𝗪𝗔𝗥𝗠 𝗨𝗣
• Ano ang pinakaespesyal na pagdiriwang na naaalala mo? Ilarawan ang mga naramdaman at nakita mo sa pagdiriwang na ito?
• Naranasan mo na bang palitan ng bago ang isang luma o sirang bagay? Ano ang mga napansin mong kaibahan habang ginagamit mo ang bagong bagay?
• Nagpatawad ka na ba ng isang tao para sa isang masamang bagay na ginawa niya? Paano ka dumating sa puntong gusto mo na siyang patawarin?
𝗪𝗢𝗥𝗗
𝘗𝘢𝘨𝘬𝘢𝘵𝘢𝘱𝘰𝘴 𝘯𝘪𝘵𝘰, 𝘯𝘢𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘬𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘨𝘰𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘯𝘨𝘪𝘵 𝘢𝘵 𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘨𝘰𝘯𝘨 𝘭𝘶𝘱𝘢. 𝘕𝘢𝘨𝘭𝘢𝘩𝘰 𝘯𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘥𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘯𝘨𝘪𝘵 𝘢𝘵 𝘭𝘶𝘱𝘢, 𝘱𝘢𝘵𝘪 𝘯𝘢 𝘳𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘥𝘢𝘨𝘢𝘵. 𝘈𝘵 𝘯𝘢𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘬𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘉𝘢𝘯𝘢𝘭 𝘯𝘢 𝘓𝘶𝘯𝘨𝘴𝘰𝘥, 𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘨𝘰𝘯𝘨 𝘑𝘦𝘳𝘶𝘴𝘢𝘭𝘦𝘮, 𝘯𝘢 𝘣𝘶𝘮𝘢𝘣𝘢𝘣𝘢 𝘮𝘶𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘭𝘢𝘯𝘨𝘪𝘵 𝘨𝘢𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘴𝘢 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴. 𝘈𝘯𝘨 𝘭𝘶𝘯𝘨𝘴𝘰𝘥 𝘯𝘢 𝘪𝘺𝘰𝘯 𝘢𝘺 𝘵𝘶𝘭𝘢𝘥 𝘯𝘨 𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘣𝘢𝘦𝘯𝘨 𝘪𝘬𝘢𝘬𝘢𝘴𝘢𝘭. 𝘏𝘢𝘯𝘥𝘢𝘯𝘨-𝘩𝘢𝘯𝘥𝘢 𝘯𝘢, 𝘢𝘵 𝘨𝘢𝘺𝘢𝘬 𝘯𝘢 𝘨𝘢𝘺𝘢𝘬 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘴𝘢𝘭𝘶𝘣𝘰𝘯𝘨 𝘴𝘢 𝘭𝘢𝘭𝘢𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘱𝘢𝘱𝘢𝘯𝘨𝘢𝘴𝘢𝘸𝘢 𝘯𝘪𝘺𝘢. 𝘕𝘢𝘳𝘪𝘯𝘪𝘨 𝘬𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘭𝘢𝘬𝘢𝘴 𝘯𝘢 𝘴𝘪𝘨𝘢𝘸 𝘮𝘶𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘵𝘳𝘰𝘯𝘰, “𝘕𝘨𝘢𝘺𝘰𝘯, 𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘩𝘢𝘯𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴 𝘢𝘺 𝘯𝘢𝘴𝘢 𝘱𝘪𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘯𝘢 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘵𝘢𝘰! 𝘔𝘢𝘯𝘢𝘯𝘢𝘩𝘢𝘯 𝘯𝘢 𝘴𝘪𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘴𝘢𝘮𝘢 𝘯𝘪𝘭𝘢. 𝘚𝘪𝘭𝘢ʼ𝘺 𝘮𝘢𝘨𝘪𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘮𝘢𝘮𝘢𝘮𝘢𝘺𝘢𝘯 𝘯𝘪𝘺𝘢. 𝘈𝘵 𝘴𝘪𝘺𝘢ʼ𝘺 𝘮𝘢𝘬𝘢𝘬𝘢𝘱𝘪𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘯𝘢 𝘯𝘪𝘭𝘢 [𝘢𝘵 𝘮𝘢𝘨𝘪𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴 𝘯𝘪𝘭𝘢.]” 𝗣𝗔𝗛𝗔𝗬𝗔𝗚 𝟮𝟭:𝟭–𝟯
(Basahin din ang 𝗣𝗔𝗛𝗔𝗬𝗔𝗚 𝟮𝟭:𝟰–𝟳.)
Si Jesu-Cristo ay namatay para kunin ang ating mga kasalanan at ibalik tayo sa kabanalan. Dahil hindi Siya kailanman nagkasala, tinalo Niya ang kamatayan. Bagama’t lahat tayo ay lilipas, kasama ang unang langit at ang unang lupa, hindi ito ang ganap na kahihinatnan natin. Magkakaroon ng 𝘣𝘢𝘨𝘰𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘯𝘨𝘪𝘵 at 𝘣𝘢𝘨𝘰𝘯𝘨 𝘭𝘶𝘱𝘢 kung saan ang Diyos ay mananahan kasama nating mga mananampalataya, at tayo ay magiging Kanyang mga banal na mamamayan. Sa wakas, matutupad na ang plano ng Diyos na ibalik tayo sa Kanya. Ano ang magiging larawan ng ganap na kabanalan?
𝟭. 𝗜𝗽𝗮𝗻𝘂𝗻𝘂𝗺𝗯𝗮𝗹𝗶𝗸 𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗴𝗮𝗻𝗮𝗽 𝗻𝗴 𝗗𝗶𝘆𝗼𝘀 𝗮𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗻𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗶𝗹𝗶𝗸𝗵𝗮.
𝘗𝘢𝘨𝘬𝘢𝘵𝘢𝘱𝘰𝘴 𝘯𝘪𝘵𝘰, 𝘯𝘢𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘬𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘨𝘰𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘯𝘨𝘪𝘵 𝘢𝘵 𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘨𝘰𝘯𝘨 𝘭𝘶𝘱𝘢. 𝘕𝘢𝘨𝘭𝘢𝘩𝘰 𝘯𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘥𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘯𝘨𝘪𝘵 𝘢𝘵 𝘭𝘶𝘱𝘢, 𝘱𝘢𝘵𝘪 𝘯𝘢 𝘳𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘥𝘢𝘨𝘢𝘵. . . . “𝘗𝘢𝘱𝘢𝘩𝘪𝘳𝘪𝘯 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘭𝘶𝘩𝘢 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘮𝘢𝘵𝘢. 𝘞𝘢𝘭𝘢 𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘮𝘢𝘵𝘢𝘺𝘢𝘯, 𝘬𝘢𝘭𝘶𝘯𝘨𝘬𝘶𝘵𝘢𝘯, 𝘪𝘺𝘢𝘬𝘢𝘯 𝘰 𝘴𝘢𝘬𝘪𝘵. 𝘚𝘢𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘵 𝘭𝘶𝘮𝘪𝘱𝘢𝘴 𝘯𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘥𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢𝘺𝘢𝘯. 𝘈𝘵 𝘴𝘪𝘯𝘢𝘣𝘪 𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘬𝘢𝘶𝘱𝘰 𝘴𝘢 𝘵𝘳𝘰𝘯𝘰, “𝘉𝘪𝘯𝘢𝘣𝘢𝘨𝘰 𝘬𝘰 𝘯𝘢 𝘯𝘨𝘢𝘺𝘰𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘩𝘢𝘵 𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘨𝘢𝘺!” 𝘈𝘵 𝘴𝘪𝘯𝘢𝘣𝘪 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘴𝘢 𝘢𝘬𝘪𝘯, “𝘐𝘴𝘶𝘭𝘢𝘵 𝘮𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘪𝘯𝘢𝘴𝘢𝘣𝘪 𝘬𝘰 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘵𝘰𝘵𝘰𝘰 𝘪𝘵𝘰 𝘢𝘵 𝘮𝘢𝘢𝘢𝘴𝘢𝘩𝘢𝘯.” 𝗣𝗔𝗛𝗔𝗬𝗔𝗚 𝟮𝟭:𝟭, 𝟰–𝟱
Sa pagbabalik ni Jesus, gagawa ang Diyos ng bagong langit at bagong lupa, kung saan wala nang kamatayan, pagdadalamhati, sakit, o dahilan para umiyak. Sa bagong nilikhang ito, wala nang bakas ng kasalanan at ang mga epekto nito. Lahat ay gagawing bago. Ano sa palagay mo ang magiging larawan ng isang ginawang bagong nilikha?
𝟮. 𝗧𝗮𝘆𝗼 𝗮𝘆 𝗴𝗮𝗴𝗮𝘄𝗶𝗻𝗴 𝗴𝗮𝗻𝗮𝗽 𝗻𝗮 𝗯𝗮𝗻𝗮𝗹 𝗻𝗴 𝗗𝗶𝘆𝗼𝘀.
𝘈𝘵 𝘯𝘢𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘬𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘉𝘢𝘯𝘢𝘭 𝘯𝘢 𝘓𝘶𝘯𝘨𝘴𝘰𝘥, 𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘨𝘰𝘯𝘨 𝘑𝘦𝘳𝘶𝘴𝘢𝘭𝘦𝘮, 𝘯𝘢 𝘣𝘶𝘮𝘢𝘣𝘢𝘣𝘢 𝘮𝘶𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘭𝘢𝘯𝘨𝘪𝘵 𝘨𝘢𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘴𝘢 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴. 𝘈𝘯𝘨 𝘭𝘶𝘯𝘨𝘴𝘰𝘥 𝘯𝘢 𝘪𝘺𝘰𝘯 𝘢𝘺 𝘵𝘶𝘭𝘢𝘥 𝘯𝘨 𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘣𝘢𝘦𝘯𝘨 𝘪𝘬𝘢𝘬𝘢𝘴𝘢𝘭. 𝘏𝘢𝘯𝘥𝘢𝘯𝘨-𝘩𝘢𝘯𝘥𝘢 𝘯𝘢, 𝘢𝘵 𝘨𝘢𝘺𝘢𝘬 𝘯𝘢 𝘨𝘢𝘺𝘢𝘬 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘴𝘢𝘭𝘶𝘣𝘰𝘯𝘨 𝘴𝘢 𝘭𝘢𝘭𝘢𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘱𝘢𝘱𝘢𝘯𝘨𝘢𝘴𝘢𝘸𝘢 𝘯𝘪𝘺𝘢. 𝗣𝗔𝗛𝗔𝗬𝗔𝗚 𝟮𝟭:𝟮
Ang dakila at inaasam nating pag-asa sa hinaharap ay ang maibalik sa tamang ugnayan sa Diyos at mabuhay bilang Kanyang mga mamamayan magpakailanman. Ang dakilang kagalakan ng Diyos ay ang maibalik tayo sa kabanalan at makasama natin Siya bilang ating Diyos. Hindi niya tayo pinabayaan. Dahil sa pagmamahal sa atin, gumawa Siya ng isang plano upang ibalik tayo sa Kanya sa isang masayang pagsasama. Ngayong alam mo na ito, paano mo ilalarawan kung sino ang Diyos?
𝟯. 𝗔𝗻𝗴 𝗗𝗶𝘆𝗼𝘀 𝗮𝘆 𝗺𝗮𝗻𝗮𝗻𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗸𝗮𝘀𝗮𝗺𝗮 𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗻𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗺𝗮𝗴𝗽𝗮𝗸𝗮𝗶𝗹𝗮𝗻𝗺𝗮𝗻.
𝘕𝘢𝘳𝘪𝘯𝘪𝘨 𝘬𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘭𝘢𝘬𝘢𝘴 𝘯𝘢 𝘴𝘪𝘨𝘢𝘸 𝘮𝘶𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘵𝘳𝘰𝘯𝘰, “𝘕𝘨𝘢𝘺𝘰𝘯, 𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘩𝘢𝘯𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴 𝘢𝘺 𝘯𝘢𝘴𝘢 𝘱𝘪𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘯𝘢 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘵𝘢𝘰! 𝘔𝘢𝘯𝘢𝘯𝘢𝘩𝘢𝘯 𝘯𝘢 𝘴𝘪𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘴𝘢𝘮𝘢 𝘯𝘪𝘭𝘢. 𝘚𝘪𝘭𝘢ʼ𝘺 𝘮𝘢𝘨𝘪𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘮𝘢𝘮𝘢𝘮𝘢𝘺𝘢𝘯 𝘯𝘪𝘺𝘢. 𝘈𝘵 𝘴𝘪𝘺𝘢ʼ𝘺 𝘮𝘢𝘬𝘢𝘬𝘢𝘱𝘪𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘯𝘢 𝘯𝘪𝘭𝘢 [𝘢𝘵 𝘮𝘢𝘨𝘪𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴 𝘯𝘪𝘭𝘢.] 𝘗𝘢𝘱𝘢𝘩𝘪𝘳𝘪𝘯 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘭𝘶𝘩𝘢 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘮𝘢𝘵𝘢. 𝘞𝘢𝘭𝘢 𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘮𝘢𝘵𝘢𝘺𝘢𝘯, 𝘬𝘢𝘭𝘶𝘯𝘨𝘬𝘶𝘵𝘢𝘯, 𝘪𝘺𝘢𝘬𝘢𝘯 𝘰 𝘴𝘢𝘬𝘪𝘵. 𝘚𝘢𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘵 𝘭𝘶𝘮𝘪𝘱𝘢𝘴 𝘯𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘥𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢𝘺𝘢𝘯.” 𝗣𝗔𝗛𝗔𝗬𝗔𝗚 𝟮𝟭:𝟯–𝟰
Ang pagkakahiwalay natin sa Diyos ay nagsimula noong nagkasala ang unang nilikhang lalaki at babae. Nawala sa sangkatauhan ang banal na kalagayan ng pagkakalikha sa atin. Gayunpaman, itinakda ng Diyos na ibalik ang sangkatauhan sa kabanalan. Ang pagiging banal kay Cristo ay nangangahulugan na tayo ay may daan patungo sa Diyos, ganap na naibalik sa Kanya, at nailigtas mula sa walang hanggang resulta ng kasalanan. Isaalang-alang ang kasaysayan ng sangkatauhan. Paano maaapektuhan ng pag-asa natin sa hinaharap ang paraan kung paano mo nakikita ang kasalukuyan mong buhay at kung paano ka nabubuhay?
𝗔𝗣𝗣𝗟𝗜𝗖𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡
• Tayo ay magiging banal at maibabalik sa tamang ugnayan sa Diyos sa pamamagitan lamang ni Jesu-Cristo. Gusto mo bang tanggapin Siya sa buhay mo ngayon?
• Sa bagong langit at bagong lupa, mapapawi ang lahat ng luha. Ano ang isang bagay na maaaring magbago sa paraan mo ng pamumuhay dahil sa naunawaan mo ngayon?
• Ang mga makakaranas ng bagong langit at ang bagong lupa ay ang mga tumatanggap sa plano ng Diyos na maibalik ang sangkatauhan. Paano mo maibabahagi ang planong ito sa mga miyembro ng pamilya mo at mga kaibigan mo ngayong linggo?
𝗣𝗥𝗔𝗬𝗘𝗥
• Magpasalamat sa Diyos sa Kanyang plano na ibalik tayo sa Kanya mula pa noong mga unang sandali ng mundo. Pasalamatan Siya sa Kanyang maawaing pag-ibig na nagpabalik sa atin sa Kanya.
• Ipagdasal na makapagtiis ka at hindi mawalan ng pag-asa dito sa lupa, taglay ang kaalaman tungkol sa pag-asa mo sa hinaharap na inilaan ng Diyos para sa iyo. Hilingin sa Kanya ang mas malalim na pagkaunawa sa Kanyang pagmamahal at sakripisyo.
• Hilingin sa Diyos na bigyan ka ng mga pagkakataon para maibahagi sa iba ang tungkol sa pag-asa sa hinaharap na ibinibigay Niya habang ikaw ay namumuhay nang may pag-asa araw-araw. Ipanalangin na madama ng iyong pamilya at mga kaibigan ang Kanyang dakilang pagmamahal sa pamamagitan mo at tanggapin ang pag-asa sa hinaharap para sa kanilang sarili.