icon__search

Ang Paghabol sa Salapi

Week 2

𝗪𝗔𝗥𝗠-𝗨𝗣

• Ano ang kadalasang pinagkakagastusan mo kada buwan? Bakit malaki ang gastos mo dito?

• Paano mo ipinapakita ang pagmamalasakit mo sa isang tao? Balikan ang isang pagkakataon na nagpapaliwanag nito?

• Ilarawan ang taong tumutustos sa mga pangangailangan ng pamilya mo. Ano ang isang bagay na ipinagpapasalamat mo sa kanya?


𝗪𝗢𝗥𝗗

𝘗𝘢𝘨𝘬𝘢𝘵𝘢𝘱𝘰𝘴, 𝘴𝘪𝘯𝘢𝘣𝘪 𝘯𝘪 𝘑𝘦𝘴𝘶𝘴 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘵𝘢𝘨𝘢𝘴𝘶𝘯𝘰𝘥 𝘯𝘪𝘺𝘢, “𝘒𝘢𝘺𝘢 𝘩𝘶𝘸𝘢𝘨 𝘬𝘢𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨-𝘢𝘭𝘢𝘭𝘢 𝘵𝘶𝘯𝘨𝘬𝘰𝘭 𝘪𝘯𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺—𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘯𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘬𝘢𝘪𝘯𝘪𝘯, 𝘰 𝘴𝘶𝘴𝘶𝘰𝘵𝘪𝘯. 𝘋𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘣𝘪𝘯𝘪𝘨𝘺𝘢𝘯 𝘬𝘢𝘺𝘰 𝘯𝘨 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴 𝘯𝘨 𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺, 𝘴𝘪𝘨𝘶𝘳𝘢𝘥𝘰𝘯𝘨 𝘣𝘪𝘣𝘪𝘨𝘺𝘢𝘯 𝘥𝘪𝘯 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘬𝘢𝘺𝘰 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘪𝘯 𝘢𝘵 𝘪𝘴𝘶𝘴𝘶𝘰𝘵.” 𝗟𝗨𝗖𝗔𝗦 𝟭𝟮:𝟮𝟮-𝟮𝟯


(Basahin din ang 𝗟𝗨𝗖𝗔𝗦 𝟭𝟮:𝟮𝟰-𝟯𝟰.)


Madalas na naiisip ng mga tao na "narating na nila ang tagumpay" kapag nagkaroon na sila ng maraming yaman at pag-aari. Ang mga pinakabagong 𝘨𝘢𝘥𝘨𝘦𝘵, pinakausong damit, at pinakabagong kotse ang naiisip nating kailangan natin para magkaroon ng maganda at ganap na buhay. Ngunit ipinaalala sa atin ni Jesus na 𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺 𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘰 𝘢𝘺 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘯𝘢𝘴𝘶𝘴𝘶𝘬𝘢𝘵 𝘴𝘢 𝘥𝘢𝘮𝘪 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨-𝘢𝘢𝘳𝘪 (Lucas 12:15). Iniimbitahan tayo ng Diyos na tingnan hindi lamang ang ating mga yaman at pag-aari at tingnan kung paano natin ipinamumuhay ang buhay na ibinigay Niya sa atin.

Sa araw na ito, itanong natin sa ating mga sarili ang tatlong mga katanungan na makakatulong para mapag-isipan kung ano ang pananaw natin sa buhay at sa ating mga pagmamay-ari.


𝟭. 𝗔𝗻𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗶𝗸𝗶𝗻𝗮𝗯𝗮𝗯𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮 𝗺𝗼? 

𝘗𝘢𝘨𝘬𝘢𝘵𝘢𝘱𝘰𝘴, 𝘴𝘪𝘯𝘢𝘣𝘪 𝘯𝘪 𝘑𝘦𝘴𝘶𝘴 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘵𝘢𝘨𝘢𝘴𝘶𝘯𝘰𝘥 𝘯𝘪𝘺𝘢, “𝘒𝘢𝘺𝘢 𝘩𝘶𝘸𝘢𝘨 𝘬𝘢𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨-𝘢𝘭𝘢𝘭𝘢 𝘵𝘶𝘯𝘨𝘬𝘰𝘭 𝘪𝘯𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺 —𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘯𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘬𝘢𝘪𝘯𝘪𝘯, 𝘰 𝘴𝘶𝘴𝘶𝘰𝘵𝘪𝘯. 𝘋𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘣𝘪𝘯𝘪𝘨𝘺𝘢𝘯 𝘬𝘢𝘺𝘰 𝘯𝘨 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴 𝘯𝘨 𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺, 𝘴𝘪𝘨𝘶𝘳𝘢𝘥𝘰𝘯𝘨 𝘣𝘪𝘣𝘪𝘨𝘺𝘢𝘯 𝘥𝘪𝘯 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘬𝘢𝘺𝘰 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘪𝘯 𝘢𝘵 𝘪𝘴𝘶𝘴𝘶𝘰𝘵.” 𝗟𝗨𝗖𝗔𝗦 𝟭𝟮:𝟮𝟮-𝟮𝟯


Sinabi sa atin ni Jesus kung bakit hindi tayo dapat mababahala sa mga pangangailangan natin sa pananamit, at pinoprotektahan Niya ang iba pang mga nilalang at hindi nila ito pinagtrabahuhan. Paano pa kaya tayong mga anak Niya? Sa pamamagitan ng paalalang ito, itinuturo tayo ni Jesus sa katotohanang maaari nating ipamuhay: Ginawa tayo ng Diyos, at tutustusan Niya ang mga pangangailangan natin. Mahalaga tayo sa mata ng Diyos at alam ng ating Ama sa langit kung ano ang kailangan natin bago pa man natin ito hingiin sa Kanya (Mateo 6:8). Paano ka natutulungan ng katotohanang ito ngayon?


𝟮. 𝗔𝗻𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗵𝗶𝗻𝗮𝗵𝗮𝗻𝗴𝗮𝗱 𝗺𝗼? 

“𝘚𝘢 𝘩𝘢𝘭𝘪𝘱, 𝘶𝘯𝘢𝘩𝘪𝘯 𝘯𝘪𝘯𝘺𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘱𝘢𝘣𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘩𝘢𝘳𝘪𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴 𝘢𝘵 𝘱𝘢𝘵𝘪 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘱𝘢𝘯𝘨𝘢𝘯𝘨𝘢𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨𝘢𝘯 𝘯𝘪𝘯𝘺𝘰 𝘢𝘺 𝘪𝘣𝘪𝘣𝘪𝘨𝘢𝘺 𝘯𝘪𝘺𝘢.” 𝗟𝗨𝗖𝗔𝗦 𝟭𝟮:𝟯𝟭


Pupunuin ng mga hinahangad natin ang ating mga puso, isipan, at kilos. Sinabi ni Jesus na ang alternatibo sa pagiging balisa ay ang paghahangad sa kaharian ng Diyos. Hindi natin hinahangad ang yaman at mga pag-aari dahil ipagkakaloob ng Diyos hindi lamang ang lahat ng kailangan natin, kundi higit pa rito. Siguradong-sigurado na ito. Maaari tayong maging panatag sa Diyos, at sa Kanya, nagiging ganap ang buhay natin. Ayon sa Lucas 12:32-33, ano ang ilan sa mga paraan upang maipakita natin na hinahangad natin ang kaharian ng Diyos?


𝟯. 𝗡𝗮𝘀𝗮𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝘆𝗮𝗺𝗮𝗻 𝗮𝘁, 𝘀𝗮𝗺𝗮𝗸𝗮𝘁𝘂𝘄𝗶𝗱, 𝗮𝘆 𝗽𝘂𝘀𝗼 𝗺𝗼?

“𝘚𝘢𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘵 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘴𝘢𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘺𝘢𝘮𝘢𝘯𝘢𝘯 𝘯𝘪𝘯𝘺𝘰, 𝘯𝘢𝘳𝘰𝘰𝘯 𝘥𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘶𝘴𝘰 𝘯𝘪𝘯𝘺𝘰.” 𝗟𝘂𝗰𝗮𝘀 𝟭𝟮:𝟯𝟰


Ipinakita ni Jesus sa Kanyang mga disipulo na sa huli, kung ano ang pinag-uukulan natin ng yaman, ito rin ang pahahalagahan natin. Kung nasaan ang kayamanan natin, narito ang puso natin at ito ang ating pahahalagahan. Kapag naglaan tayo ng kayamanan sa pagpapalaganap ng kaharian ng Diyos, ito ang magiging mahalaga sa ating mga puso. Ang bunga ng ating mga paglalaan ay hindi masisira. Ano ang ipinapahayag sa Lucas 12:33 tungkol sa nararapat na pananaw ng mga tagasunod ni Cristo?


𝗔𝗣𝗣𝗟𝗜𝗖𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡

• Ano ang namamalagi sa puso't isipan mo? Ano ang ilan sa mga praktikal na paraan para maalala mong tumugon nang may pananampalataya sa katotohanan na ang Diyos ay isang matapat na tagapagtustos ng mga pangangailangan?

• Pag-isipan ang mga nakaugalian mo nang gawin. Ano ang kadalasan mong pinaglalaanan ng iyong oras, pagsusumikap, at yaman? Paano mo maiaayon ang puso at kilos mo tungo sa kaharian ng Diyos?

• Sinabi ni Jesus na "𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺 𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘰 𝘢𝘺 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘯𝘢𝘴𝘶𝘴𝘶𝘬𝘢𝘵 𝘴𝘢 𝘥𝘢𝘮𝘪 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨-𝘢𝘢𝘳𝘪" (Lucas 12:15). Pag-isipan ang katotohanang ito sa susunod na linggo at yayain ang iba na gawin din ito.


𝗣𝗥𝗔𝗬𝗘𝗥

• Pasalamatan ang Diyos sa lagi Niyang pagbibigay ng mga pangangailangan mo bago mo pa ito hilingin sa Kanya. Hingin sa Kanya ang Biyaya para matanggal ang pagkabahala mo at para makatugon ka nang may pananampalataya tungkol sa mga pangangailangan mo.

• Hingin sa Diyos na palawakin ang pang-unawa mo sa buhay at kung paano mo magagamit ang iyong yaman ayon sa layunin ng Kanyang kaharian

• Ipanalangin sa Diyos na iayon Niya ang puso mo sa Kanyang kagustuhan, layunin, at plano para sa iyong buhay. Ipanalangin, nang bukas-palad at nang maluwag sa iyong puso, na pagpalain ka ng Diyos sa lahat ng bagay upang maging mapagbigay ka sa lahat ng pagkakataon.