icon__search

Ang Muling Pagkabuhay ni Cristo

Week 2

๐—ช๐—”๐—ฅ๐— -๐—จ๐—ฃ
โ€ข Balikan ang isang pagkakataon kung kailan nanalo ang paborito mong koponan sa sports sa kabila ng pangungulelat nila. Ano ang naramdaman mo?
โ€ข Nakakita ka na ba ng isang halaman na muling tumubo matapos itong putulin sa bahaging kapantay na ng lupa? Ano ang naging reaksyon mo dito?
โ€ข Naranasan mo na bang magkwento sa iba tungkol sa nakita o naranasan mo, at hindi nila ito pinaniwalaan sa umpisa? Paano mo sila nakumbinsi?


๐—ช๐—ข๐—ฅ๐——
๐˜š๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ต ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ญ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜บ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ: ๐˜•๐˜ข ๐˜ด๐˜ช ๐˜Š๐˜ณ๐˜ช๐˜ด๐˜ต๐˜ฐสผ๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜บ ๐˜ถ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜จ๐˜ต๐˜ข๐˜ด ๐˜ต๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ, ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ด๐˜ข ๐˜’๐˜ข๐˜ด๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ. ๐˜๐˜ฏ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ช๐˜บ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ต ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ข๐˜ต๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ธ, ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ด๐˜ข ๐˜’๐˜ข๐˜ด๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ. ๐˜•๐˜ข๐˜จ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ต๐˜ข ๐˜ด๐˜ช๐˜บ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ ๐˜—๐˜ฆ๐˜ฅ๐˜ณ๐˜ฐ, ๐˜ข๐˜ต ๐˜ด๐˜ข ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ 12 ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ฐ๐˜ด๐˜ต๐˜ฐ๐˜ญ. ๐Ÿญ ๐—–๐—ข๐—ฅ๐—œ๐—ก๐—ง๐—ข ๐Ÿญ๐Ÿฑ:๐Ÿฏโ€“๐Ÿฑ

(Basahin din ang ๐Ÿญ ๐—–๐—ข๐—ฅ๐—œ๐—ก๐—ง๐—ข ๐Ÿญ๐Ÿฑ:๐Ÿฒโ€“๐Ÿด, ๐Ÿญ๐Ÿฎโ€“๐Ÿญ๐Ÿต.)

Ang kamatayan ni Cristo ay hindi natapos sa krus o kaya ay sa libingan. Nang tila gumuho na ang lahat, binaligtad ng Diyos ang isang malinaw na pagkatalo at ginagawa itong mapagpakumbaba at maluwalhating tagumpay. Ang tagumpay na ito ay nakatahi sa buong Kasulatan at dito nakatatag ang ating buhay bilang mga Kristiyano. Kung wala ang muling pagkabuhay, walang ebanghelyo, at ang lahat ng mga pinaniniwalaan natin ay hindi totoo. Sa araw na ito, titingnan natin kung ano ang kahulugan ng muling pagkabuhay ni Cristo para sa atin at kung paano natin maibabahagi ang mabuting balita ng Kanyang tagumpay laban sa kasalanan at kamatayan.

๐Ÿญ. ๐——๐—ฎ๐—ต๐—ถ๐—น ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜† ๐˜€๐—ถ ๐—๐—ฒ๐˜€๐˜‚๐˜€, ๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐—ป๐—ฎ ๐˜๐—ฎ๐˜†๐—ผ ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜† ๐˜€๐—ฎ ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ป.
At kung si Cristoสผy hindi muling nabuhay, walang silbi ang inyong pananampalataya at hindi pa kayo napapatawad sa inyong mga kasalanan. 1 CORINTO 15:17

(Basahin din ang ๐— ๐—š๐—” ๐—ง๐—”๐—š๐—”-๐—ฅ๐—ข๐— ๐—” ๐Ÿฒ:๐Ÿด.)

Noong tinalo ni Jesus ang libingan, hindi lamang Siya nagtagumpay laban sa kamatayanโ€”tinalo din Niya ang kapangyarihan ng kasalanan sa ating mga buhay. Dahil sa naging sakripisyo Niya sa krus at sa pamamagitan ng pananampalataya sa Kanyang ginawa, ang mga mananampalataya ay hindi na mahahatulan sa kanilang kasalanan. At higit pa rito, natanggap din nila ang biyaya ng Diyos upang magawa nilang tumanggi sa kasalanan at makapamuhay nang matuwid kapiling ang Diyos. Paano ka natulungan ng katotohanang ito sa mga panahong nakakaranas ka ng tukso at pagkalito? Ano ang sinasabi sa Mga Taga-Roma 6:13 tungkol sa kung paano natin dapat iharap ang ating mga sarili sa Diyos?

๐Ÿฎ. ๐——๐—ฎ๐—ต๐—ถ๐—น ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜† ๐˜€๐—ถ ๐—๐—ฒ๐˜€๐˜‚๐˜€, ๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐—ป๐—ฎ ๐˜๐—ฎ๐˜†๐—ผ ๐—ป๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด-๐—ฎ๐˜€๐—ฎ.
At nangangahulugan din na ang mga mananampalataya kay Cristo na namatay na ay hindi naligtas. Kung ang pag-asa natin kay Cristo ay hanggang sa buhay na ito lamang, tayo ang pinakakawawa sa lahat ng tao. ๐Ÿญ ๐—–๐—ข๐—ฅ๐—œ๐—ก๐—ง๐—ข ๐Ÿญ๐Ÿฑ:๐Ÿญ๐Ÿดโ€“๐Ÿญ๐Ÿต

Mayroon tayong pag-asa sa hinaharap dahil sa ginawa ni Jesus sa krus. Ang pananampalataya natin ay may kabuluhan. Ang buhay natin ay hindi lamang puro pagsubok na kailangang harapin. At ang pagkaunawa na may pag-asa tayo kay Cristo ay nakakatulong sa atin na tumingin sa kinabukasan. Ang pag-asang ito ay hindi lamang para sa hinaharap. Kahit pa magdusa tayo at mamatay, ang pag-asa natin ay naka-angkla o nakabatay sa katotohanan na muli tayong mabubuhay kay Cristo at habambuhay natin Siyang makakapiling. Ito ang dakilang pag-asa ng mga mananampalataya. Paano binabago ng pag-asang dala ng ating muling pagkabuhay ang pananaw natin sa mga pagsubok at paghihirap na kasalukuyan nating kinakaharap? Ano ang sinasabi sa 2 Corinto 4:17โ€“18 tungkol sa pag-asa na mayroon tayo kay Cristo?

๐Ÿฏ. ๐——๐—ฎ๐—ต๐—ถ๐—น ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜† ๐˜€๐—ถ ๐—๐—ฒ๐˜€๐˜‚๐˜€, ๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐˜๐—ฎ๐˜†๐—ผ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ต๐˜‚๐˜„๐—ฎ๐—ฑ ๐—ป๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ๐—ธ๐˜€๐—ถ.
At kung si Cristoสผy hindi muling nabuhay, walang kabuluhan ang aming pangangaral, at wala ring silbi ang inyong pananampalataya. At hindi lang iyan, lalabas din na sinungaling kami tungkol sa Diyos dahil ipinapahayag namin na binuhay niyang muli si Cristo. ๐Ÿญ ๐—–๐—ข๐—ฅ๐—œ๐—ก๐—ง๐—ข ๐Ÿญ๐Ÿฑ:๐Ÿญ๐Ÿฐโ€“๐Ÿญ๐Ÿฑ

Ang muling pagkabuhay ni Cristo ang pundasyong bato ng ebanghelyo. Ito ang pagpapatunay ng pagka-Diyos at ng ministeryo ni Jesus. At hindi lamang ito isang kuwento. Isa itong katotohanan sa kasaysayan na nasaksihan ng higit sa 500 na katao (1 Corinto 15:6). Ang pagkaunawa sa katotohanang ito ay hindi lamang nagpapatunay ng batayan ng ating pananampalataya. Nagbibigay din ito sa atin ng lakas ng loob na makipag-ugnayan at maging saksi sa pagmamahal at sakripisyo ng Diyos. Tayo ang nagpapahayag ng pinakamahalagang katotohanan. Paano naaapektuhan ng katotohanang ito ang ating lakas ng loob na ipangaral ang ebanghelyo sa iba?

Habang pinag-iisipan natin ang bigat ng sakripisyo ng Diyos, nawa ay maalala nating ipahayag ang mabuting balita sa mga tao sa ating paligid. Nawa ay mabigyan tayo ng pagkakataon na ipakita sa kanila ang lawak ng biyaya at pagmamahal sa atin ng Diyos.


๐—”๐—ฃ๐—ฃ๐—Ÿ๐—œ๐—–๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก
โ€ข Maglaan ng panahon upang pag-isipan ang kinakailangan upang mabuhay tayo kay Cristo. Paano mo matutulungan ang iba na makita ang biyaya at katuwiran na nagmumula lamang sa Diyos?
โ€ข Paano ka nabigyan ng Diyos ng pag-asa? Ibahagi ito sa isang tao na nahihirapang makahanap ng pag-asa sa mga panahong ito.
โ€ข Isipin ang isang taong nangangailangang makarinig ng mensahe ng sakripisyo ni Cristo. Hingin sa Diyos ang pagkakataon na ipahayag ito sa kanya ngayong linggo.


๐—ฃ๐—ฅ๐—”๐—ฌ๐—˜๐—ฅ
โ€ข Ipagpasalamat sa Diyos na ang kasalanan at kamatayan ay wala nang kapangyarihan sa iyo. Purihin Siya sa Kanyang biyaya na nag-uumapaw sa buhay mo.
โ€ข Isuko sa Diyos ang lahat ng iyong takot at alalahanin. Ipanalangin na bigyan ka Niya ng kalakasan upang magawa mong panghawakan ang pag-asa na mayroon ka sa Kanya, anuman ang sitwasyon.
โ€ข Purihin ang Diyos para sa kaligtasan mo kay Cristo. Hangarin ang karunungan, biyaya, at lakas ng loob habang nagpapatotoo ka sa pag-asa at tagumpay na mayroon ka sa Kanya.