icon__search

Ang Salita ang Nag-iingat sa Atin Laban sa Kasamaan

Week 6

𝗪𝗔𝗥𝗠-𝗨𝗣
• Anong regalo ang labis mong ipinagpapasalamat na natanggap mo? Bakit labis itong mahalaga para sa iyo?
• Kapag nakakaranas ka ng isang pagsubok, sino ang taong naiisip mong tawagan? Bakit siya ang pinipili mong tawagan?
• Magbahagi tungkol sa panahong may pinagdaraanan kang isang mahirap na sitwasyon at may taong nanatili sa tabi mo. Ano ang nangyari?


𝗪𝗢𝗥𝗗
“𝘚𝘢𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘵 𝘪𝘵𝘪𝘯𝘶𝘳𝘰 𝘬𝘰 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘪𝘭𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘪𝘵𝘪𝘯𝘶𝘳𝘰 𝘮𝘰 𝘴𝘢 𝘢𝘬𝘪𝘯, 𝘢𝘵 𝘵𝘪𝘯𝘢𝘯𝘨𝘨𝘢𝘱 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘯𝘪𝘭𝘢. 𝘚𝘪𝘨𝘶𝘳𝘢𝘥𝘰 𝘴𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘨𝘮𝘶𝘭𝘢 𝘢𝘬𝘰 𝘴𝘢 𝘪𝘺𝘰, 𝘢𝘵 𝘯𝘢𝘯𝘪𝘯𝘪𝘸𝘢𝘭𝘢 𝘴𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘴𝘪𝘯𝘶𝘨𝘰 𝘮𝘰 𝘢𝘬𝘰. 𝘐𝘥𝘪𝘯𝘢𝘥𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯 𝘬𝘰 𝘴𝘪𝘭𝘢. 𝘏𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘢𝘬𝘰 𝘯𝘢𝘯𝘢𝘯𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘵𝘢𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘬𝘢𝘮𝘶𝘯𝘥𝘰 𝘬𝘶𝘯𝘥𝘪 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘵𝘢𝘰𝘯𝘨 𝘪𝘣𝘪𝘯𝘪𝘨𝘢𝘺 𝘮𝘰 𝘴𝘢 𝘢𝘬𝘪𝘯, 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘴𝘪𝘭𝘢 𝘢𝘺 𝘴𝘢 𝘪𝘺𝘰." 𝗝𝗨𝗔𝗡 𝟭𝟳:𝟴–𝟵

Makikita sa ika-17 kabanata ng aklat ni Juan ang panalangin ni Jesus para sa Kanyang mga disipulo bago Siya arestuhin at ipako sa krus. Dahil alam Niya na malapit nang magtapos ang pananatili Niya sa piling ng mga tao sa lupa, ipinanalangin ni Jesus ang Kanyang mga disipulo at ipinadala Niya sila sa mundo. Si Jesus, ang ating Panginoon at Tagapagligtas, ay nananalangin para sa ating mga disipulo Niya, upang mailayo tayo sa kaaway at maging banal habang isinasagawa natin ang Kanyang misyon para sa atin. Tingnan natin ang panalanging ito ngayon.


𝟭. 𝗜𝗽𝗶𝗻𝗮𝗻𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴𝗶𝗻 𝗻𝗶 𝗝𝗲𝘀𝘂𝘀 𝗻𝗮 𝗺𝗮𝗶𝗻𝗴𝗮𝘁𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗻𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗱𝗶𝘀𝗶𝗽𝘂𝗹𝗼 𝗹𝗮𝗯𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗮𝘄𝗮𝘆.
“𝘏𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘬𝘰 𝘪𝘥𝘪𝘯𝘢𝘥𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯 𝘯𝘢 𝘬𝘶𝘯𝘪𝘯 𝘮𝘰 𝘯𝘢 𝘴𝘪𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘮𝘶𝘯𝘥𝘰, 𝘬𝘶𝘯𝘥𝘪 𝘪𝘯𝘨𝘢𝘵𝘢𝘯 𝘮𝘰 𝘴𝘪𝘭𝘢 𝘭𝘢𝘣𝘢𝘯 𝘬𝘢𝘺 𝘚𝘢𝘵𝘢𝘯𝘢𝘴. 𝘏𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘴𝘪𝘭𝘢 𝘮𝘢𝘬𝘢𝘮𝘶𝘯𝘥𝘰, 𝘵𝘶𝘭𝘢𝘥 𝘬𝘰 𝘯𝘢 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘮𝘢𝘬𝘢𝘮𝘶𝘯𝘥𝘰." 𝗝𝗨𝗔𝗡 𝟭𝟳:𝟭𝟱–𝟭𝟲

Bilang mga disipulo ni Jesus, mararanasan natin ang paghihirap, pag-uusig, at maging ang kamatayan ng ating pisikal na pangangatawan habang tayo ay nabubuhay dito sa lupa. Subalit ipinapanalangin ni Jesus na mapangalagaan ng Diyos ang ating mga puso at isipan sa pamamagitan ng Kanyang pagmamahal at presensya sa bawat sitwasyong nararanasan natin. Ano ang mga pagsubok na naranasan ni apostol Pablo at ng iba pang mga mananampalataya sa 2 Corinto 1:8–10? Paano nila napagtagumpayan ang paghihirap na ito?

𝟮. 𝗜𝗽𝗶𝗻𝗮𝗻𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴𝗶𝗻 𝗻𝗶 𝗝𝗲𝘀𝘂𝘀 𝗻𝗮 𝗺𝗮𝗶𝗯𝘂𝗸𝗼𝗱 𝗮𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗻𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗱𝗶𝘀𝗶𝗽𝘂𝗹𝗼 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝗴𝗶𝘁𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝘀𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮.
"𝘐𝘣𝘶𝘬𝘰𝘥 𝘮𝘰 𝘴𝘪𝘭𝘢 𝘶𝘱𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘪𝘺𝘰 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘮𝘢𝘮𝘢𝘨𝘪𝘵𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘵𝘰𝘵𝘰𝘩𝘢𝘯𝘢𝘯; 𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘭𝘪𝘵𝘢 𝘮𝘰 𝘢𝘺 𝘬𝘢𝘵𝘰𝘵𝘰𝘩𝘢𝘯𝘢𝘯." 𝗝𝗨𝗔𝗡 𝟭𝟳:𝟭𝟳

Ang ikalawang bahagi ng panalangin ni Jesus ay ang pagpapabanal o pagbubukod sa atin sa pamamagitan ng salita ng Diyos. Sa patuloy nating pananatili sa Kanyang salita, patuloy nating mararanasan ang kaligtasan laban sa kapangyarihan ng kasalanan. Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng salita ng Diyos na bumabago at nagpapabanal sa atin, tayo ay nagiging mas katulad ni Jesus araw-araw. Sa palagay mo, bakit ito ang isa sa mga huling panalangin ni Jesus bago Siya arestuhin (Juan 18)?

Matapos Niyang ipanalangin na mailayo sa kaaway ang Kanyang mga disipulo at maibukod sa mundo sa pamamagitan ng salita, sinabi ni Jesus sa Ama na: “𝘐𝘴𝘪𝘯𝘶𝘨𝘰 𝘮𝘰 𝘢𝘬𝘰 𝘳𝘪𝘵𝘰 𝘴𝘢 𝘮𝘶𝘯𝘥𝘰, 𝘬𝘢𝘺𝘢 𝘪𝘴𝘪𝘯𝘶𝘴𝘶𝘨𝘰 𝘬𝘰 𝘳𝘪𝘯 𝘴𝘪𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘮𝘶𝘯𝘥𝘰 𝘶𝘱𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘯𝘨𝘢𝘳𝘢𝘭” (Juan 17:18). Hindi na ito isang panalangin; ito ay isa nang pagpapahayag ng katotohanan. Ang mga tagasunod ni Jesus ay dapat nang pumunta sa mundo at magpahayag ng Kanyang katotohanan saan man sila pumunta. Bagama’t mahirap ito gawin, mayroong katiyakan na dala nila ang proteksyon at kapangyarihang mula sa Diyos, gaya ng ipinahayag ng panalangin ni Jesus para sa atin. Ibinibigay ng Diyos ang lahat ng kailangan natin upang sundin at maipahayag Siya sa mundo.


𝗔𝗣𝗣𝗟𝗜𝗖𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡
• Sa palagay mo, ano ang nararamdaman ni Jesus habang nakatingin Siya sa Kanyang mga disipulo at nananalangin para sa kanila? Ano ang tugon mo sa Kanyang panalangin?
• Ang kahulugan ng pagiging katulad ni Cristo ay isang lumalago at lumalalim na ugnayan sa Diyos. Ano ang isang bagay na maaari mong gawin ngayon upang patuloy na lumalim ang pagkakaunawa mo sa Kanyang salita?
• Bagama’t hindi na tayo bahagi ng mundo, tayo ay naririto pa rin sa mundo at si Jesus ang nagpadala sa atin dito. Ano ang ibig sabihin nito para sa iyo?


𝗣𝗥𝗔𝗬𝗘𝗥
• Pasalamatan ang Diyos para sa Kanyang Anak na si Jesus, na Siyang nananalangin para sa atin at humihiling ng ating kalayaan at kabanalan sa Ama habang nananatili tayo sa katotohanan. Pasalamatan Siya sa Kanyang dakila at walang hanggang pagmamahal sa atin.
• Ipanalangin na patuloy mong mararanasan ang katotohanan habang patuloy kang nananatili sa salita ng Diyos at nagsasagawa ng Kanyang misyon. Ipanalangin na lalo pang lumalim ang ugnayan mo sa Diyos.
• Hingin sa Diyos ang Kanyang proteksyon at kalayaan habang patuloy mong isinasagawa ang Kanyang misyon sa iyong buhay. Ipanalangin na maranasan mo ang Kanyang presensya sa mas malalim na paraan araw-araw at maipahayag mo sa iba kung sino Siya.