𝗪𝗔𝗥𝗠 𝗨𝗣
• Isipin ang isang pagdiriwang na pinuntahan mo kamakailan lang. Gaano kahalaga na ipagdiwang ang kaganapang ito?
• May pang-araw-araw na ritwal ka ba o mga karaniwang ginagawa? Para saan ito at bakit mo ito ginagawa?
• Magbigay ng isa sa mga tradisyon ng pamilya mo. Ano ang sinasabi nito tungkol sa mga pinapahalagahan ninyo bilang isang pamilya?
𝗪𝗢𝗥𝗗
𝘔𝘢𝘳𝘢𝘮𝘪 𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘯𝘪𝘸𝘢𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘦𝘯𝘴𝘢𝘩𝘦 𝘢𝘵 𝘯𝘢𝘨𝘱𝘢𝘣𝘢𝘶𝘵𝘪𝘴𝘮𝘰 𝘢𝘨𝘢𝘥 𝘴𝘪𝘭𝘢. 𝘕𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘳𝘢𝘸 𝘯𝘢 𝘪𝘺𝘰𝘯, 𝘮𝘨𝘢 3,000 𝘵𝘢𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘥𝘢𝘨𝘥𝘢𝘨 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘮𝘢𝘯𝘢𝘯𝘢𝘮𝘱𝘢𝘭𝘢𝘵𝘢𝘺𝘢. 𝘕𝘢𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘴𝘪𝘨𝘢𝘴𝘪𝘨 𝘴𝘪𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘨-𝘢𝘢𝘳𝘢𝘭 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘪𝘵𝘪𝘯𝘶𝘵𝘶𝘳𝘰 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘢𝘱𝘰𝘴𝘵𝘰𝘭, 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘵𝘪𝘵𝘪𝘱𝘰𝘯 𝘣𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨𝘬𝘢𝘬𝘢𝘱𝘢𝘵𝘪𝘥, 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘩𝘢𝘩𝘢𝘵𝘪-𝘩𝘢𝘵𝘪 𝘯𝘨 𝘵𝘪𝘯𝘢𝘱𝘢𝘺, 𝘢𝘵 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘯𝘢𝘯𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯. 𝗠𝗚𝗔 𝗚𝗔𝗪𝗔 𝟮:𝟰𝟭–𝟰𝟮
Hinuhubog ng mga paniniwala natin ang ating mga ginagawa at mga tradisyon. Pagkatapos nilang marinig ang ebanghelyo mula kay Pedro, maraming disipulo ang nagpabautismo sa pananampalataya at ginustong sundin ang mga salita at pamamaraan ni Jesus. Ang debosyon nila ay hindi para sa kanilang kaligtasan kundi isang paraan para matanggap nila ang biyaya. Ang iba’t ibang paraan ng pagtanggap ng biyaya, kasama na ang mga sakramento, ay hindi mga paraan para matanggap natin ang kaligtasan. Sa halip, ang mga ito ay daan para mas maranasan pa natin ang biyaya ng Diyos habang isinasabuhay natin ang ating kaligtasan. Tingnan natin ang dalawang sakramento na si Jesus mismo ang nagtatag at kung bakit ginagawa pa rin natin ang mga ito sa ngayon.
𝟭. 𝗦𝗮 𝗽𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝗴𝗶𝘁𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝘀𝗮𝗸𝗿𝗮𝗺𝗲𝗻𝘁𝗼 𝗻𝗴 𝗸𝗼𝗺𝘂𝗻𝘆𝗼𝗻, 𝗶𝗻𝗮𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻 𝗮𝘁 𝗶𝗵𝗶𝗻𝗮𝗵𝗮𝘆𝗮𝗴 𝗸𝘂𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗴𝗶𝗻𝗮𝘄𝗮 𝗻𝗶 𝗝𝗲𝘀𝘂𝘀 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗮𝘁𝗶𝗻.
𝘢𝘵 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘵𝘢𝘱𝘰𝘴 𝘯𝘪𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨𝘱𝘢𝘴𝘢𝘭𝘢𝘮𝘢𝘵 𝘴𝘢 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴, 𝘩𝘪𝘯𝘢𝘵𝘪-𝘩𝘢𝘵𝘪 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘪𝘵𝘰 𝘢𝘵 𝘴𝘪𝘯𝘢𝘣𝘪, “𝘐𝘵𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘵𝘢𝘸𝘢𝘯 𝘯𝘢 𝘪𝘯𝘪𝘩𝘢𝘩𝘢𝘯𝘥𝘰𝘨 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘪𝘯𝘺𝘰. 𝘎𝘢𝘸𝘪𝘯 𝘯𝘪𝘯𝘺𝘰 𝘪𝘵𝘰 𝘣𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨-𝘢𝘭𝘢𝘢𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘢𝘬𝘪𝘯.” 𝘗𝘢𝘨𝘬𝘢𝘵𝘢𝘱𝘰𝘴 𝘯𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘶𝘮𝘢𝘪𝘯, 𝘨𝘢𝘯𝘰𝘰𝘯 𝘥𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘨𝘪𝘯𝘢𝘸𝘢 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘴𝘢 𝘪𝘯𝘶𝘮𝘪𝘯. 𝘒𝘪𝘯𝘶𝘩𝘢 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘪𝘵𝘰 𝘢𝘵 𝘴𝘪𝘯𝘢𝘣𝘪, “𝘈𝘯𝘨 𝘪𝘯𝘶𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘪𝘵𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘨𝘰𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘴𝘶𝘯𝘥𝘶𝘢𝘯 𝘯𝘢 𝘱𝘪𝘯𝘢𝘨𝘵𝘪𝘣𝘢𝘺 𝘯𝘨 𝘢𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘥𝘶𝘨𝘰. 𝘛𝘶𝘸𝘪𝘯𝘨 𝘪𝘪𝘯𝘶𝘮𝘪𝘯 𝘯𝘪𝘯𝘺𝘰 𝘪𝘵𝘰, 𝙜𝙖𝙬𝙞𝙣 𝙣𝙞𝙣𝙮𝙤 𝙗𝙞𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙜-𝙖𝙡𝙖𝙖𝙡𝙖 𝙨𝙖 𝙖𝙠𝙞𝙣.” 𝘚𝘢𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘵 𝘵𝘶𝘸𝘪𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘬𝘢𝘪𝘯 𝘬𝘢𝘺𝘰 𝘯𝘨 𝘵𝘪𝘯𝘢𝘱𝘢𝘺 𝘯𝘢 𝘪𝘵𝘰 𝘢𝘵 𝘪𝘪𝘯𝘰𝘮 𝘯𝘨 𝘪𝘯𝘶𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘪𝘵𝘰, 𝙞𝙥𝙞𝙣𝙖𝙥𝙖𝙝𝙖𝙮𝙖𝙜 𝙣𝙞𝙣𝙮𝙤 𝙖𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙢𝙖𝙩𝙖𝙮𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙣𝙜𝙞𝙣𝙤𝙤𝙣 𝙝𝙖𝙣𝙜𝙜𝙖𝙣𝙜 𝙨𝙖 𝙠𝙖𝙣𝙮𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙜𝙗𝙖𝙗𝙖𝙡𝙞𝙠. 𝟭 𝗖𝗢𝗥𝗜𝗡𝗧𝗢 𝟭𝟭:𝟮𝟰–𝟮𝟲
Pinagdiriwang natin ang Huling Hapunan o komunyon, hindi lamang para sa tradisyon, kundi para kilalanin at alalahanin ang buhay, kamatayan, at muling pagkabuhay ni Jesus na siyang nagbigay-daan para sa ating kaligtasan. Inaalala natin ang Kanyang katawan na inalay Niya para sa atin, at sa pamamagitan ng Kanyang mga sugat ay gagaling tayo (Isaias 53:5). Pinapasalamatan natin Siya para sa Kanyang dugo na ibinuhos para linisin ang ating mga kasalanan (1 Juan 1:7). Sa tuwing ginagawa natin ito, inihahayag natin ang ebanghelyo nang may pananampalataya at ang pag-asa na babalik muli si Jesus. Bakit mahalaga na alalahanin natin ang ginawa ni Jesus sa pamamagitan ng komunyon?
𝟮. 𝗦𝗮 𝗽𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝗴𝗶𝘁𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝘀𝗮𝗸𝗿𝗮𝗺𝗲𝗻𝘁𝗼 𝗻𝗴 𝗯𝗮𝘂𝘁𝗶𝘀𝗺𝗼, 𝗶𝗻𝗶𝘂𝘂𝗴𝗻𝗮𝘆 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝘀𝗮𝗿𝗶𝗹𝗶 𝘀𝗮 𝗴𝗶𝗻𝗮𝘄𝗮 𝗻𝗶 𝗝𝗲𝘀𝘂𝘀 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗮𝘁𝗶𝗻 𝘀𝗮 𝗵𝗮𝗿𝗮𝗽 𝗻𝗴 𝗽𝘂𝗯𝗹𝗶𝗸𝗼.
𝘒𝘢𝘺𝘢 𝘯𝘰𝘰𝘯𝘨 𝘣𝘪𝘯𝘢𝘶𝘵𝘪𝘴𝘮𝘶𝘩𝘢𝘯 𝘵𝘢𝘺𝘰, 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘵𝘢𝘺 𝘵𝘢𝘺𝘰 𝘢𝘵 𝘪𝘯𝘪𝘭𝘪𝘣𝘪𝘯𝘨 𝘯𝘢 𝘬𝘢𝘴𝘢𝘮𝘢 𝘯𝘪𝘺𝘢. 𝘒𝘶𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘢𝘯𝘰𝘯𝘨 𝘣𝘪𝘯𝘶𝘩𝘢𝘺 𝘮𝘶𝘭𝘪 𝘴𝘪 𝘊𝘳𝘪𝘴𝘵𝘰 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘮𝘢𝘮𝘢𝘨𝘪𝘵𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘥𝘢𝘬𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘱𝘢𝘯𝘨𝘺𝘢𝘳𝘪𝘩𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘈𝘮𝘢, 𝘵𝘢𝘺𝘰 𝘳𝘪𝘯 𝘢𝘺 𝘮𝘢𝘮𝘶𝘩𝘢𝘺 𝘴𝘢 𝘣𝘢𝘨𝘰𝘯𝘨 𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺. 𝗠𝗚𝗔 𝗧𝗔𝗚𝗔-𝗥𝗢𝗠𝗔 𝟲:𝟰
(Basahin din ang 𝗠𝗚𝗔 𝗧𝗔𝗚𝗔-𝗥𝗢𝗠𝗔 𝟲:𝟵-𝟭𝟬.)
Binibigyan tayo ng Ebanghelyo ayon kay Mateo ng ilang larawan tungkol sa bautismo at kahalagahan nito (Mateo 3:16; 28:19). Bilang mga mananampalataya, nakikibahagi tayo sa pagbautismo. Sa pamamagitan ng bautismo, inihahayag natin na noong namatay si Cristo, ang makasalanan nating mga sarili ay namatay kasama Niya. Tulad ng muling pagkabuhay ni Cristo, tayo rin ay muling mabubuhay kasama Niya sa isang 𝘣𝘢𝘨𝘰𝘯𝘨 𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺. Ang bautismo ay isang pagpapakita ng pananampalataya at pagsunod dahil naniniwala tayo sa ebanghelyo at umaasa tayo sa Diyos. Balikan ang panahong nagpabautismo ka sa tubig. Ano ang pananaw at pananampalatayang ipinahayag mo noong panahong ito?
𝟯. 𝗦𝗮 𝗽𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝗴𝗶𝘁𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝘀𝗮𝗸𝗿𝗮𝗺𝗲𝗻𝘁𝗼𝗻𝗴 𝗶𝘁𝗼, 𝘁𝗶𝗻𝗮𝘁𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗽 𝗮𝘁 𝗶𝘀𝗶𝗻𝗮𝘀𝗮𝗯𝘂𝗵𝗮𝘆 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗶𝘆𝗮𝘆𝗮 𝗻𝗴 𝗗𝗶𝘆𝗼𝘀.
𝘈𝘵 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘬𝘢𝘴𝘢𝘮𝘢 𝘵𝘢𝘺𝘰 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘮𝘢𝘵𝘢𝘺𝘢𝘯, 𝘵𝘪𝘺𝘢𝘬 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘣𝘶𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺 𝘵𝘢𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘶𝘭𝘪 𝘵𝘶𝘭𝘢𝘥 𝘯𝘨 𝘮𝘶𝘭𝘪 𝘯𝘪𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺. 𝘈𝘭𝘢𝘮 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯 𝘯𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘥𝘢𝘵𝘪 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘵𝘢𝘰 𝘢𝘺 𝘪𝘱𝘪𝘯𝘢𝘬𝘰 𝘯𝘢 𝘴𝘢 𝘬𝘳𝘶𝘴 𝘬𝘢𝘴𝘢𝘮𝘢 𝘯𝘪 𝘊𝘳𝘪𝘴𝘵𝘰 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘮𝘢𝘮𝘢𝘵𝘢𝘺, 𝘬𝘢𝘺𝘢 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘯𝘢 𝘵𝘢𝘺𝘰 𝘥𝘢𝘱𝘢𝘵 𝘢𝘭𝘪𝘱𝘪𝘯𝘪𝘯 𝘱𝘢 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘴𝘢𝘭𝘢𝘯𝘢𝘯. 𝗠𝗚𝗔 𝗧𝗔𝗚𝗔-𝗥𝗢𝗠𝗔 𝟲:𝟱–𝟲
Ang dalawang sakramentong ito ay itinala sa Bibliya bilang mga sakramentong ibinigay ni Jesus sa iglesya (1 Corinto 11:24–26 at Mateo 28:18–20). Ang mga gawaing ito ay paraan ng pagtanggap ng biyaya at nagsisilbing mga nakikitang palatandaan ng ginagawa ng Diyos sa mga mananampalataya. Kapag ginagawa natin ang komunyon o kaya ay nagpabautismo tayo, hindi ang paggawa ng mga ito ang nagiging dahilan para maging karapat-dapat tayong tumanggap ng biyaya ng Diyos. Sa halip, dahil sa mga gawaing ito na nagpapakita ng pananampalataya natin, inilalagay natin ang ating mga sarili sa lugar para mas maranasan pa ang Kanyang biyaya. Kapag naaalala natin ang kamatayan, pagkalibing, at muling pagkabuhay ni Jesus, nagkakaroon tayo ng lakas na magtagumpay laban sa kasalanan at mamuhay para sa Diyos sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Kanyang muling pagkabuhay. Paano tayo natutulungan ng biyaya ng Diyos para sundin Siya (Tito 2:11–14)?
𝗔𝗣𝗣𝗟𝗜𝗖𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡
• May mga nabuo ka bang kaisipan tungkol sa mga sakramento na maaaring hindi sang-ayon sa salita ng Diyos? Paano makakatulong sa iyo ang mga inaral natin ngayon para maiayon ang puso at motibasyon mo sa katotohanan?
• Nabautismuhan ka na ba sa tubig? Gusto mo bang ipahayag sa publiko ang iyong pananampalataya at iugnay ang iyong sarili sa kamatayan, pagkalibing, at muling pagkabuhay ni Jesus? Sa palagay mo, papaano ka matutulungan nito na lumago sa iyong karunungan at pagmamahal sa Diyos?
• Sa pamamagitan ng komunyon, ipinapahayag natin ang kamatayan ng Panginoon hanggang sa Kanyang pagbabalik. Kanino mo pwedeng ibahagi ang katotohanang nakakapagligtas tungkol kay Jesus ngayong linggo?
𝗣𝗥𝗔𝗬𝗘𝗥
• Pasalamatan ang Diyos sa pagpapadala Niya ng Kanyang Anak na si Jesus upang iligtas tayo. Pasalamatan Siya para sa mga sakramento na nagagawa natin upang ipagdiwang si Jesus at mas makatanggap pa ng biyaya mula sa Kanya.
• Hilingin sa Diyos na bigyan ka Niya ng tamang pang-unawa, motibasyon, at puso habang nakikibahagi ka sa mga sakramento. Manalangin na hindi mo isasantabi ang iyong kaligtasan na binayaran ni Cristo at lalago pa ang pagmamahal mo sa Diyos araw-araw.
• Ipanalangin na mamumuhay ka sa paraang patay sa kasalanan at buhay kay Cristo. Ipagdasal na magkaroon ka ng lakas ng loob na ibahagi ang ginawa ni Jesus sa mga nakapalibot sa iyo.