icon__search

Anak ng Tao

Week 3

๐—ช๐—”๐—ฅ๐— -๐—จ๐—ฃ

โ€ข Sino ang pinakapinagkakatiwalaan mo? Bakit?

โ€ข Balikan ang isang pagkakataon kung kailan may ipinangako sa iyo ang isang tao. Natupad ba ng taong iyon ang kanyang pangako? Bakit oo o bakit hindi?

โ€ข Magkwento tungkol sa isang panahong naramdaman mo na hindi mo kayang tapusin ang isang bagay, pero natapos mo pa rin ito.ย ย 


๐—ช๐—ข๐—ฅ๐——

๐˜š๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜ช ๐˜•๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฆ๐˜ญ, โ€œ๐˜Ž๐˜ถ๐˜ณ๐˜ฐ, ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‹๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ๐˜ด! ๐˜’๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ณ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜๐˜ด๐˜ณ๐˜ข๐˜ฆ๐˜ญ!โ€ ๐˜š๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ๐˜บ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ช ๐˜‘๐˜ฆ๐˜ด๐˜ถ๐˜ด, โ€œ๐™Ž๐™ช๐™ข๐™–๐™ข๐™ฅ๐™–๐™ก๐™–๐™ฉ๐™–๐™ฎ๐™– ๐™ ๐™– ๐™—๐™– ๐™จ๐™– ๐™–๐™ ๐™ž๐™ฃ ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช๐˜ญ ๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช ๐˜ฌ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ต๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ช๐˜ต๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ฎ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜จ๐˜ฐ๐˜ด? ๐˜๐˜ช๐˜จ๐˜ช๐˜ต ๐˜ฑ๐˜ข ๐˜ณ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฌ๐˜ด๐˜ช๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฎ๐˜ฐ.โ€ ๐˜š๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช ๐˜ฑ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ๐˜บ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ช ๐˜‘๐˜ฆ๐˜ด๐˜ถ๐˜ด, โ€œ๐˜š๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช ๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ฐ๐˜ต๐˜ฐ๐˜ฐ, ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ช๐˜ต๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ช๐˜ต, ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ช๐˜ต๐˜ข ๐˜ณ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฉ๐˜ฆ๐˜ญ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‹๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ๐˜ด ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ข๐˜ฌ๐˜บ๐˜ข๐˜ต ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜›๐˜ข๐˜ฐ.โ€ย ๐—๐—จ๐—”๐—ก ๐Ÿญ:๐Ÿฐ๐Ÿต-๐Ÿฑ๐Ÿญ


(Basahin din ang ๐—๐—จ๐—”๐—ก ๐Ÿญ:๐Ÿฐ๐Ÿฏ-๐Ÿฐ๐Ÿด.)


Sa kwentong ito, kakatawag pa lamang ni Jesus sa una Niyang mga disipulo na sumunod sa Kanya. Kabilang dito si Felipe, na gustong-gustong ipakilala sa ibang tao si Jesus. Natagpuan ni Felipe si Natanael na nakaupo sa ilalim ng puno ng igos, at masigasig niyang sinabi sa kanya na dumating na ang taong binanggit ni Moises at ng mga propeta. May mga pagdududa si Natanael, pero nanampalataya siya dahil kay Jesus. Matapos nito ay pinuri ni Natanael si Jesus at tinawag Siyang Anak ng Diyos, habang higit pa rito ang ginawa ni Jesus sa pamamagitan ng pagpapahayag tungkol sa Anak ng Tao. Sa araw na ito, pag-aaralan natin ang mga titulong ito ni Jesus at ang kahalagahan nito habang ipinagdiriwangโ€”at maging matapos ipagdiwangโ€”ang Pasko.ย 


๐Ÿญ. ๐—ฆ๐—ถ ๐—๐—ฒ๐˜€๐˜‚๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—”๐—ป๐—ฎ๐—ธ ๐—ป๐—ด ๐——๐—ถ๐˜†๐—ผ๐˜€

๐˜š๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜ช ๐˜•๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฆ๐˜ญ, โ€œ๐˜Ž๐˜ถ๐˜ณ๐˜ฐ, ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‹๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ๐˜ด! ๐˜’๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ณ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜๐˜ด๐˜ณ๐˜ข๐˜ฆ๐˜ญ!โ€ ๐—๐—จ๐—”๐—ก ๐Ÿญ:๐Ÿฐ๐Ÿต


Nagduda si Natanael sa pahayag ni Felipe na ang taong binanggit ni Moises at ng mga propeta ay nagmula sa Nazaret, isang maliit at hindi maunlad na bayan na siguradong hindi panggagalingan ng isang hari. Pero iba ang ginagawa ng Diyos kaysa sa naiisip ng mga taoโ€”pinipili Niya ang mga mangmang at maliliit na bagay upang tuparin ang mga dakila Niyang plano. Nang sabihin ni Jesus na nakita Niya si Natanael bago pa man siya mapuntahan ni Felipe, nawala ang mga pagdududa ni Natanael at kinilala niya si Jesus bilang Anak ng Diyos. Ang titulong ito ay tumutukoy sa ipinangakong Haring Tagapagligtas mula sa lahi ni David, na magpapanumbalik sa Israel at maghahari nang may kapayapaan, katarungan, at katuwiran. Dahil sa kaalamang ito, paano nagbago ang pananaw mo tungkol sa tatlong dalubhasa na galing sa silangan na nagbigay kay Jesus ng mga regalo noong ipinanganak Siya (Mateo 2:1โ€“11)?


๐Ÿฎ. ๐—ฆ๐—ถ ๐—๐—ฒ๐˜€๐˜‚๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—”๐—ป๐—ฎ๐—ธ ๐—ป๐—ด ๐—ง๐—ฎ๐—ผ

๐˜š๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช ๐˜ฑ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ๐˜บ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ช ๐˜‘๐˜ฆ๐˜ด๐˜ถ๐˜ด, โ€œ๐˜š๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช ๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ฐ๐˜ต๐˜ฐ๐˜ฐ, ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ช๐˜ต๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ช๐˜ต, ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ช๐˜ต๐˜ข ๐˜ณ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฉ๐˜ฆ๐˜ญ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‹๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ๐˜ด ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ข๐˜ฌ๐˜บ๐˜ข๐˜ต ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜›๐˜ข๐˜ฐ.โ€ ๐—๐—จ๐—”๐—ก ๐Ÿญ:๐Ÿฑ๐Ÿญ


Ang sagot ni Natanael sa karunungan ni Jesus ay tila isang makamundo at politikal na pahayag. Ang hindi niya alam ay hindi lamang maghahari si Jesus sa mundo, kundi darating din ang kaharian ng langit. Sinabi sa kanya ni Jesus na magbubukas ang langit at makikita ang mga anghel ng Diyos na ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ข๐˜ฌ๐˜บ๐˜ข๐˜ต ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข sa Kanya na ๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜›๐˜ข๐˜ฐ. Habang iniuugnay ng iba ang titulong ito sa pagiging tao at pagpapakumbaba, ipinapahayag din nito ang dakila at makalangit na namumuno. Nakita ni Daniel ang Anak ng Tao na magtatatag ng walang hanggang kaharian at maghahari magpakailanman, hindi lamang sa Israel, kundi maging sa ibang bansa (Daniel 7:13โ€“14). Paano sinusuportahan ng katotohanang ito ang nangyaring pagkamatay at muling pagkabuhay ni Jesus para sa mga tao mula sa ibaโ€™t ibang kultura at pinanggalingan?


Ang larawang ipinakita ni Jesus kay Natanael ay ang katuparan ng katulad na pangitain ng kanilang ninunong si Jacob kung saan may mga anghel ng Diyos na umaakyat at bumababa ng hagdan (Genesis 28:10โ€“19). Sa huli, si Jesus ang nagsisilbing tulay ng langit at lupa. Siya ang daan upang makapunta sa langit, at Siya rin ang daan upang makababa ang langit dito sa lupa. Ang dalawang titulong ito ni Jesus ang nagpapatibay ng Kanyang pagiging tao at pagiging Diyos. Naipagdiriwang natin ang Pasko dahil bumaba si Cristo upang makasama natin Siya, at sa huliโ€™y ibinigay Niya ang Kanyang sarili bilang perpektong sakripisyo para sa ating kasalanan, upang magkaroon tayo ng buhay na walang hanggan sa Kanya.


๐—”๐—ฃ๐—ฃ๐—Ÿ๐—œ๐—–๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก

โ€ข Sabay na umiiral ang pagiging tao at pagiging Diyos ni Jesus. Sa pamamagitan nito, Siya ang naging daan upang dalhin ang tao sa Diyos, at ang langit sa lupa. Sa linggong ito, maglaan ng panahon para pag-isipan ang katotohanang ito at purihin ang Diyos.

โ€ข Ang pagiging tao at pagiging Diyos ni Jesus ay parehong nagbigay sa Kanya ng kakayahang tubusin ang sangkatauhan mula sa kasalanan. Paano pinalalakas ng katotohanang ito ang ugnayan mo sa Diyos?ย 

โ€ข Dumating si Jesus upang tubusin at pagharian ang lahat ng bansa. Ngayong Pasko, paano ka magiging isang pagpapala sa mga taong mula sa ibaโ€™t ibang kultura at pinanggalingan?


๐—ฃ๐—ฅ๐—”๐—ฌ๐—˜๐—ฅ

โ€ข Magpasalamat sa Diyos dahil sa pamamagitan ni Jesus, maaari tayong magkaroon ng buhay na walang hanggan kasama Siya. Humingi ng biyaya sa Diyos para maipamuhay mo ito dito sa lupaโ€”na pagtuunan ng puso mo ang mga bagay na walang hanggan, at hindi ang mga pansamantala lamang.ย 

โ€ข Ipanalangin na magawa mong pagkatiwalaan ang Diyos sa lahat ng bagay, at alisin Niya ang anumang takot o pagdududa na maaaring humadlang sa pagtitiwala mo sa Kanya at sa plano Niya sa iyong buhay.

โ€ข Ipanalangin na gamitin ka ng Diyos para pagpalain ang iba ngayong Pasko. Humingi ng karunungan sa Diyos at ng mga pagkakataon upang maipangaral mo ang ebanghelyo sa mga kaibigan at pamilya mo.