icon__search

Ang Mensahe ng Kaligtasan

Week 2

๐—ช๐—”๐—ฅ๐— -๐—จ๐—ฃ
โ€ข Noong bata ka, naglalaro ka ba ng mga ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ช๐˜ญ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ค๐˜ฌ, o pagbuo ng isang istraktura gamit ang mga laruang ibaโ€™t iba ang hugis? Ano ang kadalasan mong binubuo gamit ang mga ito?
โ€ข Natutuwa ka bang panoorin ang mga ๐˜ท๐˜ช๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ฐ o palabas tungkol sa pagsasaayos ng mga nasira o nalumang gamit o bahay? Bakit oo o bakit hindi?
โ€ข Anong mga kagamitan sa bahay ang gusto mong ginagamit sa ibaโ€™t ibang layunin o paraan?


๐—ช๐—ข๐—ฅ๐——
โ€œ๐˜š๐˜ช ๐˜‘๐˜ฆ๐˜ด๐˜ถ๐˜ด ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜ถ๐˜ต๐˜ถ๐˜ฌ๐˜ฐ๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ต๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜’๐˜ข๐˜ด๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ: โ€˜๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ช๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ธ๐˜ช๐˜ญ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ต๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ต๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ช๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ต๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ด๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ.โ€™ ๐˜ž๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ญ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜จ๐˜ต๐˜ข๐˜ด ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฌ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ด๐˜ช ๐˜‘๐˜ฆ๐˜ด๐˜ถ๐˜ด ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ.โ€ ๐— ๐—š๐—” ๐—š๐—”๐—ช๐—” ๐Ÿฐ:๐Ÿญ๐Ÿญโ€“๐Ÿญ๐Ÿฎ

(Basahin din ang ๐— ๐—š๐—” ๐—š๐—”๐—ช๐—” ๐Ÿฏ:๐Ÿญโ€“๐Ÿญ๐Ÿฌ; ๐Ÿฐ:๐Ÿญโ€“๐Ÿญ๐Ÿฌ.)

Ang mga pahayag na binasa natin ngayon ay tungkol sa isang himala. Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng pangalan ni Jesus, pinagaling nina Pedro at Juan ang isang lalaking ipinanganak na lumpo. Ang lalaki ay natuwa at nagdiwang, at ginamit ni Pedro ang pagkakataong ito upang ipangaral ang ebanghelyo ni Jesu-Cristo sa mga nakakita ng nangyaring himala. Dahil dito, sila ay inaresto at nakaranas ng pang-uusig sa harap ng isang grupo ng tao. Subalit buong tapang na ipinahayag nina Pedro at Juan na si Jesu-Cristo ang batong pundasyon. Sa araw na ito, titingnan natin ang mga aral na mapupulot natin sa binanggit na kwento.

๐Ÿญ. ๐—”๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ด๐˜๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐˜† ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐˜‚๐—ฎ๐—ป ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐˜† ๐—๐—ฒ๐˜€๐˜‚๐˜€.
โ€œ๐˜ž๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ญ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜จ๐˜ต๐˜ข๐˜ด ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฌ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ด๐˜ช ๐˜‘๐˜ฆ๐˜ด๐˜ถ๐˜ด ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ.โ€ ๐— ๐—š๐—” ๐—š๐—”๐—ช๐—” ๐Ÿฐ:๐Ÿญ๐Ÿฎ

Nang magsalita si Pedro sa harap ng mga tao, ipinaalala niya sa kanila kung bakit si Cristo, na ipinako sa krus, ang Anak ng Diyos at Tagapagligtas ng sangkatauhan. Naparito Siya sa lupa at namuhay nang walang anumang pagkakamali. Hindi Siya kailanman nagkasala, ngunit pinagdusahan Niya ang kamatayang para sa isang taong makasalanan at inako Niya ang kasalanan nating lahat. Matagumpay Siyang nabuhay muli upang ang lahat ng mananampalataya sa Kanya ay maibalik sa tamang ugnayan sa Diyos. Bago mo nakilala si Cristo, saan ka nagtiwala? Si Cristo lamang ang tanging makakapagligtas sa atin. Paano binago ng katotohanang ito ang buhay mo?

๐Ÿฎ. ๐—ง๐—ฎ๐˜†๐—ผ ๐—ฎ๐˜† ๐—ถ๐—ฏ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ธ ๐—ป๐—ถ ๐—๐—ฒ๐˜€๐˜‚๐˜€ ๐˜€๐—ฎ ๐˜๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐˜€ ๐—ฎ๐˜ ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ถ๐—ป๐˜‚๐—ฏ๐˜‚๐—ผ.
โ€œ. . . ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ต ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ข๐˜จ๐˜ข-๐˜๐˜ด๐˜ณ๐˜ข๐˜ฆ๐˜ญ, ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ข๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ณ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜บ๐˜ข๐˜ณ๐˜ช๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ช ๐˜‘๐˜ฆ๐˜ด๐˜ถ-๐˜Š๐˜ณ๐˜ช๐˜ด๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ต๐˜ข๐˜จ๐˜ข-๐˜•๐˜ข๐˜ป๐˜ข๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ต. ๐˜š๐˜ช๐˜บ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ณ๐˜ถ๐˜ด ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜บ, ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ต ๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ ๐˜ด๐˜ช๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‹๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ๐˜ด. ๐˜š๐˜ช ๐˜‘๐˜ฆ๐˜ด๐˜ถ๐˜ด ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜ถ๐˜ต๐˜ถ๐˜ฌ๐˜ฐ๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ต๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜’๐˜ข๐˜ด๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ: โ€˜๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ช๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ธ๐˜ช๐˜ญ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ต๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ต๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ช๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ต๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ด๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ.โ€™ ๐˜ž๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ญ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜จ๐˜ต๐˜ข๐˜ด ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฌ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ด๐˜ช ๐˜‘๐˜ฆ๐˜ด๐˜ถ๐˜ด ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ.โ€ ๐— ๐—š๐—” ๐—š๐—”๐—ช๐—” ๐Ÿฐ:๐Ÿญ๐Ÿฌโ€“๐Ÿญ๐Ÿฎ

Muling ipinaalala ni Pedro na si Jesus ng batong pundasyon na tinanggihan ng mga tao, subalit hinirang ng Diyos upang magdala ng kaligtasan para sa lahat. Ngunit ang kaligtasan na tinutukoy dito ni Pedro ay higit pa sa tagumpay laban sa kasalanan. Naranasan ng lumpo ang kaligtasang ito at ito ang nagdala sa kanya ng kagalingan at kalayaan sa kanyang nakapanlulumong sitwasyon. Ang kaligtasang makikita natin kay Jesus ay nagdudulot ng kabuuan at kapayapaanโ€”sa lahat ng bahagi ng ating buhay. Sa patuloy nating pagtatatag ng ating buhay sa Kanya, ang ating batong pundasyon, mararanasan
din natin ang kagalingan, kalayaan, pag-asa, pananampalataya, kagalakanโ€”sa madaling salita, ang lahat ng kailangan natin! Ayon sa Mga Gawa 3:6โ€“10, ano ang nangyari nang gumaling ang lumpo? Paano mo naranasan ang kaligtasan ng Diyos, kabilang na ang kagalingan at kabuuang nagmumula sa Kanya?

๐Ÿฏ. ๐—”๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ด๐˜๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป ๐—ธ๐—ฎ๐˜† ๐—–๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐˜๐—ผ ๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ถ๐—ฏ๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐˜€๐—ฎ ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—น๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜€ ๐—ป๐—ด ๐—น๐—ผ๐—ผ๐—ฏ ๐˜‚๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—น ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฒ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ต๐—ฒ๐—น๐˜†๐—ผ.
โ€œ๐˜ž๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ญ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜จ๐˜ต๐˜ข๐˜ด ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฌ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ด๐˜ช ๐˜‘๐˜ฆ๐˜ด๐˜ถ๐˜ด ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ.โ€ ๐˜•๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฉ๐˜ข ๐˜ด๐˜ช๐˜ญ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข ๐˜—๐˜ฆ๐˜ฅ๐˜ณ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ต ๐˜‘๐˜ถ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช๐˜ญ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ฃ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ด๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ต๐˜ข, ๐˜ญ๐˜ข๐˜ญ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ธ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ข๐˜ฐ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ช๐˜ญ๐˜ข ๐˜ข๐˜ต ๐˜ธ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ข๐˜ด ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ-๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ. ๐˜•๐˜ข๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฌ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ช๐˜ญ๐˜ขสผ๐˜บ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ช ๐˜‘๐˜ฆ๐˜ด๐˜ถ๐˜ด ๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ฏ. ๐— ๐—š๐—” ๐—š๐—”๐—ช๐—” ๐Ÿฐ:๐Ÿญ๐Ÿฎโ€“๐Ÿญ๐Ÿฏ

Dahil sina Pedro at Juan ay nanampalataya kay Jesus, pinuspos sila ng Banal na Espiritu ng kakayahang ipangaral ang Kanyang pangalan sa lahat ng lugar. Sa kabila ng oposisyon at pag-uusig, ipinangaral nila ang salita ni Cristo hindi lamang sa pagkakataong ito, kundi maging sa ibang mga bayan. Tulad nito, habang nananampalataya tayo kay Cristo, ang ating batong pundasyon, ibibigay Niya ang katapangan, karunungan, at kapangyarihang kinakailangan natin upang maipahayag ang ebanghelyo sa kabila ng mga kinakaharap nating pagsubok. Sa patuloy nating pananalig sa Kanyang mga katotohanan at pagkilos nang may pananampalataya, makikita natin ang mas marami pang buhay na magbabago at maipapanumbalik sa Kanya. Balikan ang isang pagkakataong ipinangaral mo ang ebanghelyo sa kabila ng iyong mga pag-aalinlangan o pagsubok na pinagdaraanan. Ano ang naging bunga nito?


๐—”๐—ฃ๐—ฃ๐—Ÿ๐—œ๐—–๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก
โ€ข Nanampalataya ka na ba kay Cristo lamang para sa iyong kaligtasan? Kung hindi pa, manalangin sa Kanya ngayon at tanggapin Siya bilang iyong Panginoon at Tagapagligtas.
โ€ข Sa anong bahagi ng buhay mo kailangang makaranas ng kaligtasang mula sa Diyos na nagdadala ng kagalingan at kabuuan sa ating buhay? Ibinabalik ka ng Diyos sa tamang ayos o disenyo. Paano nakakatulong ang kaalamang ito upang magtagumpay ka sa mga bahaging binanggit mo?
โ€ข Kanino ka inaakay ng Diyos upang ipangaral ang ebanghelyo? Hingin sa Diyos ang katapangan at ang mga pagkakataon upang maibahagi mo ngayong linggo ang katapatan ni Jesu-Cristo sa buhay mo at ang Kanyang kapangyarihang nakapagliligtas.


๐—ฃ๐—ฅ๐—”๐—ฌ๐—˜๐—ฅ
โ€ข Pasalamatan ang Diyos para sa kaligtasang matatagpuan kay Cristo lamang. Ipanalangin na biyayaan ka ng Diyos upang patuloy mong maisapamuhay ang kaligtasan mo at magawa nating magtiwala nang lubos sa Kanya lamang.
โ€ข Hingin sa Diyos na ipakita sa iyo ang mga bahagi ng buhay mo na nangangailangan ng Kanyang pagsasaayos at tagumpay. Ipanalangin na habang patuloy kang nananatili sa Kanya, ang batong pundasyon, patuloy mong mararanasan ang Kanyang kapayapaan at kabuuan.
โ€ข Ipanalangin ang mga pagkakataon at mga pusong handang tumanggap kay Jesus habang patuloy kang nangangaral ng ebanghelyo sa iyong pamilya at mga kaibigan. Ipanalangin na itatatag din nila ang kanilang buhay sa Kanya at ipapangaral din nila sa iba ang ebanghelyo.