𝗪𝗔𝗥𝗠 𝗨𝗣
• Binigyan ka na ba ng isang gawain na wala kang karanasan o kakayahang gawin? Paano mo ito natapos?
• Balikan ang isang panahong pinagkatiwalaan ka ng isang tao na pangalagaan ang isang mahalagang bagay. Ano kaya ang dahilan kung bakit ka niya pinagkatiwalaan?
• Anong pamana ang gusto mong maiwan?
𝗪𝗢𝗥𝗗
𝘗𝘢𝘨𝘬𝘢𝘵𝘢𝘱𝘰𝘴, 𝘴𝘪𝘯𝘢𝘣𝘪 𝘯𝘪 𝘏𝘢𝘳𝘪𝘯𝘨 𝘋𝘢𝘷𝘪𝘥 𝘴𝘢 𝘭𝘢𝘩𝘢𝘵 𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘮𝘢𝘮𝘢𝘺𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘐𝘴𝘳𝘢𝘦𝘭, “𝘈𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘢𝘬 𝘬𝘰𝘯𝘨 𝘴𝘪 𝘚𝘰𝘭𝘰𝘮𝘰𝘯 𝘯𝘢 𝘱𝘪𝘯𝘪𝘭𝘪 𝘯𝘨 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴 𝘢𝘺 𝘣𝘢𝘵𝘢 𝘱𝘢 𝘢𝘵 𝘸𝘢𝘭𝘢 𝘱𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘳𝘢𝘯𝘢𝘴𝘢𝘯. 𝘔𝘢𝘭𝘢𝘬𝘪 𝘢𝘯𝘨 𝘨𝘢𝘸𝘢𝘪𝘯 𝘯𝘢 𝘪𝘵𝘰, 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘱𝘢𝘱𝘢𝘵𝘢𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘨𝘶𝘴𝘢𝘭𝘪 𝘢𝘺 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘵𝘢𝘰 𝘬𝘶𝘯𝘥𝘪 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘗𝘈𝘕𝘎𝘐𝘕𝘖𝘖𝘕𝘎 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴. 𝘎𝘪𝘯𝘢𝘸𝘢 𝘬𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘩𝘢𝘵 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘮𝘢𝘪𝘩𝘢𝘯𝘥𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘮𝘢𝘵𝘦𝘳𝘺𝘢𝘭𝘦𝘴 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘵𝘦𝘮𝘱𝘭𝘰 𝘯𝘨 𝘢𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴 . . .” 𝟭 𝗖𝗥𝗢𝗡𝗜𝗖𝗔 𝟮𝟵:𝟭–𝟮
(Basahin din ang 𝟭 𝗖𝗥𝗢𝗡𝗜𝗖𝗔 𝟮𝟵:𝟯–𝟯𝟬 at 𝟮 𝗖𝗥𝗢𝗡𝗜𝗖𝗔 𝟭–𝟮.)
Ang maka-Diyos na pamumuno ni David ay nagbigay sa kanya ng kakayahang makagawa ng maraming bagay pero ang nagbukod sa kanya sa iba ay ang kanyang pagsunod sa kagustuhan ng Diyos. Sa mga huling araw niya bilang hari ay ginusto niyang maitanim ang ganito ring pagmamahal sa Diyos sa kanyang anak na si Solomon. Kahit na 𝘣𝘢𝘵𝘢 𝘱𝘢 at 𝘸𝘢𝘭𝘢 𝘱𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘳𝘢𝘯𝘢𝘴𝘢𝘯 si Solomon ay pinili na siya ng Diyos na maging susunod na hari. Sa pagtatapos natin sa seryeng ito, tingnan natin ang tatlong bagay na nagbibigay ng lakas ng loob na mula sa mga ibinigay na pahayag habang tinutulungan natin ang susunod na henerasyon na maisagawa ang mga layunin ng Diyos para sa kanila.
𝟭. 𝗦𝘂𝗺𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴 𝘁𝗮𝘆𝗼 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗻𝗮𝗻𝗮𝗺𝗽𝗮𝗹𝗮𝘁𝗮𝘆𝗮 𝘂𝗽𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗸𝗮𝗽𝗮𝗴𝗵𝗮𝗻𝗱𝗮 𝗻𝗴 𝗽𝗹𝗮𝘁𝗮𝗽𝗼𝗿𝗺𝗮 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝘀𝘂𝘀𝘂𝗻𝗼𝗱 𝗻𝗮 𝗵𝗲𝗻𝗲𝗿𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻.
𝘗𝘢𝘨𝘬𝘢𝘵𝘢𝘱𝘰𝘴, 𝘴𝘪𝘯𝘢𝘣𝘪 𝘯𝘪 𝘏𝘢𝘳𝘪𝘯𝘨 𝘋𝘢𝘷𝘪𝘥 𝘴𝘢 𝘭𝘢𝘩𝘢𝘵 𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘮𝘢𝘮𝘢𝘺𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘐𝘴𝘳𝘢𝘦𝘭, “𝘈𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘢𝘬 𝘬𝘰𝘯𝘨 𝘴𝘪 𝘚𝘰𝘭𝘰𝘮𝘰𝘯 𝘯𝘢 𝘱𝘪𝘯𝘪𝘭𝘪 𝘯𝘨 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴 𝘢𝘺 𝘣𝘢𝘵𝘢 𝘱𝘢 𝘢𝘵 𝘸𝘢𝘭𝘢 𝘱𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘳𝘢𝘯𝘢𝘴𝘢𝘯. 𝘔𝘢𝘭𝘢𝘬𝘪 𝘢𝘯𝘨 𝘨𝘢𝘸𝘢𝘪𝘯 𝘯𝘢 𝘪𝘵𝘰, 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘱𝘢𝘱𝘢𝘵𝘢𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘨𝘶𝘴𝘢𝘭𝘪 𝘢𝘺 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘵𝘢𝘰 𝘬𝘶𝘯𝘥𝘪 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘗𝘈𝘕𝘎𝘐𝘕𝘖𝘖𝘕𝘎 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴. 𝘎𝘪𝘯𝘢𝘸𝘢 𝘬𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘩𝘢𝘵 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘮𝘢𝘪𝘩𝘢𝘯𝘥𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘮𝘢𝘵𝘦𝘳𝘺𝘢𝘭𝘦𝘴 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘵𝘦𝘮𝘱𝘭𝘰 𝘯𝘨 𝘢𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴 . . .” 𝟭 𝗖𝗥𝗢𝗡𝗜𝗖𝗔 𝟮𝟵:𝟭–𝟮
(Basahin din ang 𝟭 𝗖𝗥𝗢𝗡𝗜𝗖𝗔 𝟮𝟵:𝟮.)
Sa panahon ng kanyang paghahari ay dinala ni David ang Kahon ng Kasunduan sa Jerusalem at nais sana niyang magtayo ng templo upang may paglagyan ito. Ngunit hindi siya pinayagan ng Diyos at sa halip ay pinili Niya ang isa sa mga anak ni David na si Solomon upang isagawa ito. Buo ang loob na nanalig si David sa Diyos at ginawa ang lahat upang masiguro na ang kanyang anak ay maging handa sa pagpapatayo ng templo. Si David ay isang halimbawa kung paano pinapahalagahan ng mga mabubuting pinuno ang paghubog ng mga taong susunod sa kanila. Sino ang mga taong nakakita ng potensyal sa iyo? Paano ka nila inihanda na maging kung sino ka man sa kasalukuyan o sa hinaharap?
𝟮. 𝗞𝗶𝗹𝗮𝗹𝗮𝗻𝗶𝗻 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻 𝗮𝘁 𝗺𝗮𝗻𝗮𝗹𝗶𝗴 𝘁𝗮𝘆𝗼 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗸𝗮𝗸𝗮𝗹𝗼𝗼𝗯 𝗻𝗴 𝗗𝗶𝘆𝗼𝘀 𝗮𝘁 𝗽𝗮𝗴𝗯𝗶𝗯𝗶𝗴𝗮𝘆 𝗡𝗶𝘆𝗮 𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗸𝗮𝘆𝗮𝗵𝗮𝗻.
“𝘗𝘦𝘳𝘰 𝘴𝘪𝘯𝘰 𝘱𝘰 𝘣𝘢 𝘢𝘬𝘰 𝘢𝘵 𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘮𝘢𝘮𝘢𝘮𝘢𝘺𝘢𝘯 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘬𝘢𝘱𝘢𝘨𝘣𝘪𝘣𝘪𝘨𝘢𝘺 𝘬𝘢𝘮𝘪 𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘨-𝘶𝘶𝘮𝘢𝘱𝘢𝘸 𝘯𝘢 𝘬𝘢𝘭𝘰𝘰𝘣 𝘨𝘢𝘺𝘢 𝘯𝘪𝘵𝘰? 𝘓𝘢𝘩𝘢𝘵 𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘨𝘢𝘺 𝘢𝘺 𝘯𝘢𝘨𝘮𝘶𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘪𝘯𝘺𝘰, 𝘢𝘵 𝘪𝘣𝘪𝘯𝘢𝘣𝘢𝘭𝘪𝘬 𝘭𝘢𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘮𝘪𝘯 𝘴𝘢 𝘪𝘯𝘺𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘣𝘪𝘯𝘪𝘨𝘢𝘺 𝘯ʼ𝘺𝘰 𝘴𝘢 𝘢𝘮𝘪𝘯.” 𝟭 𝗖𝗥𝗢𝗡𝗜𝗖𝗔 𝟮𝟵:𝟭𝟰
(Basahin din ang 𝟭 𝗖𝗥𝗢𝗡𝗜𝗖𝗔 𝟮𝟵:𝟭𝟬–𝟭𝟯.)
Naintindihan ni David na lahat ng mayroon siya ay galing sa Diyos. Mahalaga para kay David na kilalanin ito upang maalala ng mga tao kung sino ang tunay nilang tagapagtustos at tagapagbigay ng kakayahan. Sa ginawa niyang ito ay hiniling ni David sa Diyos na ang kanyang anak na si Solomon ay maging tapat sa pagsunod sa Kanyang mga kaparaanan. Ang Diyos ang may likha ng lahat ng bagay. Kapag hiwalay sa Kanya ay hindi natin maisasabuhay ang tawag at layunin ng Diyos para sa ating buhay. Paano ipinapaalala sa iyo ng Diyos na Siya ang tagapagtustos para maisabuhay mo ang Kanyang tawag sa iyong buhay?
𝟯. 𝗣𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝗹𝗮𝗻 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻 𝗮𝘁 𝗶𝗽𝗮𝗴𝗽𝗮𝘁𝘂𝗹𝗼𝘆 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗴𝗶𝗻𝗮𝘄𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗵𝗮𝗵𝗮𝗻𝗱𝗮 𝗮𝘁 𝗽𝗮𝗺𝗮𝗻𝗮 𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗸𝗮-𝗗𝗶𝘆𝗼𝘀 𝗻𝗮 𝗸𝗼𝗺𝘂𝗻𝗶𝗱𝗮𝗱 𝗻𝗮 𝗻𝗮𝘂𝗻𝗮 𝘀𝗮 𝗮𝘁𝗶𝗻.
𝘒𝘢𝘺𝘢 𝘶𝘮𝘶𝘱𝘰 𝘴𝘪 𝘚𝘰𝘭𝘰𝘮𝘰𝘯 𝘴𝘢 𝘵𝘳𝘰𝘯𝘰 𝘯𝘨 𝘗𝘈𝘕𝘎𝘐𝘕𝘖𝘖𝘕 𝘣𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘩𝘢𝘳𝘪, 𝘬𝘢𝘱𝘢𝘭𝘪𝘵 𝘯𝘨 𝘢𝘮𝘢 𝘯𝘪𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘪 𝘋𝘢𝘷𝘪𝘥. 𝘕𝘢𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘶𝘯𝘭𝘢𝘥 𝘴𝘪 𝘚𝘰𝘭𝘰𝘮𝘰𝘯, 𝘢𝘵 𝘴𝘶𝘮𝘶𝘯𝘰𝘥 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘶𝘰𝘯𝘨 𝘐𝘴𝘳𝘢𝘦𝘭. 𝘕𝘢𝘯𝘨𝘢𝘬𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘩𝘢𝘵 𝘯𝘨 𝘰𝘱𝘪𝘴𝘺𝘢𝘭, 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘮𝘢𝘬𝘢𝘱𝘢𝘯𝘨𝘺𝘢𝘳𝘪𝘩𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘰, 𝘢𝘵 𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘩𝘢𝘵 𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘢𝘬 𝘯𝘢 𝘭𝘢𝘭𝘢𝘬𝘪 𝘯𝘪 𝘏𝘢𝘳𝘪𝘯𝘨 𝘋𝘢𝘷𝘪𝘥 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘨𝘱𝘢𝘱𝘢𝘴𝘢𝘬𝘰𝘱 𝘴𝘪𝘭𝘢 𝘬𝘢𝘺 𝘏𝘢𝘳𝘪𝘯𝘨 𝘚𝘰𝘭𝘰𝘮𝘰𝘯. 𝘕𝘪𝘭𝘰𝘰𝘣 𝘯𝘨 𝘗𝘈𝘕𝘎𝘐𝘕𝘖𝘖𝘕 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘯𝘺𝘢𝘨 𝘴𝘪 𝘚𝘰𝘭𝘰𝘮𝘰𝘯 𝘴𝘢 𝘣𝘶𝘰𝘯𝘨 𝘐𝘴𝘳𝘢𝘦𝘭 𝘢𝘵 𝘣𝘪𝘯𝘪𝘨𝘺𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘳𝘢𝘯𝘨𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘯𝘢𝘬𝘢𝘮𝘪𝘵 𝘯𝘨 𝘪𝘣𝘢𝘯𝘨 𝘩𝘢𝘳𝘪 𝘴𝘢 𝘐𝘴𝘳𝘢𝘦𝘭. 𝟭 𝗖𝗥𝗢𝗡𝗜𝗖𝗔 𝟮𝟵:𝟮𝟯–𝟮𝟱
Matalino si David at siniguro niyang hihigitan pa siya ni Solomon. Para kay David, ang sukatan ng tagumpay ay wala sa mga makamundong bagay kundi ay nasa pagsunod at pagiging tapat sa Diyos. Bilang tugon ay nagpatuloy si Solomon gamit ang pamana na iniwan ng kanyang ama at naging tanyag siya sa mga mamamayan ng Israel. Andito tayo sa ating kinaroroonan ngayon dahil may nauna na sa atin at naghanda ng landas para sa atin. Tayo man ay bata o matanda na, makakapagtrabaho tayo nang magkakasama upang mabigyan ang Diyos ng karangalan sa ating mga komunidad. Paano ka lumago mula sa mga aral na natutunan mo sa mga naging mentor o tagapagturo mo?
𝗔𝗣𝗣𝗟𝗜𝗖𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡
• Sino ang nagturo at gumabay sa iyo? Paano mo maipapakita ang iyong pasasalamat sa kanila ngayong linggo?
• Paano ka hahakbang nang may pananampalataya upang tulungan ang susunod na mga henerasyon na makilala ang Diyos at bigyan sila ng kakayahang maisagawa ang mga layunin ng Diyos sa kanilang buhay? Magbigay ng kahit tatlong mga praktikal na bagay na magagawa mo ngayong linggo.
• Paano mo maitatanim sa iyong isipan ang paghahanda sa mga susunod na henerasyon? Bakit mahalaga na makapag-iwan ka ng pamana at hindi lang tumanggap ng biyaya ng Diyos?
𝗣𝗥𝗔𝗬𝗘𝗥
• Pasalamatan ang Diyos para sa pribilehiyo na mabigyang karangalan at maipagpatuloy ang iniwan ng mga maka-Diyos na henerasyong nauna sa iyo. Hilingin sa Diyos na maitanim sa puso mo ang kagustuhang makapag-iwan ng isang maka-Diyos na pamana na dadalhin ng mga susunod na henerasyon.
• Ipanalangin ang pagbubukas ng mga pinto at pagkakataong makipag-ugnayan sa susunod na henerasyon sa iyong komunidad at tulungan silang lumago sa pagnanais na makipag-ugnayan din sa mga henerasyon sa hinaharap.
• Ipagdasal na mahalin, pagsilbihan, at bigyan ng karangalan ng susunod na henerasyon ang Diyos. Hilingin sa Diyos na biyayaan sila ng karunungan, tapang, at lakas.