𝗪𝗔𝗥𝗠 𝗨𝗣
• Ano ang pinakagusto mo tungkol sa Pasko? Bakit?
• Paano mo ilalarawan sa isang tao ang taong hinahangaan o kinatutuwaan mo? Ano tungkol sa taong ito ang pinakakapansin-pansin para sa iyo?
• Paano mo ilalarawan ang kapayapaan? Bakit ito ang naiisip mo?
𝗪𝗢𝗥𝗗
𝘚𝘢𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘵 𝘪𝘴𝘪𝘯𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘨𝘢𝘺𝘰𝘯 𝘴𝘢 𝘉𝘦𝘵𝘭𝘦𝘩𝘦𝘮, 𝘴𝘢 𝘣𝘢𝘺𝘢𝘯 𝘯𝘪 𝘏𝘢𝘳𝘪𝘯𝘨 𝘋𝘢𝘷𝘪𝘥, 𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘯𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘛𝘢𝘨𝘢𝘱𝘢𝘨𝘭𝘪𝘨𝘵𝘢𝘴, 𝘢𝘯𝘨 𝘊𝘳𝘪𝘴𝘵𝘰 𝘯𝘢 𝘴𝘪𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘗𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯𝘰𝘰𝘯. 𝘐𝘵𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘭𝘢𝘵𝘢𝘯𝘥𝘢𝘢𝘯 𝘶𝘱𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘬𝘪𝘭𝘢𝘭𝘢 𝘯𝘪𝘯𝘺𝘰 𝘴𝘪𝘺𝘢: 𝘮𝘢𝘬𝘪𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘯𝘪𝘯𝘺𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘯𝘨𝘨𝘰𝘭 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘣𝘢𝘣𝘢𝘭𝘰𝘵 𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘮𝘱𝘪𝘯 𝘢𝘵 𝘯𝘢𝘬𝘢𝘩𝘪𝘨𝘢 𝘴𝘢 𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘣𝘴𝘢𝘣𝘢𝘯.” 𝘗𝘢𝘨𝘬𝘢𝘵𝘢𝘱𝘰𝘴 𝘮𝘢𝘨𝘴𝘢𝘭𝘪𝘵𝘢 𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘨𝘩𝘦𝘭, 𝘣𝘪𝘨𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘨𝘱𝘢𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘱𝘢𝘬𝘢𝘳𝘢𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘨𝘩𝘦𝘭 𝘢𝘵 𝘴𝘢𝘮𝘢-𝘴𝘢𝘮𝘢 𝘴𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘨𝘱𝘶𝘳𝘪 𝘴𝘢 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴. 𝘚𝘪𝘯𝘢𝘣𝘪 𝘯𝘪𝘭𝘢, “𝘗𝘶𝘳𝘪𝘩𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴 𝘴𝘢 𝘭𝘢𝘯𝘨𝘪𝘵! 𝘔𝘢𝘺 𝘬𝘢𝘱𝘢𝘺𝘢𝘱𝘢𝘢𝘯 𝘯𝘢 𝘴𝘢 𝘭𝘶𝘱𝘢, 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘵𝘢𝘰𝘯𝘨 𝘬𝘪𝘯𝘢𝘭𝘶𝘭𝘶𝘨𝘥𝘢𝘯 𝘯𝘪𝘺𝘢!” 𝗟𝗨𝗖𝗔𝗦 𝟮:𝟭𝟭-𝟭𝟰
Ipinangako ng Diyos sa Kanyang mga mamamayan na magpapadala Siya ng isang Tagapagligtas na Hari na magpapanumbalik ng katarungan at katuwiran. Totoong tinupad ng Diyos ang Kanyang pangako, pero higit pa dito ang ginawa Niya. Ibinigay Niya ang Kanyang anak na si Jesus, upang mahimalang maging tao at mamuhay kasama ang sangkatauhan. Maaaring magtaka ang ilan kung bakit pinili ni Jesus na maging tao. Maaari naman Siyang manatiling banal at tubusin ang Kanyang mga mamamayan sa simula pa lamang. Pero higit pa rito ang plano ng Diyos. Ngayong araw, tingnan natin kung bakit pinili ng Diyos na ipakilala ang sarili Niya bilang isang tao at kung ano ang sinasabi nito sa atin tungkol sa kung sino Siya.
𝟭. 𝗦𝗶 𝗝𝗲𝘀𝘂𝘀 𝗮𝘆 𝗻𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗼 𝘂𝗽𝗮𝗻𝗴 𝗶𝗽𝗮𝗵𝗮𝘆𝗮𝗴 𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗱𝗮𝗸𝗶𝗹𝗮𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗗𝗶𝘆𝗼𝘀.
“𝙋𝙪𝙧𝙞𝙝𝙞𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝘿𝙞𝙮𝙤𝙨 𝙨𝙖 𝙡𝙖𝙣𝙜𝙞𝙩! 𝘔𝘢𝘺 𝘬𝘢𝘱𝘢𝘺𝘢𝘱𝘢𝘢𝘯 𝘯𝘢 𝘴𝘢 𝘭𝘶𝘱𝘢, 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘵𝘢𝘰𝘯𝘨 𝘬𝘪𝘯𝘢𝘭𝘶𝘭𝘶𝘨𝘥𝘢𝘯 𝘯𝘪𝘺𝘢!” 𝗟𝗨𝗖𝗔𝗦 𝟮:𝟭𝟰
𝘕𝘢𝘨𝘬𝘢𝘵𝘢𝘸𝘢𝘯𝘨-𝘵𝘢𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘚𝘢𝘭𝘪𝘵𝘢 𝘢𝘵 𝘯𝘢𝘮𝘶𝘩𝘢𝘺 𝘯𝘢 𝘬𝘢𝘴𝘢𝘮𝘢 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯.𝙉𝙖𝙠𝙞𝙩𝙖 𝙣𝙖𝙢𝙞𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙙𝙖𝙠𝙞𝙡𝙖𝙖𝙣 𝙣𝙞𝙮𝙖 𝙗𝙞𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙞𝙨𝙖-𝙞𝙨𝙖𝙣𝙜 𝘼𝙣𝙖𝙠 𝙣𝙜 𝘼𝙢𝙖. 𝘗𝘶𝘴𝘱𝘰𝘴 𝘴𝘪𝘺𝘢 𝘯𝘨 𝘣𝘪𝘺𝘢𝘺𝘢 𝘢𝘵 𝘱𝘢𝘸𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘵𝘰𝘵𝘰𝘩𝘢𝘯𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘴𝘪𝘯𝘢𝘴𝘢𝘣𝘪 𝘯𝘪𝘺𝘢. 𝗝𝗨𝗔𝗡 𝟭:𝟭𝟰
Ikinuwento ng Bibliya ang iba’t ibang kwento na nagpapakita ng Kanyang karangalan sa mga tao. Minsan, ipinapakilala Niya ang Kanyang sarili sa pamamagitan ng kalikasan. Minsan, nagpapadala Siya ng mga anghel. Pero ang kapanganakan ni Jesus ay ang pinakadakilang pagpapahayag ng Diyos ng Kanyang kadakilaan. Si Jesus ang liwanag ng kadakilaan ng Diyos. Dahil ang sangkatauhan ay may kapintasan at nahulog sa kasalanan, sinadya ng Diyos ang paggamit sa isang tao bilang isang sisidlang magpapahayag kung sino siya. Noong panahon Niya, nasulyapan ng mga nakapalibot kay Jesus kung ano ang larawan ng Diyos. Ang himalang ito ay nagpapatuloy para sa atin sa kasalukuyan. Makikilala natin kung sino ang Diyos at ang likas Niyang katangian sa pamamagitan ni Jesus. Ano ang natutunan mo tungkol sa karangalan ng Diyos sa pamamagitan ng pamumuhay mo nang kasama si Jesus?
𝟮. 𝗦𝗶 𝗝𝗲𝘀𝘂𝘀 𝗮𝘆 𝗻𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗼 𝘂𝗽𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗶𝗽𝗮𝗸𝗶𝘁𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗯𝗼𝗿 𝗻𝗴 𝗗𝗶𝘆𝗼𝘀.
“𝘗𝘶𝘳𝘪𝘩𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴 𝘴𝘢 𝘭𝘢𝘯𝘨𝘪𝘵! 𝘔𝘢𝘺 𝘬𝘢𝘱𝘢𝘺𝘢𝘱𝘢𝘢𝘯 𝘯𝘢 𝘴𝘢 𝘭𝘶𝘱𝘢, 𝙨𝙖 𝙢𝙜𝙖 𝙩𝙖𝙤𝙣𝙜 𝙠𝙞𝙣𝙖𝙡𝙪𝙡𝙪𝙜𝙙𝙖𝙣 𝙣𝙞𝙮𝙖!” 𝗟𝗨𝗖𝗔𝗦 𝟮:𝟭𝟰
𝘕𝘢𝘨𝘬𝘢𝘵𝘢𝘸𝘢𝘯𝘨-𝘵𝘢𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘚𝘢𝘭𝘪𝘵𝘢 𝘢𝘵 𝙣𝙖𝙢𝙪𝙝𝙖𝙮 𝙣𝙖 𝙠𝙖𝙨𝙖𝙢𝙖 𝙣𝙖𝙩𝙞𝙣. 𝘕𝘢𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘯𝘢𝘮𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘥𝘢𝘬𝘪𝘭𝘢𝘢𝘯 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘣𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘪𝘴𝘢-𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘈𝘯𝘢𝘬 𝘯𝘨 𝘈𝘮𝘢. 𝘗𝘶𝘴𝘱𝘰𝘴 𝘴𝘪𝘺𝘢 𝘯𝘨 𝘣𝘪𝘺𝘢𝘺𝘢 𝘢𝘵 𝘱𝘢𝘸𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘵𝘰𝘵𝘰𝘩𝘢𝘯𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘴𝘪𝘯𝘢𝘴𝘢𝘣𝘪 𝘯𝘪𝘺𝘢. 𝗝𝗨𝗔𝗡 𝟭:𝟭𝟰
Dahil sa kasalanan, may malaking agwat sa pagitan ng tao at ng Diyos. Parang magkukulang tayo at hindi natin maaabot ang pamantayan at karangalan ng Diyos magpakailanman. Pero dahil mahal tayo ng Diyos, pinadala Niya ang Kanyang anak upang maging tao upang makatanggap tayo ng pabor mula sa kanya. Bilang isang tao, nadarama rin ni Jesus ang ating kahinaan (Mga Hebreo 4:15). Naramdaman Niya ang ating mga hinanakit at nagdusa Siya gaya natin. Pero ipinakita Niya kung gaano kabuti ang Diyos at lumapit Siya sa atin kahit pa tayo’y mga makasalanan. Siya ang ating naging Punong Pari upang tayo ay mapatawad sa ating mga kasalanan at Siya ang nagsilbing tulay upang maibalik tayo sa tamang ugnayan sa Diyos. Ang kapatawaran Niya ang pangunahing tanda ng pabor ng Diyos. Paano ipinakita ni Jesus ang Kanyang pabor sa buhay mo?
𝟯. 𝗦𝗶 𝗝𝗲𝘀𝘂𝘀 𝗮𝘆 𝗻𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗼 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝗶𝗯𝗶𝗴𝗮𝘆 𝘀𝗮 𝗮𝘁𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗽𝗮𝘆𝗮𝗽𝗮𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗗𝗶𝘆𝗼𝘀.
“𝘗𝘶𝘳𝘪𝘩𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴 𝘴𝘢 𝘭𝘢𝘯𝘨𝘪𝘵! 𝙈𝙖𝙮 𝙠𝙖𝙥𝙖𝙮𝙖𝙥𝙖𝙖𝙣 𝙣𝙖 𝙨𝙖 𝙡𝙪𝙥𝙖, 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘵𝘢𝘰𝘯𝘨 𝘬𝘪𝘯𝘢𝘭𝘶𝘭𝘶𝘨𝘥𝘢𝘯 𝘯𝘪𝘺𝘢!” 𝗟𝗨𝗖𝗔𝗦 𝟮:𝟭𝟰
Kadalasan, naiuugnay natin ang kapayapaan sa katahimikan at katiwasayan. Ngunit higit pa dito ang kapayapaang ibinibigay ng Diyos. Ang pagiging tao ni Jesus ang paraan ng Diyos upang maibigay ang kabuuan at kagalingan sa sangkatauhan. Sa katunayan, ang salitang shalom, ang salitang Hebreo para sa kapayapaan, ay nangangahulugan ng kabuuan. Kay Jesus, walang nawawala o nasirang bahagi. Ang kapayapaang mula sa Kanya ay nagdadala ng kapayapaan at pagpapanumbalik. Hindi lamang tayo nagkakaroon ng kapayapaan sa ating kalooban, kundi naibalik din ang kapayapaan sa ugnayan natin sa Diyos. Dahil sa sakripisyo ni Jesus sa krus, tayong mga nagtitiwala sa Kanya ay nakatanggap ng kapatawaran sa ating mga kasalanan, at kumikilos din Siya sa atin upang maipanumbalik ang anumang nasira dahil sa kasalanan. Hindi natin kailangang hintayin na makarating sa langit dahil ngayon pa lamang ay kumikilos na sa atin ang Diyos para magdala ng pagpapanumbalik sa ating buhay. Paano mo naranasan ang kapayapaan ng Diyos sa buhay mo?
𝗔𝗣𝗣𝗟𝗜𝗖𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡
• May mga bahagi ba ng buhay mo na nangangailangan ng kapayapaan at pabor ng Diyos? Gusto mo bang magtiwala sa perpektong kapayapaan at kapatawarang tanging si Jesus lamang ang makapagbibigay?
• Si Jesus ay naging tao. Paano nito maaapektuhan ang pananaw mo tungkol sa iyong pagkatao? Naniniwala ka bang magagamit ka ng Diyos para sa Kanyang kapurihan sa kabila ng iyong mga kahinaan? Sa paanong paraan ka Niya tinatawag para gawin ito?
• Ipinakilala ng pagkatao at pagka-Diyos ni Jesus sa mga tao kung sino ang Diyos. Sa ilalim ng mensahe ngayong araw, paano mo maipapakita ang Diyos sa mga tao sa paligid mo?
𝗣𝗥𝗔𝗬𝗘𝗥
• Pasalamatan ang Diyos para kay Jesus, ang ating pinakadakilang himala, upang maranasan natin ang Kanyang kadakilaan, pabor, at kapayapaan. Pasalamatan ang Diyos sa pananahan kasama natin at pagpapanumbalik ng ugnayan natin sa Kanya.
• Ipanalangin na bigyan ka ng Diyos ng kapayapaan at kabuuan sa anumang bahagi ng buhay mo na tila may lamat. Hilingin sa Diyos na nawa ay humilom at manumbalik ang ugnayan mo sa mga tao sa iyong paligid.
• Ipanalangin na ngayong Kapaskuhan, bigyan ka ng Diyos ng kakayahang maipangaral at maipakilala Siya sa iba. Ipanalangin na ikaw ay maging buhay na patotoo ng kabutihan at biyaya ng Diyos.