜บ๐˜ถ๐˜ฅ๐˜ข, โ€œ๐˜๐˜ถ๐˜ธ๐˜ข๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ช๐˜บ๐˜ข๐˜ฌ.โ€ย ๐—Ÿ๐—จ๐—–๐—”๐—ฆ ๐Ÿณ:๐Ÿญ๐Ÿฏ


Ipinakita ng Isaias 53:4 kung anong gagawin ni Jesus pagbaba Niya sa lupaโ€”papasanin Niya ang ating paghihinagpis at dadalhin ang ating kalungkutan. Nang nakita ni Jesus ang biyuda at nahabag Siya, naramdaman ni Jesus ang naramdaman ng biyuda, at nasaktan din si Jesus dahil nasaktan ang biyuda. Pinasan ni Jesus ang paghihinagpis ng biyuda at dinamayan Niya ito. Kapag lumalapit tayo sa Diyos sa gitna ng ating kalungkutan, maaari tayong umasa na haharapin Niya tayo nang may kabutihan, pag-unawa, at habag. Ayon sa Mga Hebreo 4:15โ€“16, ano ang makakapagpalakas ng loob natin sa panahon ng pangangailangan?


๐Ÿฏ. ๐—›๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐˜ ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ผ๐—ผ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ธ ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ถ๐˜†๐˜‚๐—ฑ๐—ฎ.

๐˜•๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ช๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ช ๐˜‘๐˜ฆ๐˜ด๐˜ถ๐˜ด ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜จ๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜บ ๐˜ถ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ช๐˜จ๐˜ช๐˜ญ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฅ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ. ๐˜š๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜ช ๐˜‘๐˜ฆ๐˜ด๐˜ถ๐˜ด, โ€œ๐˜‰๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ต๐˜ข, ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ฌ๐˜ข!โ€ย ๐˜œ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฑ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜บ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ด๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ต๐˜ข. ๐˜ˆ๐˜ต ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜บ ๐˜ด๐˜ช๐˜บ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ช ๐˜‘๐˜ฆ๐˜ด๐˜ถ๐˜ด ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข.ย ๐—Ÿ๐—จ๐—–๐—”๐—ฆ ๐Ÿณ:๐Ÿญ๐Ÿฐ-๐Ÿญ๐Ÿฑ


Dahil sa Kanyang pagkahabag, pinagaling ni Jesus ang anak ng biyuda at binuhay Niya ito mula sa kamatayan, isang bagay na walang ibang makagagawa. Ayon sa kanilang kultura, ang sinumang humawak sa patay ay magiging marumi. Pero, dahil sa Kanyang kapangyarihan at kabanalan, si Jesus ay nanatiling malinis. Sa halip, ang patay ay nabuhay. Ginawa ni Jesus ang himalang ito nang walang pag-aalinlanganโ€”walang humiling sa Kanya na gawin ito. Ginawa Niya ito dahil sa kagustuhan Niyang manumbalik ang kagalakan at pag-asa ng biyuda. Ito ang kapangyarihan ni Jesus! Paano mo naranasan ang pagkilos ng Diyos para sa iyong kapakanan?


Nang nakita ng mga tao ang ginawa ni Jesus, nagbigay sila ng papuri sa Diyos at kinilala nila ang pagkilos ng Ama sa pamamagitan ni Jesus (Lucas 7:16โ€“17). Ang presensya ni Jesus ay pisikal na pagpapakita ng Diyos. Nakikita tayo ng Diyos, pinahahalagahan Niya tayo, at kumikilos Siya para sa atin, kahit iniisip natin na hindi tayo mahalaga. Ginagamit ni Jesus ang ating mga sitwasyon na tila imposible upang maipakita ang Kanyang mahimalang kapangyarihan, para magbigay ng pag-asa, at maakay tayo palapit sa Kanya.


๐—”๐—ฃ๐—ฃ๐—Ÿ๐—œ๐—–๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก

โ€ข Paano mo kadalasan hinaharap ang kalungkutan? Paano ito magbabago ngayong alam mong nakikita ka ng Diyos, nahahabag Siya sa iyo, at kumikilos Siya para sa ikabubuti mo.

โ€ข Sino sa iyong pamilya o kaibigan ang nakakaranas ng kalungkutan o kawalan? Paano mo sila maituturo sa Diyos at paano mo maipapakita sa kanila na si Jesus ay mahabagin, may kakayahan at kagustuhang bigyan tayo ng pag-asa?

โ€ข Ipanalangin ang isang tao na nangangailangan ng himala. Mangakong ibabahagi mo ang pag-asa na natanggap natin kay Jesus at hamunin sila na magsimulang humakbang patungo sa pananampalataya at pagkakakilala sa Diyos.


๐—ฃ๐—ฅ๐—”๐—ฌ๐—˜๐—ฅ

โ€ข Pasalamatan si Jesus sa pagkakaroon Niya ng mahabaging puso para sa atin, mataas o mababa man ang antas natin sa lipunan. Pasalamatan Siya sa pagligtas at pakikipagtagpo Niya sa atin saan man tayo naroon.

โ€ข Ipanalangin sa Diyos na ipakita Niya sa iyo kung paano Siya nananatiling kasama mo at patuloy na mananatiling kasama mo sa panahon ng kagipitan. Ipanalangin na magkaroon ka ng mas higit na kamalayan sa Kanyang presensya at pagkilos sa buhay mo.

โ€ข Ipanalangin na magkaroon ka ng pananaw na ayon sa pananampalataya habang hinahangad mo ang mga himala ng Diyos para sa kasalukuyang taon. Nawaโ€™y makatulong ang pagkilos ng Diyos sa buhay mo at ang iyong pananampalataya upang maakay mo ang iba patungo sa Kanya.ย