icon__search

Nagbigay ng Pananampalataya at Pag-asa

Week 1

๐—ช๐—”๐—ฅ๐— -๐—จ๐—ฃ
โ€ข Sino ang paborito mong guro noong elementarya o ๐˜ฉ๐˜ช๐˜จ๐˜ฉ ๐˜ด๐˜ค๐˜ฉ๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ญ ka? Bakit mo siya naging paborito?
โ€ข Noong bata ka, ano ang isang bagay na naaalala mong laging sinasabi sa iyo ng mga magulang o tagapag-alaga mo?
โ€ข Sabihin sa grupo ang isang instruksyon na binigay sa iyo noong bata ka na naintindihan mo lamang noong tumanda ka na.


๐—ช๐—ข๐—ฅ๐——
๐˜๐˜ถ๐˜ธ๐˜ข๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฎ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ; ๐˜ด๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ด๐˜ถ๐˜ด๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜ฅ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช.
๐˜š๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜บ๐˜ข๐˜ณ๐˜ช๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ˆ๐˜•๐˜Ž๐˜๐˜•๐˜–๐˜–๐˜• ๐˜ข๐˜ต ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข-๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ช๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜จ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข. ๐˜๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜บ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ถ๐˜ต๐˜ถ๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜๐˜ด๐˜ณ๐˜ข๐˜ฆ๐˜ญ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜ช ๐˜‘๐˜ข๐˜ค๐˜ฐ๐˜ฃ. ๐˜๐˜ฏ๐˜ช๐˜ถ๐˜ต๐˜ฐ๐˜ด ๐˜ฏ๐˜ช๐˜บ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ช๐˜ต๐˜ถ๐˜ณ๐˜ฐ ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ . . . ๐—ฆ๐—”๐—Ÿ๐— ๐—ข ๐Ÿณ๐Ÿด:๐Ÿฐ-๐Ÿฑ

Nang makarating sa Lupang Ipinangako ang mga Israelita, ipinangako ng Diyos na aalalahanin Niya ang Kanyang mga mamamayan at ibabalik Niya sila dito kung sakali mang makalimutan nila Siya at magkawatak-watak (Deuteronomio 30). Ngunit ang mamamayan ng Diyos ay patuloy na nakalimot sa Kanya at nagkawatak-watakโ€”nang paulit-ulit, maging hanggang sa kasalukuyang panahon. Maaari nating makalimutan ang Diyos. Mabuti na lamang at may mga magulang, tagapagturo, at guro na itinalaga para gabayan tayo at ang mga susunod pang mga henerasyon upang lumapit tayo at sumunod sa Kanya. Ipinapasa ng mas nakatatandang henerasyon ang kaalaman at paniniwala nila sa susunod na henerasyon. Bata man o matanda, ang pagpasa ng kaalaman natin ay humuhubog ng pananampalataya, pag-asa, at pag-uugali. Ngayong linggo, pag-uusapan natin ang ninanais ng Diyos para sa atin at sa mga susunod na henerasyon.

๐Ÿญ. ๐—ก๐—ฎ๐—ถ๐˜€ ๐—ป๐—ด ๐——๐—ถ๐˜†๐—ผ๐˜€ ๐—ป๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐—ฆ๐—ถ๐˜†๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐˜€๐˜‚๐˜€๐˜‚๐—ป๐—ผ๐—ฑ ๐—ป๐—ฎ ๐—ต๐—ฒ๐—ป๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป.
. . . ๐˜ถ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ด๐˜ถ๐˜ด๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜ฅ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ต๐˜ถ๐˜ณ๐˜ฐ ๐˜ณ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ. ๐—ฆ๐—”๐—Ÿ๐— ๐—ข ๐Ÿณ๐Ÿด:๐Ÿฒ

Ang makilala ang Diyos ay naiiba sa maka-alam tungkol sa Diyos. Ang pagkilala sa Diyos ay hindi lamang tungkol sa mga impormasyon at kinabisadong mga bahagi ng Kasulatan. Nangangahulugan ito ng tunay, personal, at relasyonal na kaalaman tungkol sa Diyos. Ang nais ng Diyos ay ang sabihin ng bawat henerasyon sa susunod na henerasyon kung sino Siya, ang ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜บ๐˜ข๐˜ณ๐˜ช๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ Niya, at ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข-๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข ๐˜•๐˜ช๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜จ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข. Kung paanong naranasan natin ang kabutihan ng Diyos sa ating mga buhay o natutunan ang mga aral mula sa Kanya, ito ang mga una din nating dapat ituro sa susunod na henerasyon. Paano mo naranasan ang pagkilos ng Diyos sa buhay mo? Ano ang isang bagay na nais mong ipagkaloob sa susunod na henerasyon tungkol sa Diyos?

๐Ÿฎ. ๐—ก๐—ฎ๐—ถ๐˜€ ๐—ป๐—ด ๐——๐—ถ๐˜†๐—ผ๐˜€ ๐—ป๐—ฎ ๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ž๐—ฎ๐—ป๐˜†๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜€๐˜‚๐˜€๐˜‚๐—ป๐—ผ๐—ฑ ๐—ป๐—ฎ ๐—ต๐—ฒ๐—ป๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป.
๐˜š๐˜ข ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ, ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ต๐˜ช๐˜ต๐˜ช๐˜ธ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข ๐˜ด๐˜ช๐˜ญ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜‹๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ๐˜ด ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข . . . ๐—ฆ๐—”๐—Ÿ๐— ๐—ข ๐Ÿณ๐Ÿด:๐Ÿณ

Ang kahalagahan ng pagkwento ng ating mga naranasan tungkol sa Diyos sa susunod na henerasyon ay ang pananampalataya at pag-asa na mayroon tayo sa Kanya. Ang buhay ay puno ng saya at kalungkutan. Para sa mga naniniwala sa Diyos, ang bawat isa sa mga sandaling ito, maganda man o hindi, ay isang pagkakataon upang palakasin ang ating pananampalataya at buhayin ang ating pag-asa. Kapag alam natin ang ginawa ng Diyos sa nakaraan, magkakaroon tayo ng pananampalataya na muli Niya itong gagawin. Ano ang ilang mga sandaling naranasan mo na nakatulong upang patatagin ang iyong pananampalataya? Bakit mo nasasabi na ang Diyos ang iyong pangunahing pag-asa?

๐Ÿฏ. ๐—ก๐—ฎ๐—ถ๐˜€ ๐—ป๐—ด ๐——๐—ถ๐˜†๐—ผ๐˜€ ๐—ป๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—บ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜† ๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ž๐—ฎ๐—ป๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜€๐˜‚๐˜€๐˜‚๐—ป๐—ผ๐—ฑ ๐—ป๐—ฎ ๐—ต๐—ฒ๐—ป๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป.
. . . ๐˜ด๐˜ถ๐˜ด๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ถ๐˜ต๐˜ฐ๐˜ด . . . ๐—ฆ๐—”๐—Ÿ๐— ๐—ข ๐Ÿณ๐Ÿด:๐Ÿณ

Bakit natin dapat sundin ang mga utos ng Diyos? Hindi tayo dapat sumusunod sa Diyos dahil sa takot at dahil sa pag-iisip na kailangan natin ng โ€œmabubuting gawa.โ€ Sumusunod tayo sa Kanya dahil alam Niya kung ano ang makabubuti para sa atin. Mahal Niya tayo at nais Niyang piliin natin ang buhayโ€”ito ang dahilan kung bakit nais Niyang mamuhay tayo ayon sa Kanyang pamamaraan. Dahil sa pagkakaunawa na ang pinakamainam na paraan ay ang mamuhay kasama ang Diyos, ang kasalukuyang henerasyon ay tinawag upang ipagkaloob ang katotohanang ito sa mga susunod na henerasyon, upang magawa din nilang piliin ang buhay. Tinangka mo na bang dayain ang Diyos o kaya ay suwayin ang Kanyang instruksyon? Ano ang naramdaman mo? Ano ang sinasabi sa Deuteronomio 30:11โ€“14 tungkol sa nilalaman ng puso ng Diyos habang sinusunod natin Siya?


๐—”๐—ฃ๐—ฃ๐—Ÿ๐—œ๐—–๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก
โ€ข Nagkukwento tayo sa susunod na henerasyon tungkol sa Diyos upang pagkalooban sila ng pananampalataya at pag-asa. Ano ang isang bagay na nais mong paniwalaan at panghawakan ng susunod na henerasyon?
โ€ข Kapag tila maayos ang buhay natin, nagiging madaling kalimutan ang Diyos. Kapag nahihirapan tayo, maaaring umasa tayo sa sarili nating lakas. Ano ang isang bagay na maaari mong simulang gawin upang alalahanin at kilalanin si Jesus araw-araw?
โ€ข Ang bawat sitwasyon, mabuti man o hindi, ay isang pagkakataon upang palakasin ang ating pananampalataya at buhayin ang ating pag-asa. Ano ang isang bagay na maaari mong sanayin ang iyong sarili na gawin upang makita mo ang pananaw ng Diyos sa bawat sitwasyon?


๐—ฃ๐—ฅ๐—”๐—ฌ๐—˜๐—ฅ
โ€ข Pasalamatan ang Diyos dahil naglagay Siya ng mga tao sa buhay mo na maaaring magkaloob sa iyo ng pananalig at pag-asa. Manalangin na bilang isang magulang, guro, kapwa estudyante, o kung paano ka man nakikipag-ugnayan sa susunod na henerasyon, gagamitin ka ng Diyos upang makilala nila Siya at makapamuhay sila ayon sa Kanyang pamamaraan.
โ€ข Ipanalangin na magkaroon ka ng pananampalataya na ibigay sa Diyos ang pamamahala sa mga sitwasyon sa iyong buhay. Maniwala na habang patuloy kang sumusunod sa Kanya, tutuparin Niya ang Kanyang layunin para sa iyo.
โ€ข Hingin sa Diyos na palakasin ang iyong pananampalataya, maging sa mga malungkot o mahirap na mga sitwasyon. Ipanalangin na mananatili ang pag-asa mo kay Cristo at maibabahagi mo ang pag-asang ito sa iba.