icon__search

Ang Misyon

Week 4

๐—ช๐—”๐—ฅ๐—  ๐—จ๐—ฃ

โ€ข Ano ang pinakanakakagulat na nangyari sa iyo ngayong linggo?

โ€ข Isipin ang isang panahon na may isang underdog o inaapi na nanalo. Ikwento kung ano ang nakita at naranasan mo.

โ€ข Magkwento tungkol sa pinakamalayong lugar galing sa bahay mo na napuntahan mo. Bakit ka pumunta roon?


๐—ช๐—ข๐—ฅ๐——

๐˜– ๐˜‹๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ๐˜ด, ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏสผ๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ช๐˜ฏ. ๐˜๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ต๐˜ข ๐˜ฏสผ๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ต๐˜ช๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ, 2๐˜ถ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ญ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜จ๐˜ต๐˜ข๐˜ด.ย ๐—ฆ๐—”๐—Ÿ๐— ๐—ข ๐Ÿฒ๐Ÿณ:๐Ÿญโ€“๐Ÿฎ


(Basahin din ang ๐—ฆ๐—”๐—Ÿ๐— ๐—ข ๐Ÿฒ๐Ÿณ:๐Ÿฏโ€“๐Ÿณ.)


Ang Diyos ay dapat kilalanin ng Kanyang mga mamamayan at gawing tanyagโ€”sa buong mundo. Ang panalanging ito at kagustuhan ng salmista ay nagpatuloy mula Lumang Tipan hanggang sa Bagong Tipan nang dumating na si Jesus upang tayo ay iligtas. Nagpapatuloy pa ito ngayon sa atin na nakarinig ng ebanghelyo at tinawag upang isakatuparan ang misyon ng Diyos. Mayroon tayong dapat gampanan upang ang mundo ay makakilala at magkaroon ng takot sa Diyos. Ang mga mamamayan ng Diyos ngayonโ€”ang Iglesyaโ€”ay hindi lamang tagatanggap ng pagpapala ng Diyos (ang lugar ng misyon) kundi masugid ding tagapaghayag ni Cristo sa mundo (ang pwersa ng misyon). Sa araw na ito, tingnan natin kung paano isinasali ng Diyos ang Kanyang mga mamamayan upang makilahok sa paghahayag ng Kanyang pangalan sa ibaโ€™t ibang bansa.


๐Ÿญ. ๐—ฃ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐˜๐—ฎ๐˜†๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐——๐—ถ๐˜†๐—ผ๐˜€ ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐˜† ๐—น๐—ฎ๐˜†๐˜‚๐—ป๐—ถ๐—ป.

๐˜– ๐˜‹๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ๐˜ด, ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏสผ๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ช๐˜ฏ. ๐˜๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ต๐˜ข ๐˜ฏสผ๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ต๐˜ช๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ, ๐˜ถ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ญ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜จ๐˜ต๐˜ข๐˜ด. . . .

๐˜”๐˜ข๐˜จ-๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช ๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ช๐˜ฏ. ๐˜•๐˜ข๐˜ธ๐˜ขสผ๐˜บ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฏสผ๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช, ๐˜– ๐˜‹๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ๐˜ด, ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‹๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ๐˜ด. ๐˜ˆ๐˜ต ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ข๐˜ฌ๐˜ฐ๐˜ต ๐˜ด๐˜ข ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ข๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ฐ. ๐—ฆ๐—”๐—Ÿ๐— ๐—ข ๐Ÿฒ๐Ÿณ:๐Ÿญโ€“๐Ÿฎ, ๐Ÿฒโ€“๐Ÿณ


Ang mga Kristiyano ay binigyan ng Diyos ng layunin na ipakilala Siya. Anuman ang larangang ginagalawan natin, kailangan ay makita si Cristo sa ating mga buhay at maihayag natin Siya sa ating mga salita, kilos, at pamumuhay. Sa paggawa natin nito, maisasalamin natin ang Kanyang kadakilaan at kabutihan sa mga taong nakapalibot sa atin. Paano malalaman ng mga tao ang tungkol sa Diyos at sa kabutihan Niya sa atin kung hindi natin sila sasabihan? Paano magiging pagkakataon ang mga pang-araw-araw nating pakikisalamuha sa iba upang maipakita ang ebanghelyo?


๐Ÿฎ. ๐—ฃ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐˜๐—ฎ๐˜†๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐——๐—ถ๐˜†๐—ผ๐˜€ ๐˜‚๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ฎ..ย 

. . . ๐˜ถ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ญ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜จ๐˜ต๐˜ข๐˜ด. ๐˜—๐˜ถ๐˜ณ๐˜ช๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฌ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ข๐˜ฐ, ๐˜– ๐˜‹๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ๐˜ด.ย ๐—ฆ๐—”๐—Ÿ๐— ๐—ข ๐Ÿฒ๐Ÿณ:๐Ÿฎโ€“๐Ÿฏ


Ang saklaw ng ating mga buhay at gawain ay higit na mas malaki pa sa ating lokal na konteksto. Tinawag tayo upang maging pagpapala sa bawat bansa, para ang lahat ng tao ay makilala at magbigay-papuri sa Diyos. Ang tingin sa atin ng Diyos ay hindi tulad ng tingin natin sa ating mga sariliโ€”nakikita Niya kung paano maipapahayag sa mundo ang Kanyang mga pamamaraan at kapangyarihan sa pamamagitan natin. Hanggang saan mo ipinapanalangin na makarating ang ebanghelyo sa iyong henerasyon? Paano magiging pagpapala ang ating iglesya sa mga bansa?


๐Ÿฏ. ๐—”๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐——๐—ถ๐˜†๐—ผ๐˜€ ๐—ฎ๐˜† ๐—ฑ๐—ฎ๐—ต๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป ๐—ธ๐˜‚๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐˜ ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฑ๐—ถ๐—ฟ๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐˜‚๐—ฝ๐˜‚๐—ฟ๐—ถ ๐˜€๐—ฎ ๐——๐—ถ๐˜†๐—ผ๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ฎ.

๐˜—๐˜ถ๐˜ณ๐˜ช๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฌ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ข๐˜ฐ, ๐˜– ๐˜‹๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ๐˜ด. ๐˜”๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฌ ๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ข๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ธ๐˜ช๐˜ต ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ช ๐˜ด๐˜ข ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ, ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช๐˜ญ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ณ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏสผ๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ต๐˜ฐ๐˜ญ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ต๐˜ฏ๐˜ถ๐˜ฃ๐˜ข๐˜บ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ด๐˜ข. ๐˜– ๐˜‹๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ๐˜ด, ๐˜ฑ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ช๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ด๐˜ข.ย ๐—ฆ๐—”๐—Ÿ๐— ๐—ข ๐Ÿฒ๐Ÿณ:๐Ÿฏโ€“๐Ÿฑ


Sa kabila ng lahat ng poot at pagkakawatak-watak sa mundo ngayon, ang nasa puso ng Diyos ay ang magdiwang ang mga tao sa Kanya. Karapat-dapat Siya sa lahat ng ating papuri. Sa makasalanang mundo na ito, tayo ang Kanyang mga kinatawan na nagsisilbing mga kamay at paa Niya, nagpapahayag sa iba ng tungkol sa Kanya. Pribilehiyo natin ang maipahayag Siya at makita ang katuparan ng Kanyang walang hanggang mga plano. Ano sa tingin mo ang magiging itsura ng langit isang araw kapag ang lahat ng tao na galing sa bawat bansa ay sabay-sabay na sasamba sa Diyos?


Ang ating iglesya ay hindi lamang isang lugar ng misyon; tayo ay pwersa ng misyon, tinawag upang ipakilala si Cristo saan man tayo naroroon at saan man tayo pupunta. Isipin na lamang kung ano ang maaaring gawin ng Diyos sa pamamagitan ng mga taong ganap na nagpapasakop sa Kanya at tapat na nagsasakatuparan ng Kanyang misyon sa mundo!


๐—”๐—ฃ๐—ฃ๐—Ÿ๐—œ๐—–๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก

โ€ข Maglaan ng oras upang pag-isipan ang Mateo 28:18โ€“20 ngayong linggo. Isulat ang mga naiisip mo at maghandang ibahagi ito sa susunod na linggo.

โ€ข Ano ang papel ng iglesya sa pakikipag-ugnayan sa ibang bansa? Ano sa palagay mo ang bahagi mo rito? Nakikita mo ba ang sarili mo na nakikibahagi sa pagdarasal, pagbibigay, o sa pagpunta sa ibaโ€™t ibang lugar?

โ€ข Bilang bahagi ng isang pamilya ng mga iglesya at ministeryo sa buong mundo, paano mo masusuportahan at paano ka makikipag-ugnayan sa mga misyonero at kaibigan na tumutulong sa ibaโ€™t ibang kultura? Paano niyo mahihikayat ang bawat isa na manatiling matatag sa pagsasagawa ng misyon ng Diyos kahit na magkakaiba ang inyong kinaroroonan at konteksto?


๐—ฃ๐—ฅ๐—”๐—ฌ๐—˜๐—ฅ

โ€ข Pasalamatan ang Diyos para sa Kanyang pagmamahal sa Kanyang mga nilikha, para sa ating kaligtasan, at sa Kanyang plano ng pagtutubos.

โ€ข Manalangin na maging pagpapala ang ating iglesya sa mga bansaโ€”isang pwersa ng misyon sa paghahayag ng ebanghelyo. Ipagdasal na maunawaan at maisagawa mo ang iyong bahagi rito at saan ka man ilalagay o dadalhin ng Diyos.

โ€ข Ipanalangin na ang mga tao sa bawat bansa ay manumbalik sa Diyos, magkaroon ng takot sa Kanya, at sumunod sa Kanya. Humiling sa Diyos ng mas marami pang manggagawa na maipapadala lalo na sa 113 na mga bansa na wala pang iglesya ng Every Nation.